Christian Dance | "Nagpupuri at Umaawit Tayo sa Diyos" | Praise Song

Disyembre 23, 2024

I

Dinig natin tinig ng Diyos, sa Kanya bumabaling tayo,

sumusunod sa yapak ng Kordero.

Dumadalo tayo sa piging ni Cristo,

araw araw tayong kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos.

Nasisiyahan tayo sa pagdidilig at tustos ng Kanyang salita

at espiritu nati'y muling nabubuhay.

Binibigyang-liwanag tayo ng Banal na Espiritu para maarok natin ang katotohanan

at kilala natin ang praktikal na Diyos.

Ang buhay sa kaharian ay walang katulad ang kasaganahan,

ang Diyos mismo ang gumagabay at nagpapastol sa atin.

Isinasagawa natin ang katotohanan at tinutuoad ang mga tungkulin natin;

payapa't panatag ang puso natin.

Labis na nakapagpapalaya ang makawala mula kay Satanas,

maaari na tayong mamuhay sa harap ng Diyos.

Lahat ng ito'y Kanyang pag-aangat at biyaya,

may mas mapalad pa ba kaysa sa'tin?

II

Sa paghatol, mga pagsubok, at pagpipino,

nalilinis ang ating disposisyong sataniko.

Batid ang matuwid na disposisyon ng Diyos,

may takot tayo sa Diyos sa puso natin at iniiwasan natin ang kasamaan.

Sa pagdanas sa pag-uusig at paghihirap,

palaging pinapangunahan ng mga salita ng Diyos ang daan.

Ginawang perpekto ang pananalig natin,

naninindigan tayo sa patotoo natin at nakikita natin ang pagmamahal ng Diyos.

Nakamit natin ang dakilang pagliligtas ng Diyos,

umaawit tayo ng mga awit ng papuri sa Diyos.

Papuri sa Kanyang matuwid, banal na disposisyon,

ang Diyos ay labis na karapat-dapat sa walang hanggang pagmamahal ng tao.

Papuri sa karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat

ng gawain ng Diyos,

nalupig at natamo na Niya ang isang grupo ng mga tao.

Ang mga tao ng Diyos ay nagmamahal at nagpapasakop sa Kanya mula sa puso,

sasambahin namin Siya nang walang hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin