Christian Dance | "Ang Pagsunod kay Cristo sa Landas ng Liwanag" | Praise Song

Enero 6, 2025

I

Tunay na pinagpala ang ating henerasyon,

dahil sinalubong natin si Cristo sa mga huling araw.

Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos araw-araw,

naunawaan na natin ang katotohanan at nagkamit tayo ng pagkilatis.

Iniiwasan natin ang masasamang kalakaran ng mundo,

at hindi na natin hinahabol ang mga di-makatotohanang pangarap.

Hindi na tayo nalalason ng mga pilosopiya ni Satanas,

at unti-unti nang naglaho

ang mga damdamin natin ng kahungkagan at pasakit.

Ang bawat linya ng mga salita ng Diyos ay ang katotohanan,

at habang mas binabasa natin ang mga ito, mas lumiliwanag ang ating puso.

Ginagawa natin ang ating mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos

at nahahanap ang tunay na direksiyon sa buhay.

Dahil may mga salita ng Diyos na nagtutustos sa atin at gumagabay sa atin,

napakasaya natin na mamuhay sa harap ng Diyos!

Inihahandog natin ang ating pinakamagagandang awit

sa Makapangyarihang Diyos,

pinupuri Siya sa magpasawalang-hanggan.

II

Habang personal tayong pinapastol ni Cristo,

unti-unting lumalago ang ating buhay.

Ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos

ay lumilinis sa ating mga tiwaling disposisyon.

Bagaman nagdurusa tayo sa gitna ng mga pagpipino,

nagbabago ang ating mga disposisyon at napupuno ng tamis ang ating puso.

Iwinawaksi natin ang panlilinlang, pagiging huwad, at pagpapanggap,

at hindi na tayo makasarili, mapagmataas, o sutil.

Sa ating puso, nagagawa nating mahalin ang Diyos at magpasakop sa Diyos,

at sa wakas ay naisasabuhay natin ang kaunting wangis ng tao.

Nalilinis at nagbabago tayo,

at ang lahat ng ito ay biyaya ng Diyos.

Ang Makapangyarihang Diyos ang nagligtas sa atin

mula sa impluwensiya ni Satanas.

Inihahandog natin ang ating pinakamagagandang awit

sa Makapangyarihang Diyos,

pinupuri Siya sa magpasawalang-hanggan.

III

Ginagabayan tayo ng salita ng Diyos sa bawat hakbang natin,

para maging mga tao tayo.

Nagsasagawa tayo ng mga salita ng Diyos, nagpapasakop sa Diyos,

at nagiging matatapat na tao na minamahal ng Diyos.

Nilasap ko ang labis na pagmamahal ng Diyos,

at sa aking puso, naramdaman ko

ang higit pang pagmamahal at pagkakaugnay sa Kanya.

Determinado akong hangarin at kamtin ang katotohanan,

tuparin ang aking tungkulin, at suklian ang pagmamahal ng Diyos.

Napakaswerte natin na sumunod kay Cristo ng mga huling araw,

at ang landas ng buhay sa hinaharap ay nagiging mas maliwanag.

Naglilingkod tayo nang magkakasama nang may iisang puso at isipan,

at inihahandog natin ang buo nating pagkatao sa ebanghelyo ng kaharian.

Bagaman maaaring baku-bako at masalimuot ang landas sa harapan,

binibigyan tayo ng pananalig ng mga salita ng Diyos.

Gaano man kalaki ang mga panganib o kapighatian,

kukumpletuhin natin ang atas ng Diyos at mananatiling tapat hanggang sa huli.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin