Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pinakabagong mga Pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Pinakabagong mga Pagbigkas mula sa Makapangyarihang Diyos

Mga Kategorya

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ikaanim na bahagi

Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos

Kung sabihin Ko sa inyo ngayon na si Job ay isang kaibig-ibig na tao, maaaring hindi ninyo magagawang mapahalagahan ang kahulugan sa loob ng mga salitang ito, at maaaring hindi mo lubos na maintindihan ang damdamin kung bakit sinasabi Ko ang lahat ng mga bagay na ito; ngunit maghintay kayo hanggang sa araw na kayo ay makaranas ng mga pagsubok na kapareho o katulad ng mga pinagdaanan ni Job, kapag kayo ay dumadaan sa kahirapan, kapag nararanasan ninyo ang mga pagsubok na iniayos ng Diyos Mismo para sa inyo, kapag ibinigay ninyo ang lahat ng mayroon kayo, at nagtiis sa kahihiyan at paghihirap, upang magtagumpay laban kay Satanas at magpatotoo sa Diyos sa gitna ng mga tukso—doon mo matutuhang pahalagahan ang ibig sabihin ng mga sinasabi Ko. Sa oras na iyon, mararamdaman mo na ikaw ay mas mahina kung ihahambing kay Job, mararamdaman mo kung gaano kaibig-ibig si Job, at siya ay karapat-dapat na tularan; kapag dumating ang panahong iyon, mapagtatanto mo kung gaano kahalaga ang mga walang-kupas na salitang winika ni Job para sa mga tiwali at nabubuhay sa mga panahong ito, at mapagtatanto mo kung gaano kahirap para sa mga tao ngayon ang makamit ang nakamit ni Job. Kapag nararamdaman mo na ito ay mahirap, mapapahalagahan mo kung gaano kabalisa at nag-aalala ang puso ng Diyos, mapapahalagahan mo kung gaano kalaki ang halaga na binayaran ng Diyos para makamit ang ganoong mga tao, at kung gaano kahalaga ang ginawa at ginugol ng Diyos para sa sangkatauhan. Ngayon na inyong narinig ang mga salitang ito, mayroon na ba kayong tumpak na pag-unawa at tamang pagtatasa kay Job? Sa inyong pagtingin, si Job ba ay tunay na perpekto at matuwid na lalaki na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan? Naniniwala Ako na karamihan sa mga tao ay tiyak na tiyak na sasabihin ang, Oo. Dahil ang mga katotohanan ng ikinilos at ipinahayag ni Job ay hindi maikakaila ng sinumang tao o ni Satanas. Ang mga ito ang pinakamakapangyarihang patunay ng tagumpay ni Job laban kay Satanas. Ang patunay na ito ay ginawa kay Job, at ang unang patotoo na tinanggap ng Diyos. Kaya, nang si Job ay nagtagumpay sa mga tukso ni Satanas at nagpatotoo sa Diyos, nakakita ang Diyos ng pag-asa kay Job, at ang Kanyang puso ay naaliw kay Job. Mula sa paglikha hanggang kay Job, ito ang unang pagkakataon na ang Diyos ay tunay na nakaranas ng kaginhawahan, at kung ano ang ibig sabihin ng mabigyan ng ginhawa ng tao, at ito ang unang pagkakataon na nakita Niya, at nakamit, ang tunay na patotoo na dinala para sa Kanya.

Nagtitiwala Ako, na pagkarinig ng patotoo at mga patunay ng iba’t-ibang aspeto ni Job, ang karamihan ng mga tao ay magkakaron ng mga plano para sa landas sa harap nila. Kaya, gayon din, nagtitiwala ako na ang karamihan sa mga tao na puno ng pagkabalisa at takot ay dahan-dahang mapapahinahon ang katawan at isip, at magsisimulang makaramdam ng ginhawa, unti-unti. …

Ang mga sipi sa ibaba ay mga patunay din tungkol kay Job. Ipagpatuloy natin ang pagbabasa.

4. Narinig ni Job ang Diyos sa pamamagitan ng Pagdinig ng Tainga

(Job 9:11) Narito, siya’y dumaraan sa akin, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan.

(Job 23:8-9) Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa, kapag siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: nagkukubli siya sa kanan, na hindi ko makita siya.

(Job 42:2-6) Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at walang makakapigil sa iyong iniisip. Sino itong nagkukubli ng payo na walang kaalaman? Kaya’t aking binigkas na hindi ko nauunawaan, mga bagay na totoong kagila-gilalas sa akin na hindi ko nalalaman. Dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, at ako’y magsasalita; ako’y magtatanong sa iyo, at magpahayag ka sa akin. Narinig kita sa pakikinig ng tainga; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata, Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo.

Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos

Ano ang malakas na tulak ng mga salitang ito? Nakikita ba ninyo na may isang katotohanan dito? Una, paano nalaman ni Job na may Diyos? At paano niya nalaman na ang mga langit at lupa at lahat ng bagay ay pinamamahalaan ng Diyos? Narito ang isang sipi na sumasagot sa dalawang katanungang ito: Narinig kita sa pakikinig ng tainga; nguni’t ngayo’y nakikita ka ng aking mata. Kaya’t ako’y nayayamot sa sarili, at nagsisisi ako sa alabok at mga abo (Job 42:5-6). Mula sa mga salitang ito ay nalaman natin, na sa halip na makita ang Diyos sa kanyang sariling mga mata, natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos mula sa alamat. Sa ilalim ng mga sitwasyong ito na siya ay nagsimulang lumakad sa landas ng pagsunod sa Diyos, matapos nito ay pinatunayan niya ang pag-iral ng Diyos sa kanyang buhay, at sa lahat ng bagay. May isang hindi maikakailang katotohanan dito—at ano ito? Sa kabila ng kakayahang sundin ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, si Job ay hindi pa kailanman nakikita ang Diyos. Dito, hindi ba siya kapareho ng mga tao sa ngayon? Hindi pa kailanman nakita ni Job ang Diyos, na ang pahiwatig dito ay bagaman narinig niya ang tungkol sa Diyos, hindi niya alam kung nasaan ang Diyos, o kung ano ang katulad ng Diyos, o kung ano ang ginagawa ng Diyos, na mga pansariling kadahilanan; sa matapat na salita, bagaman sinunod niya ang Diyos, ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya o nakipag-usap sa kanya. Hindi ba ito isang katotohanan? Kahit na hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job o nagbigay sa kanya ng anumang utos, nakita ni Job ang pag-iral ng Diyos, at namasdan niya ang Kanyang dakilang kapangyarihan sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga alamat kung saan natutuhan ni Job ang tungkol sa Diyos sa pakikinig, matapos noon ay sinimulan niya ang buhay na natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Ganito ang mga pinagmulan at paraan kung paano sumunod si Job sa Diyos. Ngunit kahit gaano siya natakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, kahit gaano niya panghawakan ang kanyang katapatan, hindi pa rin kailanman nagpakita ang Diyos sa kanya. Basahin natin ang siping ito. Sinabi niya, “Narito, siya’y dumaraan sa akin, at hindi ko siya nakikita: siya’y nagpapatuloy rin naman, nguni’t hindi ko siya namamataan” (Job 9:11). Ang sinasabi ng mga salitang ito ay maaaring nadama ni Job ang Diyos sa paligid niya o maaari ring hindi—ngunit hindi niya kailanman nakita ang Diyos. Nagkaroon ng mga oras kung saan naisip niya na dumaraan ang Diyos sa harap niya, o kumikilos, o pinapatnubayan ang tao, nguni’t hindi niya kailanman nalaman. Ang Diyos ay darating sa tao kapag hindi niya inaasahan; hindi alam ng tao kung kailan darating ang Diyos sa kanya, o kung saan Siya darating sa kanya, sapagka’t ang tao ay hindi maaaring makita ang Diyos, at sa gayon, sa tao, ang Diyos ay nakatago mula sa kanya.

Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya

Sa sumusunod na sipi ng banal na kasulatan, nagsabi si Job, “Narito, ako’y nagpapatuloy, nguni’t wala siya; at sa dakong likuran, nguni’t hindi ko siya mamataan: Sa kaliwa, kapag siya’y gumagawa, nguni’t hindi ko mamasdan siya: siya’y nagkukubli sa kanan, na hindi ko makita siya” (Job 23:8-9). Sa salaysay na ito, nalalaman natin na sa mga karanasan ni Job, ang Diyos ay nakatago sa kanya sa buong panahon; ang Diyos ay hindi lantarang nagpakita sa kanya, at hindi rin Siya lantarang nangusap ng anumang salita sa kanya, gayunman sa kanyang puso, si Job ay may tiwala sa pag-iral ng Diyos. Palagi siyang naniniwala na ang Diyos ay maaaring naglalakad sa harap niya, o maaaring kumikilos sa kanyang tabi, at kahit na hindi niya makita ang Diyos, ang Diyos ay nasa tabi niya na pinamamahalaan ang kabuuan niya. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, ngunit nagawa niyang manatiling totoo sa kanyang pananampalataya, na walang ibang nakagawa. At bakit hindi nila magawa? Dahil hindi nakipag-usap ang Diyos kay Job, o nagpakita sa kanya, at kung siya ay hindi tunay na naniwala, hindi siya maaaring magpatuloy, o manatili sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Hindi ba ito totoo? Ano ang nadarama mo nang mabasa mo ang tungkol kay Job na sinasabi ang mga salitang ito? Nararamdaman mo ba na ang pagka-perpekto at pagkamakatwiran ni Job, at ang kanyang pagkamatuwid sa harap ng Diyos, ay totoo, at hindi isang kalabisan sa panig ng Diyos? Kahit na pinakitunguhan ng Diyos si Job katulad sa ibang tao, at hindi nagpakita o nakipag-usap sa kanya, naging matatag pa rin si Job sa kanyang katapatan, naniwala pa rin siya sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at, higit pa rito, madalas siyang nag-alay ng mga handog na susunugin at dumalangin sa harap ng Diyos bilang bunga ng kanyang takot na magalit ang Diyos. Sa kakayahan ni Job na matakot sa Diyos nang hindi pa nakikita ang Diyos, nakikita natin kung gaano niya iniibig ang mga positibong bagay, at kung gaano katatag at tunay ang kanyang pananampalataya. Hindi niya ikinaila na may Diyos dahil ang Diyos ay nakatago mula sa kanya, at hindi nawala ang kanyang pananampalataya at hindi tinakwil ang Diyos dahil hindi pa niya Siya nakikita. Sa halip, sa gitna ng mga nakatagong gawain ng Diyos sa pamamahala sa lahat ng mga bagay, napagtanto niya ang pag-iral ng Diyos, at nadama ang dakilang kapangyarihan at lakas ng Diyos. Hindi niya isinuko ang pagiging matuwid dahil ang Diyos ay nakatago, at hindi rin niya itinakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan dahil ang Diyos ay hindi kailanman nagpakita sa kanya. Hindi kailanman hiniling ni Job na lantarang magpakita ang Diyos sa kanya upang patunayan ang Kanyang pag-iral, dahil nakita na niya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at naniwala siya na tinanggap niya ang mga pagpapala at biyaya na hindi pa nakamit ng iba. Kahit na ang Diyos ay nanatiling nakatago mula sa kanya, ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay hindi kailanman nayanig. Kaya, inani niya ang hindi pa nakukuha ng iba: Ang pagsang-ayon ng Diyos at biyaya ng Diyos.

Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan

May isang katotohanan na hindi kailanman tinutukoy sa mga kuwento ni Job sa Banal na Kasulatan, at ito ang paksa natin ngayon. Kahit na hindi pa kailanman nakikita ni Job ang Diyos o naririnig ang mga salita ng Diyos sa kanyang sariling mga tainga, ang Diyos ay may lugar sa puso ni Job. At ano ang saloobin ni Job sa Diyos? Ito ay, tulad ng tinukoy natin dati, “purihin ang pangalan ni JEHOVA.” Ang kanyang pagpapala sa pangalan ng Diyos ay walang pasubali, walang hanggan, at walang dahilan. Nakikita natin na ibinigay ni Job ang kanyang puso sa Diyos, pinahintulutan niya na pamahalaan ito ng Diyos; lahat ng inisip niya, lahat ng pagpapasya niya, at ang lahat ng balak niya sa kanyang puso ay inilatag sa Diyos at hindi itinago mula sa Diyos. Ang kanyang puso ay hindi sumalungat sa Diyos, at hindi siya kailanman humiling sa Diyos na gumawa ng kahit ano para sa kanya o bigyan siya ng anumang bagay, at hindi siya nagtanim ng mga mapagmalabis na hangarin na may makukuha siyang anumang bagay mula sa kanyang pagsamba sa Diyos. Si Job ay hindi nakipagpalitan sa Diyos, at hindi humiling o humingi sa Diyos. Ang kanyang pagpupuri sa pangalan ng Diyos ay dahil sa dakilang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos sa pamumuno sa lahat ng bagay, at hindi nakasalalay sa kung siya ay nagkamit ng pagpapala o nakaranas ng kalamidad. Naniwala siya na hindi alintana kung pinagpapala ng Diyos ang mga tao o nagdudulot ng kapahamakan sa kanila, ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay hindi magbabago, at sa gayon, hindi alintana ang mga pangyayari sa tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na purihin. Na pinagpala ng Diyos ang tao ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at kapag dumating ang sakuna sa tao, kaya, gayon din, ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay namamahala at umaayos ng lahat sa tao; ang mga hindi inaasahang pagbabago sa kapalaran ng tao ay ang pagpapahayag ng kapangyarihan at awtoridad ng Diyos, at hindi alintana ang kuru-kuro ng tao, ang pangalan ng Diyos ay dapat na papurihan. Ito ang naranasan ni Job at ang nalaman niya sa mga taon ng kanyang buhay. Ang lahat ng mga iniisip at mga kilos ni Job ay umabot sa mga tainga ng Diyos, at dumating sa harap ng Diyos, at itinuring na mahalaga ng Diyos. Itinangi ng Diyos ang kaalamang ito ni Job, at pinahalagahan si Job sa pagkakaroon ng ganitong puso. Palaging hinintay ng pusong ito ang utos ng Diyos, at sa lahat ng lugar, at kahit anong oras o lugar ay tinanggap nito ang anumang dumating sa kanya. Walang ginawang kahilingan si Job sa Diyos. Ang hiningi niya sa sarili niya ay ang maghintay, tumanggap, harapin at sundin ang lahat ng mga pag-aayos na nanggaling sa Diyos; naniwala si Job na ito ang kanyang tungkulin, at ito mismo ang nais ng Diyos. Hindi kailanman nakita ni Job ang Diyos, at hindi rin narinig Siyang magsalita ng anumang salita, nagbigay ng anumang utos, nagbigay ng anumang aral, o nag-utos sa kanya ng kahit ano. Sa mga salita ngayon, para magtaglay siya ng ganoong kaalaman at saloobin sa Diyos kahit na ang Diyos ay walang naibigay sa kanya na kaliwanagan, patnubay, o pagtutustos patungkol sa katotohanan—ito ay mahalaga, at para sa kanya na magpakita ng mga ganitong bagay ay sapat na para sa Diyos, at ang kanyang patotoo ay pinuri ng Diyos, at itinangi ng Diyos. Si Job ay hindi kailanman nakita ang Diyos o narinig ang Diyos na personal na magbitiw ng anumang aral sa kanya, ngunit sa Diyos ang kanyang puso at siya mismo ay higit na mas mahalaga kaysa sa mga tao, na sa harap ng Diyos, ay kaya lamang magsalita ng malalalim na teorya, na kaya lamang magmalaki, at magsalita ng pag-aalay ng mga handog, ngunit hindi kailanman nagkaroon ng tunay na kaalaman sa Diyos, at hindi kailanman tunay na natakot sa Diyos. Dahil ang puso ni Job ay dalisay, at hindi lingid sa Diyos, at ang kanyang pagkatao ay tapat at mabait, at inibig niya ang katarungan at lahat ng positibo. Tanging ang tao na kagaya nito na nagtaglay ng gayong uri ng puso at pagkatao ay nagawang sumunod sa paraan ng Diyos, at kayang matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang ganitong tao ay maaaring makita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, maaaring makita ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan, at nagawang makamit ang pagsunod sa Kanyang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos. Tanging ang taong kagaya nito ang maaaring tunay na pumuri sa pangalan ng Diyos. Iyon ay dahil sa hindi siya tumingin kung siya ay pagpapalain ng Diyos o magdadala ng kapahamakan sa kanya, dahil alam niya na ang lahat ay pinamamahalaan ng kamay ng Diyos, at para sa tao na mag-alala ay isang tanda ng kahangalan, kamangmangan, at kawalan sa katwiran, ng pag-aalinlangan sa katotohanan ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at ng walang pagkatakot sa Diyos. Ang kaalaman ni Job ay ang tiyak na ninais ng Diyos. Kaya, si Job ba ay may higit na maraming kaalaman sa teorya tungkol sa Diyos kung ihahambing sa inyo? Dahil ang gawain at mga pagbigkas ng Diyos sa mga panahon na iyon ay iilan, hindi madaling makamit ang kaalaman tungkol sa Diyos. Ang ganitong nakamit ni Job ay hindi madaling gawin. Hindi niya naranasan ang gawain ng Diyos, o kailanman narinig na nagsasalita ang Diyos, o nakita ang mukha ng Diyos. Na nagawa niyang magkaroon ng ganitong saloobin sa Diyos ay ganap na bunga ng kanyang pagkatao at ng kanyang mga personal na gawain, isang pagkatao at gawain na hindi tinataglay ng mga tao sa ngayon. Kaya, sa panahong iyon, sinabi ng Diyos, “walang gaya niya sa lupa, na perpekto at matuwid na lalaki.” Sa kapanahunang iyon, ang Diyos ay nakagawa na ng ganitong pagtatasa sa kanya, at nagkaroon ng ganitong konklusyon. Gaano pa ito mas magiging katotoo sa ngayon?

Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao, ang Kanyang mga Gawa sa Lahat ng Bagay ay Sapat na para sa Tao na Makilala Siya

Hindi nakita ni Job ang mukha ng Diyos, o narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, lalong hindi niya personal na naranasan ang gawain ng Diyos, ngunit ang kanyang takot sa Diyos at patotoo sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay nasasaksihan ng lahat, at ang mga ito ay minamahal, kinalulugdan, at pinupuri ng Diyos, at ang mga tao ay naiinggit at humahanga sa mga ito, at, higit pa rito, umaawit ng kanilang mga papuri. Walang malaki o di-pangkaraniwan sa kanyang buhay: Tulad ng karaniwang tao, nabuhay siya sa isang karaniwang buhay, umaalis upang magtrabaho sa pagsikat ng araw at umuuwi upang magpahinga sa paglubog ng araw. Ang pagkakaiba ay sa panahon ng mga ilang karaniwang dekada, siya ay nagkamit ng isang pananaw sa paraan ng Diyos, at natanto at naintindihan ang malaking kakayahan at dakilang kapangyarihan ng Diyos, na hindi nagawa ng ibang tao. Hindi siya mas matalino kaysa sa ibang pangkaraniwang tao, ang kanyang buhay ay lalo nang hindi mahigpit, at, bukod dito, wala siyang nakatagong natatanging kakayahan. Ang taglay niya, gayon pa man, ay personalidad na tapat, mabait, makatwiran, isang personalidad na nagmahal sa katarungan at pagkamatuwid, at nagmahal ng mga positibong bagay—na hindi tinataglay ng karamihan sa mga karaniwang tao. Nakilala niya ang pagkakaiba ng pag-ibig at poot, may pakiramdam ng katarungan, matibay at matiyaga, at masigasig sa kanyang mga pag-iisip, at sa gayon sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa ay nakita niya ang lahat ng hindi pangkaraniwang mga bagay na ginawa ng Diyos, at nakita ang kadakilaan, kabanalan, at ang pagkamatuwid ng Diyos, nakita niya ang pagmamalasakit ng Diyos, kagandahang-loob, at pag-iingat para sa tao, at nakita ang kadakilaan at awtoridad ng kataas-taasang Diyos. Ang unang dahilan kung bakit si Job ay nagawang makuha ang mga bagay na ito na higit pa sa kayang isipin ng pangkaraniwang tao ay dahil nagkaroon siya ng isang dalisay na puso, at ang kanyang puso ay ukol sa Diyos, at pinangungunahan ng Manlilikha. Ang ikalawang dahilan ay ang kanyang gawain: ang kanyang gawain na walang pagkakamali, at perpekto, at isang tao na sumunod sa kalooban ng Langit, na mahal ng Diyos, at lumayo sa kasamaan. Si Job ay nagtaglay at hinanap ang mga bagay na ito kahit na hindi nakikita o naririnig ang mga salita ng Diyos; bagaman hindi niya kailanman nakita ang Diyos, naintindihan niya kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, at naintindihan ang karunungan na pinapairal ng Diyos. Kahit hindi niya kailanman narinig ang mga salita na sinabi ng Diyos, alam ni Job na ang mga gawa ng paggantimpala sa tao at pagkuha mula sa tao ay nanggaling lahat sa Diyos. Kahit na ang mga taon ng kanyang buhay ay hindi naiiba sa mga pangkaraniwang tao, hindi niya hinayaan ang pagiging pangkaraniwan na ito na maapektuhan ang kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay, o ang maapektuhan ang kanyang pagsunod sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Sa kanyang mga mata, ang mga batas ng lahat ng bagay ay puno ng mga gawa ng Diyos, at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay maaaring makita sa anumang bahagi ng buhay ng isang tao. Hindi niya nakita ang Diyos, ngunit nagawa niyang mapagtanto na ang mga gawa ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa kanyang pangkaraniwang panahon sa lupa, sa bawat sulok ng kanyang buhay ay nagawa niyang makita at mapagtanto ang pambihira at kahanga-hangang mga gawa ng Diyos, at maaaring makita ang nakakamanghang mga pag-aayos ng Diyos. Ang pagkatago at katahimikan ng Diyos ay hindi humadlang sa pagtatanto ni Job sa mga gawa ng Diyos, ni hindi rin nakaapekto sa kanyang kaalaman sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang kanyang buhay ay ang katuparan ng dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, na nakatago sa gitna ng lahat ng bagay, sa kanyang araw-araw na buhay. Sa kanyang araw-araw na buhay narinig din niya at naintindihan ang tinig ng puso ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos, na tahimik sa gitna ng lahat ng mga bagay, subalit ipinapahayag ang tinig ng Kanyang puso at ng Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pamamahala sa mga kautusan sa lahat ng bagay. Nakikita mo, sa gayon, na kung ang mga tao ay may parehong pagkatao at gawain gaya ng kay Job, maaari nilang makamit ang parehong pagtatanto at kaalaman ni Job, at maaaring makuha ang parehong pag-unawa at kaalaman ng dakilang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay gaya ni Job. Ang Diyos ay hindi nagpakita kay Job o nagsalita sa kanya, ngunit si Job ay nagawang maging perpekto, at matuwid, at matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Sa ibang salita, kahit na hindi lumitaw o nangusap sa mga tao ang Diyos, ang mga gawa ng Diyos sa gitna ng lahat ng bagay at ang dakilang kapangyarihan Niya sa lahat ng bagay ay sapat na para sa tao upang magkaroon ng kamalayan sa pag-iral, kapangyarihan, at awtoridad ng Diyos, at ang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos ay sapat na upang ang taong ito ay sumunod sa mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Dahil ang isang ordinaryong tao na tulad ni Job ay nakayanang makamit ang pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, sa gayon ang bawat pangkaraniwang tao na sumusunod sa Diyos ay dapat makakagawa rin nito. Kahit ang mga salitang ito ay para bang mga lohikal na hinuha, hindi nito sinasalungat ang mga kautusan ng mga bagay. Nguni’t ang katotohanan ay hindi tumugma sa mga inaasahan: Ang takot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, tila ba, ay pinangangalagaan ni Job at ni Job lamang. Sa pagbanggit ng “natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan,” iniisip ng mga tao na si Job lang ang dapat gumawa nito, na para bang ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan ay tinatakan ng pangalan ni Job at walang kinalaman sa iba. Ang dahilan nito ay malinaw: Dahil si Job lamang ang nagtaglay ng isang personalidad na tapat, mabait, at matuwid, at nagmahal sa pagkamakatarungan at pagkamatuwid at mga bagay na positibo, kaya si Job lang ang maaaring sumunod sa mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Dapat naiintindihan ninyong lahat ang mga pahiwatig dito—kung saan dahil walang sinuman ang nagtataglay ng isang pagkatao na tapat, mabait, at matuwid, at nagmamahal sa pagkamakatarungan at pagkamatuwid at ang lahat ng positibo, walang sinuman ang maaaring matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan, at sa gayon ay hindi kailanman sila maaaring makakuha ng kagalakan ng Diyos o tumindig na matatag sa gitna ng mga pagsubok. Na nangangahulugan din, na bukod kay Job, ang lahat ng tao ay tinatalian pa rin at sinisilo ni Satanas, lahat sila ay pinararatangan, nilulusob, at inaabuso nito, at yaong mga sinusubukang lunukin ni Satanas, silang lahat ay walang kalayaan, mga bilanggo na nabihag ni Satanas.

Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Matatakot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan

Dahil ang mga tao sa ngayon ay hindi nagtataglay ng parehong pagkatao gaya ng kay Job, anong nangyari sa diwa ng kanilang kalikasan, at sa kanilang mga saloobin sa Diyos? Natatakot ba sila sa Diyos? Lumalayo ba sila sa kasamaan? Ang mga hindi natatakot sa Diyos o lumalayo sa kasamaan ay maaari lamang na ilarawan sa apat na salita: ang kaaway ng Diyos. Madalas ninyong sabihin ang apat na salitang ito, ngunit hindi ninyo kailanman nalaman ang kanilang tunay na kahulugan. Ang mga salitang “ang kaaway ng Diyos” ay may buod sa loob nito: Ang mga ito ay hindi nagsasabi na nakikita ng Diyos ang tao bilang kaaway, kundi ang tao ay nakikita ang Diyos bilang kaaway. Una, kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, sino sa kanila ang walang sariling mga layunin, motibasyon, at ambisyon? Kahit na ang isang bahagi nila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, at nakita ang pag-iral ng Diyos, ang kanilang paniniwala sa Diyos ay naglalaman pa rin ng ganoong mga motibasyon, at ang kanilang panghuling layunin sa paniniwala sa Diyos ay upang makatanggap ng Kanyang mga pagpapala at ng mga bagay na gusto nila. Sa mga karanasan ng tao sa buhay, sila ay madalas nag-iisip, isinuko ko ang aking pamilya at karera para sa Diyos, at ano ang ibinigay Niya sa akin? Dapat kong sumahin ito, at siguraduhin ito—may natanggap ba ako na anumang pagpapala kamakailan? Nagbigay ako ng marami sa pagkakataong ito, ako ay tumakbo nang tumakbo, at nagdusa nang mabigat—may ibinalik bang anumang pangako ang Diyos? Naaalala ba Niya ang aking mga mabuting gawa? Ano ang aking magiging katapusan? Maaari ko bang matanggap ang mga pagpapala ng Diyos? ... Ang bawat tao ay patuloy, at madalas na gumagawa ng ganitong mga kalkulasyon sa loob ng kanilang puso, at humihingi sila sa Diyos ng kapalit upang itaguyod ang kanilang mga motibasyon, at ambisyon, at kasunduan. Na ang ibig sabihin, sa kanyang puso ang tao ay patuloy na inilalagay ang Diyos sa pagsubok, patuloy na nag-iisip ng mga plano tungkol sa Diyos, at patuloy na nakikipagtalo sa Diyos sa kaso ng kanyang katapusan, at sinusubukang kunin ang pahayag mula sa Diyos, tinitingnan kung maaaring ibigay o hindi ng Diyos ang kanyang nais. Kasabay ng pagtugis sa Diyos, ang tao ay hindi itinuturing ang Diyos na Diyos. Palagi niyang sinubukang gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, patuloy na humihingi sa Kanya, at pinipilit pa Siya sa bawat hakbang, sinusubukang kumuha ng isang milya pagkatapos mabigyan ng isang pulgada. Kasabay sa pagsisikap na gumawa ng mga kasunduan sa Diyos, ang tao ay nakikipagtalo rin sa Kanya, at mayroon pang mga tao na, kapag may dumarating sa kanilang pagsubok o nanganganib sila, madalas nagiging mahina, walang kibo at pabaya sa kanilang trabaho, at puno ng mga reklamo tungkol sa Diyos. Mula noong siya ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ang tao ay itinuturing ang Diyos na maging isang kornukopya, isang Swiss Army na lanseta, at itinuturing ang sarili niya na pinakamalaking pinagkakautangan ng Diyos, na para bang ang makakuha ng mga biyaya at pangako mula sa Diyos ay ang kanyang likas na karapatan at obligasyon, habang responsibilidad ng Diyos ay ang ingatan at pangalagaan ang mga tao at magbigay sa kanya. Ganito ang pangunahing pag-unawa ng “paniniwala sa Diyos” ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos, at ang kanilang pinakamalalim na pag-unawa sa mga konsepto ng paniniwala sa Diyos. Mula sa mga diwa ng kalikasan ng tao hanggang sa kanyang pansariling gawain, walang anumang may kinalaman sa takot sa Diyos. Ang layunin ng tao sa paniniwala sa Diyos ay hindi maaaring may kinalaman sa pagsamba sa Diyos. Na ang ibig sabihin, ang tao ay hindi kailanman itinuring o naintindihan na ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng takot sa Diyos, at pagsamba sa Diyos. Sa harap ng gayong mga kalagayan, ang diwa ng tao ay halatang-halata. At ano ang diwa na ito? Ito’y ang puso ng tao na may masamang hangarin, ito ay nagkukubli ng pagtataksil at paglilinlang, wala itong pag-ibig sa pagiging patas at pagkamatuwid, o sa mga bagay na positibo, at ito ay napakasama at sakim. Ang puso ng tao ay hindi maaaring mas malapit sa Diyos; hindi niya pa talaga ito ibinigay sa Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman nakita ang tunay na puso ng tao, at hindi rin Siya kailanman sinamba ng tao. Kahit gaano kalaki ang halagang binabayaran ng Diyos, o gaano karaming gawain ang ginagawa Niya, o gaano karami ang binibigay Niya sa tao, ang tao ay nananatiling bulag dito, at lubos na walang malasakit. Hindi kailanman ibinigay ng tao ang kanyang puso sa Diyos, gusto niya lang na pangalagaan ang kanyang sariling puso, na gumawa ng kanyang mga sariling desisyon—ang ibig sabihin ay hindi niya nais na sundin ang mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan, o sundin ang dakilang kapangyarihan at mga pag-aayos ng Diyos, at 'di niya rin gusto na sambahin ang Diyos bilang Diyos. Ganito ang kalagayan ng tao sa kasalukuyan. Ngayon tingnang muli natin si Job. Una sa lahat, gumawa ba siya ng kasunduan sa Diyos? Mayroon ba siyang mga natatagong layunin sa matibay na paghawak niya sa paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? Sa panahong iyon, ang Diyos ba ay nagsalita sa sinuman tungkol sa katapusan na darating? Sa panahong iyon, ang Diyos ay hindi nangako sa kanino man tungkol sa katapusan, at sa ganitong kalagayan nagawa ni Job na matakot sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang mga tao ba sa ngayon ay maaaring maihambing kay Job? Masyadong maraming pagkakaiba, sila ay nasa magkakaibang mga antas. Kahit na si Job ay kakaunti ang kaalaman tungkol sa Diyos, naibigay na niya ang kanyang puso sa Diyos at pagmamay-ari na ito ng Diyos. Siya ay hindi kailanman gumawa ng kasunduan sa Diyos, at walang mapagmalabis na hinangad o hiningi sa Diyos; sa halip, naniwala siya na “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang babawi.” Ito ay kung ano ang kanyang nakita at nakuha mula sa pagpapatotoo ng paraan ng natatakot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan sa maraming taon ng kanyang buhay. Gayundin, siya ay nagkamit din ng kinalabasan na “tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” Ang dalawang pangungusap na ito ay kung ano ang kanyang nakita at nalaman bilang resulta ng kanyang saloobin sa pagsunod sa Diyos sa mga karanasan ng kanyang buhay, at ang mga ito rin ang kanyang mga pinakamakapangyarihang sandata na kung saan nagtagumpay siya laban sa mga tukso ni Satanas, at ang saligan ng kanyang katatagan sa patotoo sa Diyos. Sa puntong ito, nakikita ba ninyo si Job bilang isang kaibig-ibig na tao? Nais ba ninyong maging ganitong tao? Natatakot ba kayong sumailalim sa mga tukso ni Satanas? Kaya ba ninyong magdasal sa Diyos na iharap kayo sa parehong mga pagsubok ni Job? Nang walang pag-aalinlangan, karamihan sa mga tao ay hindi maglalakas-loob na manalangin para sa mga ganitong bagay. Maliwanag, sa gayon, na ang inyong pananampalataya ay napakaliit; kung ihahambing kay Job, ang inyong pananampalataya ay hindi karapat-dapat na banggitin. Kayo ang mga kaaway ng Diyos, hindi kayo natatakot sa Diyos, hindi kayo nakakatayo nang matatag sa inyong patotoo sa Diyos, at hindi kayang magtagumpay sa mga paglusob, paratang at tukso ni Satanas. Anong mayroon kayo para maging karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako ng Diyos? Pagkatapos marinig ang kuwento ni Job at maintindihan ang intensyon ng Diyos sa pagligtas sa tao at ang kahulugan ng kaligtasan ng tao, kayo ba ngayon ay mayroon nang pananampalataya na tanggapin ang parehong mga pagsubok ni Job? Di ba dapat mayroon kayong kaunting tapang upang payagan ang inyong mga sarili na sundin ang mga paraan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan?

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap