Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 502

Setyembre 23, 2020

Madalas na sabihin ng mga tao na ginawa nila ang Diyos bilang kanilang buhay, ngunit hindi pa nila maranasan ang puntong iyon. Sinasabi mo lamang na ang Diyos ay ang iyong buhay, na ginagabayan ka Niya araw-araw, na ikaw ay kumakain at umiinom ng Kanyang mga salita sa bawat araw, at nananalangin ka sa bawat araw, at sa gayon Siya ay dumating sa iyong buhay. Ang kabatiran ng mga nagsasabi nito ay napakababaw. Karamihan ng tao ay walang pundasyon; ang mga salita ng Diyos ay nakatanim sa kanilang kalooban, ngunit sisibol pa lang sila, mas lalong hindi pa mamumunga. Ngayon, hanggang saan ang iyong naranasan? Ngayon lang, matapos kang pilitin ng Diyos na umabot nang ganito kalayo, nararamdaman mo bang hindi mo kayang lisanin ang Diyos. Isang araw, kapag iyo nang naranasan hanggang sa isang tiyak na punto, kung paaalisin ka ng Diyos, hindi mo ito magagawa. Lagi mong mararamdaman na hindi mo kaya na wala ang Diyos sa iyong kalooban; makakaya mong walang asawang lalaki, asawang babae, o mga anak, walang pamilya, walang ina o ama, walang mga kasiyahang pang-katawang-tao, nguni’t hindi mo kaya na wala ang Diyos. Ang pagiging walang Diyos ay katulad ng pagkawala ng iyong buhay, hindi mo magagawang mabuhay nang walang Diyos. Kapag naranasan mo hanggang sa puntong ito, iyong maaabot ang sukatan ng iyong pananampalataya sa Diyos, at sa ganitong paraan ang Diyos ay magiging iyong buhay, Siya ay magiging pundasyon ng iyong pag-iral, at hindi mo na muling magagawang iwanan ang Diyos. Kapag mayroon ka nang karanasang ganito kalawak, ikaw ay tunay na nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging napakalapit, ang Diyos ang iyong magiging buhay, ang iyong pag-ibig, at sa oras na iyan ikaw ay mananalangin sa Diyos at magsasabi: O Diyos! Hindi Kita maaaring iwan, Ikaw ang aking buhay, kaya kong mabuhay nang wala ang kahit ano pa man—nguni’t kung wala Ka hindi ko kayang mabuhay. Ito ang tunay na tayog ng mga tao; ito ang tunay na buhay. Napilitan ang ilang tao na makarating hanggang sa layo ng narating nila ngayon: Kailangan nilang magpatuloy nais man nila o hindi, at lagi nilang nararamdaman na para silang nasa pagitan ng isang bato at isang matigas na lugar. Dapat mong maranasan na ang Diyos ay ang iyong buhay, na kung ang Diyos ay kinuha papalayo sa iyo ito ay magiging tulad ng pagkawala ng iyong buhay; dapat na maging buhay mo ang Diyos, at wala ka dapat kakayanang lisanin Siya. Sa ganitong paraan, mararanasan mo nang totohanan ang Diyos, at sa oras na ito, kapag muli mong inibig ang Diyos, iyong iibiging tunay ang Diyos, at ito ay magiging isang pang-isahang, purong pag-ibig. Isang araw kapag ang iyong mga karanasan ay ganoong nakaabot ang iyong buhay sa isang tiyak na punto, ikaw ay mananalangin sa Diyos, kakain at iinom ng mga salita ng Diyos, at hindi makakayang iwanan ang Diyos sa kalooban, at kahit na naisin mo, hindi mo magagawang kalimutan Siya. Diyos ang iyong magiging buhay; maaari mong kalimutan ang mundo, maaari mong kalimutan ang iyong asawa at mga anak, ngunit magkakaroon ka ng suliranin sa paglimot sa Diyos—iyon ay imposible, ito ay ang iyong tunay na buhay, at ang iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kapag ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos ay umabot sa isang tiyak na punto, wala sa mga mahal nila ang katumbas ng kanilang pagmamahal sa Diyos, Siya ang nangungunang pag-ibig nila, at sa ganitong paraan maaari nilang isuko ang kahit ano pa man, at kusang tatanggapin ang lahat ng pakikitungo at pagpupungos mula sa Diyos. Kapag nakamit mo ang isang pag-ibig ng Diyos na humihigit sa lahat, ikaw ay mamumuhay sa katotohanan, at sa pag-ibig ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger