Tagalog Testimony Videos, Ep. 949: Paglaya mula sa Kumunoy ng Pera, Kasikatan, at Pakinabang
Agosto 16, 2026
Nagpakapagod siya nang husto para matupad ang mga pangarap niya at mamukod-tangi, at para makasabay sa uso, nangutang siya para bumili ng bahay at kotse. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, naiwan siyang may malaking utang dahil sa isang aksidente sa sasakyan. Kasabay nito, tumama ang pandemya, at tumamlay ang ekonomiya. Nawalan siya ng pag-asa dahil sa mga pambayad ng hulog sa kotse, hulog sa bahay, at matataas na interes. Sa gitna ng kanyang pasakit, gumawa ng paraan ng Diyos at nilutas ang napakahirap niyang sitwasyon. Nang muling maharap sa matinding tukso ng pera, sasamantalahin ba niya ang pagkakataon para makabawi o gagawin niya nang maayos ang kanyang tungkulin at susuklian ang pagmamahal ng Diyos? Makakatakas kaya siya sa alimpuyo ng kasikatan at pakinabang sa pagkakataong ito?
Iba pang mga Uri ng Video