Tagalog Christian Song | "Nagniningning ang Kaluwalhatian ng Diyos mula sa Silangan"

November 24, 2026

I

Tanging kapag nakapasok na Ako sa bagong langit at lupa ay saka Ko kukunin ang isa pang bahagi ng Aking kaluwalhatian at una itong ibubunyag sa lupain ng Canaan, isasanhi na sumikat ang kislap ng isang liwanag sa buong mundo na napakadilim. Ito ay upang lumapit sa liwanag ang buong mundo. Ito ay upang humugot ng kapangyarihan ang mga tao sa buong mundo mula sa liwanag, nagbibigay-daan para lalo pang madagdagan ang Aking kaluwalhatian at muling magpakita sa bawat bansa, at upang maaaring matanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong naparito sa mundo ng mga tao at matagal Ko nang dinala ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel patungong Silangan, sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan at ito ay dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngunit sa Israel Ako lumisan at mula roon ay dumating Ako sa Silangan.

II

Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag sa Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Hindi maaaring mangyari na Ako, na minsan nang bumaba sa Israel at pagkatapos ay umalis mula roon, ay muling ipapanganak sa Israel, dahil pumapatnubay ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, ang kidlat ay nagmumula sa Silangan at kumikislap hanggang sa Kanluran. Dahil dito ay bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa Aking hinirang na mga tao sa Silangan.

III

Dadalhin Ko ang Aking hinirang na mga tao mula sa buong mundo patungo sa lupain ng Canaan, at kaya patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong mundo. Maliban sa mga nasa Canaan, ang lahat ng tao ay nasa panganib dahil sa gutom at ginaw.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Tingnan ang iba pa

I-share

Kanselahin