Tagalog Christian Song | "Dapat Kang Magkaroon ng Determinasyon at Lakas ng Loob na Magawang Perpekto"

Hunyo 4, 2026

I

Sa ngayon, hindi ka maaaring makontento lamang sa kung paano ka malulupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang kung paano mo dapat tahakin ang landas na nasa iyong unahan. Dapat mayroon kang determinasyon at lakas ng loob na magawang perpekto, at hindi mo dapat laging isipin na wala kang kakayahan. Maaari bang magpakita ng anumang pagkiling ang katotohanan? Maaari bang sadyang kontrahin ng katotohanan ang mga tao? Kung hahangarin mo ang katotohanan, kaya ka ba nitong madaig? Kung maninindigan ka para sa katarungan, pababagsakin ka ba nito? Kung tunay ngang determinado kang hangarin ang buhay, kaya ka bang iwasan ng buhay?

II

Kung wala sa iyo ang katotohanan, hindi ito dahil sa hindi ka pinapansin ng katotohanan, kundi dahil sa lumalayo ka mula sa katotohanan; kung hindi mo kayang manindigan para sa katarungan, hindi iyon dahil sa may mali sa katarungan, kundi dahil sa naniniwala kang binabaluktot ng katarungan ang mga katunayan; kung hindi mo nakamit ang buhay pagkatapos ng maraming taong paghahangad, hindi iyon dahil ipinapakita sa iyo ng buhay ang kawalang-konsensiya, kundi dahil sa wala kang ipinapakitang konsensiya sa buhay, at naitaboy mo ang buhay; kung namumuhay ka sa liwanag pero hindi mo nakamit ang liwanag, iyon ay hindi dahil sa hindi ka kayang tanglawan ng liwanag, kundi dahil sa hindi mo binigyang-pansin ang pag-iral ng liwanag, at kaya tahimik kang nilisan ng liwanag.

III

Kung hindi ka naghahangad, masasabi na lamang na ikaw ay walang kuwentang basura, at walang lakas ng loob na mabuhay, at hindi mo taglay ang espiritu para labanan ang mga puwersa ng kadiliman. Masyado kang duwag! Hindi mo magawang kumawala sa pagkubkob ng mga puwersa ni Satanas, at nais mo lamang gugulin ang iyong buhay sa ganitong uri ng kapayapaan at seguridad, at mamatay sa kamangmangan. Ang paghahangad na malupig ang dapat mong kamtin; ito ang iyong nakatakdang obligasyon. Kung kontento ka lang na malupig, kung gayon, itinataboy mo ang pag-iral ng liwanag.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin