Christian Dance | "Nagbalik na ang Diyos na may Tagumpay" | Praise Song

Nobyembre 26, 2024

I

Sion! Magbunyi! Sion! Umawit nang malakas!

Nagbalik na Ako nang matagumpay, nagbalik na Ako nang wagi!

Lahat ng tao! Magmadaling pumila sa tamang pagkakasunod-sunod.

Lahat ng nilikha! Magsitigil na kayo,

sapagkat kaharap ng Aking persona ang buong sansinukob

at nagpapakita sa Silangan ng mundo!

Sino ang nangangahas na hindi lumuhod sa pagsamba?

Sino ang nangangahas na hindi Ako tawaging totoong Diyos?

Sino ang nangangahas na hindi tumingala nang may pusong takot?

Sino ang nangangahas na hindi magbigay ng papuri?

Sino ang nangangahas na hindi magbunyi?

Maririnig ng bayan Ko ang Aking tinig.

II

Ang mga bundok, ilog, at lahat ng bagay ay magbubunyi nang walang humpay,

at magtatatalon nang walang tigil.

Sa panahong ito, walang mangangahas na umurong,

at walang mangangahas na tumindig sa paglaban.

Ito ang Aking kamangha-manghang gawa,

at higit pa roon, ito ang Aking dakilang kapangyarihan!

Ang lahat ay gagawin Ko na magkaroon ng pusong may takot sa Akin

at, higit pa rito, idudulot Kong purihin Ako ng lahat!

Ito ang panghuling layunin

ng Aking plano ng pamamahala sa loob ng anim na libong taon,

at ito ang inorden Ko.

Wala ni isang tao ni isang bagay ni isang pangyayari

ang nangangahas na tumindig para labanan o tutulan Ako.

III

Lahat ng Aking mga tao ay magtutungo sa Aking bundok

at susuko sila sa harapan Ko,

dahil nagtataglay Ako ng pagiging maharlika at paghatol,

at mayroon Akong awtoridad.

Walang magiging mahirap para sa Akin.

Sa pamamagitan ng mga salita mula sa Aking bibig,

ang lahat ay mawawasak,

at sa pamamagitan ng Aking mga salita, ang lahat ay iiral at magiging ganap.

Gayon ang Aking dakilang kapangyarihan at gayon ang Aking awtoridad.

Dahil puspos Ako ng kapangyarihan at puno ng awtoridad,

walang sinumang tao ang makakapangahas na hadlangan Ako.

Napagtagumpayan Ko na ang lahat,

at nagwagi na Ako sa lahat ng anak ng pagrerebelde.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 120

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin