Christian Song | "Ang Makapangyarihang Diyos ay Nakaupo sa Maluwalhating Trono" | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 15, 2026
I
Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating trono. Naisakatuparan na Niya ang pagtubos at inakay na ang lahat ng Kanyang tao upang magpakita sa kaluwalhatian. Hawak Niya ang lahat ng bagay sa Kanyang mga kamay at sa Kanyang banal na karunungan at kapangyarihan ay itinayo at pinatatag Niya ang Sion. Sa Kanyang pagiging maharlika ay hinahatulan Niya ang makasalanang sanlibutan; hinatulan na Niya ang di-mabilang na mga bansa at tao, ang lupa at ang mga dagat at lahat ng bagay na nabubuhay roon, gayundin ang mga lasing sa alak ng kahalayan. Tiyak na hahatulan sila ng Diyos.
II
Tiyak na magagalit ang Diyos sa kanila at sa ganito mahahayag ang pagiging maharlika ng Diyos, na ang paghatol ay agad-agad at ipinatutupad nang walang pagkaantala. Tiyak na susunugin ng apoy ng Kanyang poot ang kanilang karumal-dumal na mga kasalanan at sasapit sa kanila ang kalamidad anumang sandali; wala silang landas na matatakasan at walang lugar na mapagtataguan, sila ay tatangis at magngangalit ng kanilang mga ngipin, at magdadala sila ng pagkawasak sa kanilang sarili. Ang matatagumpay na anak, na pinakamamahal ng Diyos ay tiyak na lalagi sa Sion, hindi na lilisanin ito kailanman. Ang di-mabilang na mga tao ay makikinig nang mabuti sa Kanyang tinig, magbibigay sila ng masusing atensyon sa Kanyang mga kilos, at ang mga tunog ng kanilang papuri sa Kanya ay hindi titigil kailanman.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 3
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video