Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao (Ikalawang Bahagi)

May sukdulang kabuluhan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, na sinasabi tungkol sa gawain, at ang Siya na sa huli ay tumatapos sa gawain ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at hindi ang Espiritu. Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi paisa-isang hinahatulan ng Diyos ang tao, at hindi paisa-isang sinusubukan ang tao; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga walang kapararakan at walang kabuluhang pagkakamali ng tao. Mapagkatawan ang gawain ng paghatol, at hindi ito isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang pangkat ng mga tao, ginagamit ng Diyos sa katawang-tao ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, upang unti-unting ipalaganap pagkaraan. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na pangkat ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o paggambala ng tao sa gawain ng Diyos, at kung ano-ano pa. Ang hinahatulan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga nakaraang panahon. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay siyang-siyang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Ang Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay ang Diyos na humahatol sa buong sangkatauhan sa panahon ng mga huling araw. Ang katawang-tao na ito at ang Kanyang gawain, Kanyang salita, at Kanyang buong disposisyon ay ang kabuuan Niya. Bagama’t may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain, at hindi tuwirang nasasangkot ang buong sansinukob, ang diwa ng gawain ng paghatol ay ang tuwirang paghatol sa lahat ng sangkatauhan—hindi lamang alang-alang sa mga hinirang na tao sa Tsina, o alang-alang sa isang maliit na bilang ng mga tao. Sa panahon ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, bagama’t hindi kabilang ang buong sansinukob sa saklaw ng gawaing ito, kumakatawan ito sa gawain ng buong sansinukob, at pagkaraan Niyang tapusin ang gawain sa loob ng gawaing saklaw ng Kanyang katawang-tao, agad Niyang palalawakin ang gawaing ito sa buong sansinukob, sa katulad na paraan na lumaganap sa buong sansinukob ang ebanghelyo ni Jesus kasunod ng Kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, gawain ito na isinasagawa sa loob ng isang limitadong saklaw, ngunit kumakatawan sa gawain ng buong sansinukob. Sa panahon ng mga huling araw, ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng pagpapakita sa Kanyang nagkatawang-taong pagkakakilanlan, at ang Diyos sa katawang-tao ay ang Diyos na humahatol sa tao sa harap ng malaking puting trono. Espiritu man Siya o ang katawang-tao, Siya na gumagawa ng gawain ng paghatol ay ang Diyos na humahatol sa sangkatauhan sa mga huling araw. Natutukoy ito ayon sa Kanyang gawain, at hindi natutukoy ayon sa Kanyang panlabas na kaanyuan o iba pang mga kadahilanan. Bagama’t nagkikimkim ang tao ng mga kuru-kuro sa mga salitang ito, walang sinuman ang makapagtatatwa sa katunayan ng paghatol at paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao sa lahat ng sangkatauhan. Kung anuman ang iniisip ng tao hinggil dito, ang mga katunayan, sa kabila ng lahat, ay mga katunayan. Walang sinuman ang makakayang magsabi na “Ang gawain ay ginagawa ng Diyos, ngunit ang katawang-tao ay hindi Diyos.” Wala itong katuturan, dahil ang gawaing ito ay maaari lamang gawin ng Diyos sa katawang-tao. Dahil nagawa nang ganap ang gawaing ito, kasunod ng gawaing ito, hindi lilitaw sa pangalawang pagkakataon ang gawain ng paghatol ng Diyos sa tao; natapos na ng Diyos sa Kanyang pangalawang pagkakatawang-tao ang lahat ng gawain ng buong pamamahala, at wala nang magiging ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos. Sapagkat ang tao ang siyang hinahatulan, ang tao ng laman at naging tiwali, at hindi ang espiritu ni Satanas ang tuwirang hinahatulan, ang gawain ng paghatol, kung gayon, ay hindi tinutupad sa espirituwal na daigdig, kundi sa gitna ng tao. Walang sinumang higit na angkop, at karapat-dapat, kaysa sa Diyos sa katawang-tao para sa gawain ng paghatol sa katiwalian ng laman ng tao. Kung ang paghatol ay tuwirang isinagawa ng Espiritu ng Diyos, kung gayon, hindi ito sasaklaw sa lahat. Bukod dito, magiging mahirap para sa tao na tanggapin ang gayong gawain, sapagkat hindi magagawa ng Espiritu na lumapit nang harap-harapan sa tao, at dahil dito, hindi magiging agaran ang mga bisa, hindi makikita ng tao nang lalong malinaw ang hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos. Lubusang magagapi lamang si Satanas kung hahatulan ng Diyos sa katawang-tao ang katiwalian ng sangkatauhan. Dahil tulad sa tao na nagtataglay ng normal na pagkatao, maaaring tuwirang hatulan ng Diyos sa katawang-tao ang hindi pagiging matuwid ng tao; ito ang tatak ng Kanyang likas na kabanalan, at ng Kanyang pagiging katangi-tangi. Tanging ang Diyos ang karapat-dapat, at nasa katayuan na hatulan ang tao, sapagkat taglay Niya ang katotohanan, at pagiging matuwid, kaya nga nagagawa Niyang hatulan ang tao. Yaong mga walang katotohanan at katuwiran ay hindi nababagay na hatulan ang iba. Kung ginawa ng Espiritu ng Diyos ang gawaing ito, kung gayon ay hindi ito mangangahulugan ng tagumpay laban kay Satanas. Likas na higit na mabunyi ang Espiritu kaysa mga mortal na nilalang, at likas na banal ang Espiritu ng Diyos, at matagumpay laban sa laman. Kung tuwirang ginawa ng Espiritu ang gawaing ito, hindi Niya magagawang hatulan ang lahat ng pagsuway ng tao at hindi makakayang ibunyag ang lahat ng di-pagkamatuwid ng tao. Sapagkat natutupad din ang gawain ng paghatol sa pamamagitan ng mga kuru-kuro ng tao sa Diyos, at ang tao ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Espiritu, at sa gayon ay hindi kaya ng Espiritu ang higit na mainam na paghahayag sa di-pagkamatuwid ng tao, lalong hindi kaya ang ganap na paghahayag ng gayong di-pagkamatuwid. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang kaaway ng lahat ng tao na hindi nakakakilala sa Kanya. Sa pamamagitan ng paghatol sa mga kuru-kuro ng tao at pagsalungat sa Kanya, isinisiwalat Niya ang lahat ng pagsuway ng sangkatauhan. Higit na malinaw ang mga epekto ng Kanyang gawain sa katawang-tao kaysa sa mga gawain ng Espiritu. At kaya, hindi tuwirang isinasagawa ng Espiritu ang paghatol ng lahat ng sangkatauhan, bagkus ay ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao. Makakayang makita at mahawakan ng tao ang Diyos sa katawang-tao, at ang Diyos sa katawang-tao ay makakayang ganap na lupigin ang tao. Sa kanyang kaugnayan sa Diyos sa katawang-tao, umuusad ang tao mula sa pagsalungat patungo sa pagsunod, mula sa pag-uusig patungo sa pagtanggap, mula sa mga kuru-kuro patungo sa kaalaman, at mula sa pagtanggi patungo sa pagmamahal—ito ang mga epekto ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Naliligtas lamang ang tao sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang paghatol, unti-unti lamang na nakikilala Siya ng tao sa pamamagitan ng mga salita ng Kanyang bibig, nalulupig Niya ang tao sa panahon ng pagsalungat nito sa Kanya, at tumatanggap siya ng panustos ng buhay mula sa Kanya sa panahon ng pagtanggap ng Kanyang pagkastigo. Ang lahat ng gawaing ito ay ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi ang gawain ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Espiritu. Ang gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay ang pinakadakilang gawain, at ang pinakamasidhing gawain, at ang pinakamahalagang bahagi ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay ang dalawang yugto ng gawain ng pagkakatawang-tao. Isang malaking balakid ang matinding katiwalian ng tao sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Sa partikular, lubhang napakahirap na gawain ang isinagawa sa mga tao sa mga huling araw, at mapanlaban ang kapaligiran, at may kahinaan ang kakayahan ng bawat uri ng tao. Ngunit sa katapusan ng gawain na ito, makakamit pa rin nito ang tamang epekto, nang walang mga anumang kapintasan; ito ay ang epekto ng gawain ng katawang-tao, at higit na mapanghikayat ang epektong ito kaysa sa gawain ng Espiritu. Tatapusin sa katawang-tao ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at dapat tapusin ang mga ito ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginagawa sa katawang-tao ang pinakamahalaga at pinakamaselang gawain, at dapat personal na isagawa ng Diyos sa katawang-tao ang kaligtasan ng tao. Bagama’t nararamdaman ng lahat ng sangkatauhan na tila walang kaugnayan sa tao ang Diyos sa katawang-tao, sa katunayan ay nauugnay sa kapalaran at pag-iral ng buong sangkatauhan ang katawang-tao na ito.

Ipinatutupad ang bawat yugto ng gawain ng Diyos para sa kapakanan ng lahat ng sangkatauhan, at nakatuon sa buong sangkatauhan. Bagama’t gawain Niya ito sa katawang-tao, nakatuon pa rin ito sa lahat ng sangkatauhan; Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan, at Siya ang Diyos ng lahat ng nilikha at di-nilikhang nilalang. Bagama’t nakapaloob sa isang limitadong saklaw ang Kanyang gawain sa katawang-tao, at may hangganan din ang pakay ng gawaing ito, sa tuwing nagiging katawang-tao Siya upang gawin ang Kanyang gawain, pumipili Siya ng isang layon ng Kanyang gawain na kumakatawan nang higit sa lahat; hindi Siya pumipili ng isang pangkat ng mga payak at karaniwang mga tao na Kanyang gagawaan, bagkus ay pumipili ng isang pangkat ng mga tao bilang layon ng Kanyang gawain na may kakayahang maging mga kinatawan ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Pinipili ang pangkat na ito ng mga tao dahil may hangganan ang saklaw ng Kanyang gawain sa katawang-tao, at tanging inihahanda para sa Kanyang nagkatawang-taong laman, at tanging pinipili para sa Kanyang gawain sa katawang-tao. Ang pagpili ng Diyos sa mga layon ng Kanyang gawain ay hindi walang saligan, bagkus ay isinasagawa ayon sa mga prinsipyo: Ang layon ng gawain ay dapat may pakinabang sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at dapat na magawang kumatawan sa buong sangkatauhan. Halimbawa, nagawa ng mga Judio na kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na pagtubos ni Jesus, at ang mga Tsino ay nagagawang kumatawan sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos na nagkatawang-tao. May isang batayan sa pagkatawan ng mga Judio sa buong sangkatauhan, at may isang batayan din sa pagkatawan ng mga mamamayang Tsino sa buong sangkatauhan sa pagtanggap ng personal na paglupig ng Diyos. Walang higit na naghahayag ng kahalagahan ng pagtubos maliban sa gawain ng pagtubos na ginawa sa gitna ng mga Judio, at walang higit na naghahayag sa kalubusan at tagumpay ng gawain ng paglupig maliban sa gawain ng paglupig na ginagawa sa mga mamamayang Tsino. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay tila nakatutok lamang sa isang maliit na pangkat ng mga tao, ngunit sa katunayan, ang Kanyang gawain sa gitna ng maliit na pangkat na ito ay ang gawain ng buong sansinukob, at ang Kanyang salita ay nakatuon sa buong sangkatauhan. Pagkaraang umabot na sa katapusan ang Kanyang gawain sa katawang-tao, magsisimulang palaganapin ng mga taong sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang nagawa na sa gitna nila. Ang pinakamainam na bagay tungkol sa Kanyang gawain sa katawang-tao ay maaari Siyang mag-iwan ng tumpak na mga salita at mga pangaral, at ang Kanyang tiyak na kalooban para sa sangkatauhan patungkol sa mga taong sumusunod sa Kanya, sa gayon pagkatapos, ang Kanyang mga tagasunod ay maaaring higit na tumpak at higit na konkretong maipasa ang lahat ng Kanyang mga gawain sa katawang-tao, at ang Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan, sa mga tumatanggap sa ganitong daan. Tanging ang gawain ng Diyos sa katawang-tao sa piling ng tao ang tunay na nagsasakatuparan sa katunayan na ang Diyos ay namumuhay at kasama ng tao. Tanging ang gawaing ito ang nagsasakatuparan sa mithiin ng tao na mamasdan ang mukha ng Diyos, masaksihan ang gawain ng Diyos, at marinig ang personal na salita ng Diyos. Winawakasan ng Diyos na nagkatawang-tao ang kapanahunan na likod lamang ni Jehova ang nagpakita sa sangkatauhan, at tinatapos din Niya ang kapanahunan ng paniniwala ng sangkatauhan sa malabong Diyos. Lalo na, dinadala ng gawain ng huling Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan sa isang kapanahunan na higit na makatotohanan, higit na praktikal, at higit na maganda. Hindi lamang Niya tinatapos ang kapanahunan ng kautusan at doktrina ngunit ang higit na mahalaga, inihahayag Niya sa sangkatauhan ang isang Diyos na tunay at normal, na matuwid at banal, na nagbubukas sa gawain ng plano ng pamamahala at nagpapamalas ng mga hiwaga at hantungan ng sangkatauhan, na lumikha sa sangkatauhan at winawakasan ang gawain ng pamamahala, at nanatiling nakatago nang libu-libong taon. Winawakasan Niya nang lubusan ang kapanahunan ng kalabuan, tinatapos Niya ang kapanahunan na ang ninais ng buong sangkatauhan ay hanapin ang mukha ng Diyos ngunit hindi nila nagawa, winawakasan Niya ang kapanahunan kung kailan nagsilbi kay Satanas ang buong sangkatauhan, at inaakay Niya ang buong sangkatauhan tungo sa isang ganap na bagong panahon. Lahat ng ito ay bunga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao sa halip ng Espiritu ng Diyos. Kapag gumagawa ang Diyos sa Kanyang katawang-tao, ang mga taong sumusunod sa Kanya ay hindi na naghahanap at nag-aapuhap ng mga bagay na tila kapwa umiiral at di-umiiral, at tumitigil sila sa paghula sa kalooban ng malabong Diyos. Kapag pinalalaganap ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, ipapasa ng mga sumusunod sa Kanya ang gawain na Kanyang ginawa sa katawang-tao sa lahat ng mga relihiyon at denominasyon, at kanilang ipagtatalastasan ang lahat ng Kanyang mga salita sa mga pandinig ng buong sangkatauhan. Ang lahat na naririnig ng mga yaong tumatanggap sa Kanyang ebanghelyo ay magiging mga katunayan ng Kanyang gawain, magiging mga bagay na personal na nakikita at naririnig ng tao, at magiging mga katunayan at hindi sabi-sabi. Ang mga katunayang ito ay ang katibayan na Kanyang pinalalaganap ang gawain, at ito rin ang mga kasangkapan na ginagamit Niya sa pagpapalaganap ng gawain. Kung wala ang pag-iral ng mga katunayan, ang Kanyang ebanghelyo ay hindi lalaganap sa lahat ng bansa at sa lahat ng lugar; kapag walang katunayan bagkus ay sa mga guni-guni lamang ng tao, hindi Niya kailanman magagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang Espiritu ay hindi nahahawakan ng tao, at di-nakikita ng tao, at ang gawain ng Espiritu ay hindi kayang mag-iwan ng anumang karagdagang katibayan o mga katunayan ng gawain ng Diyos para sa tao. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, at palagi siyang maniniwala sa isang malabong Diyos na hindi umiiral. Hindi kailanman makikita ng tao ang tunay na mukha ng Diyos, o hindi rin kailanman maririnig ng tao ang mga salita na personal na sinabi ng Diyos. Sadyang wala namang laman ang mga ginuguni-guni ng tao, at hindi mapapalitan ang tunay na mukha ng Diyos; ang likas na disposisyon ng Diyos, at ang gawain ng Diyos Mismo ay hindi magagaya ng tao. Ang di-nakikitang Diyos sa langit at ang Kanyang gawain ay maaari lamang dalhin sa lupa ng Diyos na nagkatawang-tao na personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa mga tao. Ito ang pinakamainam na paraan para makapagpakita ang Diyos sa tao, kung saan nakikita ng tao ang Diyos at nakikilala ang tunay na mukha ng Diyos, at hindi ito matatamo ng isang Diyos na hindi nagkatawang-tao. Dahil naisagawa na ng Diyos ang Kanyang gawain sa yugtong ito, nakamit na ng gawain ng Diyos ang pinakamainam na epekto, at naging isang ganap na tagumpay. Natapos na ng personal na gawain ng Diyos sa katawang-tao ang siyamnapung porsiyento ng mga gawain ng Kanyang buong pamamahala. Nagkaloob na ang katawang-tao na ito ng isang mas mahusay na pasimula sa lahat ng Kanyang gawain, at isang buod para sa lahat ng Kanyang gawain, at napagtibay na ang lahat ng Kanyang gawain, at ginawa ang huling masusing pagpapanauli sa lahat ng gawaing ito. Simula ngayon, hindi na magkakaroon ng isa pang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang ikaapat na yugto ng gawain ng Diyos, at hindi na rin magkakaroon kailanman ng mga nakamamanghang gawain ng ikatlong pagkakatawang-tao ng Diyos.

Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos sa katawang-tao ay kumakatawan sa Kanyang gawain ng buong kapanahunan, at hindi ito kumakatawan sa isang tiyak na panahon, tulad ng gawain ng tao. At kaya ang katapusan ng gawain ng Kanyang huling pagkakatawang-tao ay hindi nangangahulugan na ang Kanyang gawain ay umabot na sa ganap na katapusan, dahil ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay kumakatawan sa buong kapanahunan, at hindi lamang kumakatawan sa yugto na gumagawa Siya ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Nangyari lamang na tinatapos na Niya ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, pagkaraan ay lalaganap ito sa lahat ng dako. Pagkaraang matupad ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang ministeryo, ipagkakatiwala Niya ang Kanyang gawain sa hinaharap sa mga yaong sumusunod sa Kanya. Sa ganitong paraan, maipagpapatuloy nang walang patid ang Kanyang gawain sa buong kapanahunan. Maituturing lamang na ganap ang gawain ng buong kapanahunan ng pagkakatawang-tao sa sandaling naipalaganap na ito sa buong sansinukob. Sinisimulan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ang isang bagong panahon, at ang mga tao na kinakasangkapan Niya ang nagpapatuloy sa Kanyang gawain. Napapaloob sa ministeryo ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain na ginawa ng tao, at wala itong kakayahang lumampas sa ganitong saklaw. Kung hindi dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain, hindi magagawa ng tao na dalhin ang lumang kapanahunan sa katapusan, at hindi magagawang maghatid ng isang bagong panahon. Ang gawain na ginawa ng tao ay nasa saklaw lamang ng kanyang tungkulin na kaya lamang ng tao, at hindi ito kumakatawan sa gawain ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring dumating at tapusin ang gawain na dapat Niyang gawin, at bukod sa Kanya, walang sinuman ang makakayang gawin ang gawaing ito sa ngalan Niya. Mangyari pa, ang tinutukoy Ko ay ang tungkol sa gawain ng pagkakatawang-tao. Unang nagsasagawa itong Diyos na nagkatawang-tao ng isang hakbang ng gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, pagkatapos noon ay gumagawa pa Siya ng higit na maraming gawain na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Ang layunin ng gawain ay ang paglupig sa tao. Sa isang pagtingin, hindi sumusunod sa mga kuru-kuro ng tao ang pagkakatawang-tao ng Diyos, bukod diyan ay gumagawa Siya ng higit pang gawain bilang karagdagan na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at sa gayon bumubuo pa ng mas kritikal na mga pananaw ang tao tungkol sa Kanya. Ginagawa lamang Niya ang gawain ng paglupig sa gitna ng mga tao na may napakaraming kuru-kuro sa Kanya. Kung paano man nila Siya tinatrato, kapag nakamit na Niya ang Kanyang ministeryo, magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan ang lahat ng tao. Hindi lamang inilalarawan ang katunayan ng gawaing ito sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito kung paano lulupigin ang buong sangkatauhan. Ang mga epekto na nakakamit sa mga taong ito ay isang tagapagpauna sa mga epekto na makakamit sa kabuuan ng sangkatauhan, at ang mga epekto ng mga gawain na ginagawa Niya sa hinaharap ay lalong lalampasan maging ang mga epekto sa mga taong ito. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay hindi kinasasangkutan ng mabusising pagpaparangal, o napuputungan ng kawalang-halaga. Tunay at aktwal ito, at gawain ito na katumbas ng dalawa ang isa at isa. Hindi ito nakatago sa sinuman, o hindi nito nililinlang ang sinuman. Ang nakikita ng mga tao ay tunay at totoong mga bagay, at ang nakakamit ng tao ay ang tunay na katotohanan at kaalaman. Kapag natapos na ang gawain, magkakaroon ang tao ng isang bagong pagkakilala sa Kanya, at hindi na magkakaroon ng anumang mga kuru-kuro sa Kanya yaong mga taong tunay na naghahangad. Hindi lamang ito ang epekto ng Kanyang gawain sa mga mamamayang Tsino, ngunit kinakatawan din nito ang epekto ng Kanyang gawain sa paglupig sa buong sangkatauhan, dahil walang higit na kapaki-pakinabang sa gawain ng panlulupig sa buong sangkatauhan maliban sa katawang-tao na ito, at ang gawain ng katawang-tao na ito, at lahat ng bagay sa katawang-taong ito. Kapaki-pakinabang ang mga ito sa Kanyang gawain ngayon, at kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa hinaharap. Lulupigin ng katawang-taong ito ang buong sangkatauhan at makakamit ang buong sangkatauhan. Walang higit na mahusay na gawain na kung saan makikita ng buong sangkatauhan ang Diyos, at susundin ang Diyos, at makikilala ang Diyos. Kumakatawan lamang sa isang limitadong saklaw ang gawain na ginawa ng tao, at kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Siya nagsasalita sa isang tiyak na tao, ngunit nagsasalita sa buong sangkatauhan, at sa lahat ng taong tumatanggap ng Kanyang mga salita. Ang katapusan na Kanyang ipinapahayag ay ang katapusan ng lahat ng sangkatauhan, hindi lamang ang katapusan ng isang tiyak na tao. Hindi Siya nagbibigay ng anupamang natatanging pakikitungo sa sinuman, o hindi Siya nambibiktima sa sinuman, at gumagawa Siya para sa, at nagsasalita sa, buong sangkatauhan. Napagbukod-bukod na nitong Diyos na nagkatawang-tao ang buong sangkatauhan ayon sa uri, nahatulan na ang buong sangkatauhan, at naisaayos na ang isang angkop na hantungan para sa buong sangkatauhan. Bagama’t ginagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain sa Tsina, sa katunayan ay nalutas na Niya ang gawain ng buong sansinukob. Hindi Siya makakapaghintay hanggang naipalaganap na sa buong sangkatauhan ang Kanyang gawain bago gawin ang Kanyang mga pagbigkas at mga pagsasaayos nang paisa-isang hakbang. Iyan ba ay hindi pa huli? Ganap na Niyang natapos ang hinaharap na gawain bago pa ang lahat. Dahil Siya na gumagawa ay ang Diyos sa katawang-tao, gumagawa Siya ng walang hanggang gawain sa loob ng isang saklaw na may hangganan, at pagkaraan ay pagagawain Niya ang tao ng tungkulin na dapat gampanan ng tao; ito ang prinsipyo ng Kanyang gawain. Makakaya lamang Niyang mabuhay kasama ang tao sa isang panahon, at hindi makakayang samahan ang tao hanggang matapos ang gawain sa buong panahon. Dahil Siya ay Diyos kaya naihahayag Niya nang patiuna ang Kanyang gawain sa hinaharap. Pagkaraan, pagbubukurin Niya ang buong sangkatauhan ayon sa uri sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at papasok ang sangkatauhan sa Kanyang hakbang-hakbang na gawain alinsunod sa Kanyang mga salita. Walang sinumang makatatakas, at dapat magsagawa ang lahat ayon dito. Kaya sa hinaharap, gagabayan ang kapanahunan ng Kanyang mga salita, at hindi gagabayan ng Espiritu.

Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay dapat magawa sa katawang-tao. Kung tuwiran itong ginawa ng Espiritu ng Diyos, wala itong bisang ibubunga. Ginawa man ito ng Espiritu, walang magiging malaking kabuluhan ang gawain, at sa huli ay hindi makahihikayat. Nais ng lahat ng nilalang na malaman kung may kabuluhan ba ang gawain ng Lumikha, at kung ano ang kinakatawan nito, at sa anong kapakanan ginagawa ito, at kung puno ba ng awtoridad at karunungan ang gawain ng Diyos, at kung ito ba ay may sukdulang kahalagahan at kabuluhan. Ang gawain na ginagawa Niya ay para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan, alang-alang sa paggapi kay Satanas, at para sa pagpapatotoo ng Kanyang sarili sa lahat ng bagay. Dahil diyan, dapat na may malaking kabuluhan ang gawain na ginagawa Niya. Nagawa nang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at lubusan na itong binulag, at matinding pininsala. Ang pinakapangunahing dahilan kung bakit gumagawa ang Diyos nang personal sa katawang-tao ay dahil ang tao, na mula sa laman, ang layon ng Kanyang pagliligtas, at dahil ginagamit din ni Satanas ang laman ng tao upang gambalain ang gawain ng Diyos. Ang pakikipaglaban kay Satanas ang talagang gawain ng panlulupig sa tao, at kasabay nito, ang tao rin ang layon ng pagliligtas ng Diyos. Sa ganitong paraan, napakahalaga ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang laman ng tao, at naging sagisag ni Satanas ang tao, at naging layon na gagapiin ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang gawain ng pakikipaglaban kay Satanas at pagliligtas sa buong sangkatauhan ay nagaganap sa lupa, at dapat maging tao ang Diyos upang makipaglaban kay Satanas. Ito ang gawain na sukdulang praktikal. Kapag gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, tunay Siyang nakikipaglaban kay Satanas sa katawang-tao. Kung gumagawa Siya sa katawang-tao, ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa espirituwal na dako, at ginagawa Niyang tunay sa lupa ang kabuuan ng Kanyang gawain sa espirituwal na dako. Tao ang nalulupig, tao na hindi masunurin sa Kanya, at ang nagagapi ay ang pinakalarawan ni Satanas (mangyari pa, ito ay tao rin), na nakikipag-alitan sa Kanya, at tao rin ang naliligtas sa dakong huli. Sa ganitong paraan, higit pang kinakailangan para sa Diyos na maging isang tao na may panlabas na anyo ng isang nilalang, upang magawa Niya ang tunay na pakikipaglaban kay Satanas, upang malupig ang tao, na mapanghimagsik sa Kanya at nag-aangkin ng panlabas na kaanyuan na katulad ng sa Kanya, at upang mailigtas ang tao, na may panlabas na kaanyuan na tulad Niya at napinsala na ni Satanas. Tao ang Kanyang kaaway, tao ang pakay ng Kanyang paglupig, at tao, na nilikha Niya, ang layon ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t dapat Siyang maging tao, at sa ganitong paraan, nagiging higit na madali ang Kanyang gawain. Nagagawa Niyang gapiin si Satanas at lupigin ang sangkatauhan, at, higit pa rito, nagagawang iligtas ang sangkatauhan. Bagama’t karaniwan at tunay ang katawang-tao na ito, hindi Siya pangkaraniwang katawang-tao: Hindi Siya katawang-tao na tao lamang, ngunit katawang-tao na kapwa tao at Diyos. Ito ang pagkakaiba Niya sa tao, at ito ang tatak ng pagkakakilanlan ng Diyos. Tanging katawang-tao na tulad nito ang makakayang gumawa ng mga gawaing ninanais Niyang gawin, at matupad ang ministeryo ng Diyos sa katawang-tao, at ganap na makumpleto ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Kung hindi ito ganoon, laging magiging hungkag at may kapintasan ang Kanyang gawain sa gitna ng mga tao. Bagama’t makakaya ng Diyos na makipaglaban sa espiritu ni Satanas at lumitaw na matagumpay, hindi malulutas kailanman ang lumang kalikasan ng tiwaling tao, at yaong mga hindi masunurin sa Kanya at sumasalungat sa Kanya ay hindi kailanman totoong magiging sakop ng Kanyang kapamahalaan, na ang ibig sabihin, hindi Niya kailanman makakayang lupigin ang sangkatauhan, at hindi kailanman makakayang kamtin ang buong sangkatauhan. Kung hindi makakayang lutasin ang Kanyang gawain sa lupa, kung ganoon ay hindi kailanman matatapos ang Kanyang pamamahala, at hindi magagawa ng buong sangkatauhan na pumasok sa kapahingahan. Kung hindi makakaya ng Diyos na pumasok sa kapahingahan kasama ang lahat ng Kanyang mga nilikha, kung ganoon ay walang kalalabasan kailanman sa ganoong gawain ng pamamahala, at kasunod na mawawala ang kaluwalhatian ng Diyos. Bagama’t walang awtoridad ang Kanyang katawang-tao, makakamit na ang epekto ng gawain na Kanyang ginagawa. Ito ang di-maiiwasang tunguhin ng Kanyang gawain. Nagtataglay man o hindi ng awtoridad ang Kanyang katawang-tao, hangga’t kaya Niyang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya ay ang Diyos Mismo. Gaano man kakaraniwan o kaordinaryo ang katawang-tao na ito, makakaya Niyang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin, dahil Diyos at hindi tao lamang ang katawang-tao na ito. Ang dahilan na magagawa ng katawang-taong ito ang gawain na hindi kaya ng tao ay sapagkat ang Kanyang panloob na diwa ay hindi katulad ng sa sinumang tao, at ang dahilan na kaya Niyang iligtas ang tao ay sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay naiiba sa sinumang tao. Napakahalaga sa sangkatauhan ng katawang-tao na ito sapagkat Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagkat nakakaya Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng karaniwang katawan ng tao, at dahil nakakaya Niyang magligtas ng tiwaling tao, na namumuhay kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kawangis ng tao, ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil nakakaya Niya ang gawain na hindi makakayang gawin ng Espiritu ng Diyos, higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na magpatotoo sa Diyos Mismo, at higit na may kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos na lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang bunga, bagama’t karaniwan at ordinaryo ang katawang-tao na ito, ang ambag Niya sa sangkatauhan at ang kahalagahan Niya sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at hindi masusukat ng sinumang tao ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito. Bagama’t hindi makakayang tuwirang puksain si Satanas ng katawang-tao na ito, makakaya Niyang gamitin ang Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan at gapiin si Satanas, at gawin si Satanas na lubos na magpasakop sa Kanyang kapamahalaan. Dahil ang Diyos ay nagkatawang-tao na kaya’t makakaya Niyang talunin si Satanas at magagawang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Niya tuwirang pinupuksa si Satanas, bagkus ay nagkakatawang-tao upang gawin ang gawain na lupigin ang sangkatauhan, na nagawang tiwali ni Satanas. Sa ganitong paraan, higit na mahusay Niyang magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng Kanyang mga nilalang, at higit na mahusay na magagawang iligtas ang tiwaling tao. Ang paglupig kay Satanas ng Diyos na nagkatawang-tao ay magdudulot ng higit na malaking patotoo, at higit na mapanghikayat, kaysa sa tuwirang pagpuksa ng Espiritu ng Diyos kay Satanas. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay higit na magagawang tumulong sa tao para kilalanin ang Lumikha, at higit na magagawang magpatotoo sa Sarili Niya sa gitna ng mga nilalang Niya.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger