Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang kakanyahan ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng buong gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Ang sangkap ng Diyos mismo ay humahawak ng awtoridad, subali’t Siya ay may kakayahang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Maging ito man ay gawain ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Ang katawang-taong may sangkap ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad, subali’t ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng gawain na sumusunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, subali’t ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop sa Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si Cristo ay tumatalima sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng Kanyang sariling gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalong hindi nagsasakatuparan ng gawaing magkasalungat, sa kadahilanang ang sangkap ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Maging ito man ay ang Espiritu o ang katawang-tao, magkatulad silang gumagawa upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang magkaibang katangian, ang Kanilang mga sangkap ay magkatulad; kapwa silang may sangkap ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng paglabag; ang Kanyang sangkap ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay hindi gumagawa ng anuman na lumalabag sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong pumapayag at walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng pansariling-pagkamatuwid at pansariling-pagpapahalaga, o kahit na kahambugan at kapalaluan; Siya ay walang elemento ng pagkabaluktot. Lahat ng lumalabag sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang tao ay ginawang tiwali at kinikilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng Diyos at wala niyaong kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o kahina ang laman, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil sa paglabag. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng laman kaysa salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus sa panalangin; “Ama, kung iyong mamarapatin, hayaan mong ang kopang ito ay lumagpas sa Akin; gayunpaman, hindi ang Aking kalooban, kundi ang Iyong kalooban.” Ang tao ay pipili, subalit si Cristo ay hindi. Bagaman Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng laman. Ito ay isang bagay na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi magkakaroon ng sangkap mula sa Diyos, kundi tanging yaong lumalabag at lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na tumalima sa Diyos, lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ay ang sangkap ni Cristo; ang pagsuway laban sa Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi magkabagay, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang gawin ang gawain ng Diyos sa halip Niya ay dahil sa ang tao ay wala kahit isang sangkap ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa kaniyang pansariling kapakanan at ng kanyang mga inaasam-asam sa hinaharap, subalit si Cristo ay gumagawa upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos Ama.

Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay hindi lubusang katulad ng sa taong may laman. Siya ay may sariling natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang tiyak na antas, ang kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subali’t ang gayong mga hangganan ay nakapaloob sa isang tiyak na sakop at panahon, at hindi walang-hangganan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang pagkatao. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao, lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan, naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa mga karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi ko na ang Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig kong sabihin ay ang pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinaka-nababagay sa pagiging pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain. At dahil ang Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay hindi nawawalan ng pagtanaw sa tungkulin na dapat ginagampanan ng taong nasa laman; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may sangkap ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang nilikhang may buhay, na may panlabas na balat ng isang nilikhang may buhay, at ngayon ay nagtaglay ng pagkatao na wala sa Kanya noong una; Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang kabuuan ng Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao. Ang Kanyang pagkakakilanlan ay Diyos Mismo. Ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na sumasamba Siya sa Diyos; samakatuwid, ang mga salitang “Si Cristo ay sumasamba sa Diyos sa langit” ay hindi isang kamalian. Ang Kanyang hinihingi sa tao ay ang Kanyang talagang sariling kabuuan; Kanya nang naabot ang lahat Niyang hinihingi sa tao bago pa man ang paghingi Niya nang ganoon sa kanila. Kailanman ay hindi Siya gagawa ng mga paghingi mula sa iba samantalang Siya mismo ay hindi ito kayang ibigay, dahil ito ang nakapaloob sa Kanyang kabuuan. Kahit na paano Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraan na lumalabag sa Diyos. Kahit ano pa man ang Kanyang hinihingi sa tao, walang hinihingi na sosobra doon sa kayang abutin ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala. Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao, samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang disposisyon at kabuuan ng Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan ang Kanyang pagkatao, hindi maitatanggi na mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; kahit mula sa anumang pananaw Siya nagsasalita at sa kahit anumang paraan Siya tumatalima sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihing Siya ay hindi ang Diyos Mismo. Ang mga hunghang at walang-muwang na tao ay malimit na nagtuturing sa normal na pagkatao ni Cristo na isang kamalian. Kahit sa anong paraan niya ipinahahayag at ibinubunyag ang kabuuan ng pagka-Diyos, ang tao ay walang kakayahang kilalanin na Siya ay si Cristo. At habang higit na ipinakikita ni Cristo ang Kanyang pagtalima at kababaang-loob, gayundin kagaan ang pagtuturing ng mga hunghang na tao kay Cristo. Mayroon pang iba na nilalayuan Siya at hinahamak, nguni’t inilalagay yaong mga “dakilang tao” na may palalong mga imahe sa hapag upang masamba. Ang paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos ay nagmumula sa katunayang ang sangkap ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin ay nagmumula sa normal na pagkatao ni Cristo; dito nakalatag ang pinagmumulan ng paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang may buhay, sa halip ay nagtaglay ng isang pambihirang pagkatao, kung gayon maaaring walang paglabag sa kahit sino mang tao. Ang dahilan kung bakit ang tao ay palaging maluwag sa kalooban ang maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay sapagka’t ang Diyos sa langit ay walang pagkatao at wala Siyang kahit isang katangian ng isang nilikhang may buhay. Kaya ang tao ay palaging isinasaalang-alang Siya nang may pinakadakilang pagpapahalaga, subali’t may pagtuturing ng paghamak tungo kay Cristo.

Bagaman si Cristo sa kalupaan ay may kakayahang gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, Siya ay hindi dumarating na may hangaring ipakita sa lahat ng tao ang Kanyang larawan sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng tao; Siya ay dumarating upang pahintulutan ang tao na maakay ng Kanyang kamay, nang sa gayon ay papasok sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang sangkap ng Kanyang laman. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, hindi ito sumusobra sa kung hanggang saan ang kayang makamit ng katawang-tao. Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Bilang karagdagan, ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi kailanman lampas sa kaya ng tao o di-kayang matantiya katulad ng iniisip ng tao. Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao. Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo, nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawa ang magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawa at ng Kanyang sangkap. Bagaman Siya ay may sangkap ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, pagkatapos ng lahat, ay katawang-taong hindi gaya ng Espiritu. Siya ay hindi Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan at gaano Siya kahina, at kahit sa anong paraan Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama, ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Sa nagkatawang-taong Diyos ay umiiral hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; lalo pang umiiral ang pagiging kahanga-hanga at pagiging hindi-matarok ng Kanyang pagka-Diyos, pati na ang lahat ng Kanyang mga gawa sa katawang-tao. Samakatuwid, ang pagkatao at pagka-Diyos ay parehong tunay at praktikal na umiiral sa loob ni Cristo. Ito sa pinakamababa ay hindi hungkag o higit sa kaya ng tao. Siya ay dumating sa kalupaan na may pangunahing layunin na pagsasakatuparan ng gawain; kailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang isakatuparan ang gawain sa kalupaan; kung hindi, kahit gaano kadakila ang kapangyarihan ng Kanyang pagka-Diyos, ang orihinal na katungkulan nito ay hindi maaaring mailagak sa tamang paggagamitan. Bagaman ang Kanyang pagkatao ay napakahalaga, ito ay hindi Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay ang pagka-Diyos; samakatuwid, sa sandali na nagsisimula na Siyang ganapin ang kanyang ministeryo sa kalupaan ay ang sandali na nagsisimula rin Siyang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay para lamang mapanatili ang karaniwang buhay ng Kanyang katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain bilang karaniwang nasa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang nagpapatnubay sa kabuuan ng Kanyang gawain. Kapag matatapos na Niya ang kanyang gawain, matutupad na rin ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at ito ay sa pamamagitan ng Kanyang gawain kaya nabibigyan Niya ng kakayahan ang tao na kilalanin Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos, na hindi isang disposisyong nabahiran ng pagkatao, o isang kabuuan na nabahiran ng kaisipan at kilos ng tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng Kanyang ministeryo ay nakarating na sa katapusan, maaaring ganap at buo na Niyang naihayag ang disposisyon na kailangan Niyang ipahayag. Ang kanyang gawain ay hindi iniutos ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon ay malaya rin, hindi kontrolado ng isipan o pinadaraan sa pag-iisip, bagkus ay likas na ibinubunyag. Ito ay hindi maaaring makamit ng kahit sinong tao. Kahit na ang nakapalibot ay malupit o ang mga kalagayan ay hindi akma, Siya ay may kakayahang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa tamang oras. Ang isang Cristo ay nagpapahayag ng kabuuan ni Cristo, samantala silang mga hindi ay walang disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kung ang lahat ay lalaban sa Kanya o may mga haka-haka tungkol sa Kanya, walang makatatanggi batay sa mga paniwala ng tao na ang disposisyong ipinahayag ni Cristo ay yaong sa Diyos. Silang lahat na mga humahabol kay Cristo na may totoong puso o hinahangad na mahanap ang Diyos ay aamin na Siya ay si Cristo batay sa pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hinding-hindi nila itatanggi si Cristo batay sa kahit anong aspeto Niya na hindi umaayon sa mga haka-haka ng tao. Bagaman ang tao ay napakahangal, lahat ay alam talaga kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Ito lamang ay sa dahilang maraming tao ang tikis na nilalabanan si Cristo dahil sa kanilang sariling mga hangarin. Kung hindi dahil dito, walang kahit isang tao ang may dahilan na itanggi ang pag-iral ni Cristo, dahil sa ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo ay totoong umiiral, at ang Kanyang gawa ay maaaring masaksihan ng hubad na mata ng lahat.

Ang gawa at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa Kanyang sangkap. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa pamamagitan ng Kanyang sangkap. At gayundin ang Kanyang likas na pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang sangkap; ang dahilan na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka’t ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao, o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutunan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas sa Kanyang kaloob-looban. Maaaring itanggi ng tao ang Kanyang gawain, Kanyang pagpapahayag, Kanyang pagkatao, at ang buong buhay ng Kanyang normal na pagkatao, subali’t walang makakatanggi na sinasamba Niya ang Diyos sa langit na may totoong puso; walang makakatanggi na dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama na nasa langit, at walang makakapagtanggi sa katapatan kung paano Niya hinahanap ang Diyos Ama. Bagaman ang kanyang imahe ay hindi kalugod-lugod sa mga pandama, ang Kanyang pagsasalita ay hindi nagtataglay ng di-pangkaraniwang paggawi, at ang Kanyang gawa ay hindi nakadudurog ng daigdig o nakayayanig sa kalangitan na tulad ng naguguni-guni ng tao, Siya talaga ay si Cristo, na siyang nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos Ama na may totoong puso, ganap na nagpapasakop sa Amang nasa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay dahil sa ang Kanyang sangkap ay ang sangkap ni Cristo. Ang katotohanang ito ay mahirap paniwalaan ng tao subali’t ito ay tunay na umiiral. Sa panahong ang ministeryo ni Cristo ay ganap nang naisakatuparan, makikita na ng tao mula sa Kanyang gawa, na ang Kanyang disposisyon at Kanyang kabuuan ay kumakatawan sa disposisyon at kabuuan ng Diyos sa langit. Sa panahong yaon, ang kalahatan ng Kanyang gawa ay makapagpapatunay na Siya ay talagang ang katawang tao na kung saan ang Salita ay nagkakatotoo, at hindi katulad niyaong laman at dugong tao. Bawa’t hakbang ng gawain ni Cristo sa kalupaan ay may kinakatawang kabuluhan, subali’t ang tao na nakakaranas sa tunay na gawain ng bawa’t hakbang ay walang kakayahang tarukin ang kabuluhan ng Kanyang gawain. Ito ay lalo na sa ilang mga hakbang ng gawain na isinakatuparan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos. Halos lahat ng mga nakarinig lamang o nakakita sa mga salita ni Cristo subali’t hindi pa nila Siya nasilayan ay walang mga haka-haka tungkol sa kanyang gawa; silang mga nakakita kay Cristo at nakarinig sa Kanyang mga salita, gayundin ay naranasan ang Kanyang gawa, ay nahihirapang tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba ito ay dahil sa ang anyo at ang normal na pagkatao ni Kristo ay hindi ayon sa panlasa ng tao? Silang mga tumanggap ng Kanyang gawain pagkatapos mawalay si Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong kagipitan, sa kadahilanang tinanggap lamang nila ang Kanyang gawain at hindi nagkaroon ng kaugnayan sa normal na pagkatao ni Cristo. Ang tao ay walang kakayahang bitawan ang kanyang mga haka-haka tungkol sa Diyos at bagkus ay sinisiyasat pa Siya nang maigi; ito ay dahil sa katotohanang ang tao ay nakatingin lamang sa Kanyang anyo at walang kakayahang mabatid ang Kanyang sangkap batay sa Kanyang gawa at mga salita. Kung ipinipikit ng tao ang kanyang mga mata sa anyo ni Kristo o iniiwasan ang pakikipagtalo sa pagkatao ni Cristo at nagsasalita lamang ng tungkol sa Kanyang pagka-Diyos, na kung saan ang gawa at mga salita ay hindi kayang maabot ng kahit sinong tao, kung gayon ang mga haka-haka ng tao ay bababa nang kalahati, hanggang sa ang lahat ng mga paghihirap ng tao ay malutas. Sa panahon ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos, hindi Siya kayang tanggapin ng tao at puno ng maraming haka-haka tungkol sa Kanya, at ang mga pagkakataon ng paglaban at pagsuway ay pangkaraniwan. Hindi kayang pagtiisan ng tao ang pag-iral ng Diyos, magpakita ng kaluwagan sa kababaang-loob at pagka-tago ni Cristo, o patawarin ang sangkap ni Cristo na sumusunod sa Amang nasa langit. Samakatuwid, Siya ay hindi maaaring manatili kasama ang tao nang walang-hanggan pagkatapos ng Kanyang gawain, dahil sa ang tao ay ayaw Siyang pahintulutang mamuhay kasama nila. Kung ang tao ay ayaw magpakita ng kaluwagan sa Kanya sa panahon ng Kanyang gawain, kung gayon paano magiging posible na pagtiisan nila Siya kasama nila pagkatapos ng Kanyang ministeryo, at pinagmamasdan silang unti-unting nararanasan ang Kanyang mga salita? Hindi kaya maraming babagsak dahil sa Kanya? Pinahihintulutan lamang ng tao na gumawa Siya rito sa kalupaan; ito ang pinakamalawak na kaluwagan ng tao. Kung hindi dahil sa Kanyang gawain, matagal na sana Siyang itinaboy ng mga tao mula sa kalupaan, kaya gaano pa kaya kaunti ang ipakikita nilang kaluwagan sa sandaling natapos na ang Kanyang gawain? Kung gayon hindi ba Siya ipapapatay ng tao at pahihirapan hanggang sa mamatay? Kung hindi Siya tinawag na Cristo, hindi Niya marahil makakayang gumawa sa gitna ng sangkatauhan; kung hindi Siya gumawa taglay ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at sa halip ay gumawa lamang bilang isang karaniwang tao, kung gayon ang tao ay hindi palalampasin kahit isang pangungusap na mabigkas Niya, lalong hindi palalampasin ang pinakamaliit mang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya maaari lamang Niyang dalhin ang ganitong pagkakakilanlan kasama Niya sa Kanyang gawain. Sa paraang ito, ang kanyang gawain ay mas makapangyarihan kaysa kung hindi Niya ito ginawa, dahil ang mga tao ay handang lahat na sumunod sa nakatayo at dakilang pagkakakilanlan. Kung hindi Niya dinala ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo habang Siya ay gumagawa o nagpakita bilang Diyos Mismo, kung gayon hindi man lamang Siya magkakaroon ng pagkakataong makagawa. Sa kabila ng katotohanang Siya ay may sangkap ng Diyos at ng pagiging Cristo, ang tao ay hindi papayapa at pahihintulutan Siyang isakatuparan nang matiwasay ang gawain kasama ang sangkatauhan. Siya ang nagdadala ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo sa Kanyang gawain; bagaman ang naturang gawain ay dose-dosenang beses pang makapangyarihan kaysa roon sa ginawa na walang ganoong pagkakakilanlan, ang tao pa rin ay hindi lubusang sumusunod sa Kanya, dahil ang tao ay nagpapasakop lamang sa Kanyang katayuan at hindi sa Kanyang sangkap. Kung gayon, kung sakali mang isang araw si Cristo ay bababa sa Kanyang katungkulan, mapapahintulutan kaya Siya ng tao na manatiling buhay kahit isang araw man lamang? Pumapayag ang Diyos na mamuhay sa lupa kasama ang tao upang makita Niya ang mga bungang idudulot ng gawa ng Kanyang mga kamay sa susunod na mga taon. Gayunpaman, ang tao ay walang kakayahang tanggapin ang Kanyang pananatili kahit isang araw man lamang, kaya maaari lamang Siyang sumuko. Ito na talaga ang pinakamalawak na kaluwagan at biyaya ng tao na pahintulutan ang Diyos na gawin sa gitna ng tao ang gawain na dapat Niyang gawin at maisakatuparan ang Kanyang ministeryo. Bagaman silang mga personal na nalupig Niya ay nagpapakita sa Kanya ng ganoong kagandahang-loob, sila pa rin ay nagpapahintulot lamang sa Kanya na manatili hanggang sa matapos ang Kanyang gawain at hindi kahit isang sandali pagkatapos. Kung ito man ay ganoon, paano na yaong mga hindi Niya nalupig? Hindi ba ang dahilan kung bakit tinatrato ng tao ang nagkatawang-taong Diyos sa ganitong paraan ay dahil sa Siya si Cristo na may balat ng karaniwang tao? Kung ang taglay lamang Niya ay ang pagka-Diyos at hindi ang normal na pagkatao, hindi ba ang mga kahirapan ng tao ay mabibigyan ng kalutasan kung gayon sa pinakamadaling paraan? Ang tao ay may poot na kumikilala sa Kanyang pagka-Diyos at hindi nagpapakita ng interes sa Kanyang balat ng karaniwang tao, kahit na ang totoo ay ang Kanyang sangkap ay tiyak na yaong kay Cristo na nagpapasakop sa kalooban ng Ama na nasa langit. Sa gayon, maaari lamang Niyang putulin ang Kanyang gawain na kasama ng tao upang makibahagi sa kanilang mga kasiyahan at kalungkutan, dahil ang tao ay hindi na kaya pang pagtiisan ang Kanyang pamamalagi.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap