Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (IV) Pagpapatuloy ng Unang Bahagi

Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo

Para sa materyal na mundo, kung hindi maintindihan ng mga tao ang ilang bagay o mga kakaibang pangyayari maaari silang magbukas ng aklat at maghanap ng kaugnay na impormasyon, o kung hindi man maaari silang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang kanilang mga pinagmulan at ang kuwento sa likod ng mga ito. Ngunit pagdating sa isa pang mundo na ating pinag-uusapan sa araw na ito—ang espirituwal na mundo na umiiral sa labas ng materyal na mundo—ang mga tao ay tiyak na walang mga pamamaraan o mga daluyan ukol sa pagkatuto tungkol sa panloob na kuwento at katotohanan ukol rito. Bakit ko sinasabi ito? Sapagkat, sa mundo ng sangkatauhan, ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pisikal na pag-iral ng tao, at dahil nararamdaman ng tao na ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pamumuhay na pisikal at pisikal na buhay, ang nalalaman lamang ng karamihan sa mga tao, o nakikita, ang materyal na mga bagay na nakikita ng kanilang mga mata, ang mga bagay na nakikita lamang nila. Ngunit pagdating sa espirituwal na mundo—na ibig sabihin ay, ang lahat ng mga bagay na nasa isa pang mundo—ito ay makatarungang sabihin na hindi pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao. Iyon ay dahil ito ay hindi nila nakikita, at naniniwala sila na hindi na kailangang ito ay maintindihan, o malaman ang anuman tungkol dito, na walang masabi ukol sa kung paanong ang espirituwal na mundong ito ay lubos na kakaibang mundo sa materyal na mundo. Sa Diyos, ito ay lantad, ngunit sa sangkatauhan ito ay nakatago at hindi lantad, at kaya nahihirapan ang mga tao na maghanap ng isang daluyan kung saan sa pamamagitan nito ay maiintindihan ang iba’t ibang aspeto ng mundong ito. Ang mga bagay na Aking sasabihin tungkol sa espirituwal na mundo ay may kinalaman lamang sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos. Siyempre, nakaugnay din ang mga ito sa kalalabasan at hantungan ng tao—ngunit hindi Ako magbubunyag ng mga misteryo, ni magsasabi Ako ng anumang mga lihim na gusto ninyong malaman, sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pagkakaloob ng Diyos, at sa gayon kinakailangan Ko lamang magsalita ukol sa bahagi na kailangan ninyong malaman.

Una, hayaan ninyong tanungin ko kayo: Sa inyong isipan, ano ang espirituwal na mundo? Sa malawak na pananalita, ito ay isang mundo sa labas ng materyal na mundo, yaong isa na hindi nakikita o nasasalat ng mga tao. Ngunit sa inyong imahinasyon, anong uri ng mundo dapat ang espirituwal na mundo? Marahil, bilang resulta ng hindi pagkakakita dito, wala kayong kakayahan na ipagpalagay kung ano ito. Ngunit kapag nakaririnig kayo ng mga alamat ukol dito, maiisip pa rin ninyo, hindi ninyo magagawang pigilan ang inyong mga sarili. At bakit Ko sinasabi ito? May isang bagay na nangyayari sa napakaraming tao nang sila ay mga bata: Kapag nagkukuwento ang isang tao ng nakatatakot na kuwento sa kanila—tungkol sa mga multo, mga kaluluwa—sobra ang kanilang pagkatakot. At bakit sila natatakot? Sapagkat inilalarawan nila sa kanilang mga isip ang gayong mga bagay; kahit na hindi nila nakikita ang mga ito, nararamdaman nila na ang lahat ng ito ay nasa loob ng kanilang silid, nakatago kung saan, o sa madilim na lugar, at sila ay takot na takot na hindi sila naglalakas-loob na matulog. Lalong lalo na sa gabi, hindi sila magkalakas-loob na mapag-isa sa silid, o mag-isa sa patyo. Iyan ang espirituwal na mundo ng inyong guni-guni, at ito ay mundo na iniisip ng mga tao na nakatatakot. Ang bawat isa ay may ilang guni-guni, at ang bawat isa ay nakararamdam ng isang bagay.

Magsimula tayo sa espirituwal na mundo. Ano ang espirituwal na mundo? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng maigsi at payak na paliwanag. Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay; ito ang kanyang papel, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na mundo ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta nito ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na mundo. May kaugnayan ba ito sa kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, batas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga kautusan at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na administratibong batas, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga palatuntunan. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng mga bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya. Sa pagkarinig nito, hindi ba ninyo nararamdaman na kailangan na talaga para sa Akin na magsalita ukol sa paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang nakapaloob na mga lihim? Ang gayon ay ang pananaw sa espirituwal na mundo. Bagamat ito ay kasabay na umiiral ng materyal na mundo, at sabay na napaiilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos, ang pamamahala at kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay higit na mas mahigpit kaysa doon sa materyal na mundo. Pagdating sa mga detalye, dapat tayong magsimula sa kung paanong ang espirituwal na mundo ay may pananagutan para sa gawain ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan, sapagkat ang gawaing ito ay isang malaking bahagi ng gawain ng mga nilalang sa espirituwal na mundo.

Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong mga pananampalataya. Sila ang mga tinatawag na hindi sumasampalataya. Ang higit na nakararaming mga hindi sumasampalataya ay naniniwala lamang sa salapi, hinahanap lamang nila ang kanilang sariling mga kapakinabangan, sila ay mga materyoso, at ang pinaniniwalaan lamang nila ay ang materyal na mundo, hindi ang pag-inog ng buhay at kamatayan, at anumang mga kasabihan tungkol sa mga diyos at mga espiritu. Inuuri Ko sila bilang mga hindi sumasampalataya, at sila ang unang uri. Ang ikalawang uri ay ang iba’t ibang tao na may pananampalataya na hiwalay mula sa mga hindi sumasampalataya. Sa gitna ng sangkatauhan, hinahati Ko ang mga taong ito na may pananampalataya sa ilang pangunahing mga uri: Ang una ay ang mga Hudyo, ang ikalawa ay ang mga Katoliko, ang ikatlo ay ang mga Kristiyano, ang ikaapat ay ang mga Muslim, at ang ikalima ay ang mga Budista—may limang uri. Ito ang iba’t ibang uri ng mga taong may pananampalataya. Ang ikatlong uri ay yaong mga naniniwala sa Diyos, na may kinalaman sa inyo. Ang uri ng mga sumasampalatayang ito ay yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. Ang mga taong ito ay nahahati sa dalawang uri: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Tama! Malinaw na makikilala ang pagkakaiba ng dalawang pangunahing uring ito. Kaya ngayon, sa inyong mga isip malinaw ninyong makikilala ang pagkakaiba ng mga uri at mga antas ng mga tao. Ang una ay ang mga taong hindi sumasampalataya—nasabi Ko na kung ano ang mga hindi sumasampalataya. Marami sa mga taong hindi samasampalataya ay naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit; naniniwala sila na ang hangin, ulan, at ang kulog ay kontrolado nitong Matandang Lalaki sa Langit, na kanilang inaasahan sa pagtatanim ng mga halaman at ang pag-aani—ngunit sa pagbanggit sa pananampalataya sa Diyos ay umaayaw sila. Matatawag ba itong pananampalataya sa Diyos? Ang gayong mga tao ay nabibilang sa mga taong hindi sumasampalataya. Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos at naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit ay lahat mga taong hindi sumasampalataya; ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos, o sumusunod sa Diyos, ay mga taong hindi sumasampalataya. Ang ikalawang uri ay yaong mga kaanib sa limang pangunahing mga relihiyon at mga naniniwala sa malabong Diyos. Ang ikatlong uri ay yaong naniniwala sa praktikal na Diyos na naging tao sa panahon ng huling mga araw—yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. At bakit Ko hinati ang mga tao sa tatlong uri na ito? (Sapagkat sila ay may magkakaibang hantungan at katapusan.) Yaon ay isang aspeto. Sapagkat, kapag yaong iba’t ibang lahi at uri ng mga tao ay magbalik sa espirituwal na mundo, ang bawat isa ay may magkakaibang lugar na pupuntahan, sila ay isasailalim sa iba’t ibang kautusan ng pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ang dahilan kung bakit Ko inuri ang mga tao sa mga pangunahing uring ito.

1. Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya

Simulan natin sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya. Pagkatapos mamatay ng tao, sila ay kinukuha ng isang tagapamahala mula sa espirituwal na mundo. At ano ang kinukuha sa kanila? Hindi ang kanilang laman, kundi ang kanilang kaluluwa. Kapag ang kanilang kaluluwa ay kinuha na, darating sila sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na mundo, yaong sadyang tumatanggap sa mga kaluluwa ng mga tao na kamamatay pa lamang. (Tandaan: Ang unang lugar na pupuntahan nila pagkatapos mamatay ng isang tao ay kakaiba sa kaluluwa.) Kapag sila ay dinala sa lugar na ito, ang isang opisyal ang magsasagawa ng mga unang pagsisiyasat, titiyakin ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at ano ang ginawa nila sa kanilang buhay. Ang lahat ng mga bagay na ginawa nila sa kanilang buhay ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak para sa kawastuan. Pagkatapos itong masiyasat lahat, ang pag-uugali at mga pagkilos ng sa buong buhay nila ay ginagamit upang pasiyahan kung sila ay maparurusahan o patuloy na sa muling pagkakatawang-tao bilang tao, na siyang unang yugto. Ang unang yugto bang ito ay nakatatakot? Ito ay hindi gaanong nakatatakot, sapagkat ang tanging bagay na nangyari ay dumating ang tao sa madilim at hindi kilalang lugar. Hindi naman iyon gaanong nakatatakot.

Sa ikalawang yugto, kung ang taong ito ay nakagawa ng maraming masamang bagay sa buong buhay nila, kung sila ay nakagawa ng maraming mga masasamang gawa, kung gayon sila ay dadalhin sa isang lugar ng pagpaparusa upang parusahan. Yaon ang magiging lugar kung saan sila dadalhin, isang lugar na talagang para sa parusa ng mga tao. Ang mga pagtukoy kung paano sila parurusahan ay batay sa mga kasalanan na kanilang ginawa, at kung gaano karaming masasamang bagay na kanilang ginawa bago sila namatay—na siyang unang kalagayan na nangyayari sa ikalawang yugto. Dahil sa mga bagay na kanilang ginawa at ang kasamaan na kanilang ginawa bago sila namatay, kapag sila ay nagkatawang-tao kasunod ng kanilang kaparusahan—kapag sila ay isinilang muli sa materyal na mundo—ang ilang tao ay patuloy na magiging tao, at ang ilan ay magiging mga hayop. Na ang ibig sabihin, pagkabalik ng tao mula sa espirituwal na mundo, sila ay parurusahan dahil sa kasamaan na kanilang nagawa; mangyari pa, dahil sa masasamang bagay na kanilang ginawa, sa kanilang susunod na pagkakatawang-tao hindi sila magiging tao, kundi isang hayop. Ang saklaw ng mga hayop na maari silang maging ay kinabibilangan ng mga baka, mga kabayo, mga baboy, at mga aso. Ang ilang tao ay maaring maging isang ibon sa himpapawid, o isang pato o gansa…. Pagkatapos nilang muling naging laman bilang isang hayop, kapag sila ay namatay babalik sila sa espirituwal na mundo, at, gaya ng dati, batay sa kanilang pag-uugali bago sila namatay ang espirituwal na mundo ay magpapasiya kung maaari o hindi sila magkakatawang-tao bilang tao. Karamihan sa mga tao ay nakagagawa ng sobrang daming kasamaan, ang kanilang mga kasalanan ay masyadong mabigat, at kaya kapag sila ay muling naging laman sila ay nagiging isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Pito hanggang labindalawang beses—hindi ba iyon nakatatakot? Ano ang nakatatakot sa inyo? Ang isang tao magiging isang hayop, yaon ay nakatatakot. At para sa isang tao, ano pa ang pinakamasakit tungkol sa pagiging isang hayop? Ang hindi pagkakaroon ng wika, ang pagkakaroon ng mga payak na saloobin lamang, makagagawa lamang ng mga bagay na ginagawa ng mga hayop at kakainin ang mga bagay na kinakain ng mga hayop, pagkakaroon ng payak na pag-iisip at pakikipag-usap gamit ang katawan ng isang hayop, hindi magagawang maglakad nang tuwid, hindi magagawang makipagtalastasan sa mga tao, at wala sa pag-uugali at mga aktibidad ng mga tao ang nagdadala ng anumang kaugnayan sa mga hayop. Na ang ibig sabihin, sa gitna ng lahat ng mga bagay, ang pagiging hayop ay gagawin kayong pinakamababa sa lahat ng buhay na bagay, at ito ay higit na mas masakit kaysa sa pagiging tao. Ito ay isang aspeto ng parusa ng espirituwal na mundo sa mga nakagawa ng sobrang kasamaan at nakagawa ng malaking mga kasalanan. Pagdating sa tindi ng parusa, ito ay pinapasiyahan sa pamamagitan ng naging uri ng hayop sila. Halimbawa, ang pagiging isang baboy ba ay mainam kaysa sa pagiging isang aso? Ang isang baboy ba ay nabubuhay nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang aso? Mas malala, sigurado. Kung ang mga tao ay magiging isang baka o isang kabayo, mabubuhay ba sila nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang baboy? (Mas mainam.) Para itong, kung papipiliin, mayroon kayong panlasa. Mas magiging maginhawa ba kung ang isang tao ay magiging isang pusa? Ito ay higit na mas magiging maginhawa kaysa maging isang kabayo o baka. Kung nagkaroon kayo ng pagpipilian sa pagitan ng mga hayop, pipiliin ninyo ang maging isang pusa, at yaon ay mas maginhawa, sapagkat maaari ninyong ipahinga ang karamihan sa inyong oras sa pagtulog. Ang maging isang baka o kabayo ay higit na matrabaho, at kaya kapag ang mga tao ay muling naging laman bilang baka o kabayo, kailangan nilang magtrabaho nang mabigat—na tila ito ay parang isang malupit na parusa. Ang maging isang aso ay medyo mainam kaysa sa isang baka o kabayo, sapagkat ang isang aso ay may mas malapit na kaugnayan sa kanyang panginoon. Ano pa, sa araw na ito, napakaraming tao ang nag-aalaga ng isang aso at pagkatapos ng tatlo o limang taon natutuhan nitong maintindihan ang napakarami sa kanilang sinasabi! Sapagkat naiintindihan ng isang aso ang marami sa mga salita ng kanyang panginoon, ito ay may mabuting pagkaunawa sa kanyang panginoon, at maaari itong umangkop sa kalooban at mga kinakailangan ng kanyang panginoon, kaya tinatrato ng panginoon ang kanyang aso nang mas mainam, at ang aso ay kumakain nang mas mainam at umiinom nang mas mainam, at kapag ito ay may sakit na nararamdaman ito ay lalo pang inaasikaso—kaya hindi ba nagtatamasa ng isang masayang buhay ang isang aso? Kaya, ang pagiging isang aso ay mas mainam kaysa sa isang baka o kabayo. Sa ganito, ang kalubhaan ng parusa sa tao ang nagpapasiya kung ilang beses sila magkakatawang-tao bilang isang hayop, at sa aling uri ng hayop sila magkakatawang-tao. Naiintindihan ninyo, oo?

Sapagkat nakagawa sila ng napakaraming kasalanan habang sila ay nabubuhay, ang ilang tao ay maparurusahan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Sa sapat na bilang ng paulit-ulit na pagkaparusa, kapag sila ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay dadalhin sa isang lugar. Ang iba’t ibang kaluluwa sa lugar na ito ay naparusahan na, at mga uri na inihahanda upang muling maging laman bilang isang tao. Inuuri ng lugar na ito ang bawat kaluluwa sa isang uri alinsunod sa kung anong uri ng pamilya sila isisilang, anong uri ng tungkulin ang kanilang gagampanan kapag sila ay nagkatawang-tao na, at iba pa. Halimbawa, ang ilang tao ay magiging mga mang-aawit sa pagdating nila sa mundong ito, at kaya inilalagay sila sa mga mang-aawit; ang ilan ay magiging mga negosyante sa pagdating nila sa mundong ito, kaya sila ay inilagay sa gitna ng mga taong negosyante; at kung ang isang tao ay magiging isang siyentipikong mananaliksik kapag sila’y naging tao, kung gayon sila ay ilalagay sa gitna ng mga siyentipikong mananaliksik. Pagkatapos na sila ay mauri, ang bawat isa ay ipadadala alinsunod sa magkakaibang panahon at itinakdang petsa, kagaya lang kung paano magpadala ng mga e-mail ang mga tao sa araw na ito. Sa ganito makukumpleto ang isang pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ay masyadong dramatiko. Magmula sa araw na makarating ang isang tao sa espirituwal na mundo at hanggang sa matapos ang kanilang parusa, sila ay maaaring muling maging laman bilang hayop nang maraming beses, at sila ay maghahanda na muling maging laman bilang isang tao; ito ay isang kumpletong proseso.

At yaon bang mga natapos nang maparusahan, at hindi na magkakatawang-tao bilang mga hayop, ay kaagad na ipadadala sa materyal na mundo upang maging tao? O gaano pa katagal bago sila maaring makisalamuha sa tao? Gaano kadalas kung saan ang mga taong ito ay magiging tao? May mga pansamantalang mga paghihigpit sa ganito. Ang lahat ng nangyayari sa espirituwal na mundo ay isasailalim sa angkop na pansamantalang mga paghihigpit at mga patakaran—kung saan, kung ipaliliwanag Ko ito sa bilang, inyong maiintindihan. Para sa mga muling naging laman sa loob ng maigsing panahon, kapag sila ay namatay ang kanilang muling pagsilang bilang tao ay ihahanda. Ang pinakamaigsing panahon ay tatlong araw. Para sa ilang tao, ito ay tatlong buwan, para sa ilan ito ay tatlong taon, para sa ilan ito ay tatlumpung taon, para sa ilan ito ay tatlong daang taon, para sa ilan ito ay tatlong libong taon pa, at iba pa. Kaya ano ang maaring masabi sa pansamantalang mga patakaran na ito, at ano ang kanilang nilalaman? Ang pagdating ng isang kaluluwa sa materyal na mundo, mundo ng tao, ay ayon sa pangangailangan: Ito ay alinsunod sa papel na gagampanan ng kaluluwang ito dito sa mundo. Kapag ang mga tao ay muling nagkatawang-tao bilang isang karaniwang tao, karamihan sa kanila ay muling magkakatawang-tao kaagad, sapagkat ang mundo ng tao ay may madaliang pangangailangan para sa gayong karaniwang mga tao, at kaya pagkatapos ng tatlong araw sila ay ipadadala muli sa isang pamilya na lubos na naiiba doon sa isa na kinabibilangan nila bago sila namatay. Ngunit may ilan na kailangang gumanap ng natatanging papel sa mundong ito. Ang “natatangi” ay nangangahulugang walang malaking pangangailangan para sa mga taong ito sa mundo ng tao; hindi kailangan ang maraming tao upang gumanap sa gayong papel, at kaya maaari itong umabot ng tatlong daang taon bago sila magkatawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang kaluluwang ito ay minsan lamang darating kada tatlong daang taon, o maaari pang minsan kada tatlong libong taon. At bakit ito ganito? Sapagkat sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon, ang gayong papel ay hindi kinakailangan sa mundo ng tao, at kaya ay pinananatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo. Kunin si Confucius, bilang halimbawa. Nagkaroon siya ng malalim na impluwensiya sa tradisyonal na kulturang Tsino. Malamang lahat kayo ay kilala siya; ang kanyang pagdating ay nagkaroon ng malalim na epekto sa kultura, kaalaman, tradisyon, at pag-iisip ng mga tao sa panahong iyon. Ngunit ang isang tao na kagaya nito ay hindi kinakailangan sa bawat kapanahunan, at kaya kinailangan niyang manatili sa espirituwal na mundo, naghihintay doon sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon bago muling magkatawang-tao. Dahil ang mundo ng tao ay walang pangangailangan sa isang taong kagaya nito, kinailangan niyang maghintay na walang ginagawa, sapagkat sobrang kaunti lamang ng mga papel ang kagaya ng sa kanya, kaunti lamang ang kanyang magagawa, at kaya kinailangan niyang manatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo nang higit sa lahat ng panahon, walang ginagawa, at ipadadala kung magkaroon ng pangangailangan sa kanya ang mundo ng mga tao. Ang mga gayon ay ang daigdig na espirituwal ng pansamantalang mga patakaran para sa dalas kung saan ay nagkakatawang-tao ang karamihan sa mga tao. Maging sila ay isang taong karaniwan o natatangi, ang espirituwal na mundo ay may angkop na mga patakaran at tamang mga kasanayan para sa pagproseso ng muling pagkakatawang-tao ng mga tao, at ang mga patakaran at mga pagsasagawang ito ay galing sa Diyos, ang mga ito ay ipinadadala mula sa Diyos, at hindi pinapasyahan o pinamamahalaan ng sinumang tagapamahala o nilalang sa espirituwal na mundo. Ngayon naintindihan ninyo, oo?

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger