Christian Dance | "Ang Nais ng Puso Ko'y ang Mahalin ang Diyos" | Praise Song

Disyembre 1, 2024

I

Natatangay sa walang hangganang sekular na mundo,

hindi ko alam kung ano ang katotohanan.

Pagkatapos basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos,

saka ko lamang natuklasan ang mga misteryo ng buhay.

Ang bawat isa sa mga salita ng Diyos ay ang katotohanan

at ang siyang kailangan ng ating buhay.

Habang tinatamasa ko ang pagdidilig at pagbibigay sustansiya ng mga salita ng Diyos,

nauunawaan ko ang katotohanan at nararamdaman kong lumiliwanag ang puso ko.

Habang isinasagawa at dinaranas ko ang mga salita ng Diyos,

unti-unting lumalago ang aking buhay,

at mas lalong pinahahalagahan ng aking puso ang katotohanan;

ang mga salita ng Diyos ang mga salawikain ng buhay.

Si Cristo ang praktikal na Diyos;

ako'y nagpapuri at nagpapasalamat sa Diyos.

Ang pagnanais ng puso ko ay ang mahalin ang Diyos;

nais kong mahalin Siya magpasawalang hanggan!

II

Inilantad ng mga salita ng Diyos ang tunay na mukha

at pinanggagalingan ng sukdulang katiwalian ng tao:

Ang mga tao ay mapagmataas, palalo, makasarili, mapanlinlang,

at walang anumang konsensiya at katwiran.

Nais kong hangaring mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya,

gayunman, lagi akong mapanghimagsik at mapanlaban sa Kanya

may bahid ang napakarami sa ginugugol ko para sa Kanya,

at lahat ng ito'y ginagawa ko para lang ipagpalit sa mga pagpapala ng kaharian ng langit.

Kapag nakikita ko ang aking tiwali at napakapangit na pagmumukha,

napupuno ng pagsisisi at pagkamuhi-sa-sarili ang puso ko.

Nais kong tanggapin ang paghatol at pagdadalisay ng Diyos,

iwaksi ang aking katiwalian, at maging dalisay sa aking pagmamahal para sa Kanya.

Ang Makapangyarihang Diyos, ang aming minamahal;

ay karapat-dapat sa walang hanggang pagmamahal ng tao.

Ang pagnanais ng puso ko ay ang mahalin ang Diyos;

nais kong mahalin Siya magpasawalang hanggan!

III

Naipakita sa akin ng lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos

ang liwanag ng buhay ng tao.

Sa pamamagitan ng pagdurusa ng mga pagsubok at pagpipino,

nagkaroon ako ng pagkatakot at pagpapasakop sa Diyos.

Nadalisay at nailigtas ako ng Kanyang mga salita

mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas,

nagbago na ang disposisyon ko sa buhay,

at sa wakas, nagawa ko nang maging kaayon Niya.

Sa pamamagitan lamang ng pagdanas ng mga salita ng Diyos

ko nabatid na ang katotohanan ay ang buhay, at napakahalaga nito;

tanging sa pamamagitan ng pagwawaksi ng aking katiwalian at pagsasagawa ng katotohanan

ay nagagawa kong isabuhay ang tunay na wangis ng tao.

Si Cristo ang praktikal na Diyos,

at gagawin ko nang mabuti ang tungkulin ko para mapalugod ang puso Niya.

Ang pagnanais ng puso ko ay ang mahalin ang Diyos;

nais kong mahalin Siya magpasawalang hanggan!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin