Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 431

Oktubre 8, 2020

Dapat ay pinag-aaralan na ninyo ang mas makatotohanang mga aralin sa ngayon. Walang pangangailangan para sa gayong katayog, walang laman na pananalita na hinahangaan ng mga tao. Pagdating sa pagsasalita tungkol sa kaalaman, ang bawat tao ay mas mataas kaysa sa nauna, ngunit hindi pa rin nila taglay ang landas na isasagawa. Gaano karaming tao ang nakaintindi sa mga alituntunin ng pagsasagawa? Gaano karami ang natuto ng totoong mga aral? Sino ang makapagbabahagi tungkol sa realidad? Ang makapagsalita ukol sa kaalaman sa mga salita ng Diyos ay hindi maitutumbas sa iyong dalisay na tayog. Ipinakikita lamang nito na ikaw ay isinilang na matalino at likas na magaling. Wala pa rin itong saysay kung hindi mo maituturo ang daan, at ikaw ay walang kabuluhang basura lamang! Hindi ka lamang ba nagpapanggap kung wala kang masasabing anuman tungkol sa isang totoong landas na isasagawa? Hindi mo ba ito hinuhuwad kung hindi mo maiaalok ang iyong totoong mga karanasan sa iba, upang sa gayong paraan ay mabibigyan mo sila ng mga aral kung saan maaari silang matuto o isang landas na isasagawa? Hindi ka lamang ba isang huwad? Anong halaga ang taglay mo? Magagampanan lamang ng gayong tao ang bahagi ng “imbentor ng teorya ng sosyalismo,” hindi “nakapag-aambag sa pagpapairal ng sosyalismo.” Ang hindi pagkakaroon ng realidad ay hindi pagkakaroon ng katotohanan. Ang pagiging walang realidad ay pagiging walang kabuluhan. Ang pagiging walang realidad ay pagiging patay na naglalakad. Ang pagiging walang realidad ay pagiging isang “Marxist-Leninist na palaisip,” walang halaga bilang isang sanggunian. Hinihimok Ko ang lahat ng mga tao na manahimik tungkol sa mga teorya at magsalita tungkol sa isang bagay na totoo, isang bagay na dalisay at mahalaga, pag-aralan ang ilang “makabagong sining,” magsalita ukol sa isang bagay na makatotohanan, mag-ambag ng ilang realidad, at magkaroon ng ilang diwa ng katapatan. Harapin ang realidad kapag nagsasalita, at huwag makibahagi sa di-makatotohanan at labis na pagsasalita upang paligayahin ang mga tao o tumuwid ng upo at pansinin ka. Ano ang halaga ng gayon? Ano ang saysay ng paghihikayat sa mga tao na maging magiliw sila sa iyo? Maging medyo “masining” sa iyong pananalita, maging medyo mas patas pa sa iyong paggawi, maging mas makatwiran pa nang kaunti sa pangangasiwa mo sa mga bagay-bagay, maging medyo mas makatotohanan pa sa pagsasalita sa mga tao, laging isipin ang kapakanan ng tahahan ng Diyos sa bawat pagkilos, hayaang gabayan ng iyong konsensya ang iyong mga damdamin, huwag tumbasan ang kagandahang-loob ng pagkasuklam, o maging di-mapagpasalamat sa kagandahang loob, at huwag maging isang ipokrito, upang hindi maging isang masamang impluwensiya. Kapag kinakain mo at iniinom ang mga salita ng Diyos, lalong iugnay ang mga ito sa realidad, at kapag ikaw ay nagbabahagi, magsalita nang mas marami tungkol sa makatotohanang mga bagay. Huwag maging nakakahamak; hindi ito makasisiya sa Diyos. Sa mga pakikihalubilo mo sa iba, maging mas mapagparaya pa nang kaunti, mas mapagbigay pa nang kaunti, mas mabait pa nang kaunti, at matuto mula sa “espiritu ng punong ministro.” Kapag mayroon kang mga saloobin na hindi maganda, sanayin ang pagtalikod sa laman nang mas madalas. Kapag ikaw ay gumagawa, mas magsalita ka tungkol sa makatotohanang mga landasin, at huwag kang masyadong mataas magsalita, kung hindi ay hindi makakamit ng mga tao ang sasabihin mo. Mas kaunting kagalakan, mas maraming pag-ambag—ipakita ang iyong walang pag-iimbot na diwa ng katapatan. Maging mas mapagsaalang-alang tungo sa mga layunin ng Diyos, lalong mas makinig sa inyong konsensya, at lalong pakatatandaan at huwag kalimutan kung paano kayo pinaaalalahanan ng Diyos dahil sa pagmamalasakit para sa inyo. Basahin ang “lumang almanak” nang mas madalas. Manalangin nang madalas at magbahagi nang mas madalas. Huwag magpatuloy sa pagiging lito, ngunit magpakita ng lalo pang katinuan at magkamit ng ilang pagkaunawa. Kapag ang iyong kamay na makasalanan ay iniuunat, hilahin ito pabalik at huwag itong hayaang humaba nang husto. Wala itong kabuluhan! Wala kayong makukuha mula sa Diyos maliban sa mga sumpa; maging maingat. Hayaan ninyong mahabag ang inyong puso sa iba at huwag palaging sasalakay na may hawak na mga sandata. Magbahagi nang mas marami tungkol sa kaalaman ng katotohanan at magsalita nang mas marami tungkol sa buhay, pinapanatili ang isang espiritu ng pagtulong sa iba. Gumawa ng mas marami at magsalita nang mas kaunti. Maglaan ng mas marami sa pagsasagawa at mas kaunti sa pananaliksik at pagsusuri. Paantig nang mas madalas sa Banal na Espiritu, at bigyan ang Diyos ng mas maraming mga pagkakataon upang gawin kang perpekto. Alisin ang mas maraming mga sangkap ng tao; mayroon pa ring napakaraming mga paraan ang tao sa paggawa ng mga bagay. Ang mababaw na paggawi at pag-uugali ay kasuklam-suklam pa rin. Alisin ang mas marami sa mga ito. Ang inyong mga kalagayang pangkaisipan ay masyadong kasuklam-suklam pa rin. Lalong itama ang mga ito. Ang katayuan ng mga tao na sumasakop sa inyong mga puso ay napakarami pa rin. Magbigay ng mas maraming katayuan sa Diyos at huwag maging di-makatwiran. Ang “templo” ay sa Diyos sa simula pa lamang at hindi dapat sakupin ng mga tao. Sa kabuuan, magtuon ng mas maraming pansin sa pagkamakatuwiran at mas kaunti sa mga damdamin, at pinakamainam na alisin ang laman; magsalita ng mas marami tungkol sa realidad at mas kaunti tungkol sa kaalaman, at pinakamainam na maging tahimik; magsalita ng mas marami tungkol sa landas ng pagsasagawa at magkaroon ng mas kaunting walang kabuluhang labis na pananalita, at pinakamainam na umpisahan nang magsagawa simula ngayon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Magtuon ng Higit na Pansin sa Realidad

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger