Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob: Ang Ikasiyam na Pagbigkas

Dahil ikaw ay isa sa pamilya ng Aking sambahayan, at dahil ikaw ay tapat sa Aking kaharian, marapat lamang na lahat ng iyong gagawin ay umayon sa mga pamantayan na Aking inaatas. Hindi Ko hinihingi sa’yo na maging isang lumilipad na ulap lamang, bagkus ikaw ay maging makislap na niyebe, at nag-aangkin ng sangkap nito at lalo pa ng halaga nito. Dahil Ako ay nagmula sa banal na lupain, hindi gaya ng isang lotus, na mayroon lamang pangalan at walang diwa dahil ito ay nanggaling mula sa putikan at hindi sa banal na lupain. Ang panahon na ang isang bagong kalangitan ay pumapanaog sa daigdig at ang isang bagong daigdig ay lumalaganap sa ibabaw ng mga kalangitan ay mismong panahon din na Ako ay pormal na gumagawa kasama ng mga tao. Sino sa sangkatauhan ang nakakakilala sa Akin? Sino ang namasdan ang sandali ng Aking pagdating? Sino ang nakakita na Ako ay hindi lamang mayroong isang pangalan, ngunit, bukod pa rito, Ako rin ay nagtataglay ng pag-aari? Hinawi Ko ang mga puting ulap gamit ang Aking kamay at pinagmasdan nang mabuti ang kalangitan; sa kalawakan, walang bagay ang hindi isinaayos ng Aking kamay, at sa ilalim ng kalawakan, walang sinuman ang hindi nag-aambag ng kanyang munting pagsisikap para sa katuparan ng Aking makapangyarihang panukala. Hindi Ako humihingi ng mabibigat na kahilingan sa mga tao sa mundo, dahil Ako ay palaging ang praktikal na Diyos, at sapagkat Ako ang Makapangyarihan-sa-lahat na lumikha ng tao at nakakikilala nang lubos sa tao. Lahat ng tao ay haharap sa mga mata ng Makapangyarihan-sa-lahat. Paanong makakaiwas maging ang mga naroon sa pinakamalalayong sulok ng mundo sa pagsisiyasat ng Aking Espiritu? Kahit na ang tao ay nakakikilala sa Aking Espiritu, siya rin ay nagkakasala laban dito. Ang Aking mga salita’y inilalantad ang pangit na larawan ng lahat ng tao, at inilalantad ang pinaka-malalalalim na saloobin ng sangkatauhan, at nagdudulot sa buong mundo na maging payak dala ng Aking liwanag at sumubsob sa Aking pagsisiyasat. Ngunit kahit ang tao ay sumubsob, ang kanyang puso ay hindi nangangahas na lumayo sa Akin. Sa mga nilalang, sino ang hindi iibig sa Akin dahil sa Aking mga gawain? Sino ang hindi naghahangad sa Akin bunga ng Aking mga salita? Kanino hindi isinilang ang mga damdamin ng katapatan dahil sa Aking pag-ibig? Dahil sa kasamaan ni Satanas kaya ang tao ay hindi kayang makaabot sa kaharian ayon sa inaatas Ko. Kahit na ang pinaka-mababababang pamantayang inaatas Ko ay nagdudulot ng mga pag-aalinlangan sa kanya, huwag nang banggitin ang ngayon, ang panahon kung saan si Satanas ay dumadaluhong at mapaniil na parang baliw, o ang panahong ang tao ay masyadong nayuyurakan ni Satanas na ang kanyang buong katawan ay natatakpan ng karumihan. Kailan ba na ang pagkabigo ng tao na magbalik-loob sa Akin bunga ng kanyang kabuktutan ay hindi nagdulot sa Akin ng kalungkutan? Maaari Ko bang kaawaan si Satanas? Maaari bang nagkakamali lang Ako sa Aking pag-ibig? Kapag ang tao ay hindi sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay lihim na tumatangis; kapag ang tao ay sumasalungat sa Akin, siya ay Aking kinakastigo; kapag ang tao ay Aking inililigtas at binubuhay-muli mula sa mga patay, siya ay pinakakain Ko nang lubos na pangangalaga; kapag ang tao ay sumusunod sa Akin, ang Aking puso ay payapa at agad Akong nakakaramdam ng malalaking pagbabago sa lahat ng bagay sa langit at lupa; kapag pinupuri Ako ng tao, paanong hindi Ko iyon magugustuhan? Kapag ang tao ay sinasaksihan Ako at nakakamtan Ko, paano Ako hindi maluluwalhati? Maaari ba na ang sangkatauhan ay hindi Ko napapamahalaan at natutustusan? Kapag Ako ay hindi nagbigay ng tamang direksyon, ang mga tao ay tamad at walang kibo, at, sa Aking likuran, sila ay nakikibahagi sa mga “kapuri-puring” mapandayang transaksyon. Sa tingin mo ba ang katawang-tao, na siyang Aking isinuot sa Sarili Ko, ay walang alam sa iyong mga gawa, iyong ugali, at iyong mga salita? Tiniis Ko nang maraming taon ang hangin at ulan, at naranasan Ko rin ang kapaitan ng mundo ng mga tao, ngunit sa pamamagitan ng masusing pagninilay, gaano mang pagdurusa ang danasin hindi magagawang mawalan ng pag-asa sa Akin ang taong nasa katawan, lalong hindi maaaring magdulot ang anumang katamisan sa taong nasa katawan na maging malamig, nanlulumo, o mapag-bale-wala tungo sa Akin. Ang pag-ibig ba ng tao para sa Akin ay limitado lamang sa alinman sa walang pasakit o walang katamisan?

Ngayon, Ako ay nananahan sa katawan at nagsisimulang pormal na isagawa ang gawaing dapat Kong gampanan, ngunit kahit na kinakatakutan ng tao ang tinig ng Aking Espiritu, sinusuway niya ang diwa ng Aking Espiritu. Hindi Ko kailangang ipaliwanag kung gaano kahirap para sa tao na kilalanin Akong nasa katawang-tao sa Aking mga salita. Gaya ng Aking nabanggit noon, hindi Ako mapaghanap sa Aking mga kahilingan, at hindi ninyo kinakailangan na makamit ang lubos na kaalaman patungkol sa Akin (dahil ang tao ay may kakulangan; ito ay isang likas na kundisyon, at ang mga kundisyong natamo ay hindi kayang punan ito). Kailangan lamang ninyong malaman lahat ng Aking nagawa at winika sa kaanyuan ng katawang-tao. Dahil ang Aking mga kahilingan ay hindi mapaghanap, inaasahan Ko na malalaman ninyo, at na makakamit ninyo. Alisin ninyo sa inyong sarili ang inyong mga karumihan dito sa maduming mundo, magsikap umunlad dito sa paurong na pamilya ng mga emperador, at huwag na hindi ninyo hinahananapan ang sarili. Hindi ka dapat maging maluwag sa iyong sarili kahit katiting: Kinakailangan mong magtalaga ng malaking panahon at pagsisikap para malaman kung ano ang Aking binibigkas sa isang araw, at ang kaalaman ng kahit na isang pangungusap na Aking sinabi ay karapat-dapat sa isang habambuhay na pagdaranas. Ang mga salitang Aking sinasabi ay hindi malabo at hindi mahirap unawain, ang mga ito ay hindi walang lamang usapan. Maraming tao ang umaasang matamo ang Aking mga salita, ngunit hindi Ko sila iniintindi; maraming tao ang nagnanasa sa Aking yaman, ngunit hindi Ko sila binibigyan kahit kaunti; maraming tao ang nagnanais na makita ang Aking mukha, ngunit naitago Ko ito magpakailanman; maraming tao ang taimtim na nakikinig sa Aking boses, ngunit ipinipikit Ko ang Aking mga mata at inililiyad ang Aking ulo, di-natitinag ng kanilang pagnanasa; maraming tao ang natatakot sa tunog ng Aking tinig, ngunit ang Aking mga salita ay laging pang-atake; maraming tao ang takot na makita ang Aking mukha, ngunit sinasadya Kong lumitaw na pabagsakin sila. Hindi kailanman totoong nakita ng tao ang Aking mukha at hindi kailanman totoong narinig ang Aking tinig, dahil hindi niya Ako totoong kilala. Kahit na siya ay pinababagsak Ko, kahit na iniiwan niya Ako, kahit na siya ay kinakastigo ng Aking kamay, hindi pa rin niya alam kung lahat ng kanyang ginagawa ay totoong naaayon sa Aking kalooban, at siya ay wala pa ring nalalaman kung kanino nahahayag ang Aking kalooban. Mula sa paglikha ng daigdig hanggang ngayon, walang sinuman ang kailanma’y totoong nakakilala sa Akin, o totoong nakakita sa Akin, at kahit na Ako ay naging katawang-tao ngayon, hindi ninyo pa rin Ako kilala. Ito ba ay hindi katunayan? Namasdan mo na ba kailanman ang kahit kaunti sa Aking mga kilos at disposisyon sa katawang-tao?

Sa langit, kung saan Ako ay nakakahilig, at sa ilalim nito ay kung saan Ako nakakatagpo ng kapahingahan. May lugar kung saan Ako naninirahan, at mayroon Akong panahon para ipamalas ang Aking kapangyarihan. Kung wala Ako sa lupa, kung hindi Ko inilihim ang Sarili Ko sa loob ng katawang-tao, at kung hindi Ako mapagpakumbaba at nagtatago, ang langit at lupa ba ay hindi sana nabago na noon pa man? Kayo ba, na Aking bayan, ay hindi sana nagagamit Ko na? Ngunit mayroon karunungan sa Aking mga gawa, at kahit na lubusan Kong nalalaman ang panlilinlang ng tao, hindi Ko sinusundan ang kanyang halimbawa, ngunit sa halip nakikipagpalitan para rito. Ang Aking karunungan sa ispirituwal na kaharian ay walang pagkaubos, habang ang Aking karunungan sa katawang-tao ay magpasawalang-hanggan. Hindi ba iyon ang tiyak na panahon na kung saan ang Aking mga gawa ay ginawang malinaw? Napatawad Ko na at napawalang-sala ang tao nang maraming beses, magpasahanggang ngayon, sa Kapanahunan ng Kaharian. Maaari Ko ba talagang patagalin pa ang Aking panahon? Kahit na Ako ay naging tila mas maawain tungo sa marupok na tao, kapag ang Aking gawain ay maging ganap, makapagdudulot pa ba Ako ng gulo sa Sarili Ko sa paggawa ng mga dating gawain? Maaari Ko bang sinasadyang pahintulutan si Satanas na magparatang? Hindi Ko kailangang gumawa ng kahit ano ang tao kundi tanggapin ang realidad ng Aking mga salita at ang tunay na kahulugan nito. Kahit na ang Aking mga salita ay simple, sa diwa sila ay masalimuot, dahil kayo ay masyadong maliit, at lumaking masyadong manhid. Kapag tuwirang ibinubunyag ang Aking mga hiwaga at ginagawang malinaw ang Aking kalooban sa katawang-tao, hindi ninyo ito pinapansin; nakikinig kayo sa tunog, ngunit hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan nito. Bagbag na bagbag Ako ng kalungkutan. Kahit na Ako ay nasa katawang-tao, hindi Ko nagagawa ang gawain ng ministeryo ng katawang-tao.

Sino ang nakakaalam ng Aking mga ginawa sa katawang-tao sa lahat ng Aking salita at pagkilos? Kapag ibinubunyag Ko ang Aking mga hiwaga sa pagsusulat, o pagsasalita nang malakas, lahat ng mga tao ay hindi makapagsasalita, ipinipikit nila ang kanilang mga mata nang tahimik. Bakit ang Aking mga sinasabi ay hindi nauunawaan ng tao? Bakit ang Aking mga salita ay hindi niya maarok? Bakit siya bulag sa Aking mga gawa? Sino ang may kakayahang makita Ako at kailanma’y hindi makalilimot? Sino ang may kakayahang marinig ang Aking tinig at hindi papayag na lumipas lamang ito? Sino ang may kakayahang maramdaman ang Aking kalooban at bigyang-kasiyahan ang Aking puso? Ako ay nananahan at kumikilos kasama ng tao, naranasan Ko ang kanilang pamumuhay, at kahit na naramdaman Kong mabuti ang lahat matapos Kong likhain ang mga ito para sa tao, hindi Ako nasisiyahan sa buhay kasama ang tao, at hindi Ako natutuwa sa kasiyahan kasama ang tao. Hindi Ko kinamumuhian at tinatanggihan ang tao, ngunit hindi rin Ako magpapadala sa damdamin tungo sa kanya—dahil hindi niya Ako nakikilala, nahihirapan siyang makita ang Aking mukha sa kadiliman, at nahihirapan sa pakikinig sa Aking tinig, at hindi niya kayang mawari ang Aking salita, sa gitna ng kaingayan. Kaya, sa paimbabaw, ang lahat ng inyong ginagawa ay pagsunod sa Akin, ngunit sa inyong puso, ay sinusuway ninyo pa rin Ako. Ang kabuuan ng dating kalikasan ng sangkatauhan, maaaring masabi, ay tulad nito. Maliban kanino? Sino ang hindi kabilang sa Aking mga pagkastigo? Ngunit sino ang hindi nananahan sa ilalim ng Aking pagpaparaya? Kung ang tao ay winasak ng Aking poot, ano ang magiging kabuluhan ng Aking paglikha ng langit at lupa? Minsan Kong binalaan ang maraming tao, at pinayuhan ang maraming tao, at hayagang hinatulan ang maraming tao—hindi ba ito mas mainam sa tuwirang pagwasak sa tao? Ang Aking layunin ay hindi para patayin ang tao, bagkus ay pangyarihing malaman niya ang lahat ng Aking gawa sa gitna ng Aking paghatol. Kapag kayo ay pumapaitaas mula sa napakalalim na pagkalugmok, na ang ibig sabihin ay, kapag pinakakawalan ninyo ang inyong mga sarili mula sa Aking paghatol, ang inyong mga personal na pagpapalagay at mga plano ay mawawala lahat, at lahat ng tao ay maghahangad na Ako ay malugod. At sa ganito, hindi Ko ba nakakamit ang Aking layon?

Marso 1, 1992

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.