Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa loob ng libong mga taon, pinananabikan ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinananabikan ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, iyon ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Judio, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Pinananabikan nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad ng dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinusumbatan ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namamatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nalulumbay sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay desperadong pinananabikan ang biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Judio. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay nakarating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling walang-alam sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nangingikil sa Kanya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang ideya na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos ang tao, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

“Jehova” ang pangalan na kinuha Ko sa panahon ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugan na ang Diyos ng mga Israelita (ang piniling bayan ng Diyos) na maaring naaawa sa tao, sinusumpa ang tao, at gumagabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na nag-aangkin ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si “Jesus” ay si Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang alay dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang kumatawan sa isang bahagi ng plano sa pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng piniling bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang panahon, lahat ng mga Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang alay sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya upang muling isilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at nagpapahiwatig ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Minsan na Akong kinilala bilang Jehova. Ako rin ay tinawag na ang Mesias, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagkat minahal at iginalang nila Ako. Subalit ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na bumalik sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa isang katapusan. Ako ang Diyos Mismo na bumabangon mula sa mga dulo ng mundo, puno sa Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakibahagi sa Akin ang mga tao, kailanman hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa mga tao. Siya ay nakikipamuhay kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng isang nag-aapoy na araw at nagniningas na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isang tao o bagay ang hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng mga bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at madudurog din ng pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, lahat ng mga tao sa panahon ng mga huling araw ay makikita na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa lahat ng sangkatauhan, at para sa tao Ako ay ang minsan ng alay sa kasalanan, subalit sa mga huling araw Ako rin ay magiging mga ningas ng araw na susunog sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng pagkamatuwid na magbubunyag sa lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain sa mga huling araw. Kinuha Ko ang pangalang ito at nagmamay-ari Ako ng disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay sambahin Ako, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng mga nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan.

Kapag ang Tagapaligtas ay dumating sa panahon ng mga huling araw, kung Siya ay tinatawag pa ring Jesus, at muling isinilang sa Judea, at ginawa ang Kanyang gawain sa Judea, samakatwid ito ay magpapatunay na nilikha Ko lamang ang bayang Israel at tanging tinubos lamang ang bayang Israel, at na wala Akong kinalaman sa mga Hentil. Hindi kaya ito sasalungat sa Aking mga salita na “Ako ang Panginoon na lumikha ng mga langit at lupa at lahat ng mga bagay”? Umalis Ako sa Judea at ginawa ang Aking mga gawain sa mga Hentil sapagkat hindi lamang Ako Diyos ng bayang Israel, subalit Diyos ng lahat ng mga nilikha. Nagpakita Ako sa mga Hentil sa panahon ng mga huling araw dahil hindi lamang Ako si Jehova, ang Diyos ng bayan ng Israel, ngunit, bukod diyan, dahil sa Ako ang Maylalang ng lahat ng Aking mga pinili sa mga Hentil. Hindi Ko lamang nilikha ang Israel, Egipto, at Lebanon, subalit nilikha Ko rin ang mga bansang Gentil sa ibayo ng Israel. At dahil dito, Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Ginamit Ko lamang ang Israel bilang panimulang punto ng Aking gawain, kinasangkapan ang Judea at Galilea bilang matibay na mga tanggulan ng Aking gawain ng pagtubos, at ginamit ang mga bansang Gentil bilang base na mula sa kung saan Aking dadalhin ang buong kapanahunan sa isang katapusan. Ginawa Ko ang dalawang yugto ng gawain sa Israel (ang dalawang yugto ng gawain sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya), at isinasakatuparan Ko ang dalawang karagdagang mga yugto ng gawain (ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian) sa buong mga kalupaan sa ibayo ng Israel. Sa gitna ng mga bansang Gentil, isasagawa Ko ang gawaing panlulupig at sa gayon wawakasan ang kapanahunan. Kung palagi Akong tinatawag ng tao na Jesucristo, ngunit hindi nalalaman na nasimulan Ko na ang isang bagong kapanahunan sa panahon ng mga huling araw at nakapagsimula na sa isang bagong gawain, kung palaging sumasagi sa alaala ng tao ang paghihintay sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas, samakatwid tatawagin Ko ang mga ganitong tao bilang mga taong hindi naniniwala sa Akin. Sila ay mga taong hindi nakakakilala sa Akin, at ang kanilang paniniwala sa Akin ay isang paimbabaw. Maaari kayang masaksihan ng mga taong ganoon ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas mula sa langit? Ang kanilang hinihintay ay hindi ang Aking pagdating, ngunit ang pagdating ng Hari ng mga Hudyo. Hindi nila pinananabikan ang Aking paglipol sa maruming lumang mundong ito, sa halip ay hinahangad nila ang ikalawang pagdating ni Jesus, pagkatapos niyon sila ay matutubos; inaasahan nila si Jesus na muling tutubusin ang lahat ng sangkatauhan mula sa nadumihan at di-matwid na lupang ito. Paano maaaring mangyari na ang mga tao ay maging yaong magagawang ganap ang Aking gawain sa panahon ng mga huling araw? Ang mga pagnanais ng tao ay walang kakayahan na makamit ang Aking mga hangarin o isakatuparan ang Aking mga gawain, pagkat tanging hinahangaan o pinapahalagahan lamang ng tao ang mga nagawa Ko dati, at walang ideya na Ako ang Diyos Mismo na palaging bago at kailanman ay hindi naluluma. Ang alam lang ng tao ay na Ako si Jehova, at Jesus, at walang malay na Ako ang Katapusan, ang Siyang magdadala sa sangkatauhan sa katapusan. Lahat nang pinananabikan at nalalaman ng tao ay mula sa kanyang sariling pagkaintindi, at tanging yaon na maaari niya lamang makita ng kanyang sariling mga mata. Hindi ito ayon sa gawaing ginagawa Ko subalit di-­pagkakaisa dito. Kung ang Aking gawain ay isinasagawa ayon sa mga ideya ng tao, samakatwid kailan kaya ang katapusan nito? Kailan kaya maaaring pumasok ang sangkatauhan sa kapahingahan? At paano Ko magagawang pumasok sa ikapitong araw, ang Araw ng Pamamahinga? Gumagawa Ako ayon sa Aking plano. Ayon sa Aking layunin, at hindi ayon sa intensyon ng tao.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Unang bahagi) Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikalimang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok” (Ikaanim na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Unang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Tatlong Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Pananaw sa Gawain ng Diyos” Ikalawang bahagi Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap