Tagalog Christian Song | "Gustung-gusto ng Diyos ang mga Taong Kayang Isagawa ang Kanyang Kalooban"

Disyembre 5, 2023

I

Habang walang humpay sa pagsulong ang gawain ng Diyos,

matapos maisagawa'ng kasunduan ng bahaghari sa tao,

tanda na 'di na Niya kailanman babahain ang mundo,

higit pang nais ng Diyos na makamit yaong

kayang maging kaisa ng Kanyang isipan.

Nais ng Diyos makamit yaong nakakaunawa sa kalooban Niya,

alam ang disposisyon Niya't sinasamba Siya.

Gan'tong grupo ng tao'ng pinagkakatiwalaan Niya.

Gan'tong grupo ng tao'y kayang magpatotoo sa Kanya.

II

Mas sabik ang Diyos sa yaong kayang gawin ang kalooban Niya,

at yaong mga 'di kayang magapos ni Satanas,

yaong makakawala sa mga puwersa ng kadiliman,

at yaong kayang magpatotoo sa Kanya.

Nais ng Diyos makamit yaong nakakaunawa sa kalooban Niya,

alam ang disposisyon Niya't sinasamba Siya.

Gan'tong grupo ng tao'ng pinagkakatiwalaan Niya.

Gan'tong grupo ng tao'y kayang magpatotoo sa Kanya.

III

Matagal nang nais at hinihintay ng Diyos ang magkaro'n ng gan'tong mga tao.

Sa kabila ng Kanyang baha at kasunduan sa tao,

simula pa no'ng paglikha, mga nais ng Diyos ay 'di nagbago,

at pati Kanyang kalooban, Kanyang isip, at Kanyang plano.

Nais ng Diyos makamit yaong nakakaunawa sa kalooban Niya,

alam ang disposisyon Niya't sinasamba Siya.

Gan'tong grupo ng tao'ng pinagkakatiwalaan Niya.

Gan'tong grupo ng tao'y kayang magpatotoo sa Kanya.

Hango sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin