Christian Dance | "Napapabuntong-hininga ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan" | Praise Song

Disyembre 10, 2024

I

Sa kalawakan ng mundo, ang mga karagatan ay nagiging mga kaparangan,

ang mga kaparangan ay nagiging mga karagatan, nang paulit-ulit.

Maliban sa Kanya na may kataas-tasaang kapangyarihan sa lahat ng bagay,

walang sinumang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhan.

Walang sinumang makapangyarihang tao

ang magtatrabaho o maghahanda para sa sangkatauhang ito,

lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito

tungo sa hantungang liwanag

at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan sa mundo.

Napapabuntong-hininga ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan,

nagdadalamhati Siya sa pagbagsak ng sangkatauhan,

at nasasaktan dahil naglalakad ang sangkatauhan, nang dahan-dahan,

patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan.

Wala pang nakakaisip kung saan

maaaring tumungo ang gayong sangkatauhan na nagdulot ng hinagpis sa Diyos

at nagtakwil sa Kanya para hanapin ang masama.

II

Ito mismo ang dahilan kung bakit walang nakadarama sa galit ng Diyos,

kung bakit walang naghahanap ng paraan para mapalugod Siya

o nagsisikap na mapalapit sa Kanya,

at bukod pa riyan, kung bakit walang naghahangad

na maunawaan ang Kanyang dalamhati at pasakit.

Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos,

ang tao ay nagpapatuloy sa kanyang sariling landas, nagpupumilit na lumalayo sa Diyos.

umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan,

mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos.

At sino na ang nakapag-isip—dapat bang ipilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo—

tungkol sa kung paano kikilos ang Diyos

sa sangkatauhang ito na ni hindi man lang Siya matingnan?

III

Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalala't pangaral ng Diyos

ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang walang-katulad na kalamidad,

yaong hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao.

Ang kalamidad na ito ay hindi lamang isang kaparusahan sa katawan,

kundi pati na rin sa kaluluwa.

Kailangan mong malaman ito: Kapag hindi natupad ang plano ng Diyos,

at kapag hindi nasuklian ang Kanyang mga paalala at pangaral,

anong klaseng galit ang Kanyang ilalabas?

Magiging kagaya ito ng isang bagay

na hindi pa nararanasan o nalalaman ng sinumang nilikha.

Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay walang katulad,

at hindi na mauulit kailanman.

Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang tao,

at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan.

Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli.

Samakatuwid, walang makakaunawa sa mabubuting layunin

at taimtim na pag-asam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin