Christian Dance | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | Praise Song

Abril 2, 2024

Pinaghiwalay man ng kabunduka't karagatan,

iisa tayo, walang hadlang sa pagitan natin,

iba't iba man ang kulay ng balat, iba't iba man ang wika.

Dahil sa pagtawag ng salita ng Makapangyarihang Diyos,

nadala tayo sa trono ng Diyos.

Mayroong matatanda, puti na ang buhok,

at mga kabataan, masigla't masigasig.

Magkakahawak-kamay, magkakaakbay,

magkasama tayong naglalakad sa gitna ng hangin at ulan,

pinalalakas ang loob ng isa't isa sa gitna ng mga paghihirap.

May iisang kaisipan, tungkulin nati'y tinutupad.

Magkaugnay ang mga puso, tayo'y magkapalagayang-loob sa buhay.

Pag-ibig at salita ng Diyos pinaglalapit tayo sa isa't isa.

Ang salita ng Diyos ang bukal ng buhay na tubig.

Tinatamasa ang mga salita ng Diyos, ang mga puso natin ay puno ng tamis.

Ang pagkastigo at paghatol ng Kanyang salita,

ay nagdadalisay sa ating mga tiwaling disposisyon.

Tanging sa pamamagitan ng pagtatabas natin naisasabuhay ang wangis ng tao.

Sa pagkanegatibo at kahinaan, sinusuportahan natin ang isa't isa.

Magkasama tayo sa hirap.

Naninindigan sa ating patotoo, ginagapi natin si Satanas.

Hinihikayat tayo ng mga salita ng Diyos na sumulong.

Bagamat may pasakit at mga pagsubok, ang ating pananalig ay ginagawang perpekto.

Alam natin ang pagiging matuwid at karilagan ng Diyos.

Mayroon tayong pagbabago sa buhay disposisyon.

Namumuhay tayo sa presensiya ng Diyos.

Sa Diyos lamang mayroong pagmamahal,

tanging sa pagmamahal mayroong pamilya.

Lahat ng nagmamahal sa Diyos ay isang pamilya.

Sa pag-ibig Niya nagkakalapit lahat.

Sa ating paglago kapiling natin salita N'ya.

Nabubuhay sa magandang kaharian,

sinasamba natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.

La, la, la, la.

La, la, la, la.

Sa Diyos lamang mayroong pagmamahal,

tanging sa pagmamahal mayroong pamilya.

Lahat ng nagmamahal sa Diyos ay isang pamilya.

Sa pag-ibig Niya nagkakalapit lahat.

Sa ating paglago kapiling natin salita N'ya.

Nabubuhay sa magandang kaharian,

sinasamba natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman,

sinasamba natin ang Makapangyarihang Diyos magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger