Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (II)

Ikalawang Bahagi

1. Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

3) Tunog

Ang ikatlong bagay ay tunog. Ito rin ay isang bagay na ang normal na tinitirahang kapaligiran para sa mga tao ay dapat na mayroon. Nabuo ang tunog noong nilikha ng Diyos ang lahat. Ginawa ito nang mabuti ng Diyos noong panahong iyon. Ito ay isang bagay na napakahalaga sa Diyos at gayundin para sa ikaliligtas ng buhay ng sangkatauhan. Kung hindi napamahalaan ng Diyos nang mabuti ang isyu tungkol sa tunog, ito ay magiging isang napakalaking balakid sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Sa madaling sabi ito ay magkakaroon ng napakamakabuluhang halaga sa katawan at buhay ng tao, sa puntong ang sangkatauhan ay hindi makakayanang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Maaari ring sabihin na ang lahat ng mga bagay na may buhay ay hindi kayang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Kung gayon, ano ang bagay na ito? Ito ay tunog. Nilikha ng Diyos ang lahat, at ang lahat ay nabubuhay sa mga kamay ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, lahat ng mga bagay ay gumagalaw at nabubuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at ang pag-iral ng bawat isa sa kanila ay may halaga at kabuluhan. Iyon ay, lahat sila ay may pangangailangan sa likod ng kanilang pag-iral. Gayunman, sa lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ang bawat bagay ay may buhay; dahil lahat sila ay buhay at gumagalaw, natural silang makakalikha ng tunog. Halimbawa, ang mundo ay patuloy na umiikot, ang araw ay patuloy na umiikot, at ang buwan ay patuloy ring umiikot. Patuloy na nalilikha ang mga tunog sa mga buhay at galaw ng lahat ng mga bagay. Ang mga bagay sa mundo ay patuloy ring lumalaganap at lumalago at kumikilos. Halimbawa, ang mga pundasyon ng mga bundok ay gumagalaw at lumilipat, samantalang ang lahat ng mga bagay na may buhay sa kailaliman ng mga dagat ay gumagalaw at lumalangoy. Ang mga bagay na may buhay, ang lahat ng mga bagay sa mga mata ng Diyos, lahat ay patuloy, normal, at regular na kumikilos. Kung gayon ano ang dala ng mga palihim na pagpapalaganap at pagsulong at pagkilos ng mga bagay na ito? Mga makapangyarihang tunog. Maliban sa mundo, lahat ng klase ng planeta ay patuloy ring kumikilos, at ang mga bagay na may buhay at mga organismo sa ibabaw ng mga planetang iyon ay patuloy ring lumalaganap, lumalago at kumikilos. Iyon ay, lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay ay patuloy na pasulong sa mga mata ng Diyos, at kapag ang lahat ng uri ng mga bagay na may buhay ay kumilos, sila rin ay lumilikha ng mga tunog nang sabay-sabay. Inayos rin ng Diyos ang mga tunog na ito. Bakit? Dapat ninyong malaman ito, tama? Kapag lumapit ka sa isang eroplano, ano ang maaaring gawin sa iyo ng dumadagundong na tunog ng eroplano? (Mabibingi ang mga tainga.) Mapipinsala ba nito ang pandinig ng mga tao? Matatagalan ba ito ng kanilang mga puso? (Hindi.) Ang ilan na may mga mas mahinang puso ay hindi makakayanang matagalan ito. Syempre, kahit na ang mga may malalakas na puso ay hindi makakayanan ito kung magpapatuloy ito nang matagal. Ibig sabihin, ang tama ng tunog sa katawan ng tao, maski ito ay sa mga tainga o sa puso, ay lubhang makabuluhan para sa bawat tao, at ang mga tunog na masyadong malakas ay magdadala ng panganib sa mga tao. Samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay at matapos nilang magsimulang tumakbo nang normal, nilagay din ng Diyos ang mga tunog na ito—ang mga tunog ng lahat ng mga bagay na kumikilos—sa pamamagitan ng nararapat na pagtrato. Ito ay isa rin sa mga kinakailangang konsiderasyon na nagkaroon ang Diyos noong lumilikha ng isang kapaligiran para sa sangkatauhan.

Una sa lahat, ang taas ng atmospera mula sa ibabaw ng mundo ay aalisin at magtatakda sa mga tunog. Gayun din, ang laki ng mga espasyo sa pagitan ng lupa, iyon ay, ang sukat ng mga lupang walang laman, ay mamanipulahin din at makaka-impluwensya sa tunog. Pagkatapos ay mayroon ng isang daloy ng iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran, na siya ring makakaapekto sa tunog. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga partikular na pamamaraan upang alisin ang ilang mga tunog, upang ang mga tao ay maaaring mamuhay nang ligtas sa isang kapaligirang maaaring matagalan ng kanilang mga tainga at mga puso. Kung hindi, ang mga tunog ay magdadala lang ng malaking balakid sa pamumuhay nang ligtas ng sangkatauhan, at magdadala ito ng pangunahing gulo sa kanilang mga buhay. Ito ay isang malaking problema. Sa madaling sabi, ang Diyos ay naging masyadong metikuloso sa Kanyang paglikha ng lupa, ng atmospera, at ng iba’t ibang uri ng heograpikal na mga kapaligiran. Ang karunungan ng Diyos ay nilalaman ng lahat ng ito. Ang pagkaunawa nito ng sangkatauhan ay hindi kinakailangang maging detalyado. Ang lahat lang ng kanilang dapat malaman ay napapaloobang mga gawa ng Diyos doon. Ang paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ngayon, inyong sabihin sa Akin, ang gawa ba ng Diyos na pagmamanipula ng tunog ay kailangan? Nararamdaman niyo ba ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa nito? Ang gawa na ginawa ng Diyos ay ang pagsasagawa ng napakatiyak na manipulasyon ng tunog. Ginawa Niya ito upang panatilihin ang kinabubuhayang kapaligiran ng sangkatauhan at ang kanilang mga normal na buhay. Kailangan ba ang gawaing ito? (Oo.) Kung ang gawang ito ay kailangan, kung gayon mula sa pananaw na ito, maaari bang sabihin na ginamit ng Diyos ang nasabing paraan upang magbigay-buhay sa lahat ng mga bagay? Nagbigay-buhay ang Diyos sa sangkatauhan at lumikha ng isang tahimik na kapaligiran, upang manirahan ang katawan ng sangkatauhan nang normal sa nasabing kapaligiran, at upang ang sangkatauhan ay hindi na magkakaroon ng anumang panghihimasok at magkaroon ng kakayahang mamalagi at mamuhay nang normal. Hindi ba ito isa sa mga paraan kung saan nagbibigay-buhay ang Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ang bagay bang ito na ginawa ng Diyos ay lubhang mahalaga? (Oo.) Iyon ay lubhang kailangan. Kaya paano ninyo papahalagahan ito? Kahit na hindi niyo kayang maramdaman na ito ang gawa ng Diyos, o kung alam ninyo kung paano ginawa ito ng Diyos noong panahong iyon, kaya pa rin ba ninyong maramdaman ang pangangailangan ng Diyos sa paggawa ng bagay na ito? Kaya ba ninyong maramdaman ang karunungan ng Diyos o ang pag-aaruga at pag-iisip na ibinuhos Niya dito? (Oo.) Sa pagkakaroon lang ng kakayahang maramdaman ito ay ayos na ito. Ito ay sapat na. May mga bagay na ginawa ng Diyos sa lahat ng mga bagay na hindi kayang maramdaman ng mga tao at mahirap para sa kanila na makita. Ang layunin ng pagbanggit Ko nito rito ay upang bigyan lamang kayo ng ilang impormasyon tungkol sa mga kilos ng Diyos at upang makilala ninyo ang Diyos. Ang mga palatandaang ito ay magpapaalam sa inyo at magpapaunawa pa nang mas mabuti ng mga gawa ng Diyos.

4) Liwanag

Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Sila ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? (Wala.) Nasubukan na ba ito ng sinuman? Nasubukan na ito ng ilan. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang hubad na mga mata ng tao ay hindi mangangahas na tumitig nang direkta sa araw. Walang ganitong kakayahan ang mga tao. Nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, ngunit minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. “Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!” Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa. Hindi kakayanin ng mga mata ng tao na matagalan ang mga lugar na masyadong maliwanag, at hindi sila magkakaroon ng kakayahan na makakita ng kahit ano. Kaya sa kapaligiran na tinitirhan ng sangkatauhan, nagbigay ang Diyos ng sapat na dami ng liwanag na akma sa mga mata ng tao. Ang liwanag na ito ay hindi makasasakit o makapipinsala sa mga mata ng tao. Higit pa rito, hindi mawawala ang gamit ng mga mata ng tao, at magagarantiya nito na ang mga mata ng mga tao ay magkakaroon ng kakayahan na makita nang malinaw ang lahat ng dapat nilang makita. Kaya nagdagdag ang Diyos ng sapat na dami ng mga ulap sa palibot ng araw at ng mundo, at ang densidad ng hangin ay may kakayahan ding salain nang normal ang liwanag na nakasasakit sa mga mata at balat ng tao. Ito ay magkaugnay. Dagdag pa rito, ang kulay ng daigdig na ginawa ng Diyos ay nagpapakita rin ng liwanag at ang lahat ng uri ng liwanag at nagtatanggal ng bahagi ng liwanag na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa mga mata ng tao. Sa ganoong paraan, hindi kailangan ng tao na palaging magsuot ng napakadilim na salaming pang-araw upang magkaroon ng kakayahang maglakad sa labas at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Sa ilalim ng mga normal na mga pagkakataon, nakikita ng mga mata ng tao ang mga bagay sa loob ng saklaw ng kanilang paningin at hindi mahaharangan ng liwanag. Iyon ay, ang liwanag na ito ay hindi maaaring maging masyadong nakakasilaw o masyadong madilim: Kung ito ay masyadong madilim, ang mga mata ng tao ay mapipinsala at hindi nila magagamit ang mga ito sa napakatagal na panahon bago tumigil sa paggana ang kanilang mga mata; kung ito ay masyadong maliwanag, hindi ito makakayanang matagalan ng mga mata ng tao, at ang kanilang mga mata ay hindi magagamit sa loob ng 30 hanggang 40 taon o 40 hanggang 50 taon. Sa madaling sabi, ang liwanag na ito ay naangkop na makita ng mga mata ng tao, at ang pinsalang dala ng liwanag sa mga mata ng tao ay nabawasan ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Hindi alintana kung ang liwanag ay nagdadala ng mga benepisyo o mga sagabal sa mga mata ng tao, ito ay sapat upang hayaang tumagal ang mga mata ng tao hanggang sa katapusan ng kanilang buhay. Tama? (Oo.) Hindi ba pinag-isipan itong mabuti ng Diyos? Ngunit kapag si Satanas, ang demonyo, ay gumagawa ng mga gawain, ay hindi nagsasaalang-alang ng alinman sa mga ito. Wala itong pakialam kung ang isang bagay ay magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Gumawa ito ng maraming mga bagay upang mapinsala ang kapaligirang ekolohiya, at nakita na ng mga tao ang ilan dito. Ang liwanag ay maaaring masyadong maliwanag o masyadong madilim---hindi nito kailanman isinasaalang-alang ang mga pakiramdam ng sangkatauhan.

Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa lahat ng mga aspeto ng katawan ng tao—paningin, pandinig, panlasa, paghinga, pagdamdam … upang magamit nang husto para sa kakayahang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan upang makayanan nilang mabuhay—upang mamuhay nang normal at magpatuloy na mabuhay. Ang nasabing umiiral na kapaligirang may buhay na nilikha ng Diyos ay ang kapaligirang may buhay na pinaka-angkop at kapaki-pakinabang sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Maaaring isipin ng ilan na ito ay hindi sapat at ang lahat ng ito ay napaka-ordinaryo lamang. Ang mga tunog, liwanag, at hangin ay mga bagay na pakiramdam ng tao ay kasama na sa kanilang pagkapanganak, mga bagay na maaari nilang tamasahin mula sa sandali ng kanilang pagkapanganak. Ngunit ang ginawa ng Diyos sa likod ng kanilang pagtatamasa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kailangan nilang malaman at maunawaan. Sa kabila ng kahit nararamdaman mong mayroong anumang pangangailangan na maunawaan o malaman ang mga bagay na ito, samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang mga bagay na ito, gumugol Siya ng pag-iisip, nagkaroon Siya ng plano, nagkaroon Siya ng mga tiyak na ideya. Hindi Niya basta inilagay lang ang sangkatauhan sa nasabing kapaligirang may buhay, nang hindi sinasadya, o nang walang anumang pagsasaalang-alang. Maaari ninyong isipin na bawat isa sa mga bagay na ito na Aking tinalakay ay hindi isang malaking bagay, ngunit sa Aking pananaw, bawat bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Mayroong pagkilos ng Diyos sa bagay na ito.

5) Daloy ng hangin

Ano ang ika-limang bagay? Ang bagay na ito ay lubos na may kaugnayan sa buhay ng bawat tao, at ito rin ay isang bagay na hindi kayang mawala sa buhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Ang “daloy ng hangin” ay isang salita na marahil naiintindihan ng lahat ng tao. Kaya ano ang daloy ng hangin? Subukang ipaliwanag ito sa inyong mga sariling salita. (Ang daloy ng hangin ay ang pagbalong ng hangin.) Maari ninyong sabihin iyon. Ang pagbalong ng hangin ay tinatawag na “daloy ng hangin.” Mayroon pa bang ibang paliwanag? Ano ang kahulugan ng salitang “daloy ng hangin”? Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi kayang makita ng mata ng tao. Ito rin ay isang paraan kung saan ang hangin ay gumagalaw. Tama rin iyon. Ngunit ano ang daloy ng hangin na pangunahin nating pinag-uusapan dito? Maiintindihan ninyo sa lalong madaling panahong sabihin ko ito. Ang daigdig, habang ito ay umiikot, ay nagdadala ng mga bundok, mga dagat, at ang lahat ng mga bagay, at kapag ito ay umiikot ay mayroong bilis. Kahit na hindi ka nakakaramdam ng anumang pag-ikot, talagang umiiral ang pag-ikot nito. Ano ang dala ng pag-ikot nito? Ano ang nangyayari kapag ang isang tao ay tumatakbo? Mayroon bang hangin malapit sa iyong mga tainga kapag ikaw ay tumatakbo? (Oo.) Iyon’yon. Kung ang hangin ay kayang malikha kapag ikaw ay tumatakbo, kung gayon paano hindi magkakaroon ng kapangyarihan ng hangin kapag umiikot ang daigdig? Kapag umiinog ang mundo, lahat ng mga bagay ay kumikilos. Ito ay kumikilos at umiikot sa isang partikular na bilis, habang ang lahat ng mga bagay sa daigdig ay patuloy pa ring lumalaganap at lumalago. Samakatuwid, ang paggalaw sa isang partikular na bilis ay natural na nagdadala ng daloy ng hangin. Iyon ay kung ano ang daloy ng hangin. Makakaapekto ba ang daloy ng hangin na ito sa katawan ng tao sa isang partikular na saklaw? (Oo.) Makakaapekto ito. Kung ang buong daigdig ay puno ng mga kapatagan, kung gayon kapag ang daigdig at ang lahat ng mga bagay ay umiikot sa isang partikular na bilis, ang maliit na katawan ng tao ay hindi kakayaning matagalan ang puwersa ng hangin. Ang Taiwan at Hong Kong ay parehong may mga bagyo. Ang mga bagyong ito ay hindi ganoon kalakas, ngunit kapag tumama ang mga ito, hindi makayanang tumayo ng maayos ng tao at nahihirapang maglakad palaban sa hangin. Mahirap ring makagawa ng kahit isang hakbang. Ito ay isa sa mga paraan na ang daloy ng hangin ay nakaka-apekto sa sangkatauhan. Kung ang buong daigdig ay puno ng mga kapatagan, ang daloy ng hangin na nililikha ng daigdig kapag ang mundo ay umiikot ay hindi isang bagay na kayang matagalan ng katawan ng tao. Magiging masyadong mahirap itong matagalan. Kung ganoon ang kaso, ang daloy na ito ng hangin ay hindi lamang magdadala ng pinsala sa sangkatauhan, kung hindi pagkawasak. Walang sinuman ang may kakayahang mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal upang maayos ang mga nasabing daloy ng hangin, upang pahinain ang mga nasabing mga daloy ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalit ng direksyon, bilis, at puwersa sa pamamagitan ng magkakaibang mga kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit nakakakita ang mga tao ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal, gaya ng mga bundok, mga bulubundukin, mga kapatagan, mga burol, mga lunas, mga lambak, mga talampas, at mga ilog. Nilalapat ng Diyos ang iba’t ibang mga kapaligirang heograpikal na mga ito upang baguhin ang bilis, direksyon at puwersa, gamit ang nasabing paraan upang pauntiin o manipulahin ito sa isang angkop na bilis, direksyon ng hangin, at puwersa ng hangin, upang magkaroon ang mga tao ng isang normal na kapaligirang may buhay. Ang paggawa ng bagay gaya nito ay maaaring maging mahirap para sa mga tao, ngunit ito ay madali para sa Diyos dahil inoobserbahan Niya ang lahat ng mga bagay. Para sa Kanya ang paglikha ng isang kapaligiran na may angkop na daloy ng hangin ay napakasimple, masyadong madali. Kung gayon, sa nasabing kapaligiran na nilikha ng Diyos, bawat isang bagay sa lahat ng mga bagay ay kailangang-kailangan. Mayroong halaga at pangangailangan sa kanilang lubos na pag-iral. Gayunpaman, si Satanas at ang masamang sangkatauhan ay walang ganoong pilosopiya. Patuloy silang nangwawasak at nagpapalago, walang saysay na mga nangangarap na gawin ang mga bundok na patag na lupa, pagpupuno ng mga kanyon, at pagtayo ng mga napakataas na gusali sa ibabaw ng patag na lupa upang lumikha ng mga kongkretong kagubatan. Pangarap ng Diyos na mamuhay nang masaya ang sangkatauhan, lumaki nang masaya, at gugulin ang bawat araw nang masaya sa pinaka-angkop na kapaligirang inihanda Niya para sa kanila. Kaya naman hindi kailanman naging pabaya ang Diyos pagdating sa pakikitungo ng kapaligirang titirahan ng sangkatauhan. Mula sa temperatura hanggang sa hangin, mula sa tunog hanggang sa liwanag, gumawa ang Diyos ng mga maingat na plano at pag-aayos, upang ang kapaligirang titirahan ng sangkatauhan at ang kanilang mga katawan ay hindi sumailalaim sa anumang balakid mula sa mga natural na kundisyon, at sa halip ang sangkatauhan ay magkakaroon ng kakayahang manirahan at magpakarami nang normal at manirahan nang normal kasama ang lahat ng mga bagay nang magkasundo. Lahat ng ito ay ibinigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay at sa sangkatauhan.

Nakikita mo ba, mula sa paraang inayos Niya ang limang pangunahing mga kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao, ang pagbibigay ng Diyos sa sangkatauhan? (Oo.) Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang lahat ng lima sa mga pangunahing kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kasabay nito, pinamamahalaan din ng Diyos at kinokontrol ang mga bagay na ito, at kahit ngayon, matapos na ang mga tao ay umiiral sa loob ng ilang libong taon, patuloy pa ring iniiba ng Diyos ang kanilang kapaligirang tinitirahan, nagbibigay ng pinakamaganda at pinaka-angkop na kapaligirang titirahan sa sangkatauhan upang ang kanilang mga buhay ay mapanatiling normal. Hanggang kailan ito mapapanatili? Sa madaling sabi, gaano katagal papanatilihin ng Diyos ang pagbibigay ng nasabing kapaligiran? Hanggang lubusan nang makumpleto ng Diyos ang kanyang planong pamamahala. Pagkatapos, babaguhin ng Diyos ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Maaari itong maging sa pamamagitan ng mga parehong pamamaraan, o maaari itong maging sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, ngunit ang talagang kailangang malaman ng tao ngayon ay ang Diyos ay patuloy na nagbibigay ng mga pangangailangan ng sangkatauhan, at pinamamahalaan ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan, at pinangangalagaan, pinoprotektahan, at pinapanatili ang tinitirahang kapaligiran ng sangkatauhan. Dahil sa nasabing kapaligiran kaya ang mga napiling tao ng Diyos ay may kakayanang mamuhay nang normal gaya nito at matanggap ang kaligtasan ng Diyos at pagkastigo at paghatol. Ang lahat ng mga bagay ay nagpapatuloy na umiral dahil sa pamumuno ng Diyos, habang ang buong sangkatauhan ay nagpapatuloy na sumulong dahil sa pagbibigay ng Diyos sa paraang ito.

Ang bahagi bang ito na aking katatalakay lamang ay nagdala sa inyo ng anumang mga kaisipan? Nararamdaman na ba ninyo ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Kung sino ang panginoon ng lahat ng mga bagay? Isa ba itong lalaki? (Hindi.) Kung gayon, alam ba ninyo ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano makitungo ang Diyos at ang mga tao sa lahat ng mga bagay? (Namumuno ang Diyos at nag-aayos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang tao ay nagpapakasaya sa mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo sa mga salitang iyon? (Oo.) Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ay namumuno sa lahat ng mga bagay at nagbibigay-buhay sa lahat ng mga bagay. Ang Diyos na pinagmulan ng lahat, at ang sangkatauhan ay nagtatamasa ng lahat ng mga bagay habang ang Diyos ang nagbibigay ng mga ito. Sa madaling sabi, nasisiyahan ang tao sa lahat ng mga bagay kapag tinatanggap niya ang buhay na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, samantalang ang Diyos ang Panginoon. Tama? Kung gayon, mula sa perspektibo ng lahat ng mga bagay, ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Nakikitanang malinaw ng Diyos ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay. Iyon ay, ang lahat ng mga bagay ay nasa mga mata ng Diyos at nasa loob ng Kanyang saklaw ng pagsusuri. Kaya bang makita ng sangkatauhan ang lahat ng mga bagay? (Hindi.) Ang nakikita ng sangkatauhan ay limitado lamang. Hindi mo matatawag iyong “lahat ng mga bagay”—ito lamang ay kung ano ang kanilang nakikita sa harap ng kanilang mga mata. Kung aakyatin mo ang bundok na ito, ang iyong makikita ay ang bundok na ito. Hindi mo makikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pupunta ka sa tabing-dagat, makikita mo ang panig na ito ng karagatan, ngunit hindi mo alam kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung makarating ka sa kagubatang ito, makakakita ka ng mga halaman sa harap ng iyong mga mata at sa paligid mo, ngunit hindi mo kayang makita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, at mas malalim. Ang lahat ng kanilang nakikita ay kung ano ang nasa harap ng kanilang mga mata at nasa saklaw ng kanilang paningin. Kahit na alam ng mga tao ang disenyo ng apat na panahon sa isang taon at ang mga disenyo ng pagsibol ng lahat ng mga bagay, hindi nila kayang pamahalaan o pamunuan ang lahat ng mga bagay. Sa kabilang banda, ang paraan na nakikita ng Diyos ang lahat ng mga bagay ay kagaya ng paraan na makikita ng Diyos ang isang makina na personal Niyang ginawa. Malalaman Niya nang lubos ang bawat bahagi nito. Ano ang mga prinsipyo nito, ano ang mga disenyo nito, at ano ang gamit nito—alam ng Diyos ang lahat ng mga bagay na ito nang payak at malinaw. Kaya ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Kahit kapag patuloy na magsaliksik ang tao sa siyensya at mga batas ng lahat ng mga bagay, ito ay nasa limitadong saklaw lamang, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat. Para sa tao, iyon ay walang hanggan. Kung nagsasaliksik ang tao ng isang bagay na napakaliit na nagawa ng Diyos, maaari nilang gugulin ang kanilang buong buhay sa pananaliksik dito nang hindi nakakamtan ang anumang totoong resulta. Ito ay kung bakit mo ginagamit ang kaalaman at kung ano ang iyong natutunan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makakayanang makilala o maunawaan ang Diyos. Ngunit kapag ginamit mo ang daan ng katotohanan at pagsumpong sa Diyos, at tumingin sa Diyos mula sa perspektibo ng pagkilala sa Diyos, kung gayon isang araw aaminin mo na ang mga gawa ng Diyos at karunungan ay nasa kahit saan, at malalaman mo rin kung bakit ang Diyos lamang ang tinatawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay at ang bukal ng buhay ng lahat ng mga bagay. Kung mas nagtataglay ka ng nasabing kaalaman, ganoon rin kahigit mong mauunawaan kung bakit ang Diyos ay tinawag na Panginoon ng lahat ng mga bagay. Lahat ng mga bagay, kasama ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagbibigay ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, sa sangkatauhang ito, ay walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng ganoong kapangyarihan at ganoong katotohanan upang mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng mga bagay. Kapag iyong nakamit ang nasabing pagkaunawa, tunay mong tatanggapin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tinatanggap ang Diyos at hayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag nagkaroon ka ng nasabing pagkakaunawa at ang iyong buhay ay umabot sa nasabing punto, hindi ka na susubukin o hahatulan pa ng Diyos, ni humingi Siya ng anumang pangangailangan mula sa iyo, dahil nauunawaan mo ang Diyos, nakikilala ang Kanyang kalooban, at tunay na tinatanggap ang Diyos sa iyong puso. Ito ay isang mahalagang dahilan para sa pagtatalakay ng mga paksang ito tungkol sa pamumuno ng Diyos at pamamahala ng lahat ng mga bagay. Ito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pang-unawa; hindi lamang upang kilalanin mo, ngunit upang bigyan ka ng mas praktikal pang kaalaman at pang-unawa ng mga kilos ng Diyos.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap