Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

recital-latest-expression
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

recital-the-word-appears-in-the-flesh-3
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Awtoridad ng Diyos (II)

Unang bahagi

Ngayon ipagpapatuloy natin ang ating pagsasamahan tungkol sa temang “Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Nagkaroon na tayo ng dalawang pagsasama sa paksang ito, una tungkol sa awtoridad ng Diyos, at ang ikalawa tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Matapos pakinggan ang dalawang pagsasamang ito, nagkaroon ba kayo ng bagong pag-unawa sa pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos? Ang mga kabatiran bang ito ay nakatulong upang magtamo kayo ng isang mas tunay na kaalaman at katotohanan sa pag-iral ng Diyos? Ngayon plano kong palawakin ang paksang “Awtoridad ng Diyos.”

Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo

Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi. Ito ang katangiang pagpapahayag ng, at ng espesyal na diwa ng, pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Walang nilalang o di-nilalang ang mayroong ganitong katangiang pagpapahayag at ganoong espesyal na diwa; tanging ang Manlilikha lamang ang nagmamay-ari ng ganitong uri ng awtoridad. Na ibig sabihin, tanging ang Manlilikha lamang—ang Diyos Ang Natatangi—ay ipinahayag sa ganitong paraan at mayroong ganitong diwa. Bakit pinag-uusapan ang awtoridad ng Diyos? Paanong ang awtoridad ng Diyos Mismo ay iba sa awtoridad sa isip ng tao? Ano ang espesyal tungkol dito? Bakit lalo pang mahalaga na pag-usapan ito dito? Bawat isa sa inyo ay dapat maingat na isaalang-alang ang problemang ito. Para sa nakararaming tao, ang “awtoridad ng Diyos” ay isang malabong ideya, isang bagay na napakamahirap maunawaan, at anumang talakayan tungkol dito ay malamang na maging malabo. Kaya walang paltos na magkakaroon ng isang puwang sa pagitan ng kaalaman sa awtoridad ng Diyos na maaaring ariin ng tao, at sa diwa ng awtoridad ng Diyos. Upang matulayan ang puwang na ito, unti-unting makilala dapat ng tao ang awtoridad ng Diyos sa pamamagitan ng mga tunay na mga tao, mga pangyayari, mga bagay, o di-pangkaraniwang mga bagay na maaabot ng tao, na maaaring maunawaan ng mga tao. Bagaman ang pariralang “awtoridad ng Diyos” ay tila hindi maarok, ang awtoridad ng Diyos ay hindi naman mahirap unawain. Siya ay nasa sa tao bawat minuto ng kanyang buhay, inaalalayan siya sa araw-araw. Kaya, sa araw-araw na buhay ng bawa’t tao tiyak na makikita at mararanasan niya ang pinakanadaramang aspeto ng awtoridad ng Diyos. Ang pagkadaramang ito ay sapat nang katibayan na ang awtoridad ng Diyos ay tunay na umiiral, at ito ay ganap na hinahayaan ang isang tao upang makilala at upang maunawaan ang katotohanan na ang Diyos ay nag-aangkin ng ganitong awtoridad.

Nilikha ng Diyos lahat, at matapos malikha ang mga ito, Siya ay may dominyon sa lahat ng mga ito. Bukod sa pagkakaroon ng dominyon sa lahat ng mga bagay, Siya ang may kontrol sa lahat ng bagay. Ano ang ibig sabihin nito, ang ideya na “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay”? Paano ito maipapaliwanag? Paano ito magagamit sa tunay na buhay? Paano ninyo makikilala ang awtoridad ng Diyos sa pag-unawa sa katotohanan na “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay”? Mula sa mismong parirala “ang Diyos ay may kontrol sa lahat ng bagay” dapat nating makita na ang kinokontrol ay hindi isang bahagi lamang ng mga planeta, isang bahagi ng sangnilikha, mas lalong hindi ang isang bahagi ng sangkatauhan, subalit lahat ng bagay: mula sa malalaki hanggang sa mikroskopiko, mula sa nakikita at hindi nakikita, mula sa mga bituin sa sansinukob hanggang sa mga buhay na bagay sa mundo, ganoon na rin sa mga mikroorganismo na hindi nakikita ng mata lamang o ng mga nilalang na may mga ibang anyo. Ito ang tumpak na kahulugan ng “lahat ng bagay” na “kinokontrol ng Diyos,” ang saklaw na kung saan ginagamit ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ang lawak ng Kanyang dakilang kapangyarihan at pamamahala.

Bago nalikha ang sangkatauhan, ang kosmos—ang lahat ng mga planeta, ang lahat ng mga bituin sa kalangitan—ay umiiral na. Sa pangmalawakang antas, ang mga makalangit na mga bagay na ito ay regular na umiikot, sa ilalim ng pagkontrol ng Diyos, sa panahon ng kanilang buong pag-iral, datapwat kayrami ng mga taong iyon. Kung Anong planeta ang pupunta saan at anong partikular na oras; anong planeta ang gagawa ng anong ginagampanan na gawain, at kailan; anong planeta ang iikot kasabay ng anong orbit, at kailan mawawala o mapapalitan—ang lahat ng mga ito ay nagaganap nang wala ni katititing na pagkakamali. Ang mga posisyon ng mga planeta at ang mga agwat sa pagitan nila ay sumusunod sa istriktong mga disensyo, na ang lahat ay maisasalawarawan sa tumpak na mga datos; ang landas na kanilang tinatahak, ang bilis at mga disensyo ng kanilang mga orbit, ang mga oras ng kanilang iba’t-ibang posisyon ay tumpak na mabibilang at maisasalarawan ng espesyal na mga batas. Sa loob ng napakahabang panahon, ang mga planetang ito ay sumunod sa mga batas na ito, ni hindi kailanman lumilihis kahit kaunti. Walang kapangyarihan ang maaaring magpalit o magputol ng kanilang mga orbit o ng mga disensyong kanilang sinusundan. Sapagkat ang espesyal na mga batas na namamahala ng kanilang galaw at tumpak na mga datos na naglalarawan sa kanila ay naitalaga na ng awtoridad ng Manlilikha, sinusunod nila ang mga batas na ito nang sarili nilang kusa, sa ilalim ng dakilang kapangyarihan at kontrol ng Manlilikha. Sa pangmalawakang antas, hindi mahirap para sa tao ang matagpuan ang ilang mga disensyo, ilang mga datos, ganoon din ang ilang naiiba at di-maipaliwanag na mga batas o kamangha-manghang mga bagay. Bagaman hindi tinatanggap ng sangkatauhan na ang Diyos ay umiiral, hindi tinatanggap ang katotohanan na ang Maylalang ang gumawa at may dominyon sa lahat ng bagay, at dagdag pa ang pag-iral ng awtoridad ng Maylalang, ang mga taong siyentipiko, mga astronomo, at mga pisisista ay mas higit na natatagpuan na ang pag-iral ng lahat ng mga bagay sa sansinukob, ang mga prinsipyo at mga disenyo na nagdidikta ng kanilang mga pagkilos, ay lahat napapamahalaan at kinokontrol ng malawak at di-nakikitang madilim na enerhiya. Ang katotohanang ito ang pumipilit sa tao na harapin at kilalanin na may isang Makapangyarihan sa gitna ng mga disensyong ito ng pagkilos, nagsasaayos sa lahat ng bagay. Ang Kanyang kapangyarihan ay di-pangkaraniwan, at bagaman walang sinuman ang maaaring makakita sa Kanyang tunay na mukha, Siya ang namahahala at kumukontrol sa lahat ng bagay sa bawa’t sandali. Walang tao o puwersa ang maaaring makalampas sa Kanyang dakilang kapangyarihan. Sa pagkakaharap sa ganitong katotohanan, dapat makilala ng tao na ang mga batas na ito na namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay di-maaaring makontrol ng mga tao, di-maaaring mapalitan ninuman; kasabay nito dapat tanggapin ng tao na ang mga nilalang na tao ay di-maaaring ganap na makaunawa sa mga batas na ito. At ang mga ito’y hindi natural na nangyayari, subalit nadidiktahan ng isang Panginoon at Maestro. Ang lahat ng mga ito ay pagpapahayag ng awtoridad ng Diyos na maaaring maramdaman ng tao sa pangmalawakang antas.

Sa maliit na antas, lahat ng mga bundok, ilog, dagat, at anyong-lupa na nakikita ng tao as lupa, lahat ng mga panahon na nararanasan niya, lahat ng mga bagay na naninirahan sa mundo, kasama na ang mga halaman, mga hayop, mga mikroorganismo, at mga tao, ay napapailalim sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, kontrolado ng Diyos. Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan at kontrol ng Diyos, ang lahat ng bagay ay mabubuhay o mawawala ayon sa Kanyang mga pag-iisip, ang kanilang mga buhay ay napapamahalaan lahat ng ilang mga batas, at sila’y lumalago at dumadami ayon sa mga ito. Walang sinumang tao o bagay ang nakatataas sa mga batas na ito. Bakit ganoon? Ang tanging sagot ay, dahil sa awtoridad ng Diyos. O, sa ibang paraan, dahil sa mga pag-iisip ng Diyos at mga salita ng Diyos; dahil sa ang Diyos Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito. Na ibig sabihin, ang awtoridad ng Diyos at isip ng Diyos ang nagbubunsod sa mga batas na ito; sila ay magbabago at magpapalit ayon sa Kanyang mga pag-iisip, at ang mga pagbabago at mga pagpapalit na ito ay nangyayari o nawawala lahat para sa kapakanan ng Kanyang plano. Halimbawa na ang mga epidemya. Ang mga ito ay lumalaganap nang walang babala, walang sinuman ang nakakaalam sa pinagmulan ng mga ito o ang eksaktong dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito, at kapag ang isang epidemya ay naaabot ang isang tiyak na lugar, yaong mga tinamaan ay di-maaaring makatakas sa kalamidad. Nauunawaan ng pantaong siyensiya na ang epidemya ay idinudulot ng paglaganap ng mapanira at mapanganib na mga mikrobyo, at ang bilis ng mga ito, saklaw at paraan ng paghahatid ay di-maaaring mahulaan o makontrol ng pantaong siyensiya. Bagaman nilalabanan ang mga ito ng sangkatauhan sa bawat posibleng paraan, hindi nila maaaring makontrol kung sinong mga tao o hayop ang hindi maaaring hindi maapektuhan kapag lumaganap ang epidemya. Ang tanging magagawa lamang ng mga tao ay ang subukang hadlangan, labanan, at saliksikin ang mga ito. Subalit walang nakakaalam kung ano ang ugat na mga sanhi na magpapaliwanag sa simula o katapusan ng anumang indibidwal na epidemya, at walang sinumang makakakontrol sa mga ito. Sa harap ng pagtaas at paglaganap ng isang epidemya, ang unang hakbang na maisasagawa ng mga tao ay ang bumuo ng isang bakuna, ngunit kadalasan ang epidemya ay namamatay ng sariling kusa nito bago pa maging handa ang bakuna. Bakit namamatay ang mga epidemya? May ilang nagsasabi na ang mga mikrobyo ay nakontrol na, ang iba ay nagsasabi na sila’y nangamatay dahil sa mga pagbabago ng panahon…. Kung ang mga ligaw na mga haka-hakang to ay mapapatunayan, walang maibibigay na paliwanag ang siyensiya, walang tiyak na sagot. Ang hinaharap ng sangkatauhan ay hindi lamang ang mga haka-hakang ito ngunit ang kawalan ng pagkaunawa ng sangkatauhan at takot sa mga epidemya. Walang sinumang nakakaalam, sa huling pagsusuri, kung bakit ang mga epidemya ay nagsisimula o kung bakit nagtatapos. Sapagkat ang sangkatauhan ay may pananampalataya lamang sa siyensiya, ganap na umaasa rito, ngunit hindi kinikilala ang awtoridad ng Manlilikha o tinatanggap ang Kanyang dakilang kapangyarihan, kailanma’y hindi sila magkakaroon ng sagot.

Sa ilalim ng dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang lahat ng bagay ay umiiral at namamatay dahil sa Kanyang awtoridad, dahil sa Kanyang pamamahala. May ilang mga bagay na dumarating at umaalis nang tahimik, at hindi masasabi ng tao kung saan sila nanggaling o maunawaan ang mga patakarang sinusunod nila, lalo nang hindi ang maunawaan ang mga dahilan kung bakit sila dumarating at umaalis. Bagaman ang tao ay maaaring makapagpatunay, makarinig, o makaranas ng lahat ng nangyayari sa gitna ng lahat ng mga bagay; bagaman lahat sila ay may dinadala sa tao, at bagaman ang tao sa ilalim ng kanyang kamalayan ay nakakaunawa sa hindi karaniwan, sa kapanayan, sa kakatwaan ng iba’t-ibang di-pangkaraniwang mga pangyayari, wala pa rin siyang alam tungkol sa kalooban ng Manililikha at ng Kanyang isip na siyang nasa likod ng mga ito. Maraming mga kuwento sa likod ng mga ito, maraming natatagong mga katotohanan. Dahil sa ang tao ay nalihis nang malayo mula sa Manlilikha, dahil sa hindi niya tinatanggap ang katotohanan na ang awtoridad ng Manlilikha ang namamahala sa lahat ng bagay, kailanma’y hindi niya malalaman at mauunawaan ang lahat ng nangyayari sa ilalim ng dakilang kapangyarihang ito. Sa mas malaking bahagi, ang kontrol at dakilang kapangyarihan ng Diyos ay lumalampas sa mga hangganan ng pantaong imahinasyon, ng pantaong kaalaman, ng pantaong pagkaunawa, ng kung ano ang makakamit ng pantaong siyensiya; ang mga kakayahan ng nilikhang sangkatauhan ay hindi maaaring katunggaliin ito. May ilang tao ang nagsasabi, “Yamang hindi mo nasaksihan sa sarili mo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, paano ka maaaring maniwala na ang lahat ay nasa ilalim ng Kanyang awtoridad?” Ang pagkakita ay hindi palaging pagkapaniwala; ang pagkakita ay hindi palaging nakakakilala at nakakaunawa. Kaya saan nagmumula ang “paniniwala”? Masasabi ko nang may katiyakan, “Ang paniniwala ay nagmumula sa antas at lalim ng pagkaunawa ng tao, sa karanasan ng tao, ang realidad at ugat na mga dahilan ng mga bagay.” Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay umiiral, ngunit hindi mo maaaring makilala, mas lalo ang makita, ang katotohanan ng kontrol ng Diyos at dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatwid sa puso mo hindi mo kailanman tatanggapin na ang Diyos ay may ganitong uri ng awtoridad at ang awtoridad ng Diyos ay natatangi. Kailanma’y hindi mo tunay na matatanggap na ang Manlilikha ay iyong Panginoon, iyong Diyos.

Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

Lahat kayo ay matatanda na. Ang ilan sa inyo ay nasa katanghaliang-gulang; ang ilan ay nakapasok na sa matandang edad. Mula sa isang di-mananampalataya tungo sa isang mananampalataya, at mula sa simula ng paniniwala sa Diyos sa pagtanggap sa salita ng Diyos at pagdanas sa gawa ng Diyos, gaano karaming kaalaman na ang nakamtan ninyo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos? Anong mga pananaw ang natamo ninyo sa pantaong kapalaran? Maaari bang makamit ng tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang mga bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan? Ilang mga bagay ang dumating bilang kaaya-ayang mga sorpresa? Ilang mga bagay ang hinihintay pa ng mga tao na maaaring magdala ng bunga—walang malay na naghihintay sa tamang sandali, naghihintay sa kalooban ng Langit? Ilang mga bagay ang nagpaparamdam sa mga tao na wala silang magawa at bigo? Ang bawat isa ay puno ng pag-asa tungkol sa kanilang kapalaran, at umaasa na ang lahat sa kanilang buhay ay aayon sa kanilang ninanais, na hindi sila mangangailangan ng pagkain o pananamit, na ang kanilang swerte ay kamangha-manghang aangat. Walang sinuman ang nagnanais ng isang buhay na dukha at api, puno ng paghihirap, dinadagsa ng mga kalamidad. Subalit hindi maaaring mahulaan ng mga tao o makontrol ang lahat ng mga ito. Marahil para sa iba, ang nakaraan ay isang pagkakahalu-halo ng mga karanasan; hindi kailanman nila natutunan kung ano ang kalooban ng Langit, ni wala silang pag-intindi kung ano ito. Isinasabuhay nila ang kanilang buhay nang hindi nag-iisip, tulad ng mga hayop, nabubuhay sa araw-araw, walang iniintindi tungkol sa ano ang kapalaran ng sangkatauhan, tungkol sa kung bakit ang mga tao ay buhay o kung paano dapat silang mamuhay. Ang mga taong ito ay nakarating sa katandaang gulang na walang natamong pagkaunawa sa pantaong tadhana, at hanggang sa sandali na sila’y mamatay wala silang ideya kung ano ang tungkol sa buhay. Ang mga ganoong tao ay patay; sila’y mga nilalang na walang espiritu; sila’y mga hayop. Bagaman nabubuhay kasama ang lahat ng mga bagay, ang mga tao ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa maraming mga paraan na kung saan binibigyang-lugod ng mundo ang kanilang materyal na mga pangangailangan, kahit na nakikita nila ang materyal na mundong ito na patuloy na sumusulong, ang kanilang sariling karanasan—kung ano ang nadarama at nararanasan ng kanilang mga puso at kanilang mga espiritu—ay walang kinalaman sa mga materyal na bagay, at walang anumang materyal ang kapalit nito. Ito ay isang pagkilala sa kaibuturan ng sariling puso, isang bagay na hindi maaaring makita ng mata lamang. Ang pagkilalang ito ay namamalagi sa pag-unawa at pakiramdam ng tao sa buhay ng tao at kapalaran ng tao. At palagi nitong pinangungunahan ang sarili sa agam-agam na ang di-nakikitang Panginoon ay isinasaayos ang lahat ng bagay, nagsasaayos ng lahat ng bagay para sa tao. Sa gitna ng lahat ng ito, hindi maaaring hindi tanggapin ang mga paghahanda at pagsasaayos ng tadhana; sa parehong panahon, hindi maaaring hindi tanggapin ang landas na inilatag ng Manlilikha, ang kapangyarihan ng Manlilikha sa kapalaran ng sinuman. Ito ang hindi mapag-aalinlangang katotohanan. Anuman ang pag-iisip at pag-uugaling mayroon ang isang tao tungkol sa kapalaran, walang makapagbabago sa katotohanang ito.

Saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo—maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng mga pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano ito magaganap. Sa buhay, ang mga di-nakikitang mga pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang araw-araw na pangyayari. Ang mga araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagladlad ng mga ito o ang mga disenyo na ipinapakita nila, ay palagiang mga paalaala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang walang pinipili, na ang mga pagsasanga-sanga ng mga ito at ng kanilang kawalang kayang maiiwasan, ay hindi mababago ng pantaong kagustuhan. Bawa’t pangyayari ay nagpapahatid ng isang tagubilin mula sa Manlilikha ng sangkatauhan, at nagpapadala din ito ng mensahe na ang mga taong nilalang ay hindi maaaring makontrol ang kanilang sariling kapalaran; kasabay nito ang bawa’t pangyayari ay isang ganting-matwid sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sariling mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y mga malalakas na sampal na sunud-sunod sa mga tainga ng sangkatauhan, pinupwersa ang mga tao na isaalang-alang, sa pagtatapos, na pamahalaan at kontrolin ang kanilang kapalaran. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, ang mga tao ay natural na dumarating sa isang walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang nailaan ng kapalaran, ang pagtanggap sa realidad, ng kalooban ng Langit at ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking mga pagbabago tungo sa mga kapalaran ng buong pantaong pamumuhay, walang hindi ibinubunyag ang plano ng Maylalang at Kanyang dakilang kapangyarihan; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na "ang awtoridad ng Lumikha ay hindi malalampasan," ang hindi nagpapadala ng walang hanggang katotohanan na "ang awtoridad ng Lumikha ay pinakamataas."

Ang mga kapalaran ng sangkatauhan at ng sansinukob ay malapit na nakapulupot sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, di-maihihiwalay na nakatali sa mga pagsasaayos ng Manlilikha; sa katapusan, sila ay hindi maaaring maihiwalay mula sa awtoridad ng Manlilikha. Sa pamamagitan ng mga batas ng lahat ng mga bagay nakakarating ang tao sa pagkaunawa ng mga pagsasaayos ng Manlilikha at Kanyang dakilang kapangyarihan; sa pamamagitan ng mga patakaran ng kaligtasan nararamdaman niya ang pamamahala ng Manlilikha; mula sa mga kapalaran ng lahat ng mga bagay kumukuha siya ng mga konklusyon tungkol sa mga paraan na isinasagawa ng Manlilikha ang Kanyang dakilang kapangyarihan at pagkontrol sa kanila; at sa mga siklo ng buhay ng mga tao at lahat ng bagay, tunay na nararanasan ng tao ang pagsasaayos at paghahanda ng Lumikha para sa lahat ng bagay at may buhay at tunay na sumasaksi sa kung paanong ang mga pagsasaayos at paghahandang 'yon ay humahalili sa lahat ng maka-lupang batas, patakaran, at mga institusyon, lahat ng iba pang kapangyarihan at puwersa. Dahil dito, napipilitan ang sangkatauhan na kilalanin na ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha ay hindi maaaring labagin ng sinumang nilalang, na walang puwersa ang maaaring makialam ni palitan ang mga pangyayari at mga bagay na itinakda ng Manlilikha. Sa ilalim ng mga sagradong batas at mga patakarang ito nabubuhay at nagpaparami ang mga tao at lahat ng bagay, sa bawat salinlahi. Hindi ba ito ang tunay na diwa ng awtoridad ng Manlilikha? Bagaman nakikita ng tao, sa layunin ng mga batas, ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at Kanyang ordinasyon para sa lahat ng mga pangyayari at lahat ng mga bagay, ilang mga tao ang nakakaunawa sa prinsipyo ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha sa sansinukob? Ilang tao ang maaaring tunay na makaalam, makakilala, makatanggap at mapasailalim sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha at kaayusan ng kanilang sariling kapalaran? Sino, matapos maniwala sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, ang tunay na naniniwala at kumikilala na ang Manlilikha ang nagdidikta rin ng kapalaran ng buhay ng tao? Sino ang maaaring tunay na makaunawa sa katotohanan na ang kapalaran ng tao ay nakapatong sa palad ng Manlilikha? Ang uri ng pag-uugali na dapat na magkaroon ang sangkatauhan hinggil sa dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, kapag naharap siya sa katotohanan na pinamamahalaan at kinokontrol Niya ang kapalaran ng sangkatauhan, ay isang kapasyahan na dapat gawin ng bawat tao sa sarili niya na ngayon ay kaharap ng katotohanan na ito.

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap