Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 259
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Ngayon ang inyong pagkaunawa sa diwa ng Diyos na nakabase sa inyong nakikita ay nangangailangan pa rin ng mahabang panahon upang matutunan, upang pagtibayin, upang maramdaman at maranasan ito, hanggang sa isang araw, mauunawaan ninyo, mula sa kaibuturan ng inyong puso, na “ang kabanalan ng Diyos” ay nangangahulugan na ang diwa ng Diyos ay walang kapintasan, na ang pagmamahal ng Diyos ay mapagparaya, na ang lahat ng ibinibigay ng Diyos sa tao ay mapagparaya, at makikilala mo na ang kabanalan ng Diyos ay walang dungis at di-mapupulaan. Ang mga aspetong ito ng diwa ng Diyos ay hindi lamang ang mga salita na ginagamit Niya upang ipagmalaki ang Kanyang kalagayan, sa halip ginagamit ng Diyos ang Kanyang diwa upang pakitunguhan nang lihim at tapat ang bawat isang tao. Sa madaling salita, ang diwa ng Diyos ay hindi hungkag, ni hindi rin ito panteorya o pangdoktrina at tiyak na hindi isang uri ng kaalaman. Hindi ito isang uri ng edukasyon para sa tao; sa halip ay siyang tunay na pahayag ng sariling mga kilos ng Diyos at ang ibinunyag na diwa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Dapat kilalanin ng tao ang diwang ito at unawain ito, dahil ang lahat ng ginagawa ng Diyos at bawat salita na Kanyang sinasabi ay may malaking kahalagahan at malaking kabuluhan sa bawat isang tao. Kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, magagawa mo na talagang maniwala sa Diyos; kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, makikilala mo talaga ang totoong kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi.” Hindi ka na mag-iisip na may ibang mga daan maliban dito na maaari mong piliing lakaran, at hindi ka na handang pagtaksilan ang lahat ng bagay na isinaayos ng Diyos para sa iyo. Sapagkat ang diwa ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan ng Diyos makalalakad ka sa buhay sa makatuwirang daan ng liwanag; tanging sa pamamagitan ng Diyos mo malalaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan ng Diyos na maisasabuhay mo ang totoong pagkatao at taglayin at makilala ang katotohanan. Tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari mong matanggap ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang anuman ang makakapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa. Ito ay pinagpapasyahan ng diwa ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging ang Diyos ang responsable sa bandang huli para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na hindi matatamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagtataglay ng diwa ng Diyos, walang tao o bagay ang may kakayahan na iligtas ka o akayin ka. Ito ang kahalagahan ng diwa ng Diyos sa tao. Nararamdaman ninyo marahil na ang mga salitang ito na nasabi Ko ay nakatutulong kahit kaunti sa prinsipyo. Subalit kung hahanapin mo ang katotohanan, kung minamahal mo ang katotohanan, mararanasan mo kung papaano hindi lamang babaguhin ng mga salitang ito ang iyong tadhana, ngunit higit pa rito dadalhin ka nila sa tamang daan ng buhay. Nauunawaan mo ito, hindi ba?
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI
Nilikha ng Diyos ang mundong ito at dinala ang tao, isang nabubuhay na nilalang na pinagkalooban Niya ng buhay. Sumunod, nagkaroon ng mga...
Kapag naabot ng gawain ng Diyos ang isang tiyak na punto, at ang pamamahala Niya ay nakaabot sa isang tiyak na punto, ang mga malapit sa...
Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang tarangkahan ng kaharian ay nabuksan na para sa...
Pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan sa pasimula, ang mga Israelita ang nagsilbing batayan ng gawain, at ang buong Israel ang batayan ng...