Tagalog Christian Song | "Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Lubos na Makapagliligtas sa Tao"

Hunyo 4, 2026

I

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginagawa sa pamamaraan ng Espiritu at gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, sapagkat ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at ni hindi maaaring lapitan ng tao. Kung sinubukan ng Diyos na direktang iligtas ang tao bilang ang Espiritu, hindi makakamit ng tao ang Kanyang pagliligtas. Kung hindi isinuot ng Diyos ang panlabas na anyo ng isang nilikhang tao, hindi magkakaroon ang tao ng paraan para makamit ang kaligtasang ito. Maaari lamang Niyang personal na maisagawa ang Salita sa lahat ng sumusunod sa Kanya sa pamamagitan ng pagiging isang nilikhang tao, ibig sabihin, sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng Kanyang Salita sa Kanyang magiging katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang maaaring personal na marinig at makita ng tao ang Kanyang Salita, at makamit pa nga ang Kanyang Salita, at sa pamamagitan nito ay ganap na mailigtas.

II

Kung ang Diyos ay hindi naging tao, walang sinumang may laman at dugo ang makakatanggap ng ganoon kadakilang kaligtasan, at wala ring kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa gitna ng sangkatauhan, ang buong sangkatauhan ay hahampasin, o, nang walang paraan na makapag-ugnayan sa Diyos, sila ay ganap na mabibihag ni Satanas. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos nakakatanggap ang tao ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos, at hindi direktang mula sa langit bilang kasagutan sa mga panalangin nito. Ang tao ay sa laman at dugo, wala itong paraan na makita ang Espiritu ng Diyos, at lalong hindi nito malalapitan ang Kanyang Espiritu, kaya ang tanging makakaugnayan nito ay ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Sa pamamagitan lamang nito mauunawaan ng tao ang lahat ng Salita at lahat ng katotohanan at matatanggap ang lubos na kaligtasan.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin