Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 382
Abril 25, 2021
Maaaring magpakabait ang mga tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Ang pagkakaroon ng sigasig ay magagawa lamang na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi mapapalitan ng doktrina ang katotohanan. Ang mga taong nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba; naunawaan na nila ang katotohanan, naiintindihan nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, at kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ipinapakita. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga kuro-kuro ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at tinatalikuran ang laman. Ganito ipinahahayag ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing bagay tungkol sa mga taong dumaraan sa pagbabago ng disposisyon ay nagagawa nilang maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may kaugnay na kawastuhan at hindi sila nagbubunyag ng katiwalian nang madalas. Karaniwan, ang mga nagbago na ang disposisyon ay nagiging makatwiran at maunawain, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagpapakita ng pagmamataas o kayabangan. Nauunawaan at nahihiwatigan nila ang marami sa katiwaliang naibunyag sa kanila, kaya hindi sila nagyayabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang kalagayan ng tao, kung paano gumawi nang may katwiran, kung paano maging masunurin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa alin mang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi na ang mga taong gaya nito ay medyo makatwiran. Ang mga tao na dumaraan sa pagbabago ng disposisyon ay tunay na namumuhay na kawangis ng tao, at taglay nila ang katotohanan. Lagi nilang nasasabi at nakikita ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at kaya nilang panatilihin ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano umasal na ikalulugod ng Diyos. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin upang mapaganda ang kanilang mga sarili sa mababaw na antas—natamo nila ang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, sa panlabas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o parang hindi sila nakagawa ng anumang totoong dakila, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng praktikal na mga resulta. Yaong nagbago ang mga disposisyon ay nakatitiyak na magtataglay ng napakaraming katotohanan, at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga maprinsipyong pagkilos. Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagtamo ng anumang pagbabago sa disposisyon. Ang isang pagbabago ng disposisyon ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon nang husto at napapanahong pagkatao; pangunahin itong tumutukoy sa lahat ng mga pagkakataon kung kailan ang ilan sa napakasasamang lason ni Satanas sa loob ng kalikasan ng tao ay nagbabago bunga ng pagtatamo ng kaalaman tungkol sa Diyos at pag-unawa sa katotohanan. Ibig sabihin, ang napakasasamang lason ni Satanas na iyon ay nalinis na, at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay nag-uugat sa kalooban ng gayong mga tao, nagiging buhay nila, at nagiging pundasyon ng kanilang pamumuhay. Saka lamang sila nagiging bagong tao, at dahil doon, nakararanas ng pagbabago ng kanilang disposisyon. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan na ang panlabas na mga disposisyon ng mga tao ay mas mapagpakumbaba kaysa rati, na dati silang mayabang ngunit ngayo’y makatwiran nang magsalita, o na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayo’y kaya na nilang makinig sa iba; hindi masasabi na ang nakikitang mga pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Mangyari pa, ang mga pagbabago sa disposisyon ay kinabibilangan ng mga estado at pagpapahayag na ito ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na nagbago na ang kanilang kalooban. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang nagiging buhay nila mismo, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, at ang kanilang mga pananaw ay ganap nang nagbago—at wala sa kanila ang nakaayon sa mga pananaw ng mundo. Nakikita ng mga taong ito nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon sa kung ano ang mga ito; naunawaan na nila ang tunay na esensya ng buhay. Kaya nagbago na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay—ito ang pinakapangunahing pagbabago, pati na ang esensya ng isang pagbabago ng disposisyon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video