Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan. Tulad na ang tao ay kulang sa pahinga, ganoon din ang Diyos. Kapag ang Diyos ay muling pumasok sa kapahingahan, ang tao ay papasok din sa kapahingahan. Ang buhay na nasa kapahingahan ay isa na walang digmaan, walang karumihan, walang namamalagi na di-pagkamatuwid. Ibig sabihin nito ay walang panliligalig ni Satanas (dito ang “Satanas” ay tumutukoy sa kalabang mga puwersa), kasamaan ni Satanas, pati na rin ang pagsalakay ng anumang puwersang tutol sa Diyos. Lahat ng bagay ay sumusunod sa sarili nitong uri at sumasamba sa Panginoon ng sangnilikha. Ang langit at lupa ay ganap na payapa. Ito ang matiwasay na buhay ng sangkatauhan. Kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, wala ng di-pagkamatuwid ang magpapatuloy sa ibabaw ng lupa, at wala ng pagsalakay ng anumang kalabang mga puwersa. Ang sangkatauhan ay papasok din sa isang bagong saklaw; sila ay hindi na magiging isang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas, bagkus ay isang sangkatauhan na nailigtas pagkatapos na magáwáng masama ni Satanas. Ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan ay araw din ng kapahingahan ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang kapahingahan dahil sa kawalang-kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan; hindi iyon dahil sa Siya ay dati-rating hindi makapagpahinga. Ang pagpasok sa kapahingahan ay hindi nangangahulugan na ang lahat ng mga bagay ay titigil sa paggalaw, o na ang lahat ng bagay ay titigil sa pag-unlad, ni nangangahulugan ito na ang Diyos ay titigil sa paggawa o ang tao ay titigil na mabuhay. Ang tanda ng pagpasok sa kapahingahan ay ganito: Si Satanas ay nawasak na; yaong mga masasamang tao na sumapi kay Satanas sa masama nitong gawain ay naparusahan at napawi na; lahat ng mga puwersang laban sa Diyos ay tumigil sa pag-iral. Ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan ay nangangahulugan na hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa kapahingahan ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala; walang na ang kasamaan ni Satanas, ni mangyayari man ang anumang bagay na di-matuwid. Ang sangkatauhan ay mamumuhay nang normal sa lupa, at mamumuhay sila sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, ito ay mangangahulugan na ang sangkatauhan ay nailigtas at si Satanas ay nawasak na, na ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay lubusang natapos. Hindi na magpapatuloy sa paggawa ang Diyos sa gitna ng tao, at ang tao ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kaya, ang Diyos ay hindi na magiging abala, at ang tao ay hindi na magmamadali; ang Diyos at ang tao ay sabay na papasok sa kapahingahan. Ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na posisyon, at ang bawa’t tao ay babalik sa kani-kanyang lugar. Ito ang mga hantungan na kani-kanyang tatahanan ng Diyos at ng tao sa katapusan ng buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungan ng Diyos, at ang tao ay may hantungan ng tao. Habang nagpapahinga, ang Diyos ay patuloy na gagabay sa buong sangkatauhan sa kanilang mga buhay sa lupa. Habang nasa liwanag ng Diyos, ang tao ay sasamba sa isang tunay na Diyos sa langit. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay kasama ng sangkatauhan, at ang tao ay hindi rin magagawang mamuhay kasama ng Diyos sa hantungan ng Diyos. Ang Diyos at tao ay hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong saklaw; sa halip, kapwa sila may sariling mga kaukulang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ay ang Isa na siyang gumagabay sa buong sangkatauhan, habang ang buong sangkatauhan ay ang pagbubuu-buo ng gawaing pamamahala ng Diyos. Ang sangkatauhan ay siyang inaakay; ukol sa kakanyahan, ang sangkatauhan ay hindi tulad ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagpapahinga ay ang pagbalik sa orihinal na lugar ng isa. Samakatuwid, kapag pumasok ang Diyos sa kapahingahan, nangangahulugan ito na ang Diyos ay babalik sa Kanyang orihinal na lugar. Ang Diyos ay hindi na mamumuhay sa ibabaw ng lupa o makikibahagi sa kagalakan at paghihirap ng sangkatauhan habang kasama ng sangkatauhan. Kapag ang sangkatauhan ay pumasok tungo sa kapahingahan, ito ay nangangahulugang naging isang tunay na likha ang tao; ang sangkatauhan ay sasamba sa Diyos mula sa ibabaw ng lupa at magkakaroon ng mga normal na buhay ng tao. Ang mga tao ay hindi na magiging suwail sa Diyos o lalaban sa Diyos; sila ay babalik sa orihinal na buhay ni Adan at Eba. Ito ang kanya-kanyang mga buhay at mga hantungan ng Diyos at sangkatauhan pagkatapos nilang pumasok sa kapahingahan. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi-maiiwasang pangyayari sa digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang pagpasok ng Diyos sa kapahingahan pagkatapos na gawing ganap ang Kanyang gawaing pamamahala at ganap na kaligtasan ng tao at pagpasok sa kapahingahan ay hindi rin maiiwasang mga pangyayari. Ang lugar ng kapahingahan ng tao ay nasa lupa, at ang lugar ng kapahingahan ng Diyos ay nasa langit. Habang nagpapahinga ang tao, sasambahin niya ang Diyos at mamumuhay din sa lupa, at habang nagpapahinga ang Diyos, aakayin Niya ang natitirang bahagi ng sangkatauhan; aakayin Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay magiging ang Espiritu pa rin, habang ang tao ay magiging laman pa rin. Ang Diyos at tao ay kapwa may kanya-kanyang mga paraan ng pagpapahinga. Habang nagpapahinga ang Diyos, Siya ay darating at magpapakita sa gitna ng tao; habang nagpapahinga ang tao, siya ay aakayin ng Diyos upang dumalaw sa langit at upang masiyahan din sa buhay sa langit. Matapos na ang Diyos at tao ay pumasok sa kapahingahan, si Satanas ay hindi na iiral pa, at tulad ni Satanas, yaong masasamang tao ay hindi na rin iiral. Bago pumasok ang Diyos at tao sa kapahingahan; yaong masasamang indibidwal na minsan ay umusig sa Diyos sa ibabaw ng lupa at ang mga kaaway na mga suwail sa Kanya sa lupa ay nawasak na; sila ay nawasak na sa pamamagitan ng malalaking sakuna ng mga huling araw. Pagkatapos na yaong masasamang indibidwal ay ganap nang nawasak, hinding-hindi na muling mababatid ng lupa ang panliligalig ni Satanas. Matatamo ng sangkatauhan ang ganap na kaligtasan, at dito pa lamang ganap na magtatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga kinakailangan para ang Diyos at ang tao ay makapasok sa kapahingahan.

Ang nalalapit na katapusan ng lahat ng mga bagay ay nagpapahiwatig ng katapusan ng gawain ng Diyos at nagpapahiwatig ng pagtatapos ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang sangkatauhan na ginawang masama ni Satanas ay nakarating na sa katapusan ng pag-unlad, at na ang mga inapo nina Adan at Eba ay nagpaparami sa kani-kanilang mga katapusan, at ito rin ay nangangahulugan na imposible para sa gayong sangkatauhan, na ginawang masama na ni Satanas, ang magpatuloy na umunlad. Ang Adan at Eba sa simula ay hindi nagawang masama, ngunit ang Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang masama ni Satanas. Kapag ang Diyos at ang tao ay magkasamang pumasok sa kapahingahan, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang kanilang mga inapo ay darating sa isang pagtatapos; ang sangkatauhan ng hinaharap ay bubuuin pa rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit hindi sila mga tao na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas. Sa halip, sila ay mga tao na nailigtas at napadalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo, at isa na banal. Ang mga taong ito ay hindi tulad ng sangkatauhan ayon sa pagiging orihinal nito; maaaring sabihin ng sinuman na ang mga ito ay isang ganap na ibang uri ng tao mula sa orihinal na Adan at Eba. Ang mga taong ito ay pinili mula sa lahat ng mga taong ginawang masama ni Satanas, at sila ang mga taong sa bandang huli ay tumayong matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ay ang huling natitirang grupo ng mga tao sa gitna ng masamang sangkatauhan. Tanging ang grupong ito ng mga tao ang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpasyahan batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay natukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagagamit Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

Ang mga tao ngayon ay hindi mahiwalay sa mga bagay ng laman; hindi nila maiwanan ang kasiyahan ng laman, ni hindi maiwanan ang mundo, salapi, o ang kanilang masamang disposisyon. Karamihan sa mga tao ay patuloy sa kanilang pagsisikap sa isang walang interes na paraan. Sa katunayan, wala talaga ang Diyos sa puso ng mga taong ito; higit pa, hindi sila takot sa Diyos. Wala ang Diyos sa kanilang mga puso, kung kaya hindi nila maunawaan ang lahat ng ginawa ng Diyos, at mas hindi makapaniwala sa mga salita na Kanyang sinasabi mula sa Kanyang bibig. Ang mga taong ito ay masyadong hayok sa laman; masyadong malalim ang kasamaan at kulang sa anumang katotohanan kahit ano pa man, idagdag pa, hindi sila naniniwala na ang Diyos ay maaaring maging tao. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—iyon ay, ang sinumang hindi naniniwala sa gawain at salita ng nakikitang Diyos at hindi naniniwala sa nakikitang Diyos ngunit sa halip ay sumasamba sa di-nakikitang Diyos sa langit—ay walang Diyos sa kanyang puso. Sila ang mga taong suwail sa at nilalabanan ang Diyos. Ang mga taong ito ay may kakulangan sa pagkatao at katuwiran, bukod pa sa katotohanan. Para sa mga taong ito, ang nakikita at nahahawakang Diyos ay lalong hindi maaaring paniwalaan, ngunit ang hindi nakikita at hindi nahahawakang Diyos ay ang pinaka-kapanipaniwala at ang pinaka-nakatutuwa rin sa kanilang mga puso. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang katotohanan ng realidad, ni hindi rin ito ang tunay na kakanyahan ng buhay, higit na hindi ang mga intensyon ng Diyos; sa halip, itinataguyod nila ang katuwaan. Alinmang mga bagay ang pinaka-may-kakayahang magpahintulot sa kanilang makamit ang kanilang sariling mga pagnanasa ay, walang duda, ang kanilang mga paniniwala at paghahangad. Sila lang ay naniniwala sa Diyos upang masiyahan ang kanilang sariling mga pagnanasa, hindi upang hanapin ang katotohanan. Ang mga tao bang ito ay hindi mga manggagawa ng kasamaan? Sila ay lubos na may tiwala sa sarili, at hindi sila naniniwala na wawasakin sila ng Diyos sa langit, ang mga “mabubuting tao” na ito. Sa halip, naniniwala sila na pinahihintulutan sila ng Diyos na manatili at, higit sa rito, ay gantimpalaan ang mga ito nang sulit na sulit, sapagka’t marami silang mga bagay na ginawa para sa Diyos at nagpakita ang isang mahusay na pakikitungo ng “katapatan” sa Kanya. Kung hinahangad nila ang nakikitang Diyos, ang mga ito ay agad na mag-aalsa laban sa Diyos o magwawala sa sandaling ang kanilang mga kagustuhan ay hindi mapagbibigyan. Ito ang napakasasamang taong naghahanap na masiyahan ang kanilang mga sariling pagnanasa; hindi sila mga taong may integridad sa paghangad ng katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao ay ang tinatawag na masasamang tao na sumunod kay Cristo. Yaong mga tao na hindi naghahanap ng katotohanan ay hindi maaaring maniwala sa katotohanan. Silang lahat ang mga higit na hindi mahiwatigan ang hinaharap na kalalabasan ng sangkatauhan, sapagkat hindi sila naniniwala sa kahit anong gawain o pagsasalita ng nakikitang Diyos, at hindi sila makapaniwala sa hinaharap na hantungan ng sangkatauhan. Samakatuwid, kahit na sumunod sila sa nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng masama at hindi hinahanap ang katotohanan, at hindi rin nila isinasagawa ang katotohanan na kinakailangan Ko. Yaong mga tao na hindi naniniwala na sila ay wawasakin ay sa kabaligtaran ang mga mismong indibidwal na wawasakin. Lahat sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili na napakatalino, at naniniwala sila na sila mismo ang siyang nagsasagawa sa katotohanan. Isinasaalang-alang nila ang kanilang masasamang pag-uugali bilang katotohanan at sa gayon itinatangi ito. Ang masasamang taong ito ay labis na tiwala sa sarili; tinitingnan nila ang katotohanan bilang doktrina, at ipinagpapalagay ang masasama nilang gawain bilang katotohanan, at sa katapusan ay maaari lang nilang anihin kung ano ang kanilang naihasik. Higit na mas malaki ang tiwala sa sarili ng mga tao at mas higit ang pagkamataas nila, mas higit na hindi nila maaaring matamo ang katotohanan; mas higit na naniniwala ang tao sa makalangit na Diyos, mas higit na nilalabanan nila ang Diyos. Ito ang mga taong parurusahan. Bago pumasok sa kapahingahan ang sangkatauhan, kung ang bawat uri ng tao ay pinarusahan o ginantimpalaan ay mapagpapasyahan ayon sa kung hinahanap nila ang katotohanan, kung kilala nila ang Diyos, kung magagawa nilang sundin ang nakikitang Diyos. Yaong mga nag-ukol ng paglilingkod sa nakikitang Diyos ngunit hindi kilala o hindi sumunod sa Kanya ay kulang sa katotohanan. Ang mga taong ito ay mga gumagawa ng kasamaan, at ang mga gumagawa ng kasamaan ay walang dudang parurusahan; at saka, sila’y parurusahan ayon sa kanilang masamang pag-uugali. Ang Diyos ay pinaniniwalaan ng tao, at Siya rin ay nararapat sa pagsunod ng tao. Yaong nanampalataya lamang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay ang mga hindi naniniwala sa Diyos; at saka, hindi nila magawang sumunod sa Diyos. Kung ang mga tao na ito ay hindi pa rin magawang maniwala sa nakikitang Diyos sa panahon na matapos ang Kanyang gawaing panlulupig, at ayaw ring tumigil sa pagiging suwail at nilalabanan ang Diyos na nakikita sa katawang-tao, ang mga taong di-malinaw na mga ito ay, walang duda, na wawasakin. Ito ay katulad sa inyo—sinuman na nagsasabing kinikilala ang Diyos na nagkatawang-tao ngunit hindi magawang isagawa ang katotohanan ng pagsunod sa Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na aalisin at wawasakin, at sinuman na nagsasabing kinikilala ang nakikitang Diyos at kumakain at umiinom din ng katotohanan na ipinahayag ng nakikitang Diyos ngunit hinahanap ang malabo at di-nakikitang Diyos ay lalong higit na wawasakin sa hinaharap. Wala sa mga taong ito ang maaaring manatili hanggang sa panahon ng kapahingahan makaraang makatapos ang gawain ng Diyos; wala ni isa ang maaaring maging tulad ng mga taong ito na mananatili hanggang sa oras ng kapahingahan. Ang mga mala-demonyong tao ay ang mga hindi isinasagawa ang katotohanan; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban at pagiging suwail sa Diyos, at wala silang kahit na katiting na intensyon ng pagsunod sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay wawasaking lahat. Maging kung ikaw ay nagtataglay ng katotohanan o kung ikaw ay lumalaban sa Diyos ay pinagpapasyahan sa iyong kakanyahan, hindi ayon sa iyong anyo o sa iyong paminsan-minsang pananalita at pag-uugali. Ang kakanyahan ng bawat tao ang magpapasya kung sila ay wawasakin; ito ay pinagpapasyahan ayon sa kakanyahan na ibinunyag sa pamamagitan ng kanilang pag-uugali at ng kanilang paghangad ng katotohanan. Sa mga taong magkakatulad na gumagawa ng gawain at gumagawa din ng magkatulad na dami ng gawain, yaong mabubuti ang makataong kakanyahan at nagtataglay ng katotohanan ay ang mga tao na maaaring manatili, ngunit yaong mga masasama ang kakanyahang pantao at sumusuway sa nakikitang Diyos ay yaong wawasakin. Alinman sa gawain ng Diyos o mga salita na ipinatungkol sa hantungan ng sangkatauhan ay pinakikitunguhan nang wasto ang sangkatauhan ayon sa kakanyahan ng bawa’t tao; hindi magkakaroon ng mga aksidente, at tiyak na walang magiging kahit katiting na pagkakamali. Tanging kapag ang isang tao ay nagsasakatuparan ng gawain may mapapahalong pantaong emosyon o pakahulugan. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay ang pinaka-angkop; Siya ay lubusang hindi magpaparatang nang mali laban sa anumang nilalang. Maraming mga tao ngayon ang hindi mahihiwatigan ang hinaharap na hantungan ng sangkatauhan at hindi rin naniniwala sa mga salita na sinasabi Ko; lahat ng mga hindi naniniwala, kasama ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo! Ang mga naghahanap at ang mga hindi naghahanap ay dalawang magkaibang uri ng tao ngayon, at sila ay dalawang uri ng mga tao na may dalawang magkaibang hantungan. Yaong mga taong nagpapatuloy sa kaalaman ng katotohanan at isinasagawa ang katotohanan ay ang mga tao na ililigtas ng Diyos. Ang mga hindi nakakaalam sa tunay na daan ay mga demonyo at mga kaaway; sila ang mga inapo ng arkanghel at wawasakin. Kahit na ang mga taimtim na mananampalataya ng isang malabong Diyos—hindi ba mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting konsensya ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; ang kanilang kakanyahan ay isang pagkalaban sa Diyos. Ang mga hindi tumatanggap sa tunay na daan ay ang mga lumalaban sa Diyos, at kahit na ang mga taong ito ay magtiis ng maraming mga paghihirap, sila pa rin ay wawasakin. Yaong mga ayaw lisanin ang mundo, na hindi kayang mahiwalay sa kanilang mga magulang, na hindi makayang alisin ang kanilang sarili sa kanilang sariling mga kasiyahan ng laman ay lahat suwail sa Diyos at lahat ay wawasakin. Sinuman na hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay mala-demonyo; higit pa, sila ay wawasakin. Yaong mga naniniwala ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga hindi man lang naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay wawasakin. Sinuman na makakayang manatili ay isang tao na sumailalim sa kapaitan ng kapinuhan at nanindigang matatag; ito ay isang tao na tunay na sumailalim sa mga pagsubok. Sinuman na hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; iyon ay, ang sinuman sa loob o labas ng daloy na ito na hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao ay isang antikristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kung hindi ang mga kumakalabang hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na suwail sa Diyos? Hindi ba sila ang mga tao na nagsasabing naniniwala ngunit kulang sa katotohanan? Hindi ba sila ang mga tao na naghahangad lamang ng mga pagpapala ngunit hindi magawang sumaksi sa Diyos? Maaari ka pa ring makipag-mabutihan sa mga demonyong iyan ngayon at bigyang-diin ng konsensya at pag-ibig sa mga demonyong ito; hindi ba ito itinuturing na pagpapalawak ng magagandang intensyon para kay Satanas? Hindi ba ito itinuturing na pakikipag-ugnay sa mga demonyo? Kung ang mga tao ay hindi pa rin makilala ang kaibahan ng mabuti at masama ngayon, at pikit mata pa ring nagbibigay-diin ng pag-ibig at awa na walang anumang paraang umaasa na hanapin ang kalooban ng Diyos, at hindi magawa sa anumang paraan na tanggapin ang puso ng Diyos bilang kanilang sarili, ang katapusan nilang lahat ay mas kahabag-habag. Sinuman na hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao ay kaaway ng Diyos. Kung ikaw ay magbibigay-diin ng konsensya at pag-ibig sa kaaway, hindi ka ba kulang sa katinuan sa pagkamatuwid? Kung ikaw ay kaayon sa mga iyon na kinamuhian Ko at hindi sinasang-ayunan, at magbigay-diin pa rin ng pag-ibig o sariling mga damdamin sa kanila, hindi ba ikaw ay suwail? Hindi mo ba sinasadyang nilalabanan ang Diyos? Ang isang tao ba na tulad nito ay nagtataglay ng katotohanan? Kung ang mga tao ay magbigay-diin ng konsensya sa mga kaaway, magbigay-diin ng pag-ibig sa mga demonyo at magbigay-diin ng awa kay Satanas, hindi kaya nila sinasadyang inaabala ang gawain ng Diyos? Yaong mga tao na naniniwala lang kay Jesus at hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw at yaong mga nagsasabi na naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama ay lahat mga anticristo, lalo na ang mga tao na hindi naniniwala sa Diyos. Ang mga taong ito ay wawasaking lahat. Ang pamantayan kung saan ang tao ay hinahatulan ang tao ay batay sa kanyang pag-uugali; ang isa na may mabuting pag-uugali ay isang matuwid na tao, at ang isa na ang pag-uugali ay karumal-dumal ay masama. Ang pamantayan kung saan hinahatulan ng Diyos ang tao ay batay sa kung ang kakanyahan ng isa ay sumusunod sa Kanya; ang isang sumusunod sa Diyos ay isang matuwid na tao, at ang hindi sumusunod sa Diyos ay isang kaaway at isang masamang tao, hindi alintana kung ang pag-uugali ng taong ito ay mabuti o masama, at hindi alintana kung ang pagsasalita ng taong ito ay tama o mali. May ilang taong nais gumamit ng mabubuting gawa upang magtamo ng magandang hantungan ng hinaharap, at may ilang tao ang nais na gumamit ng mahusay na pananalita upang makakuha ng mabuting destinasyon. Maling pinaniniwalaan ng mga tao na pinagpapasyahan ng Diyos ang kalalabasan ng tao ayon sa kanyang pag-uugali o pananalita, at sa gayon maraming mga tao ang naghahanap na gamitin ito upang makakuha ng pansamantalang pabor sa pamamagitan ng panlilinlang. Ang mga tao na makakaligtas kinalaunan sa pamamagitan ng kapahingahan ay lahat napagtitiisan ang araw ng pagdurusa at nakasasaksi rin para sa Diyos; sila ay ang mga taong nakatapos ng kanilang tungkulin at hinahangad na makasunod sa Diyos. Yaong mga nais lang gamitin ang pagkakataon na gumawa ng serbisyo upang maiwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ang hindi makakayang manatili. Ang Diyos ay may naaangkop na mga pamantayan para sa pag-aayos ng mga kalalabasan ng lahat ng mga tao; hindi lang Niya ginagawa ang mga desisyon na ito ayon sa mga salita at pag-uugali ng isang tao, hindi rin Niya ito ginagawa ayon sa kanilang pag-uugali sa isang yugto ng panahon. Siya ay lubusang hindi magiging maluwag sa lahat ng masasamang pag-uugali dahil sa nakaraang paglilingkod ng isang tao sa Diyos, at hindi rin Niya patatawarin ang isa sa kamatayan dahil sa isang beses na paggugol sa Diyos. Walang sinuman ang makakaiwas sa paghihiganti para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang mapagtatakpan ang kanilang masasamang pag-uugali at sa gayong paraan ay iniiwasan ang paghihirap ng pagkawasak. Kung totohanang magagawa ninuman ang kanyang sariling tungkulin, kung gayon mangangahulugan ito na sila ay walang hanggang tapat sa Diyos at hindi naghahanap ng mga gantimpala, hindi alintana kung tumatanggap sila ng mga biyaya o nagdurusa ng kasawian. Kung ang mga tao ay tapat sa Diyos kapag nakikita nila ang mga biyaya ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi sila makakita ng mga biyaya at sa katapusan ay hindi magawang sumaksi sa Diyos at hindi pa rin magawa ang kanilang tungkulin ayon sa nararapat, ang mga taong ito na minsang naglingkod sa Diyos nang tapat ay wawasakin pa rin. Sa madaling salita, ang masasamang tao ay hindi makakaligtas tungo sa walang-hanggan, at hindi rin sila makakapasok sa kapahingahan; tanging ang mga matuwid lang ang mga panginoon ng kapahingahan. Pagkatapos pumasok ng sangkatauhan sa tamang landas, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na pamumuhay ng tao. Lahat sila ay gagawa ng kani-kanilang sariling kaukulang tungkulin at nagiging ganap na tapat sa Diyos. Lubos nilang bibitawan ang kanilang pagsuway at ang kanilang masamang disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos. Mawawalan sila ng pagsuway at paglaban. Magagawa nilang lubos na sumunod sa Diyos. Ito ang buhay ng Diyos at tao at ang buhay ng kaharian, at ito ang buhay ng kapahingahan.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap