Christian Dance | "Kasama Natin ang Diyos" | Praise Song

Nobyembre 4, 2024

I

Nagmula tayo sa iba't ibang panig ng mundo at nagtipon sa sambahayan ng Diyos.

Kumakain, umiinom, at nagtatamasa ng salita ng Diyos,

dinaluhan natin ang piging sa kasal ng Kordero.

Para matamo ang katotohanan at malinis at gawing perpekto ng Diyos,

tinatanggap natin ang paghatol, mga pagsubok, at mga pagpipino ng mga salita ng Diyos.

Binibigyang-kakayahan ng salita ng Diyos ang puso natin na mahalin ang isa't isa.

Kapag mahina tayo, sinusuportahan natin ang isa't isa

at hinihikayat natin ang isa't isa;

magkasama tayong nagbabahagi ng ating karanasan

at kaalaman ng mga salita ng Diyos.

Ang pagmamahal ng Diyos ang nagkokonekta sa atin.

II

Nagmula tayo sa iba't ibang panig ng mundo at nagtipon sa sambahayan ng Diyos.

Tinatanggap natin ang pagdidilig at pagpapastol ng Makapangyarihang Diyos.

Personal tayong pinangungunahan ng Diyos sa pakikipaglaban kay Satanas.

Magaspang at mabato ang landas; dumaranas tayo ng pag-uusig at kapighatian.

Sa gabay ng mga salita ng Diyos, at sa pagmamahal Niya sa ating tabi,

napagtatagumpayan natin ang paniniil ng mga puwersa ng kadiliman,

at nagsusumikap tayo sa abot ng ating makakaya.

Sa pagkakita sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan ng Diyos,

tumitibay ang ating pananalig.

Magpapatotoo tayo nang maayos

at sasalubungin natin ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos.

III

Sa piling ng Diyos, ang buhay sa kaharian ay isang walang kapantay na kagalakan.

Tapat nating tinutupad ang ating tungkulin para masuklian ang pagmamahal ng Diyos.

Para maipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos

sa buong sansinukob,

inihahandog natin ang ating buong sarili

at tapat nating iginugugol ang sarili natin para sa Kanya hanggang kamatayan.

Magkasamang nagtutulungan,

ipinagdarasal natin ang isa't isa at hinihikayat ang isa't isa.

Pinangungunahan tayo ng Diyos na tumakbo tungo sa magandang kinabukasan.

Hahangarin nating mahalin ang Diyos at sundin ang Kanyang kalooban,

ngayon at magpakailanman.

Isasaisip natin ang mga pangaral ng Diyos at magpapatotoo tayo nang maayos,

magiging tapat hanggang sa wakas.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin