Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Kabanalan ng Diyos (III)

Ikatlong bahagi

Alam ko na maraming mga tao ngayon ang umaasang sabihin Ko kung ano eksakto ang kabanalan ng Diyos, subalit kapag Ako ay nangusap tungkol sa kabanalan ng Diyos tatalakayin Ko muna ang tungkol sa mga gawa na ginagawa ng Diyos. Dapat lahat kayo ay makinig nang mabuti, sa gayon tatanungin ko kayo kung ano eksakto ang kabanalan ng Diyos. Hindi ko sasabihin sa inyo nang tuwiran, ngunit sa halip hahayaan ko kayong subukan na alamin ito, bigyan kayo ng pagkakataon na alamin ito. Ano sa palagay ninyo ang paraang ito? (Mabuti iyon.) Kaya makinig nang maigi.

Kapag ginagawang masama ni Satanas ang tao o gumagamit nang walang-pigil na pamiminsala, ang Diyos ay hindi magsasawalang-kibo, ni hindi rin Niya ipinagwawalang-bahala o magbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga napili. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay ganap na malinaw at naiintindihan ng Diyos. Anuman ang gawin ni Satanas, anumang uso ang sinasanhi nito na lumitaw, alam ng Diyos ang lahat na sinusubukang gawin ni Satanas, at hindi isinusuko ng Diyos yaong Kanyang mga pinili. Sa halip, hindi man lang nakatatawag-pansin, palihim, tahimik, ginagawa ng Diyos ang lahat-lahat ng kinakailangan. Kapag sinimulan Niya ang gawain sa isang tao, kapag napili Niya ang isang tao, hindi Niya ito pinahahayag kaninuman, ni hindi rin Niya ito ipinahahayag kay Satanas, lalo nang hindi gumawa ng anumang kahanga-hangang kapahayagan. Siya ay napakatahimik, napakanatural lamang na gumagawa nang kung ano ang kinakailangan. Una, pumipili Siya ng pamilya para sa iyo; anong uri ng karanasan mayroon ang pamilya, sinu-sino ang iyong mga magulang, sinu-sino ang iyong mga ninuno—ang lahat ng ito ay napagpasiyahan na ng Diyos. Sa ibang salita, hindi ito mga padalus-dalos na disisyong ginawa Niya, ngunit sa halip ito ay isang gawa na nasimulan matagal na ang nakalipas. Sa sandaling nakapili na ang Diyos ng isang pamilya para sa iyo, pinipili na rin Niya ang petsa kung kailan ka ipapanganak. Mayamaya, pinanonood ka ng Diyos habang ikaw ay ipinanganganak na umiiyak sa mundo, pinapanood ang iyong pagsilang, pinapanood ang pagbigkas mo ng iyong unang mga salita, pinanonood ang pagkadapa at paampang-ampang sa iyong unang mga hakbang, pagkatuto kung paano lumakad. Una humahakbang ka ng isa at pagkatapos ng isa pa … ngayon ay tumatakbo ka na, ngayon tumatalon ka na, ngayon nagsasalita ka na, ngayon ipinahahayag mo na ang iyong mga damdamin. Sa panahong ito, habang lumalaki ang tao, ang mga titig ni Satanas ay nakatuon sa bawat isa sa kanila, parang isang tigreng pinagmamasdan ang kanyang bibiktimahin. Subalit sa paggawa ng Kanyang gawain, ang Diyos kailanman ay hindi nagdusa ng anumang limitasyon ng mga tao, mga pangyayari o mga bagay, ng espasyo o panahon; ginagawa Niya kung ano ang dapat at ginagawa kung ano ang nararapat. Sa proseso ng paglaki, nakakatagpo ka ng maraming mga bagay na hindi mo nagugustuhan, nakakatagpo mo ang mga pagkakasakit at mga kabiguan. Subalit habang lumalakad ka sa daang ito, ang iyong buhay at iyong hinaharap ay mahigpit na nasa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng isang tunay na garantiya na magtatagal sa lahat ng iyong buhay, sapagkat Siya ay nasa tabi mo, binabantayan ka at inaalagaan ka. Walang-kamalayan dito, ikaw ay lumalaki. Nagsisimula kang makipag-ugnayan sa bagong mga bagay at nagsisimulang kilalanin ang mundong ito at ang sangkatauhang ito. Ang lahat-lahat ay sariwa at bago sa iyo. Gusto mong ginagawa ang iyong sariling gusto at gusto mong ginagawa kung ano ang gusto mo. Namumuhay ka sa loob ng iyong sariling pagkatao, namumuhay sa loob ng iyong sariling buhay na espasyo at wala ka ni katiting na pang-unawa tungkol sa pag-iral ng Diyos. Subalit pinanonood ka ng Diyos sa bawat hakbang sa daan habang lumalaki ka, at pinanonood ka habang gumagawa ka ng bawat pasulong na mahabang hakbang. Kahit kapag ikaw ay natututo ng kaalaman, o nag-aaral ng siyensiya, ni isang hakbang hindi kailanman umalis ang Diyos sa iyong tabi. Ikaw ay pareho rin gaya ng ibang mga tao na, sa kalagitnaan nang pagkuha na malaman at makipag-ugnayan sa mundo, naitatag mo ang iyong sariling mga mithiin, mayroon kang iyong sariling mga libangan, iyong sariling mga interes, at nagkikimkim ka rin nang matatayog na mga ambisyon. Madalas mong pagnilayan ang sarili mong kinabukasan, kadalasang iginuguhit ang balangkas kung paano ang hitsura ng iyong kinabukasan. Subalit anuman ang mangyari sa daan, malinaw na nakikita ng Diyos ang lahat. Marahil ikaw mismo ay nakalimot na sa iyong sariling nakaraan, subalit sa Diyos, walang sinuman ang maaaring makaunawa nang mas mainam sa iyo kundi Siya. Nabubuhay ka sa ilalim ng mga mata ng Diyos, lumalaki, nagkaka-gulang. Sa panahong ito, ang pinakamahalagang gawain ng Diyos ay bagay na walang sinuman kailanman ang nakakahiwatig, bagay na walang sinumang nakakaalam. Tiyak na hindi sinasabi ito sa iyo ng Diyos. Kaya ano itong pinakamahalagang bagay? Alam n’yo ba? (Ang pagdadala sa mga tao sa harapan Niya.) Kaya ano ang ginagawa ng Diyos upang dalhin ang mga tao sa harapan Niya? Sa anong panahon Niya dinadala ang mga tao sa harapan Niya? Alam n’yo ba? Ito ba ang pangunahing gawain ng Diyos? Ito ba ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos? Maaaring sabihin ng isa na ito ay isang garantiya na ililigtas ng Diyos ang isang tao. Ito’y nangangahulugan na nais ng Diyos na iligtas ang taong ito, kaya dapat Niyang gawin ito, at ang gawaing ito ay lubhang napakahalaga kapwa sa tao at sa Diyos. Alam n’yo ba ito? Tila ba walang kayong anumang pakiramdam tungkol dito, o anumang konsepto nito, kaya sasabihin ko sa inyo. Mula sa panahon nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ng Diyos ang maraming gawain para sa iyo, subalit hindi Niya sinabi sa iyo sa bawat panahong may ginawa Siya. Hindi mo dapat malaman, kaya hindi sinabi sa iyo, tama? (Oo.) Sa tao, lahat-lahat ng Kanyang ginagawa ay mahalaga. Sa Diyos, ito ay bagay na dapat Niyang gawin. Subalit sa puso Niya mayroong isang mahalagang bagay na kinakailangan Niyang gawin na lubhang nakahihigit sa anumang mga bagay na ito. Ano iyon? Iyon ay, mula sa panahon nang ang tao ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, dapat magarantiyahan ng Diyos ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila. Maaaring nararamdaman ninyo bagaman hindi ninyo ganap na nauunawaan, sinasabing “Ang kaligtasan bang ito ay napakahalaga?” Kaya ano ang literal na kahulugan ng “kaligtasan”? Marahil nauunawaan n’yo ito na nangangahulugan ng kapayapaan o marahil nauunawaan n’yo ito na nangangahulugan nang kailanman hindi pagdanas ng anumang kapahamakan o kalamidad, ang mamuhay nang mabuti, ang mamuhay ng isang normal na buhay. Subalit sa inyong mga puso dapat ninyong malaman na hindi ganoon kasimple iyon. Kaya ano sa lupa ang bagay na tinutukoy ko, na dapat gawin ng Diyos? Ano ang kahulugan nito sa Diyos? Ito ba’y tunay na isang garantiya ng iyong kaligtasan? Katulad nang ngayon mismo? Hindi. Kaya ano iyon na ginagawa ng Diyos? Ang kaligtasang ito ay nangangahulugan na hindi ka nilamon ni Satanas. Ito ba ay mahalaga? Hindi ka nilamon ni Satanas, kaya ito ba ay may kinalaman sa iyong kaligtasan, o wala? Ito ay may kinalaman sa iyong personal na kaligtasan, at walang maaaring maging higit na mas mahalaga. Sa sandaling lamunin ka ni Satanas, ang iyong kaluluwa ni ang iyong laman ay hindi na nabibilang sa Diyos. Hindi ka na ililigtas ng Diyos. Pinababayaan ng Diyos ang mga kaluluwang ganoon at pinababayaan ang mga taong tulad noon. Kaya sinasabi ko ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos ay ang garantiyahan ang iyong kaligtasan, ang garantiyahan na hindi ka malalamon ni Satanas. Ito ay medyo mahalaga, hindi ba? Kaya bakit hindi kayo makasagot? Tila hindi ninyo nararamdaman ang dakilang kabutihan ng Diyos!

Mas marami pang ginagawa ang Diyos maliban sa paggarantiya sa kaligtasan ng mga tao, paggarantiya na hindi sila malalamon ni Satanas; Marami rin Siyang ginagawa sa paghahanda para sa pagpili sa isang tao at para sa pagliligtas sa kanila. Una, anong uri ng karakter mayroon ka, sa anong uri ng pamilya ka ipapanganak, sinu-sino ang magiging mga magulang mo, ilang magkakapatid kayo, ano ang iyong pampamilyang sitwasyon at pangkabuhayang estado, ano ang mga kondisyon ng iyong pamilya—ang lahat ng ito ay napakaingat na isinaayos para sa iyo ng Diyos. Alam n’yo ba sa anong uri ng pamilya karamihang ipinanganak ang piniling mga tao ng Diyos, kung ang tatanungin ay ang karamihan sa mga tao? Ang mga ito ba’y prominenteng mga pamilya? Maaaring may ilan. Hindi natin maaaring masabi nang tiyakan na wala, subalit sila’y napaka-kakaunti. Sila ba’y mga pamilya na may pambihirang kayamanan, tulad ng mga bilyonaryo o mga multi-milyonaryo? Sila’y halos kailanman hindi ganitong uri ng pamilya. Kaya anong uri ng pamilya ang pinaka-isinasaayos ng Diyos para sa mga tao? (Ordinaryong mga pamilya.) Kaya aling mga pamilya ang ordinaryong mga pamilya? Sila ay nakararaming nagtatrabahong mga pamilya at nagsasakang mga pamilya. Ang mga manggagawa ay umaasa sa kanilang sahod para mabuhay at nakakayanan ang pangunahing mga pangangailangan. Hindi nila hahayaan na ikaw ay magutom sa anumang kadahilanan, subalit hindi mo maaaring maasahan na ang lahat ng iyong materyal na mga pangangailangan ay matutugunan. Ang mga magsasaka ay umaasa sa pagtatanim ng mga pananim para sa kanilang pagkain, mayroon silang butil na makakain at, anuman ang mangyari, hindi ka magugutom, subalit hindi ka maaaring magkaroon ng napakagagandang mga damit. Pagkatapos may mga ilang pamilya na nakikibahagi sa negosyo o nagpapatakbo ng maliit na mga negosyo, at may ilan na kung saan ang mga magulang ay matatalinong mga tao, at ang mga ito ay maaari ring ituring bilang ordinaryong mga pamilya. Mayroon ding ilang mga magulang na mga manggagawa sa opisina o minor na opisyal ng pamahalaan kadalasan, na hindi rin maaaring ituring bilang prominenteng mga pamilya. Mas maraming mga tao ang ipinanganak sa ordinaryong mga pamilya, at ang lahat ng ito ay isinaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang lahat ng kapaligirang ito na tinitirhan mo ay hindi ang pamilyang may malaking kayamanan na inaakala mo, ngunit sa halip ito ay isang pamilya na pinagpasiyahan para sa iyo ng Diyos, at ang karamihan ng mga tao ay namumuhay sa loob ng limitasyon ng ganitong uri ng pamilya; hindi natin tatalakayin dito ang mga namumukod-tangi. Kung tungkol naman kaya sa katayuang sosyal? Ang mga kondisyong pangkabuhayan ng karamihan sa mga magulang ay pangkaraniwan at wala silang mataas na katayuang sosyal—para sa kanila mabuti na ang magkaroon lang ng isang trabaho. Mayroon bang sinumang mga gobernador? Mayroon bang sinumang mga presidente? (Wala.) Kadalasan sila’y mga tao tulad ng mga tagapangasiwa nang maliliit na mga negosyo o munting mga amo, lahat ay may pangkaraniwang katayuang sosyal, lahat nabubuhay sa mga karaniwang kondisyong pangkabuhayan. Ang isa pang kadahilanan ay ang kapaligiran ng pampamilyang buhay. Una sa lahat, walang mga magulang na malinaw na mag-iimpluwensya sa kanilang mga anak na lumakad sa daan ng paghula at panghuhula; ang mga ito ay napaka-kakaunti rin. Karamihan sa mga magulang ay medyo normal at kapareho ninyo. Itinatatag ng Diyos ang ganitong uri ng kapaligiran para sa mga tao kasabay nang pagpili sa kanila, at ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa pagliligtas ng mga tao. Mula sa labas, tila ang Diyos ay walang nagawang napakadakila para sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat-lahat nang palihim, mapagpakumbaba at tahimik lang. Subalit sa katunayan, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ang paglalatag ng isang pundasyon para sa iyong kaligtasan, upang ihanda ang daang tatahakin at ihanda ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon para sa iyong kaligtasan. Diretso sa tinukoy na oras ng bawat tao, ibinabalik sila ng Diyos sa harapan Niya—kapag dumating na ang oras para madinig mo ang tinig ng Diyos, yaon ang oras na pupunta ka sa harapan Niya. Sa oras na mangyari ito, ang ilang mga tao ay magiging magulang na rin, samantalang ang iba ay magiging anak lamang ng isang tao. Sa ibang salita, may ilang mga tao ang mga nakapag-asawa at nagkaanak samantalang ang iba ay nanatiling nag-iisa pa rin, hindi pa nakapagsisimula ng kanilang sariling mga pamilya. Subalit hindi alintana ang mga sitwasyon ng tao, naitakda na ng Diyos ang mga panahon kung kailan ka mapipili at kung kailan ang Kanyang ebanghelyo at mga salita ay makakaabot sa iyo. Naitakda na ng Diyos ang mga kalagayan, napagpasiyahan na sa isang tiyak na tao o sa isang tiyak na konteksto na sa pamamamagitan noon ay maipapasa ang ebanghelyo sa iyo, upang maaari mong marinig ang mga salita ng Diyos. Naihanda na ng Diyos para sa iyo ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon nang sa gayon, walang kaalam-alam, makarating ka sa harapan Niya at makabalik sa pamilya ng Diyos. Ikaw rin ay walang kaalam-alam na sinusundan ang Diyos at pumapasok sa Kanyang baitang-baitang na gawain, pumapasok sa paraan ng paggawa ng Diyos na mayroon Siya, baitang-baitang, na inihanda para sa iyo. Ang pinakamababa sa lahat na ginagawa ng Diyos at ibinibigay sa tao sa panahong ito ay unang-una sa lahat ang pangangalaga at pag-iingat na tinatamasa ng tao, at ito ay talagang tunay. Kaya anong uri ng mga paraan ang ginagamit ng Diyos? Itinatakda ng Diyos ang iba’t ibang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay upang maaaring makita ng tao ang Kanyang pag-iral at Kanyang mga gawa sa loob nila. Halimbawa, may mga ilang tao na naniniwala sa Diyos sapagkat may isang tao sa kanilang pamilya ang may sakit, at sinasabi nila, “Isa sa aking pamilya ay may sakit, ano naman ang aking gagawin?” May ilang mga tao ang samakatuwid magsasabi, “Maniwala kay Jesus!” Kung kaya magsisimula silang maniwala sa Diyos, at ang paniniwalang ito sa Diyos ay nangyari dahilan sa sitwasyon. Kaya sino ang nagsaayos ng sitwasyon na ito? (Ang Diyos.) Sa pamamagitan ng sitwasyong ito bumaling sila sa Diyos. May ilang mga pamilyang tulad nito na kung saan ang lahat ay mga mananampalataya, bata at matanda, samantalang may ilan na kung saan ang paniniwala ay indibidwal. Kaya sabihin mo sa Akin, ano ang matatamo mula sa Diyos ng isang mananampalataya? Lumilitaw ang sakit ay sumasapit, ngunit sa katunayan ito’y isang kondisyon na ibinigay sa kanya upang makarating sa harapan ng Diyos—ito ang kabutihan ng Diyos. Dahil sa ang pampamilyang buhay ng ilang tao ay mahirap at hindi sila makahanap ng kapayapaan, ang isang pagkakataon ay dumarating na kung saan may isang tao na magpapasa ng ebanghelyo at sasabihing “Ang iyong pamilya ay nahihirapan. Maniwala kay Jesus. Maniwala kay Jesus at magkakaroon ka ng kapayapaan.” Hindi namamalayan, ang taong ito sa gayon ay maniniwala sa Diyos sa ilalim ng napaka-natural na mga pangyayari, kaya ito ba ay hindi isang uri ng kondisyon? (Oo.) At ang kanyang pamilya ba na wala sa kapayapaan ay isang biyaya na ibinigay sa kanya ng Diyos? (Oo.) May mga ilan sa gayon na naniniwala sa Diyos dahil sa ibang mga kadahilanan, ngunit anuman ang dahilan na nagdadala sa iyo na maniwala sa Kanya, lahat ng ito ay talagang inayos at ginabayan ng Diyos, nang walang duda.

Sa una, ginagamit ng Diyos ang iba’t-ibang mga paraan upang piliin ka at dalhin ka sa Kanyang pamilya. Ito ang unang bagay na ginagawa Niya at isang biyaya na ibinigay Niya sa bawat isa at bawat tao. Ngayon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Niya basta iginagawad ang biyaya at mga pagpapala sa tao tulad ng ginawa Niya sa simula, ni hindi rin Niya patuloy na sinusuyo ang mga tao—ito ay dahil sa pundasyon ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa panahon ng gawain sa mga huling araw na ito, ano ang nakita ng tao mula sa lahat ng mga aspeto ng gawain ng Diyos na kanilang naranasan? Hindi lamang nila nakita ang pag-ibig ng Diyos, subalit pati na rin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa panahong ito, ang Diyos ay lalo pang nagbibigay, sumusuporta, nililiwanagan at ginagabayan ang tao, sa gayon unti-unti nilang nalalaman ang Kanyang mga intensyon, nalalaman ang mga salita na sinasabi Niya at ang katotohanang iginagawad Niya sa tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag sila ay malungkot, kapag wala silang mabalingan, gagamitin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang magpaginhawa, magpayo at pasiglahin sila, nang sa gayon ang tao na mababa ang tayog ay unti-unting matagpuan ang kanilang lakas, umakyat sa pagiging positibo at maging handang makipagtulungan sa Diyos. Ngunit kapag sinusuway ng tao ang Diyos o tinututulan Siya, o kapag ibinubunyag nila ang kanilang sariling kasamaan at sinasalungat ang Diyos, hindi magpapakita ng awa ang Diyos sa pagtutuwid sa kanila at sa pagdidisiplina sa kanila. Sa kahangalan, kamangmangan, kahinaan at kamusmusan ng tao, gayunpaman, ang Diyos ay magpapakita ng pagpaparaya at pasensya. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng lahat ng gawain ng Diyos na ginagawa para sa tao, ang tao ay unti-unting nagkaka-gulang, lumalaki, at nalalaman ang mga intensyon ng Diyos, upang malaman ang ilang katotohanan, upang malaman kung ano ang positibong mga bagay at ano ang negatibong mga bagay, upang malaman kung ano ang kasamaan at ano ang kadiliman. Ang Diyos ay hindi palaging nagtutuwid at nagdidisiplina ng tao, ni hindi rin Siya nagpapakita ng pagpaparaya at pasensya. Sa halip binibigyan Niya ang bawat tao sa iba-ibang mga paraan, at sa kanilang iba-ibang mga yugto at ayon sa kanilang iba-ibang mga tayog at kakayahan. Ginagawa Niya ang maraming mga bagay para sa tao at sa malaking halaga; walang nahahalata ang tao sa halagang ito o sa mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos, datapwat lahat ng ginagawa Niya sa totoo’y natutupad sa bawat isang tao. Ang pag-ibig ng Diyos ay tunay: Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos naiiwasan ng tao ang sunod-sunod na sakuna, habang sa kahinaan ng tao, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagpaparaya muli’t muli. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagbibigay-daan sa tao na unti-unting makilala ang kasamaan ng sangkatauhan at ang kanilang masamang makademonyong kakanyahan. Yaong binibigay ng Diyos, ang Kanyang pagliliwanag sa tao at Kanyang paggabay ay lahat nagbibigay-daan sa sangkatauhan upang higit at mas higit pang makilala ang kakanyahan ng katotohanan, at mas lalong malaman kung ano ang kinakailangan ng mga tao, anong daan ang dapat nilang tahakin, para sa ano ang kanilang pamumuhay, ang kahalagahan at kahulugan ng kanilang mga buhay, at kung paano lumakad sa daang tatahakin. Ang lahat ng mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa Kanyang orihinal na layunin. Ano, sa gayon, ang layuning ito? Alam n’yo ba? Bakit nais na gamitin ng Diyos ang mga paraang ito upang ipatupad ang Kanyang gawain sa tao? Anong kalalabasan ang nais Niyang makamit? Sa ibang salita, ano ang nais Niyang makita sa tao at makuha mula sa kanila? Nais na makita ng Diyos na ang puso ng tao ay maaaring muling buhayin. Sa ibang salita, ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay ang patuloy na pukawin ang puso ng tao, pukawin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagbibigay sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Maylalang, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan na dapat nilang tahakin, at sa anong paraan dapat makarating ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting panumbalikin ang puso ng tao, upang nakikilala ng tao ang puso ng Diyos, nauunawaan ang puso ng Diyos, at naiintindihan ang malaking pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag pinanumbalik ang puso ng tao, hindi na nila nanaising mamuhay ng buhay ng isang masamang tao, masama ang disposisyon, subalit sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kasiyahan ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay napukaw, sa gayon maaari na silang lubusan at tuluyang umalis kay Satanas, hindi na muling mapinsala pa ni Santanas, hindi na muling kontrolado at malilinlang nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyan-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at sa pag-iwas sa kasamaan. Ito ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap