Christian Dance | "Ipinapahayag ng Diyos ang Katotohanan at Inililigtas Tayo" | Praise Song

Nobyembre 1, 2024

I

Nagtitipon-tipon ang mga kapatid,

umaawit at sumasayaw ng papuri sa Diyos.

Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao,

pagpapahayag ng katotohanan, at pagliligtas sa atin.

Kinakain, iniinom, at tinatamasa natin ang salita ng Diyos sa bawat araw,

sa pag-unawa sa katotohanan, napupuno ng tamis ang ating puso.

Malinaw nating nakikita ang kasamaan at kadiliman ng mundo,

at tinatalikdan natin ang lahat upang gugulin ang sarili natin para sa Diyos.

Salamat, Makapangyarihang Diyos,

sa pag-akay sa amin sa tamang landas sa buhay.

Iwinawaksi namin ang mga makamundong gapos na nakatali sa amin,

tinutupad namin ang aming mga tungkulin, at namumuhay sa harap ng Diyos.

Salamat, Makapangyarihang Diyos,

sa pagliligtas sa amin mula sa impluwensiya ni Satanas.

Hinahangad namin ang katotohanan, nagpapatotoo kami nang matunog,

at namumuhay sa kaharian ng Diyos.

II

Nagtitipon-tipon ang mga kapatid,

umaawit at sumasayaw ng papuri sa Diyos.

Inilalantad ng salita ng Diyos at ibinubunyag ng mga pagsubok,

nakikita natin kung gaano kalalim ang ating pagkatiwali.

Nakaasa sa mga satanikong pilosopiya ang ating mga salita at kilos,

walang anumang wangis ng tao.

Tinatanggap natin ang paghatol at pagpupungos ng salita ng Diyos,

tunay tayong nagsisisi, at nagiging mga bagong tao.

Salamat, Makapangyarihang Diyos,

sa paghatol, pagkastigo, at paglilinis sa amin.

Nagbago ang aming buhay disposisyon

at namumuhay kami sa wangis ng matatapat na tao.

Salamat, Makapangyarihang Diyos,

sa pagkakaloob sa amin ng katotohanan at buhay.

Nalaman namin ang kabanalan at katuwiran ng Diyos,

at natuto kaming matakot at magpasakop sa Kanya.

III

Nagtitipon-tipon ang mga kapatid,

umaawit at sumasayaw ng papuri sa Diyos.

Nagpakababa ang Diyos bilang tao para iligtas tayo,

nagtiis ng matinding pagdurusa at nagbayad ng malaking halaga.

Dahil inililigtas tayo ng Diyos at tinatamasa natin ang Kanyang mga pagpapala,

hindi tayo karapat-dapat na tawaging tao kung hindi natin iisipin na suklian Siya.

Ang pagpapalaganap sa ebanghelyo ang apurahang layunin ng Diyos,

at dapat nating ihandog ang ating katapatan para suklian ang Kanyang biyaya.

Salamat, Makapangyarihang Diyos,

dahil Ikaw ang nagpapahayag ng katotohanan at nagliligtas sa amin.

Lubos kaming pinagpala na makatanggap ng kaligtasan sa mga huling araw,

at mamahalin namin ang Diyos at magpapatotoo kami sa Diyos sa lahat ng oras.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin