Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 82
Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Maraming tao ang nais Akong mahalin nang tapat, ngunit dahil hindi nila pag-aari ang mga puso nila, wala silang kontrol sa kanilang mga sarili; maraming mga tao ang tunay na nagmamahal sa Akin sa kabila ng mga pagsubok na ibinigay Ko sa kanila, ngunit wala silang kakayahang intindihin na talagang umiiral Ako, at minamahal lang nila Ako sa gitna ng kawalan, at hindi dahil sa mismong pag-iral Ko; maraming mga tao ang pagkatapos ialay ang kanilang mga puso sa Akin ay isinasawalang bahala lang nila ito, kaya inaagaw ni Satanas ang mga puso nila sa tuwing may pagkakataon siya, pagkatapos nito ay nililisan na nila Ako; maraming mga tao ang tunay na nagmamahal sa Akin pagkaraan Kong ibigay ang Aking mga salita, ngunit hindi nila pinahahalagahan ang mga salita Ko sa kanilang mga espiritu, sa halip ay pangkaraniwan nilang ginagamit ito na parang pampublikong ari-arian at itinatapon nila ang mga ito sa kanilang pinanggalingan sa tuwing gusto nilang gawin. Hinahanap Ako ng tao sa kalagitnaan ng sakit, at tumitingala siya sa Akin sa gitna ng mga pagsubok. Tinatamasa niya Ako sa panahon ng kapayapaan, kapag nasa panganib ipinagkakaila niya Ako, nakakalimutan niya Ako kapag siya ay abala, at kapag tinatamad siya sumasabay lang siya sa agos para sa Akin—ngunit wala kailanman ang sinumang nagmahal sa Akin sa buong panahon ng kanilang buhay. Gusto Ko na maging taimtim ang tao sa harapan Ko: Hindi Ko hinihiling na magbigay siya ng anumang bagay sa Akin, ngunit seryosohin lamang sana Ako ng lahat ng mga tao, na sa halip na inililigaw Ako, hahayaan sana nila Akong ibalik ang katapatan ng tao. Tumatagos ang pagliliwanag, pagpapalinaw, at ang halaga ng mga pagsisikap Ko sa lahat ng tao, ngunit katotohanan na tumatagos rin ang bawat pagkilos ng tao sa kalagitnaan ng lahat ng tao, tumatagos sa panlilinlang nila sa Akin. Parang ang mga sangkap ng panlilinlang ng tao ay nasa kanya na mula pa sa sinapupunan, parang taglay na niya ang mga natatanging kasanayan sa panlilinlang mula kapanganakan. Ano pa, hindi niya kailanman ibinunyag ang plano; walang sinuman ang nakaaninag sa ugat ng mga kasanayan sa pandarayang ito. Bilang resulta, nabubuhay ang tao sa gitna ng panlilinlang at wala man lang siyang kamalay-malay dito, at parang pinatatawad niya ang kanyang sarili, na parang ang mga ito ay mga pagtatakda ng Diyos sa halip sinadyang panlilinlang niya sa Akin. Hindi ba ito ang pinakapinagmulan ng panlilinlang ng tao sa Akin? Hindi ba kanyang tusong gawain ito? Hindi Ako nalito kailanman ng mga pambobola at panlilinlang ng tao, dahil matagal Ko nang napagtanto ang kanyang diwa. Sino ang nakaaalam kung gaano karumi ang nasa dugo niya, at kung gaano karami ang kamandag ni Satanas sa kanyang kaibuturan? Mas lumalagong nasasanay ang tao dito sa bawat pagdaan ng araw, kaya wala na siyang malay sa mga kapighatiang dulot ni Satanas, at dahil dito wala na siyang pagkawiling hanapin ang “paraan ng isang malusog na pamumuhay.”
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 21
Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang...
Nilikha ng Diyos si Eba (Genesis 2:18–20) At sinabi ni Jehova, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong...
Paano Gumagamit si Satanas ng Pamahiin Upang Gawing Tiwali ang Tao Paano gumagamit si Satanas ng pamahiin upang gawing tiwali ang tao? Nais...
Malaki ang naipagkatiwala ng Diyos sa mga tao at napatungkulan din ang kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Nguni’t dahil ang...