Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 416
Hindi ninyo pinahahalagahan ang panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Kinaliligtaan ng tao ang pagdarasal. Dati-rati ay wala sa...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Ang pagkilala sa Diyos ay dapat gawin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, gayundin ng pagdanas ng maraming pagsubok, pagpipino, at pagpupungos; saka lamang posibleng magkaroon ng tunay na kaalaman tungkol sa gawain at disposisyon ng Diyos. Sinasabi ng ilan: “Hindi ko pa nakikita ang Diyos na nagkatawang-tao, kaya paano ko dapat makilala ang Diyos?” Sa katunayan, ang mga salita ng Diyos ay isang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon. Mula sa mga salita ng Diyos, makikita mo ang Kanyang pagmamahal at pagliligtas para sa mga tao, gayundin ang Kanyang pamamaraan ng pagliligtas sa kanila…. Ito ay dahil ang Kanyang mga salita ay ipinahayag ng Diyos Mismo, hindi isinulat ng mga tao. Personal na ipinahayag ng Diyos ang mga ito; ipinapahayag ng Diyos Mismo ang sarili Niyang mga salita at ang tinig ng Kanyang puso, na maaari ding tawaging mga salita mula sa Kanyang puso. Bakit tinatawag ang mga ito na mga salitang mula sa Kanyang puso? Dahil ang mga ito ay nagmumula sa kaibuturan, at nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, Kanyang mga layunin, Kanyang mga ideya at iniisip, Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at Kanyang mga inaasahan sa sangkatauhan…. Kasama sa mga pahayag ng Diyos ang masasakit na salita, at banayad at may konsiderasyong mga salita, gayundin ang ilang salitang nagbubunyag na hindi isinasaalang-alang ang mga nararamdaman ng mga tao. Kung tinitingnan mo lamang ang mga salitang nagbubunyag, maaari mong madama na medyo mabagsik ang Diyos. Kung tinitingnan mo lamang ang mga banayad na salita, maaari mong madama na hindi gaanong maawtoridad ang Diyos. Samakatuwid ay hindi mo dapat unawain ang mga ito nang wala sa konteksto; sa halip, tingnan mo ang mga ito mula sa bawat anggulo. Kung minsan ay nagsasalita ang Diyos mula sa isang mahabaging pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao ang Kanyang pagmamahal para sa sangkatauhan; kung minsan ay nagsasalita Siya mula sa napaka-istriktong pananaw, at pagkatapos ay nakikita ng mga tao na ang Kanyang disposisyon ay walang pinalalampas na kasalanan, na ang tao ay nakalulungkot ang karumihan, at hindi karapat-dapat na tumingin sa mukha ng Diyos o lumapit sa Kanya, at na dahil lamang sa Kanyang biyaya kaya tinutulutan sila ngayon na lumapit sa Kanya. Makikita ang karunungan ng Diyos sa paraan ng Kanyang paggawa at sa kabuluhan ng Kanyang gawain. Nakikita pa rin ng mga tao ang mga bagay na ito sa mga salita ng Diyos, kahit walang anumang tuwirang pakikipag-ugnayan sa Kanya. Kapag nakaugnayan ng isang taong tunay na nakakakilala sa Diyos si Cristo, ang pagtatagpo nila ni Cristo ay maaaring tumugma sa kanyang kasalukuyang kaalaman tungkol sa Diyos; gayunman, kapag ang isang taong mayroon lamang teoretikal na pagkaunawa ay nakakatagpo si Cristo, hindi niya nakikita ang koneksyon. Ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pinakamalalim sa lahat ng hiwaga; mahirap itong arukin para sa tao. Pagsamahin ang mga salita ng Diyos tungkol sa hiwaga ng pagkakatawang-tao, tingnan ang mga ito mula sa lahat ng anggulo, pagkatapos ay sama-samang manalangin, magnilay-nilay, at higit pang magbahaginan tungkol sa aspetong ito ng katotohanan. Sa paggawa nito, magtatamo ka ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu at makakaunawa ka. Dahil walang pagkakataon ang mga tao na tuwirang makaugnayan ang Diyos, kailangan nilang umasa sa ganitong uri ng karanasan para maingat silang makapagpatuloy at unti-unting makapasok kung nais nilang sa huli ay magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Hindi ninyo pinahahalagahan ang panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Kinaliligtaan ng tao ang pagdarasal. Dati-rati ay wala sa...
Sa bawa’t yugto ng gawain ng Diyos mayroon ding katumbas na mga kinakailangan sa tao. Lahat niyaong mga nasa loob ng agos ng Banal na...
Kapag nagdurusa kayo ng kaunting paghihigpit o paghihirap, makakabuti iyon sa inyo; kung pinadali iyon para sa inyo, mapapahamak kayo, at...
Naisara nang mahigpit ng kaalaman tungkol sa sinaunang kultura at kasaysayan na sumasaklaw sa ilang libong taon ang pag-iisip at mga...