Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob: Ang Ikaanim na Pagbigkas

Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito’y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na, hindi pa kailanman nakita ng mundo mula sa pasimula ng paglikha, magsasalita Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa nagdaang mga kapanahunan, dahil hinihingi Ko na makilala Ako ng buong sangkatauhan sa katawang-tao. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na ang sangkatauhan ay wala kahit katiting na pakiwari. Kahit na magsalita Ako tungkol sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposibleng maipaliwanag ang mga ito sa kanya nang detalyado. Narito ang miserableng kababaan ng tao, hindi ba? Ito mismo ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, hindi ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-taong katawan ay wala kailanmang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao sa kanilang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang isang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa paglipas ng mga kapanahunan. Gayunman, ngayon, marami na Akong nagawa sa inyo na mahimala at di-maarok, at gayon din nangusap sa inyo ng maraming salita. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng ilang halimbawa:

Araw-araw kang nananalangin sa isang malabong Diyos, sinisikap ninyong unawain ang Aking mga layunin, upang makamit ang pakiramdam ng buhay. Ngunit nang makarating ang Aking mga salita, iba ang pagkaunawa mo sa mga ito: Tinatanggap mo ang Aking mga salita at ang Aking Espiritu bilang isang di-mapaghihiwalay na katauhan, ngunit isinasantabi mo ang bahaging tao, iniisip na ang pagiging tao Ko ay talagang walang kakayahan na bigkasin ang ganitong uri ng mga salita, at bunga lamang ito ng pagsasaayos ng Aking Espiritu. Paano mo malalaman ang tungkol sa ganitong uri ng sitwasyon? Naniniwala ka sa Aking mga salita sa paanuman, ngunit sa katawang-taong Aking isinuot, sa malawak o di-gaanong malawak na antas ay binibigyang-pansin mo ang iyong sariling ideya, na pinag-iisipan mo araw-araw at sinasabing: “Bakit ginagawa Niya ang mga bagay na ito sa gayong paraan? Maaari kayang nagmumula ito sa Diyos? Imposible! Sa aking pananaw, halos tulad ko lang—isang pangkaraniwan at ordinaryong tao.” Muli, paano mo ipapaliwanag ang ganitong sitwasyon?

Tungkol sa Aking nabanggit sa itaas, mayroon ba sa inyo ang hindi naihanda dito? Sinumang hindi nagtataglay nito? Ito ay parang isang bagay na hawak mo tulad ng isang bahagi ng personal na ari-arian at hanggang ngayon ikaw ay nag-aalangan na bitawan ito. Lalo nang hindi maluwag sa iyong kalooban ang itaguyod ang aktibong pagsisikap; sa halip, hinihintay mo pa na Ako ang personal na gumawa. Kung sasabihin ang totoo, walang sinumang tao, nang hindi Ako hinahanap, ang makikilala Ako nang ganoon kadali. Tunay nga, hindi mabababaw ang mga salitang ito na ipinapangaral Ko sa inyo, dahil maari Akong magbigay ng isang halimbawa mula sa ibang anggulo para maging batayan mo:

Sa sandaling nababanggit si Pedro, nagpupuri ang lahat nang lubos, at kaagad nilang naalala ang lahat ng mga kuwento tungkol kay Pedro—kung paano niya ipinagkaila nang tatlong ulit na kilala niya ang Diyos at bukod pa rito, naglingkod siya kay Satanas, na nagsilbing pagsubok sa Diyos, ngunit sa katapusan, ipinako sa krus nang patiwarik alang-alang sa Kanya, at iba pa. Ngayon, bibigyan Ko ng kahalagahan ang pagsasalaysay sa inyo kung paano Ako nakilala ni Pedro, gayun din ang kinalabasan niya sa katapusan. Napakahusay ng kakayahan ni Pedro, ngunit iba ang kanyang mga kalagayan kaysa kay Pablo. Inusig Ako ng kanyang mga magulang, kabilang sila sa mga demonyong pag-aari ni Satanas, at sa dahilang ito, walang sinuman ang makapagsabing naipasa nila ang paraang ito kay Pedro. Matalas ang pag-iisip ni Pedro, pinagkalooban siya ng katutubong karunungan, kinahumalingan ng kanyang mga magulang mula pagkabata; ngunit nang lumaki na, siya’y naging kaaway nila, dahil lagi niyang hinahangad na makilala Ako, at ito ang nagbunsod sa kanya para talikuran ang kanyang mga magulang. Ang dahilan una sa lahat, naniniwala siya na ang langit at ang lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat, at nagmula sa Diyos ang lahat ng mga positibong bagay at direktang nagmula sa Kanya, na hindi dumaan sa anumang pamamaraan ni Satanas. Dahil sa salungat na halimbawa ng kanyang mga magulang na nagsilbing pagkakaiba, naging daan ito para maging handa siya na kilalanin ang Aking pag-ibig at kaawaan, na lalong nagpa-alab sa kanya nang higit na matinding damdamin na hanapin Ako. Masigasig niyang binigyang-pansin hindi lamang ang pagkain at pag-inom ng Aking mga salita, kundi mas higit pa sa pag-unawa sa Aking mga layunin, at siya’y palagiang mahinahon at maingat sa kanyang pag-iisip, upang palaging matalas sa karunungan ang kanyang espiritu, at kaya nagawang malugod Ako sa lahat ng kanyang ginawa. Sa ordinaryong buhay, binigyang pansin niya na maisama ang mga aral ng mga nabigo sa nakaraan upang udyukan ang kanyang sarili sa mas malaking pagpupunyagi, dahil sa pangambang maaari siyang mahulog sa mga bitag ng kabiguan. Binigyan din niya ng masusing atensyon na matutuhan ang pananampalataya at pagmamahal ng mga taong nagmahal sa Diyos sa lahat ng kapanahunan. Sa ganitong paraan, hindi lamang sa mga negatibong aspeto, kundi ang higit na mahalaga, sa mga positibong aspeto ay napabilis ang progreso ng kanyang paglago, hanggang sa siya ang taong nakakilala sa Akin nang lubusan sa Aking presensiya. Dahil dito, hindi na mahirap isipin kung paano niya naipagkakaloob sa Aking mga kamay ang lahat ng nasa kanya, hindi na bilang kanyang sariling panginoon maging sa pagkain, sa pananamit, sa pagtulog, o kung saan man siya nakatira, ngunit masaya niya Akong ginawa bilang batayan sa lahat ng mga bagay na tinatamasa niya ang Aking kasaganaan. Napakaraming beses na isinailalim Ko siya sa pagsubok, na halos ikamatay na niya, ngunit kahit sa kabila ng daan-daang pagsubok, hindi siya nawalan kailanman ng pananampalataya sa Akin, o nadismaya sa Akin. Kahit na nang sabihin Kong isinantabi Ko na siya, hindi nanlupaypay ang kanyang puso o nawalan ng pag-asa, kundi nagpatuloy siya tulad nang dati na maisakatuparan ang kanyang mga prinsipyo upang maipadama ang kanyang pagmamahal sa Akin. Nang sabihin Ko sa kanya na, kahit inibig niya Ako, hindi Ko siya pinuri sa halip itatapon Ko siya sa mga kamay ni Satanas sa katapusan. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, na hindi umabot sa kanyang laman kundi mga pagsubok sa pamamagitan ng mga salita, nanalangin pa rin siya sa Akin: Diyos ko! Sa lahat ng nasa langit at sa lupa, at sa hindi mabilang na mga bagay, mayroon bang isang tao, o isang nilalang, o anumang bagay na hindi Mo hawak sa Iyong mga kamay, ang Makapangyarihan sa lahat? Nang naisin Mong magpakita sa akin ng kaawaan, labis na nagalak ang aking puso sa ipinadama Mong awa; nang naisin Mong magsagawa ng paghatol sa akin, bagaman maaaring hindi ako karapat-dapat, lalo kong naramdaman ang lalim ng hiwaga ng Iyong mga gawa, dahil punong-puno Ka ng awtoridad at karunungan. Bagaman maaaring mahirapan ang aking laman, naaaliw naman ako sa aking espiritu. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at ang Iyong mga gawa? Kahit na ako’y mamatay pagkatapos na makilala Kita, lagi akong nakahanda at pumapayag. O, Makapangyarihan sa lahat! Tiyak na hindi Mo totoong nais na hindi kita makita? Tiyak na hindi totoong di-karapat-dapat akong tumanggap ng Iyong hatol? Maaari kayang may isang bagay sa akin na ayaw Mong makita? Sa gitna ng mga ganitong uri ng pagsubok, bagaman hindi maunawaan nang husto ni Pedro ang Aking mga layunin, malinaw na itinuring niya itong isang kapurihan at karangalan sa kanyang sarili na Aking magamit (kahit na tanggapin lamang ang Aking paghatol upang makita ng sangkatauhan ang Aking kamahalan at poot), at hinding-hindi nalumbay dahil sa sumailalim sa pagsubok. Dahil sa kanyang katapatan sa Aking presensiya, at dahil sa pagpapala Ko sa kanya, siya ay naging isang huwaran at isang uliran sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Hindi ba ito ang wastong halimbawang dapat ninyong sundin? Sa pagkakataong ito, mag-isip kayong mabuti at subukang alamin kung bakit Ako naglahad ng mahabang kasaysayan ni Pedro. Magsilbi sana sa inyo itong isang alituntunin ng pag-uugali.

Kahit na kakaunting tao lamang ang nakakakilala sa Akin, hindi Ko ibubuhos ang Aking galit sa sangkatauhan, dahil maraming pagkukulang ang mga tao at mahirap sa kanila na abutin ang pamantayang hinihingi Ko. Kaya, naging napakaluwag Ko sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon, hanggang sa kasalukuyang panahon. Ngunit umaasa Ako na hindi ninyo palalayawin ang inyong sariling hangarin dahil sa Aking pagkamaluwag, sa halip, katulad ni Pedro, lumapit kayo upang Ako’y hanapin at kilalanin, at sa pamamagitan ng lahat ng kasaysayan ni Pedro, makatanggap ng pahayag sa walang katulad na mga paraan, at sa paraang ito, makarating kayo sa kahariang hindi nakamit dati ng sangkatauhan. Sa buong sansinukob at sa walang hanggang kalawakan ng papawirin, ang hindi mabilang na mga bagay ng sangnilikha, ang hindi mabilang na mga bagay sa daigdig, at ang hindi mabilang na mga bagay sa kalangitan, bawat isa’y nag-aalay ng kanilang buong lakas alang-alang sa huling bahagi ng Aking gawain. Hindi ba’t tiyak na ayaw ninyong manatiling tagapanood lamang sa isang tabi, na itinutulak lamang paroo’t parito ng mga puwersa ni Satanas? Palaging inaagaw ni Satanas ang kaalaman na pinanghahawakan ng mga tao sa kanilang mga puso tungkol sa Akin, at palaging nakikibaka, nang nakalabas ang mga ngipin at nakaambang ang mga kuko, sa mga huling paghihingalo nito sa bingit ng kamatayan. Nais ba ninyong mabihag ng mapanlinlang nitong pakana sa pagkakataong ito? Nais ba ninyong matapos na ngayon ang huling yugto ng Aking gawain, upang matapos na ang sarili ninyong buhay? Hindi kaya’t hinihintay niyo lang Ako na ibahagi pa nang isang beses ang Aking pagkamaluwag? Ang paghahangad na makilala Ako ang pinakamahalagang bagay, ngunit hindi ninyo dapat kaligtaan na bigyang pansin ang aktuwal na pagsasagawa. Tuwiran Kong ihinahayag sa inyo ang Aking mga pananaw sa Aking mga salita, sa pag-asang magpapasakop kayo sa Aking paggabay, at titigil na sa pag-iisip sa inyong mga sariling hangarin o mga plano.

Pebrero 27, 1992

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger