Christian Song | "Ang Paghatol ng Diyos sa Di-mabilang na Bansa at Tao" Choral Hymn | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 15, 2026
I
Lubusan nang naisakatuparan ang Aking kaharian, at hayagan na itong nakababa sa mundo; nangangahulugan ito na ganap nang dumating ang Aking paghatol. Sasapit ang lahat ng uri ng sakuna, sunod-sunod; daranas ng mga sakuna ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang mangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga ito sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga ito sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang penomenon ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa di-mabilang na bansa at tao.
II
Dapat umabot ang Aking pangalan sa lahat ng direksiyon at lahat ng dako, upang malaman ng bawat isa ang Aking banal na pangalan at makilala Ako. Malawak na lalaganap ang pangalan Ko habang bumababa ang mga sakuna, at kung hindi kayo mapagbantay at maingat, mawawala sa inyo ang nararapat ninyong bahagi. Hindi ba kayo natatakot? Umaabot ang Aking pangalan sa lahat ng relihiyon, lahat ng sektor ng lipunan, lahat ng bansa, at lahat ng denominasyon. Ito ang paggawa ng Aking gawain sa isang maayos na paraan, nang malapit na pagkakaugnay; nangyayari ang lahat ng ito sa pamamagitan ng Aking matalinong pagsasaayos. Ang ninanais Ko lamang ay na masundan ninyo nang malapit ang Aking mga yapak nang pasulong sa bawat hakbang.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video