Christian Dance | "Pinupuri ng mga Hinirang na Tao ng Diyos ang Makapangyarihang Diyos" | Praise Song
Agosto 15, 2024
I
Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos,
narinig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig.
Magmula noon, dumalo na tayo sa piging ng kaharian ng langit,
at nakita natin ang pagpapakita at paggawa ng Diyos.
Tinanggap natin ang pagpapakita ng Diyos,
at nakamit ang pagpastol ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Ini-rapture tayo sa harap ng Diyos,
at pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Pinupuri natin ang Diyos sa pagbibigay Niya ng katotohanan sa atin,
at sa pagliligtas Niya sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas!
Magpapatotoo tayo para sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
Pasasalamatan at pupurihin natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
II
Dinala sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang daan ng katotohanan,
iniligtas tayo ng paghatol ng Kanyang mga salita.
Lumilikha ng mga himala ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos;
nililinis ang ating katiwalian at binabago ang ating disposisyon,
binibigyang-kakayahan tayong makalaya sa impluwensiya ni Satanas
at mamuhay sa presensiya ng Diyos.
Ini-rapture tayo sa harap ng Diyos,
at pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Pinupuri natin ang Diyos sa pagbibigay Niya ng katotohanan sa atin,
at sa pagliligtas Niya sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas!
Magpapatotoo tayo para sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
Pasasalamatan at pupurihin natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
III
Lumaganap na sa buong mundo ang ebanghelyo ng kaharian,
nilupig na ng mga salita ng Diyos ang lahat ng bansa at denominasyon.
Nagsisibalik silang lahat sa harap ng trono ng Diyos,
at dumarating ang mga hinirang na tao ng Diyos para purihin ang Makapangyarihang Diyos.
Nakikita natin ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos,
at nagpapatirapa tayo at sumasamba sa Makapangyarihang Diyos.
Ini-rapture tayo sa harap ng Diyos,
at pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Pinupuri natin ang Diyos sa pagbibigay Niya ng katotohanan sa atin,
at sa pagliligtas Niya sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas!
Magpapatotoo tayo para sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
Pasasalamatan at pupurihin natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
IV
Pinupuri ng mga hinirang na tao ng Diyos ang Makapangyarihang Diyos,
pinupuri ng lahat ng tao sa lupa ang Makapangyarihang Diyos.
Pinupuri ng mga anghel sa langit ang Makapangyarihang Diyos,
pinupuri ng lahat ng humihinga ang Makapangyarihang Diyos.
Pinupuri ng sansinukob at mga langit ang Makapangyarihang Diyos,
pinupuri ng lahat ng nilikha ang Makapangyarihang Diyos.
Ini-rapture tayo sa harap ng Diyos,
at pinupuri natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.
Pinupuri natin ang Diyos sa pagbibigay Niya ng katotohanan sa atin,
at sa pagliligtas Niya sa atin mula sa impluwensiya ni Satanas!
Magpapatotoo tayo para sa Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
Pasasalamatan at pupurihin natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video