Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 384

Oktubre 30, 2020

Sa pagsukat kung masusunod ng mga tao ang Diyos o hindi, ang mahalagang tingnan ay kung may hinahangad silang anumang labis-labis mula sa Diyos, at kung may iba pa silang mga lihim na motibo o wala. Kung laging humihiling ang mga tao sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi sila masunurin sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo ito natatanggap mula sa Diyos, hindi nahahanap ang katotohanan, laging nagsasalita mula sa iyong pansariling pangangatwiran at laging nadarama na ikaw lamang ang tama, at kaya pa ring pagdudahan ang Diyos, magkakaproblema ka. Ang gayong mga tao ang pinakamayabang at pinakasuwail sa Diyos. Ang mga taong laging may hinihiling sa Diyos ay hindi kailanman totoong makasusunod sa Kanya. Kung humihiling ka sa Diyos, pinatutunayan nito na nakikipagkasundo ka sa Kanya, na pinipili mo ang mga sarili mong saloobin, at kumikilos ayon sa mga sarili mong saloobin. Dito, ipinagkakanulo mo ang Diyos, at walang pagsunod. Walang katuturan ang paghingi sa Diyos; kung totoong naniniwala ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humiling sa Kanya, o hindi ka magiging karapat-dapat na humiling sa Kanya, makatwiran man ang mga ito o hindi. Kung may totoo kang pananampalataya, at naniniwala na Siya ang Diyos, kung gayon ay wala kang mapagpipilian kundi sambahin at sundin Siya. Hindi lamang may mapagpipilian ang mga tao ngayon, kundi hinihingi pang kumilos ang Diyos alinsunod sa sarili nilang mga saloobin. Pinipili nila ang sarili nilang mga saloobin at hinihingi na kumilos ang Diyos ayon sa mga ito, at hindi nila hinihingi sa kanilang sarili na kumilos ayon sa mga saloobin ng Diyos. Sa gayon, walang totoong pananampalataya sa kanilang kalooban, at wala ring katuturan ang kanilang pananampalataya. Kapag nagagawa mong bawasan ang mga hinihingi mo sa Diyos, lalago ang iyong totoong pananampalataya at pagiging masunurin, at magiging normal din kung ihahambing ang iyong katinuan. Madalas mangyari na kapag mas mahilig mangatwiran ang mga tao, at mas marami silang ikinakatwiran, mas mahirap silang pakitunguhan. Hindi lamang sila maraming hinihiling, kundi humihiling pa sila ng iba kapag napagbigyan. Kapag nasiyahan sa isang larangan, humihiling sila sa isa pa, kailangan silang masiyahan sa lahat ng larangan, at kung hindi, nagsisimula silang magreklamo, at itinuturing ang kanilang sarili na walang pag-asa. Paglaon, nakadarama sila ng pagkakautang at nagsisisi, at nananangis sila ng mapapait na luha, at ibig nang mamatay. Ano ang silbi sa ganyan? Malulutas ba nito ang suliranin? Kaya nga, bago may mangyari, kailangan mong suriin ang iyong sariling kalikasan—anong mga bagay ang nakapaloob dito, ano ang ibig mo, at ano ang nais mong makamtan sa iyong mga hiling. Ang ilang tao, sa paniniwalang may taglay silang kaunting kakayahan at mga kaloob, ay laging ibig maging lider, at makapangibabaw sa iba, at kaya hinihiling nila sa Diyos na kasangkapanin sila. At kapag hindi sila kinakasangkapan ng Diyos, sinasabi nila: “Diyos ko, bakit ayaw Mo akong katigan? Kasangkapanin Mo akong ganap, pinananagutan ko na gugugulin ko ang aking sarili para sa Iyo.” Tama ba ang gayong mga motibasyon? Mabuting bagay ang gumugol para sa Diyos, ngunit ang kahandaan nilang gumugol para sa Diyos ay pumapangalawa lamang; sa kanilang puso, ang ibig nila ay katayuan—diyan sila nakatuon. Kung totoong magagawa mong sumunod, susundan mo Siya nang may isang puso at isipan, kasangkapanin ka man Niya o hindi, at magagawa mong gumugol para sa Kanya may katayuan ka man o wala. Saka ka lamang magtataglay ng katinuan at magiging isang tao na sumusunod sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao mula sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin