Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob: Ang Ikalabing-isang Pagbigkas

Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng Aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay mailaan para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay naghagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakamasid sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na namasdan ang kamanghaan ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, kapag Ako ay personal na dumarating kasama ng tao at sinasabi ang Aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, inaalis ang lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ay lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkaintindi at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnanais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang matatanto ito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang totoong maniniwala na Ako ay talagang umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng realidad, at walang sinuman ang may kakayahang maghambing sa kanila. Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi? Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao. Kapag Ako ay totoong nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung paano Ako nagsasalita pati na rin ang Aking mga layunin.

Kapag ang kaharian ay pormal na dumating sa lupa, ano, sa lahat ng bagay, ang hindi tahimik? Sino, sa lahat ng mga tao, ang hindi takot? Lumakad Ako sa lahat ng dako ng mundong sansinukob, at lahat ng bagay ay personal na inayos Ko. Sa oras na ito, sino ang hindi nakakaalam na ang Aking mga gawa ay kahanga-hanga? Itinataguyod ng Aking mga kamay ang lahat ng mga bagay, gayon pa man Ako ay higit sa lahat ng bagay. Ngayon, hindi ba ang pagkakatawang-tao at ang Aking personal na pagharap sa tao ay ang totoong kahulugan ng Aking kababaang-loob at pagkatago? Sa panlabas, maraming tao ang pumalakpak sa Akin bilang mabuti, at pinupuri Ako bilang kaibig-ibig, ngunit sino ang totoong nakakakilala sa Akin? Ngayon, bakit Ako nagtatanong kung kilala ninyo Ako? Ang Aking layunin ba ay huwag ipahiya ang malaking pulang dragon? Hindi Ko nais na pilitin ang tao na purihin Ako, ngunit para makilala niya Ako, kung saan siya ay lalapit upang mahalin Ako, at sa gayon ay purihin Ako. Ang ganitong papuri ay karapat-dapat sa pagkatawag nito, at ito ay hindi walang katuturang usapan; tanging ang papuring tulad nito ang maaaring makaabot sa Aking trono at pumailanlang sa kalangitan. Sapagka’t ang tao ay natukso at ginawang masama ni Satanas, dahil siya ay nasakop sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga pagkaintindi, Ako ay naging katawang-tao upang personal na lupigin ang buong sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao, at upang wasakin ang pag-iisip ng tao. Bilang resulta, hindi na muling nagmamarangya ang tao sa harapan Ko, at hindi na muling naglilingkod sa Akin gamit ang kanyang mga sariling pagkaintindi, at sa gayon ang “Ako” sa mga pagkaintindi ng tao ay ganap na naitaboy. Kapag ang kaharian ay dumating, una Kong sinisimulan ang yugtong ito ng gawain, at ginagawa Ko ito sa Aking bayan. Ang pagiging Aking bayan na ipinanganak sa lupain ng malaking pulang dragon, tiyak na hindi lang maliit, o isang bahagi, ng kamandag ng malaking pulang dragon ang nasa loob ninyo. Samakatuwid, ang yugtong ito ng Aking gawa ay pangunahing nakatutok sa inyo, at ito ay isang aspeto ng kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao sa Tsina. Karamihan sa mga tao ay hindi kayang maunawaan kahit na kapiraso ng mga salita na Aking sinasabi, at kapag nagawa nila, ang kanilang pagkakaunawa ay malabo at magulo. Ito ay isa sa mga pagbabago ng paraan gamit ang Aking pananalita. Kung ang lahat ng tao ay kayang basahin ang Aking mga salita at maunawaan ang kanilang mga kahulugan, kung gayon sino sa mga tao ang maaaring maligtas, at hindi itapon patungong Hades? Kapag ang tao ay kilala Ako at sumusunod sa Akin saka lamang Ako makapagpapahinga, at ang mismong oras na ang tao ay makakayang maunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita. Ngayon, masyadong maliit ang inyong tayog, ito ay halos nakakaawa sa liit, hindi man lamang karapat-dapat upang maiangat—na walang masabi sa inyong kaalaman tungkol sa Akin.

Kahit na sabihin Ko na ang mga anghel ay sinimulan nang ipadala upang magpastol sa Aking mga anak at bayan, walang sinuman ang may kakayahang makaunawa sa kahulugan ng Aking mga salita. Kapag Ako ay personal na dumating sa mga tao, ang mga anghel ay sabay na sinisimulang gawin ang pagpapastol, at sa panahon ng pagpapastol ng mga anghel, ang lahat ng mga anak at bayan ay hindi lamang makatatanggap ng mga pagsubok at pagpapastol, ngunit maaari rin mamasdan, sa kanilang sariling mga mata, ang pangyayari ng lahat ng uri ng mga pangitain. Dahil Ako ay gumagawa nang direkta sa pagka-Diyos, lahat ng bagay ay pumapasok sa isang bagong simula, at dahil itong pagka-Diyos ay gumagawa nang direkta, hindi ito sa kahit na katiting na bahagi napipigilan ng sangkatauhan, at sa wari ng tao ay malayang kumikilos sa ilalim ng higit sa karaniwang mga pangyayari. Gayon pa man, sa Akin, lahat ay normal (ang tao ay naniniwala na ito ay higit sa karaniwan dahil hindi pa niya nakaharap nang direkta kailanman ang pagka-Diyos); ito ay hindi napanghawakan ng mga pagkaintindi ng tao, at ito ay hindi nabahiran ng pantaong pakahulugan. Makikita lamang ito ng mga tao kapag lahat sila ay pumasok sa tamang landas; dahil ngayon na ang simula, pagdating sa kanyang pagpasok, ang tao ay maraming pagkukulang, at ang ganitong mga pagkakamali at kalabuan ay ni bahagya ay hindi maiiwasan. Ngayon, yamang ginabayan Ko kayo hanggang sa puntong ito, Ako ay nakagawa ng angkop na mga pagaayos, at mayroong sarili Kong mga layunin. Kapag sinabi Ko sa inyo ang mga ito ngayon, totoo bang kaya ninyong kilalanin ito? Aking lubos na kilala ang kaisipan ng tao at ang mga kagustuhan ng puso ng tao: Sino ang hindi naghanap ng paraan na makakalabas para sa kanilang sarili? Sino ang hindi nag-isip ng kanilang mga sariling inaasam? Ngunit kahit na ang tao ay nagmamay-ari ng isang mayaman at makulay na katalinuhan, sino ang nagawang mahulaan ito, na pagkatapos ng mga kapanahunan, ang kasalukuyan ay magiging kung paano ito ngayon? Ito ba talaga ang bunga ng iyong sariling pagsisikap? Ito ba ang kabayaran para sa iyong walang pagod na pagsisikap? Ito ba ang magandang pagsasalarawang nakinikinita ng iyong isip? Kung hindi Ko ginabayan ang lahat ng sangkatauhan, sino ang magagawang ihiwalay ang kanilang sarili mula sa Aking mga pagsasaayos at maghanap ng ibang daan palabas? Ang mga saloobin at kagustuhan ba ng tao ang nagdala sa kanya sa kasalukuyan? Maraming mga tao ang dumaraan sa kanilang buong buhay na hindi nabigyang katuparan ang kanilang mga kagustuhan. Ito ba talaga ay dahil sa isang kamalian sa kanilang kaisipan? Maraming buhay ng tao ang puno ng hindi inaasahang kaligayahan at kasiyahan. Ito ba talaga ay dahil sa ang kanilang inaasahan ay masyadong maliit? Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag sa kamatayan, gayon pa man ito ay napakalayo sa kanila; maraming tao na nais na maging malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming tao ang tumitingin sa kalangitan at malalim na napapabuntong-hininga; maraming tao ang umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming tao ang bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming tao ang nagiging bilanggo ng tukso. Kahit na hindi Ako nagpapakita nang personal upang hayaan ang tao na malinaw Akong mamasdan, maraming mga tao ang takot na makita ang Aking mukha, takot na takot na pababagsakin Ko sila, na papatayin Ko sila. Totoo bang kilala Ako ng tao, o hindi? Siguradong walang sinuman ang makakapagsabi. Hindi ba ganito? Pareho ninyong kinatatakutan Ako at ang Aking pagkastigo, gayon pa man kayo rin ay tumintindig at lantarang kinakalaban Ako at hinahatulan Ako. Hindi ba ito ang nangyayari? Na ang tao ay hindi Ako kailanman nakilala dahil hindi niya kailanman nakita ang Aking mukha o narinig ang Aking tinig. Kaya, kahit nasa loob Ako ng puso ng tao, mayroon bang puso kung saan hindi Ako malabo at di-maaninag? Mayroon ba sa puso ng isa kung saan Ako ay ganap na malinaw? Hindi Ko nais para sa Aking bayan na nakikita rin Akong malabo at mahirap unawain, kaya’t pumasok Ako sa dakilang gawaing ito.

Tahimik Akong dumarating sa tao, at dahan-dahang lumilisan. Mayroon bang nakakita na sa Akin? Ang araw ba ay kaya Akong makita dahil sa nagaalab na apoy nito? Ang buwan ba ay kaya Akong makita dahil sa maningning na kaliwanagan nito? Kaya ba Akong makita ng mga konstelasyon dahil sa lugar ng mga ito sa kalangitan? Sa pagdating Ko, hindi alam ng tao, at ang lahat ng mga bagay ay mananatiling walang alam, at sa Aking paglisan, hindi pa rin batid ng tao. Sino ang maaaring magbigay ng patotoo sa Akin? Maaari bang ang papuri ng mga tao sa lupa? Maaari bang ang mga liryo na namumukadkad sa kagubatan? Ang mga ibon ba na lumilipad sa kalangitan? Ang mga leon ba na umaatungal sa mga bundok? Walang sinuman ang maaaring ganap na masaksihan Ako! Walang sinuman ang maaaring gumawa ng Aking mga gagawin! Kahit na ginawa nila ang gawaing ito, anong epekto mayroon ito? Sa bawat araw minamasdan Ko ang bawat pagkilos ng maraming tao, at sa bawat araw sinisiyasat Ko ang mga puso at isipan ng maraming tao; wala kahit sinuman ang nakatakas sa paghatol Ko, at wala kahit sinuman ang naalis ang kanilang sarili sa realidad ng Aking paghatol. Tumindig Ako sa itaas ng kalangitan at tumingin sa malayo: Hindi mabilang na mga tao ang Aking napabagsak, bagaman, pati, hindi mabilang na mga tao na nabubuhay sa gitna ng Aking awa at mapagkandiling pagmamahal. Hindi ba nabubuhay din kayo sa ilalim ng naturang mga kalagayan?

Marso 5, 1992

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger