Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 131
Magpasakop sa Kapamahalaan ng Lumikha at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan Sa sandaling ipanganak ang isang tao, sinisimulan ng isang...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Ang katotohanan ay ang buhay ng Diyos Mismo; kumakatawan ito sa Kanyang disposisyon, Kanyang diwa, at kung ano ang mayroon Siya at ano Siya. Kung sinasabi mo na sa pagkakaroon ng kaunting karanasan at kaalaman ay mayroon ka nang katotohanan, nagtamo ka na ba ng kabanalan? Bakit nagpapakita ka pa rin ng katiwalian? Bakit hindi ka makakilala sa pagitan ng iba’t ibang uri ng mga tao? Bakit hindi ka makapagpatotoo sa Diyos? Kahit nauunawaan mo ang ilang katotohanan, kaya mo bang katawanin ang Diyos? Maisasabuhay mo ba ang disposisyon ng Diyos? Maaaring mayroon kang kaunting karanasan at kaalaman tungkol sa isang partikular na aspeto ng isang katotohanan, at maaaring makapagbigay ka ng kaunting kaliwanagan sa pananalita mo, ngunit ang maipagkakaloob mo sa mga tao ay lubhang limitado at hindi magtatagal. Ito ay dahil hindi kumakatawan sa diwa ng katotohanan ang pagkaunawa at liwanag na iyong natamo, at hindi ito kumakatawan sa kabuuan ng katotohanan. Kumakatawan lamang ito sa isang bahagi o isang maliit na aspeto ng katotohanan, isang antas lamang ito na maaaring makamtan ng mga tao, at malayo pa ito sa diwa ng katotohanan. Ang kaunting liwanag, kaliwanagan, karanasan, at kaalamang ito ay hinding-hindi makakapalit sa katotohanan. Kahit pa nagtamo ng ilang resulta ang lahat ng tao sa pagdanas ng isang katotohanan, at pagsama-samahin ang lahat ng kanilang karanasan at kaalaman, hindi iyon aabot sa kabuuan at diwa ng kahit isang linya ng katotohanang ito. Nasabi na ito noong araw, “Binubuod Ko ito sa isang kasabihan para sa mundo ng tao: Sa kalipunan ng mga tao, wala ni isa mang umiibig sa Akin.” Ang pangungusap na ito ang katotohanan, ang tunay na diwa ng buhay, isang napakalalim na bagay, at isang pagpapahayag ng Diyos Mismo. Pagkaraan ng tatlong taon ng karanasan, maaaring magkaroon ka ng kaunting mababaw na pagkaunawa, at pagkaraan ng pito o walong taon, maaaring magkaroon ka ng kaunti pang pagkaunawa, ngunit ang pagkaunawang ito ay hinding-hindi makahahalili sa linyang ito ng katotohanan. Pagkaraan ng dalawang taon, maaaring may ibang tao na magkaroon ng kaunting pagkaunawa, o kaunti pang pagkaunawa pagkaraan ng sampung taon, o medyo malalim na pagkaunawa pagkatapos ng habambuhay, ngunit hindi makahahalili sa linyang ito ng katotohanan ang pinagsamang pagkaunawa ninyong dalawa. Gaano man kalaki ang pinagsamang kabatiran, liwanag, karanasan, o kaalamang mayroon kayong dalawa, hinding-hindi ito makahahalili sa linyang ito ng katotohanan. Ibig sabihin, ang buhay ng tao ay palaging buhay ng tao, at paano man umaayon ang iyong kaalaman sa katotohanan, kalooban ng Diyos, o mga hinihingi ng Diyos, hinding-hindi ito makahahalili sa katotohanan. Ang sabihin na nasa mga tao ang katotohanan ay nangangahulugan na tunay na nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, isinasabuhay ang ilan sa mga realidad ng salita ng Diyos, may kaunting tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, at kayang dakilain at patotohanan ang Diyos. Gayunman, hindi masasabi na taglay na ng mga tao ang katotohanan, dahil napakalalim ng katotohanan. Isang linya lamang ng salita ng Diyos ay maaari nang abutin ng habambuhay para maranasan ng mga tao, at kahit pagkaraan ng ilang habambuhay ng karanasan, o libu-libong taon, hindi lubos na mararanasan ang isang linya ng salita ng Diyos. Malinaw na talagang walang katapusan ang proseso ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa Diyos, at na may limitasyon kung gaano kalaking katotohanan ang mauunawaan ng mga tao sa isang habambuhay ng karanasan. Sinasabi ng ilang tao na nasa kanila ang katotohanan sa sandaling naunawaan na nila ang tekstuwal na kahulugan ng salita ng Diyos. Hindi ba ito kalokohan? Pagdating sa kapwa liwanag at kaalaman, mayroong usapin ng kalaliman. Ang mga katotohanang realidad na maaaring pasukin ng isang tao sa loob ng isang habambuhay ng paniniwala ay limitado. Samakatuwid, dahil lamang taglay mo ang kaunting kaalaman at liwanag ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang mga katotohanang realidad. Ang pangunahing bagay na dapat mong tingnan ay kung nauugnay sa liwanag at kaalamang ito ang diwa ng katotohanan. Ito ang pinakamahalagang bagay. Nadarama ng ilang tao na taglay nila ang katotohanan kapag nakapagpapaliwanag sila o nakapag-aalok sila ng kaunting mababaw na pagkaunawa. Pinasasaya sila nito, kaya nagiging mayabang sila at may labis na pagtingin sa sarili. Sa katunayan, malayo pa rin silang makapasok sa katotohanang realidad. Anong katotohanan ang taglay ng mga tao? Maaari bang mabuwal kahit kailan at kahit saan ang mga taong nagtataglay ng katotohanan? Kapag taglay ng mga tao ang katotohanan, paano pa nila malalabanan at mapagkakanulo ang Diyos? Kung sinasabi mo na taglay mo ang katotohanan, pinatutunayan nito na sa loob mo ay ang buhay ni Cristo—kakila-kilabot iyan! Naging Panginoon ka na, naging si Cristo ka na? Isang kakatwang pahayag ito, at lubusang hinuha ng mga tao; hinggil ito sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao, at hindi isang mapaninindigang katayuan sa Diyos.
Kapag sinasabing nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, at ipinamumuhay ito bilang kanilang buhay, ano ang tinutukoy ng “buhay” na ito? Nangangahulugan ito na naghahari ang katotohanan sa kanilang mga puso, nangangahulugan ito na kaya nilang mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at nangangahulugan ito na mayroon silang tunay na kaalaman sa mga salita ng Diyos at isang tunay na pagkaunawa sa katotohanan. Kapag taglay ng mga tao sa loob nila ang bagong buhay na ito, lubos itong nakakamtan sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos. Nakabatay ito sa pundasyon ng katotohanan ng mga salita ng Diyos, at nakakamtan ito sa pamamagitan ng pamumuhay nila sa saklaw ng nasasakupan ng katotohanan; ang tanging nilalaman ng buhay ng mga tao ay ang kanilang kaalaman at karanasan sa katotohanan. Iyon ang pundasyon nito, at hindi ito lumalampas sa saklaw na iyon; ito ang buhay na tinutukoy kapag nagsasalita tungkol sa pagkamit sa katotohanan at buhay. Ang magawang mamuhay ayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na nasasaloob ng mga tao ang buhay ng katotohanan, ni nangangahulugan ito na kung taglay nila ang katotohanan bilang kanilang buhay, ay nagiging katotohanan sila, at ang kanilang panloob na buhay ay nagiging buhay ng katotohanan; lalong hindi masasabi na sila ang katotohanan at buhay. Sa huli, ang kanilang buhay ay buhay pa rin ng isang tao. Kung nakakapamuhay ka nang ayon sa mga salita ng Diyos at nagtataglay ng kaalaman tungkol sa katotohanan, kung ang kaalamang ito ay nag-uugat sa iyong kalooban, at nagiging buhay mo, at ang katotohanang iyong nakamit sa pamamagitan ng karanasan ang nagiging batayan ng iyong pag-iral, kung mamumuhay ka ayon sa mga salitang ito ng Diyos, walang sinumang makapagbabago nito, at hindi ka malilinlang o magagawang tiwali ni Satanas, pagkatapos ay makakamit mo na ang katotohanan at buhay. Ibig sabihin, ang iyong buhay ay naglalaman lamang ng katotohanan, ibig sabihin ay ang iyong pagkaunawa, karanasan, at kabatiran sa katotohanan; at anuman ang gawin mo, mamumuhay ka ayon sa mga bagay na ito, at hindi ka lalampas sa saklaw ng mga ito. Ito ang kahulugan ng pagtataglay ng katotohanang realidad, at ang gayong mga tao ang nais makamit ng Diyos sa huli sa Kanyang gawain. Ngunit gaano man kahusay na nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, ang kanilang diwa ay isa pa ring sa sangkatauhan, at hindi man lamang maikukumpara sa diwa ng Diyos. Ito ay dahil hindi nila kailanman mararanasan ang lahat ng katotohanan, at imposible para sa kanila na buong-buong isabuhay ang katotohanan; maaari lamang nilang isabuhay ang napakalimitadong bahagi ng katotohanan na maaaring makamtan ng mga tao. Paano, kung gayon, sila maaaring maging Diyos? … Kung mayroon kang kaunting karanasan sa mga salita ng Diyos, at namumuhay ayon sa tunay na karanasan at kaalaman sa katotohanan, unti-unti mong magiging buhay ang mga salita ng Diyos. Gayunpaman, hindi mo pa rin masasabi na ang katotohanan ang buhay mo o na ang ipinahahayag mo ay ang katotohanan; kung gayon ang iyong opinyon, mali ka. Kung mayroon ka lamang ilang karanasan sa isang partikular na aspeto ng katotohanan, makakatawan ba nito mismo ang pagtataglay mo ng katotohanan? Maituturing ba itong pagtatamo ng katotohanan? Lubusan mo bang maipapaliwanag ang katotohanan? Matutuklasan mo ba ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano ang Diyos, mula sa katotohanan? Kung hindi makakamtan ang mga epektong ito, nagpapatunay ito na ang maranasan lamang ang isang partikular na aspeto ng katotohanan ay hindi maituturing na tunay na pagkaunawa sa katotohanan, o pagkilala sa Diyos, lalong hindi masasabi na nakamit na ang katotohanan. Ang lahat ay mayroon lamang karanasan sa isang aspeto at saklaw ng katotohanan; nararanasan nila ito sa loob ng limitado nitong saklaw, at hindi nila mararanasan ang lahat ng di-mabilang na aspeto ng katotohanan. Maisasabuhay ba ng mga tao ang orihinal na kahulugan ng katotohanan? Gaano ang halaga ng iyong bahagyang karanasan? Isang butil lamang ng buhangin sa dalampasigan; isang patak ng tubig sa karagatan. Samakatuwid, gaano man kahalaga ang kaalamang iyon at iyang mga pakiramdam na natamo mo na mula sa iyong mga karanasan, hindi pa rin maibibilang na katotohanan ang mga iyan. Masasabi lamang na umaayon ang mga ito sa katotohanan. Ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos, at ang mga panloob na kahulugan at mga realidad ng katotohanan ay napakalawak ang sakop, at walang sinumang nakakaarok o nakapagpapabulaan niyon. Basta’t mayroon kang tunay na pagkaunawa sa katotohanan at sa Diyos, mauunawaan mo ang ilang katotohanan; walang sinuman ang makakagawang pabulaanan ang mga tunay na pagkaunawang ito, at ang mga patotoong naglalaman ng mga katotohanang realidad ay mapaninindigan magpakailanman. Pinupuri ng Diyos ang mga nagtataglay ng mga katotohanang realidad. Basta’t hinahangad mo ang katotohanan, at kaya mong umasa sa Diyos para maranasan ang mga salita ng Diyos at kaya mong tanggapin ang katotohanan bilang iyong buhay anuman ang sitwasyon mo, magkakaroon ka ng isang landas, magagawa mong makaligtas, at makakamit mo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kahit umaayon sa katotohanan ang kakaunting nakakamit ng mga tao, hindi masasabi na ito ang katotohanan, lalo nang hindi masasabi na nakamit na nila ang katotohanan. Ang kakaunting liwanag na natamo ng mga tao ay angkop lamang para sa kanilang mga sarili o sa ilang nakapaloob sa isang tiyak na saklaw, ngunit hindi magiging angkop sa loob ng isang naiibang saklaw. Gaano man kalalim ang karanasan ng isang tao, napakalimitado pa rin nito, at ang kanilang karanasan ay hindi kailanman makaaabot sa lalim ng katotohanan. Ang liwanag ng isang tao at ang pagkaunawa ng isang tao ay hindi kailanman maihahambing sa katotohanan.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Magpasakop sa Kapamahalaan ng Lumikha at Mahinahon na Harapin ang Kamatayan Sa sandaling ipanganak ang isang tao, sinisimulan ng isang...
Maaari itong maging paalala para sa karamihan ng mga tao ang mga salita ng Diyos mula sa Genesis: “Lalangin natin ang tao sa ating larawan,...
Dapat habulin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan na lamang sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan....
Nilikha ng Diyos si Eba (Genesis 2:18–20) At sinabi ni Jehova, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong...