Tagalog Christian Song | "Pag-ibig ng Diyos ang Pinakatunay"
November 10, 2026
I
Na isagawa sa inyo ng Diyos ang gawain ng paglupig ay ang inyong dakilang kaligtasan. Lahat kayo ay naninirahan sa isang lupain ng kasalanan at kahalayan, at lahat kayo ay mahalay at makasalanan. Ngayon ay hindi lamang ninyo nagagawang makita ang Diyos, kundi ang mas mahalaga, natanggap ninyo ang pagkastigo at paghatol, natanggap ninyo itong pinakamalalim na kaligtasan, ibig sabihin, natanggap ninyo ang pinakadakilang pagmamahal ng Diyos. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tunay na pagmamahal para sa inyo. Wala Siyang masamang intensyon. Dahil sa inyong mga kasalanan kaya Niya kayo hinahatulan, upang magawa ninyong pagnilayan ang inyong sarili at tanggapin ang napakalaking kaligtasan na ito.
II
Lahat ng gawaing ito ay ginagawa para gawing ganap ang tao. Mula simula hanggang wakas, ginagawa na ng Diyos ang Kanyang buong makakaya upang iligtas ang tao, at sadyang wala Siyang pagnanais na ganap na lipulin ang mga taong Kanyang nilikha gamit ang sarili Niyang mga kamay. Ngayon, naparito Siya sa gitna ninyo upang gumawa; hindi ba’t mas pagliligtas ito?
III
Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o wala Siyang anumang masasamang intensyon sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang pagmamahal ng Diyos ang pinakatunay. Dahil lamang mapaghimagsik ang mga tao kaya Niya sila kailangang iligtas sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, magiging imposible pa rin na iligtas sila. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay ng buhay ninyo at wala kayong malay kung paano mamuhay, at dahil kayo ay namumuhay sa mahalay at makasalanang lupaing ito at kayo mismo ay mahahalay at maruruming diyablo, hindi Niya matiis na hayaan kayong lalong masadlak, hindi Niya matiis na makita kayong namumuhay sa maruming lupaing ito tulad ngayon, na niyuyurakan ni Satanas kung naisin nito, at hindi Niya matiis na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lamang Niyang makamit ang grupong ito ng mga tao at lubusan kayong iligtas. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawain ng paglupig sa inyo—ito’y para sa kaligtasan.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (4)
Iba pang mga Uri ng Video