Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 185

Ang Diyos ang Naghahari sa Lahat at Nagtutustos sa Lahat, Siya ang Diyos ng Lahat ng Bagay (Mga piling sipi)

Gaano man karami ang pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao ipinapasiya nito kung gaanong kalagayan ang Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Gaano man kadakila ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos ang nasa kanilang mga puso ito ay kung gaano kadakila ang Kanyang katayuan sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos sa iyong puso ay wala ding laman at malabo. Kung ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa loob ng iyong sariling saklaw, kung gayon siya ay isang sobrang liit na Diyos—ang Diyos na iyon ay walang kaugnayan sa tunay na Diyos at walang kinalaman sa Kanya. Kaya, ang pagkilala sa tunay na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang pagiging makapangyarihan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang pagkilala sa lahat ng Kanyang ipinakita sa gitna ng lahat ng mga bagay—ang mga ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahanap ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay hindi maihihiwalay sa bawat buhay ng tao, mula sa bawat praktikal na buhay ng tao ng paghahanap sa katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa mga biyaya ng Diyos na iyong binibilang, o sa kakaunti mong pagpapatotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin ko na ang iyong Diyos ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos. Tiyak na hindi Siya ang tunay na Diyos Mismo, at maaari ding sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay hindi Diyos. Ito ay dahil sa ang Diyos na Aking tinutukoy ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan—ang Siyang humahawak sa kapalaran ng lahat. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Iyon ay, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga pagkilos ay nakikita sa lahat ng mga bagay, sa kakayahang mabuhay ng lahat ng mga bagay, at sa mga kautusang ng pagbabago sa lahat ng mga bagay. Kung hindi mo nakikita o kinikilala ang alinman sa mga pagkilos ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, kung gayon hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga pagkilos. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kapag nagpatuloy kang nagsalita tungkol sa maliit na kung tawagi’y Diyos na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay, at nasa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kapag nagpatuloy kang nagsalita sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung gagamitin mo lamang kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, tanggapin ang disiplina ng Diyos at Kanyang pagkakastigo, at tanggapin ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsasaksi para sa Kanya, iyon ay lubhang hindi sapat, at malayo sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi para sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung anong mayroon ang at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na pagkain at inumin at ang iyong pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang Diyos ang naglalaan para sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay, na pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang pamamahala sa lahat ng mga bagay, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumasaksi para sa Diyos. Naiintindihan mo na ngayon ang lahat ng ito, tama? Ano ang Aking layunin sa pagsasabi ng lahat ng ito? Ito ay nang upang huwag ninyong tanggapin ito nang walang kaseryosohan, upang huwag kayong maniwala na ang mga paksang ito na Aking tinalakay ay walang kinalaman sa inyong personal na pagpasok sa buhay, at upang huwag ninyong tanggapin ang mga paksang ito bilang isang uri lamang ng kaalaman o doktrina. Kung pinakikinggan ninyo ito sa ganyang uri ng saloobin, hindi kayo makapagtatamo ng anumang bagay. Mawawala ninyo ang malaking oportunidad na ito na makilala ang Diyos.

Ano ang Aking layunin sa pagsasalita sa lahat ng mga bagay na ito? Ang Aking layunin ay para maipakilala sa tao ang Diyos, upang maipanunawa sa mga tao ang tunay na mga pagkilos ng Diyos. Sa sandaling maunawaan mo ang Diyos at malaman mo ang Kanyang mga pagkilos, sa gayon ka pa lang magkakaroon ng pagkakataon o posibilidad na makilala Siya. Kung, halimbawa, gusto mong maunawaan ang isang tao, paano mo sila uunawain? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang panlabas na kaanyuan? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kung ano ang kanilang suot, paano sila magdamit? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin kung paano sila maglakad? Ito ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saklaw ng kanilang kaalaman? Tiyak na hindi ganoon. Kaya paano mo uunawain ang isang tao? Gumagawa ka ng paghatol sa isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga saloobin, sa pamamagitan ng kanilang pananalita at pag-uugali, sa pamamagitan ng kanilang ipinanahayag at kanilang ibinubunyag. Ito ang iyong paraan sa pagkilala sa isang tao, kung paano uunawain ang tao. Gayundin, kung gusto ninyong makilala ang Diyos, kung gusto ninyong maintindihan ang praktikal Niyang panig, ang Kanyang totoong panig, kailangang makilala ninyo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagkilos at sa pamamagitan ng bawat isang praktikal na bagay na Kanyang ginagawa. Ito ang pinakamahusay na paraan, at ito ang tanging paraan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Kaugnay na Nilalaman