Ikawalong Aytem: Hinihimok Nila ang Iba na sa Kanila Lang Magpasakop, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Ikalawang Bahagi) Ikapitong Seksiyon
Kapag nakatagpo kayo ng isang anticristo, paano ninyo siya dapat tratuhin? May ilang lider na tinukoy na mga huwad na lider o anticristo at pinalitan. Sa isa sa kanila, iniulat ng mga kapatid pagkaraan ng ilang panahon na medyo nagawa pa rin niyang gumawa ng gawain, na pansamantala siyang nagsisi at gumaganap nang maayos. Medyo hindi malinaw sa partikular kung gumaganap ba siya nang maayos sa pag-uugali, o kung nagsasalita siya sa paraang kaaya-aya sa pandinig, o kung naging mas disiplinado siya sa kanyang gampanin. Dahil sinabi ng mga kapatid na mahusay siyang gumaganap, at dahil sa kakulangan ng mga tao para sa ilang gawain, isinaayos na dapat siyang gumawa ng kaunting gawain. At bilang resulta, walang dalawang buwan ang nakalipas, nag-ulat ang mga kapatid: “Palitan siya kaagad—labis niya kaming pinahihirapan. Kung hindi siya papalitan, hindi namin magagawa ang aming mga tungkulin.” Hindi sila papayag na gamitin siya, anuman ang mangyari; kung sino man ang kanilang pipiliin bilang lider, hindi siya iyon. Siya pa rin ang dating walang prinsipyong tao—magaling siyang magsalita subalit, sa katunayan, hindi siya nagbago kahit kaunti. Ano ang nangyayari? Lubos nang nailantad ang kanyang kalikasan. Paano, sa iyong palagay, dapat pangasiwaan ang usaping ito? Na nagkaroon ng gayong katinding reaksiyon ang mga kapatid ay nagpapatunay na, tunay ngang, may kaunti silang pagkilatis. May ilang tao ang nailihis niya, at pagkatapos siyang pangasiwaan ng Itaas, may ilang nagtanggol sa kanya, at kalaunan ay sinabi ng ilan na nagsisi siya. Kaya, itinalaga muli siya sa mataas na posisyon, at pagkatapos ng ilang panahon, nabunyag siya nang ganap. Nakilala na siya ngayon ng mga kapatid, at magsasama-sama sila para patalsikin siya. Nakita ng Itaas na mapagkilatis na ang mga taong ito ngayon. Hindi sila nadiligan para sa wala. Kaya, dahil hindi sila lahat pumayag na gamitin siya, pinalitan siya ng Itaas. Saan nagmula ang kanilang pagkilatis? (Isang pagkaunawa sa katotohanan.) Oo—naunawaan na nila ang katotohanan. Nagmumula ang pagkilatis sa pagkaunawa sa katotohanan. Hindi ba’t ang katotohanan at ang Diyos pa rin ang naghahari doon? (Ganoon nga.) Napapanahon ang kanilang pagkilatis: Pagkatapos siyang tanggalin, hindi na nagdusa ang mga kapatid sa kanyang pagkontrol. Labis na nagdusa ang mga tao sa kanyang opresyon. Wala talaga siyang pagkatao. Hindi niya ginawa ang nararapat niyang trabaho, subalit ginulo ang pagganap ng mga kapatid sa kanilang mga tungkulin—pinagmalupitan niya sila, inabuso sila gamit ang kanyang kapangyarihan. Sino ang papayag sa ganoon? Isang hangal—siya iyon! Kapag ang gayong mga tao ay pinalitan, mayroon ba silang anumang damdamin tungkol dito pagkatapos? Noong nakaraan, ang taong iyon ay tinanggal ng Itaas; sa pagkakataong ito, pinatalsik siya ng mga kapatid, kinutya palabas ng entablado—hindi magarbong paraan ng pag-alis! Ginusto niya noong una na maghanap ng posisyon. Ang nangyari, hindi siya nakakuha ng posisyon, kundi bumagsak nang biglaan, at ibinalik sa orihinal niyang anyo. Hindi ba’t dapat pinagnilayan niya ang kanyang sarili? (Oo.) Kung siya ay isang normal na tao, na mayroon lang ng malubhang tiwaling disposisyon, hindi ba’t kailangan niya ring pagnilayan ang kanyang sarili? (Oo.) May isang uri ng tao na hindi nagninilay. Iniisip niya na tama siya, na kahit anong gawin niya ay tama; hindi siya tumatanggap ng mga katunayan, hindi siya tumatanggap ng mga positibong bagay, at hindi niya tinatanggap ang mga pagtatasa ng iba sa kanya. Ang mga ito ang mga taong may disposisyong diwa ng isang anticristo. Ang mga anticristo lang ang hindi marunong magnilay sa kanilang sarili. Ano sa halip ang pinag-iisipan nila? “Hmph! Darating ang araw na muling sisikat ang aking bituin. Hintayin niyong mapasakamay ko kayo—makikita ninyo kung paano ko kayo pahihirapan!” Magkakaroon ba sila ng pagkakataong gawin iyon? (Hindi.) Wala na silang mga pagkakataon. Habang nauunawaan ng mga kapatid ang mas maraming katotohanan, at kapag nakakikilatis na sila ng lahat ng iba’t ibang kalagayan ng iba’t ibang tao, at sa partikular, nakikilatis ang mga anticristo, ang espasyong natitira para sa isang anticristo na gumawa ng kasamaan ay liliit nang liliit, at magkakaroon siya ng mas kaunting pagkakataon para gawin ito. Hindi magiging madali para sa kanya na subukang makabalik. Umaasa siya na mangangaral nang mas kaunti ang Itaas tungkol sa pagkilatis at hindi na siya makikilatis kung sino siya. Kapag naririnig niyang pinagbabahaginan ang gayong mga katotohanan, alam niyang katapusan na para sa kanya, at iniisip niyang wala nang natitirang pag-asa para sa kanyang pagbabalik. Hindi niya iniisip na: “Ang inilalantad at kinikilatis nila ay tama—ganap na sinasalamin nito ang aking kalagayan. Paano ako dapat magbago? Kung paulit-ulit lang akong aasal nang ganito, hindi ba’t iyon ang magiging katapusan ko? Ituturing akong walang halaga. Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtahak sa landas ng arkanghel at pagsalungat sa Diyos?” Magkakaroon ba siya ng gayong pag-iisip? (Hindi.) Hindi siya mag-iisip, at tiyak na hindi niya pagninilayan ang kanyang sarili at susubukang kilalanin ang kanyang sarili; sa halip, mamamatay siya bago magsisi. Iyon ang kalikasan niya. Gaano ka man magbahagi ng katotohanan, hindi siya mapupukaw nito o mapagsisisi. May daanan ba para makatakas nang hindi nagsisisi? (Wala.) Hindi siya nagsisisi. Sinusundan niya ang kanyang landas patungo sa mapait nitong wakas, sa kanyang piniling kapahamakan, na idinidikta ng kalikasan ng mga anticristo.
Buong oras na nating pinag-uusapan ang tungkol sa paksa ng pagkilatis sa mga anticristo. Ano sa palagay ninyo ang pakiramdam ng mga anticristo habang nakikinig sila? Pagdating ng oras para magtipon, nakararamdam sila ng hindi matiis na paghihirap, at nanlalaban sila sa puso. Hindi ba’t mga anticristo sila? (Sila nga.) Kapag ang isang normal na tao na may tiwaling disposisyon ay alam na mayroon siyang disposisyon ng anticristo, sabik siyang makarinig at makaunawa nang higit pa, dahil kapag nakaunawa na siya, doon niya magagawang hangarin ang pagbabago. Iniisip niya na kung hindi siya makakaunawa, maliligaw siya, at maaaring dumating ang araw na tutuntong siya sa landas ng mga anticristo, kung saan gagawa siya ng malaking kasamaan, binubuksan ang mga harang, at sa gayon ay mawawala ang pagkakataon niya sa kaligtasan, at hahantong sa kapahamakan. Natatakot siya rito. Iba ang pag-iisip ng isang anticristo. Desperado silang pigilan ang lahat ng iba pa na magsalita at makarinig ng mga sermon tungkol sa pagkilatis; sabik niyang ninanais na maging magulo ang pag-iisip at mawalan ng pagkilatis ang lahat, at na mailihis niya sila. Iyon ang magpapasaya sa kanya. Ano ang pinakaminimithi ng isang anticristo? Ang makuha ang kapangyarihan. Gusto ninyo bang makuha ang kapangyarihan? (Hindi.) Hindi sa inyong puso, subalit kung minsan ay sumasagi ito sa inyong isip bilang isang bagay na gugustuhin ninyo, at ito nga, sa katunayan, ay isang bagay na gugustuhin ninyong gawin. Maaaring may subhetibo kang kahilingan sa iyong kalooban, isang pananabik sa kaibuturan ng iyong puso na huwag maging ganoong uri ng tao, na huwag tahakin ang landas na iyon, subalit kapag may nangyayari sa iyo, ang iyong tiwaling disposisyon ang nag-uudyok at nagtutulak sa inyo. Pinupuwersa mo ang iyong isipan sa pag-iisip kung paano mo poprotektahan ang iyong katayuan at impluwensiya, kung gaano karaming tao ang kaya mong kontrolin, kung paano magsalita nang may awtoridad para makuha ang pagpapahalaga ng iba. Kapag palagi mong iniisip ang mga bagay na ito, wala na sa iyong kontrol ang iyong puso. Ano ang kumokontrol dito? (Isang tiwaling disposisyon.) Oo—nasa ilalim ito ng pagkontrol ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Buong araw na pinag-iisipan ng isang tao ang tungkol sa mga alalahanin ng kanyang mga makalamang interes; palagi siyang nakikipagtunggali sa iba, at sa proseso ng mga pakikipagtunggaling ito, wala silang napapalang anuman, at ito ay napakasakit para sa kanila—at nabubuhay lang sila para sa laman at kay Satanas. Kaya’t itinatakda ng isang tao ang determinasyon niyang gawin nang maayos ang kanyang tungkulin at mabuhay para sa Diyos, para makipagtunggali lang muli para sa katayuan at kanyang mga interes kapag may mga nangyayari sa kanya: isang pabalik-balik na pakikipagtunggali na nagdudulot sa kanya ng matinding pagkapagod, kung saan wala siyang napapala. Sabihin mo sa Akin, hindi ba’t nakapapagod na paraan iyon ng pamumuhay? (Ganoon nga.) Ganoon siya nabubuhay araw-araw, at nang hindi niya namamalayan, ilang dekada na ang lumipas. May ilang tao na nananampalataya sa Diyos sa loob ng sampu o dalawampung taon—gaano karaming katotohanan na ang nakamit nila? Gaano kalaki na ang naging pagbabago sa kanilang tiwaling disposisyon? Para kanino sila nabubuhay sa bawat araw? Para saan sila nagpapakaabala? Para saan pa sila nagpakahirap sa pag-iisip? Lahat ng ito ay para sa laman. Sinabi ng Diyos na “ang bawat imahinasyon ng mga kaisipan ng puso ng tao ay puro kasamaan lang magpakailanman.” May mali ba sa mga salitang iyon? Tikman mo ang mga ito; lasapin ang mga ito. Kapag iniisip mo ang mga salitang ito, kapag nararanasan mo ang mga ito, hindi ka ba natatakot? Maaaring sabihin mong, “Nakararamdam ako ng kaunting takot. Sa panlabas, nagbabayad ako ng mga halaga sa buong araw; tinatalikuran at ginugugol ko ang aking sarili, at nagdurusa. Iyan ang ginagawa ng aking katawang laman—subalit masama ang lahat ng iniisip ng aking puso. Lahat ng mga ito ay sumasalungat sa katotohanan. Sa maraming bagay na ginagawa ko, kung saan ako nanggagaling, ang aking motibo, at ang aking mga layon ay puro tungkol sa paggawa ng kasamaan ng sarili kong imahinasyon.” Ano ang lumalabas sa pagkilos nang ganoon? Masasamang gawa. Maaalala ba ang mga ito ng Diyos? Maaaring sabihin ng ilan na, “Dalawampung taon na akong nananampalataya sa Diyos. Isinuko ko na ang lahat—at gayon pa man, hindi ito naaalala ng Diyos.” Nalulungkot at nasasaktan sila. Ano ang nagpapasakit sa kanila? Kung talagang maghihigpit ang Diyos sa tao, walang maipagmamalaki ang tao. Ang lahat ng ito ay biyaya ng Diyos, Kanyang awa—napakamapagparaya ng Diyos sa tao. Pag-isipan mo ito: Ang Diyos ay napakabanal, napakamatuwid, napakamakapangyarihan, at nagmamasid lang Siya habang iyong mga sumusunod sa Kanya ay lubos na nag-iisip ng masasamang kaisipan, buong araw, at mga kaisipang sumasalungat sa katotohanan, at mga kaisipang ganap na tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang sariling katayuan, katanyagan, at pakinabang. Hahayaan ba ng Diyos na sumalungat at magtaksil sa Kanya nang ganoon ang Kanyang mga tagasunod? Talagang hindi. Pinaghaharian ng mga ideya, kaisipan, layunin, at motibong ito, tahasang gumagawa ang mga tao ng mga bagay bilang paghihimagsik at pagsalungat sa Diyos, habang nagmamalaki na ginagawa nila ang kanilang tungkulin at nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos. Lahat ng ito ay nakikita ng Diyos, at gayon pa man, kinakailangan Niyang tiisin ito. Paano Niya ito tinitiis? Ipinagkakaloob Niya ang katotohanan; nagdidilig at naglalantad Siya; Siya rin ay nagbibigay-liwanag at tumatanglaw, at nagbibigay-patnubay, at nagtutuwid at nagdidisiplina—at kapag mahigpit ang disiplinang iyon, kailangan pa Niyang magbigay ng muling pagtiyak. Gaano kapasensiyoso ang Diyos para gawin ang lahat ng iyon! Nakamasid Siya sa iba’t ibang tiwaling disposisyon ng mga taong ito, sa katunayang ang lahat ng iba’t iba nilang pagbubunyag, pag-uugali, at ideya ay masama—at gayon pa man, natitiis Niya ito. Sabihin mo sa Akin, magagawa ba iyon ng tao? (Hindi.) Tunay ang pasensiyang ipinaaabot ng mga magulang sa kanilang mga anak, subalit maaari pa rin nilang abandonahin ang mga ito o putulin pa nga ang relasyon nila sa mga ito kapag hindi na nila matiis ang mga bagay-bagay. Ano, kung gayon, ang pasensiyang ipinaaabot ng Diyos sa isang tao? Ang bawat araw na nabubuhay ka ay isang araw na ipinaaabot ng Diyos sa iyo ang Kanyang pasensiya. Ganyan Siya kapasensiyoso. Ano ang nakapaloob sa pasensiyang iyon? (Pagmamahal.) Hindi lang pagmamahal—may ekspektasyon Siya sa iyo. Ano ang ekspektasyon na iyon? Na makita Niya ang resulta at ang gantimpala sa pamamagitan ng gawaing Kanyang ginagawa, at mabigyang-kakayahan ang tao na matikman ang Kanyang pagmamahal. May gayong pagmamahal ba ang tao? Wala. Sa kaunting pag-aaral at edukasyon lang, sa kaunting kaloob o talento lang, pakiramdam ng isang tao na mas marangal ang kanyang katayuan kaysa sa iba, at na hindi makalalapit sa kanya ang mga ordinaryong tao. Iyon ang pagiging kasuklam-suklam ng tao. Ganyan ba kumikilos ang Diyos? Ang lubos na kabaligtaran nito: Ang gayong hindi akalain na marumi, sobrang tiwaling sangkatauhan ay ang mga inililigtas ng Diyos; higit pa, naninirahan Siya kasama nila, nakikipag-usap sa kanila at umaalalay sa kanila, nang harapan. Hindi iyon magagawa ng tao.
Ang sumusunod ay ang karagdagang pagbabahaginan tungkol sa karagdagang problema. May ilang tao, kapag nagpapatotoo sila, na nagsasabing, “Sa tuwing nangyayari sa akin ang mga bagay-bagay, iniisip ko ang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang biyaya at naantig ako. Tumitigil ako sa pagbubunyag ng aking tiwaling disposisyon sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na ito.” Pakiramdam ng karamihan ng tao na mabuti ang pahayag na ito, na talagang kaya nitong lutasin ang problema ng mga pagbubunyag ng isang tiwaling disposisyon. May katotohanan ba ang mga salitang ito? Wala, walang katotohanan ang mga ito. Ang pagmamahal ng Diyos, ang pagiging makapangyarihan Niya, ang pagpaparaya Niya para sa tao, at ang lahat ng ginagawa Niya sa tao ay nakaaantig lang sa isang tao—ang bahagi ng pagkatao nito, ang bahagi na konsensiya at katwiran nito; gayumpaman, hindi nito kayang lutasin ang tiwaling disposisyon ng tao, at hindi rin nito mababago ang layunin at direksiyon ng paghahangad ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw: Ipinahahayag at ipinagkakaloob Niya ang katotohanan para malutas ang problema ng tiwaling disposisyon ng tao. Ano ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos? Ipinahahayag at ipinagkakaloob Niya ang katotohanan, at hinahatulan at kinakastigo ang tao. Hindi Niya nais na antigin ka sa Kanyang pagkilos o sa mga bagay na Kanyang ginagawa, para baguhin ang direksiyon at layunin ng iyong paghahangad. Hindi Siya gagawa ng gaya niyon. Anuman ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kung gaano Siya kapasensiyoso sa tao, o tungkol sa kung paano Niya inililigtas ang tao, sa gaano man kalaking halaga—paano man Niya ito sinasabi, ninanais lang ng Diyos na maipaunawa sa tao ang Kanyang layuning iligtas ang mga tao. Hindi Niya sinasabi ang mga bagay na iyon para palambutin ang puso ng mga tao at bigyan sila ng kakayahang magbalik-loob dahil sa kung gaano sila naantig sa pakikinig sa Kanya. Hindi iyon maaaring gawin. Bakit hindi? Ang tiwaling disposisyon ng tao ay ang kanyang kalikasang diwa, at ang kalikasang diwang iyon ay ang pundasyon kung saan sumasandig ang mga tao para manatiling buhay. Hindi ito isang masamang kaugalian o kinagisnan na magbabago sa kaunting pag-uudyok; hindi ito magbabago sa sandaling masaya ang isang tao, o sa kaunting dami ng kaalamang nakamit o bilang ng mga librong nabasa. Imposible iyon. Walang sinumang makapagpapabago sa kalikasan ng tao. Magbabago lang ang isang tao sa pamamagitan ng pagtanggap at pagkakamit ng katotohanan—ang katotohanan lang ang makapagpapabago sa mga tao. Kung gusto mong magkamit ng pagbabago sa iyong buhay disposisyon, dapat mong hangarin ang katotohanan, at para hangarin ang katotohanan, dapat kang magsimula sa pamamagitan ng pagtatamo ng isang malinaw na pang-unawa sa iba’t ibang katotohanang binibigkas ng Diyos. Naniniwala ang ilang tao na kung naunawaan na ng isang tao ang doktrina, naunawaan na niya ang katotohanan. Wala nang magiging mas mali pa rito. Hindi ito ang kaso na kung nauunawaan mo ang doktrina ng pananampalataya sa Diyos at kaya mong magsalita ng tungkol sa ilang espirituwal na teorya, naunawaan mo na kung gayon ang katotohanan. Pag-isipan itong mabuti, ngayon: Ano ba talaga ang tinutukoy ng katotohanan? Bakit palagi Kong sinasabi na napakaraming tao ang hindi nakauunawa sa katotohanan? Ipinagpapalagay nilang, “Kung nauunawaan ko ang kahulugan ng mga salita ng Diyos, nangangahulugan iyon na naunawaan ko na ang katotohanan,” at na, “Tama ang lahat ng salita ng Diyos; ang lahat ng ito ay binigkas sa ating puso, kaya’t pinagsasaluhang wika natin ang mga ito.” Sabihin mo sa Akin, tama ba ang pahayag na iyon, o hindi? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng pag-unawa sa katotohanan? Bakit sinasabi nating hindi nila nauunawaan ang katotohanan? Pag-uusapan muna natin nang kaunti kung ano ang katotohanan. Ang katotohanan ay ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Kaya, paano nauugnay ang realidad ng mga positibong bagay na iyon sa tao? (Sa pagkakaunawa ko nito, o Diyos, ang paraan kung paano ito naipamamalas kapag nauunawaan ng isang tao ang katotohanan ay na anumang tao, pangyayari, at bagay ang kanyang nakahaharap, may mga prinsipyo siya, at alam niya kung paano tratuhin ang mga ito, at mayroon siyang landas sa pagsasagawa; nagagawang lutasin ng katotohanan ang kanyang mga paghihirap at nagiging realidad ito sa kanyang buhay. Sinasabi lang ng Diyos na ang pang-unawa ng isang tao sa doktrina ay hindi pang-unawa sa katotohanan—pakiramdam niya ay naunawaan na niya ang katotohanan, subalit hindi niya malutas ang alinman sa mga problema at paghihirap na mayroon siya sa kanyang tunay na buhay. Wala siyang landas para doon; hindi niya maiugnay ang mga bagay-bagay sa katotohanan.) Ganoon ang hindi pag-unawa sa katotohanan. Isang bahagi ng kakasabi lang ang tama: Ano ang katotohanan? (Mabibigyang-kakayahan ng katotohanan ang mga tao na magkaroon ng isang landas sa pagsasagawa, at na kumilos nang may mga prinsipyo; makalulutas ito ng mga paghihirap ng mga tao.) Tama iyan. Ang ikumpara ang sarili sa mga katotohanang prinsipyo at na magsagawa ayon sa mga ito—iyon ang landas. Pinatutunayan nito na isa iyong pag-unawa sa katotohanan. Kung doktrina lang ang nauunawaan mo, at kapag may nangyayari sa iyo, hindi mo ito magamit, at hindi mo mahanap ang mga prinsipyo, hindi iyon pag-unawa sa katotohanan. Ano ang katotohanan? Ang katotohanan ay ang mga prinsipyo at pamantayan sa paggawa ng lahat ng bagay. Hindi ba’t iyon nga iyon? (Iyon nga.) Kapag sinasabi Ko na hindi ninyo nauunawaan ang katotohanan, sinasabi Ko na lumalayo kayo mula sa mga sermon na ang nalalaman lang ay doktrina. Hindi ninyo alam kung ano ang mga prinsipyo at pamantayan ng katotohanang nakapaloob dito, o kung aling mga bagay na nangyayari sa inyo ang may kinalaman sa aspektong iyon ng katotohanan, o kung aling mga kalagayan ang sangkot dito, ni hindi ninyo alam kung paano ilapat ang aspektong iyon ng katotohanan. Hindi ninyo alam ang alinman sa mga bagay na ito. Sabihin, halimbawa, na nagtanong kayo. Na magtatanong kayo ay nangangahulugang hindi ninyo nauunawaan ang nauukol na katotohanan. Mauunawaan ninyo ba ito pagkatapos magbahaginan tungkol dito? (Oo.) Maaaring maunawaan ninyo ito nang kaunti pagkatapos ng pagbabahaginan, subalit kung bigo kayong maunawaan ito kapag nangyaring muli sa inyo ang isang katulad na bagay, hindi iyon isang tunay na pag-unawa sa katotohanan. Hindi mo alam ang tungkol sa mga prinsipyo at pamantayan ng katotohanang iyon; wala kang pagkaarok sa mga iyon. Maaaring may katotohanang sa tingin mo ay naunawaan mo na—subalit sa kung ano ang mga realidad na tinutugunan nito, at kung ano ang mga kalagayan ng taong pinatutungkulan nito, kung naunawaan mo na ang katotohanang iyon, kaya mo bang panindigan ang sarili mong kalagayan laban dito para sa paghahambing? Kung hindi mo kaya, at hindi mo alam kung ano ang iyong tunay na kalagayan, kung gayon pag-unawa ba sa katotohanan ang sa iyo? (Hindi.) Hindi ito pag-unawa sa katotohanan. Pagdating sa isang aspekto ng katotohanan at ng mga prinsipyo, kung alam mo kung aling mga usapin at aling mga kalagayan ang may kinalaman sa katotohanang iyon, at kung aling mga uri ng mga tao o kung alin sa iyong mga sariling kalagayan ang nauugnay sa katotohanang iyon, at nagagamit mo rin ang katotohanang iyon para lutasin ang mga ito, ibig sabihin niyon ay na nauunawaan mo ang katotohanan. Kung pakiramdam mo ay nauunawaan mo ang isang sermon habang naririnig mo ito, subalit kapag hiningi sa iyong makipagbahaginan, ginagaya mo lang ang mga salita na iyong narinig, hindi magawang magsalita tungkol dito at ipaliwanag ito sa konteksto ng mga kalagayan at totoong sitwasyon, ang sa iyo ba ay pag-unawa sa katotohanan? Hindi, hindi iyon ganoon. Kaya, nauunawaan ninyo ba ang katotohanan sa halos lahat ng oras, o hindi? (Hindi.) Bakit hindi? Dahil sa karamihan ng mga katotohanan, lumalayo kayo mula sa pakikinig sa mga ito na doktrina lang ang naunawaan. Ang magagawa ninyo lang ay sumunod dito bilang isang regulasyon; hindi ninyo alam kung paano ito gamitin nang may pag-aangkop. Kapag may nangyayari sa iyo, natitigilan ka; kapag may nangyayari sa iyo, hindi mo magamit ang kaunting doktrinang naunawaan mo sa sitwasyon—wala itong silbi. Iyon ba ay pag-unawa sa katotohanan, o hindi? (Hindi.) Ganoon ang hindi maunawaan ang katotohanan. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, ano kung gayon? Kailangan mong magsumikap pataas, at magtiyagang malaman ito. May ilang bagay na dapat naroroon sa iyong pagkatao: Dapat kang maging tapat at metikuloso sa kung ano ang iyong natututunan at ginagawa. Kung gusto mong hangarin ang katotohanan subalit wala kang konsensiya at katwiran ng mga normal na tao, hindi mo kailanman mauunawaan ang katotohanan, at ang sa iyo ay isang magulong pananalig. Hindi ito nakabatay sa iyong kakayahan; nakabatay lang ito sa kung nagtataglay ka ng ganitong uri ng pagkatao. Kung mayroon ka nito, kahit katamtaman ang iyong kakayahan, mauunawaan mo pa rin ang mga simpleng katotohanan. May kinalaman ito sa katotohanan, kahit papaano. At kung may napakahusay kang kakayahan, maaaring ang mga bagay na nauunawaan mo ay nasa malalalim na antas ng katotohanan, kung saan maaari kang makapasok dito nang mas malalim. May kaugnayan ito sa iyong kakayahan. Subalit kung walang saloobin ng pagiging tapat at metikuloso sa iyong pagkatao, at palagi kang malabo at walang katiyakan, magulo ang isip, palaging nasa isang kalagayan ng kadiliman—madilim, malabo, at pabasta-basta sa lahat ng bagay, palaging magiging mga regulasyon at doktrina ang katotohanan para sa iyo. Hindi mo ito makakamit. Sa pagdinig mo sa Aking sabihin ito, nararamdaman mo na ba ngayon na mahirap ang paghahangad sa katotohanan? May antas ito ng kahirapan, subalit maaari itong maging malaking antas, o maaaring maging maliit ito. Kung mag-iisip at magsisikap ka, liliit ang antas ng kahirapan, at magkakamit ka ng ilang katotohanan; kung talagang hindi ka magsisikap sa katotohanan, kundi sa doktrina at mga panlabas na pagsasagawa lang, hindi mo makakamit ang katotohanan.
Nakita na ba ninyo ang pinakabuod ng isang bagay sa pamamagitan ng Aking sistematikong pagbabahagi tungkol sa mga katotohanang ito? Nagkaroon na ba kayo ng anumang mga realisasyon? Hindi ba’t may mas maraming detalye sa mga bagay sa alinmang aspekto ng katotohanan kaysa sa katawan ng kaalaman ng alinmang kurso sa kolehiyo? (Mayroon.) Napakaraming detalye. Maaarok ng mga tao ang mga bagay na pinag-aaralan sa loob lang ng ilang taon ng pagsisikap, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at direktang karanasan, hangga’t makakabisado at mauunawaan nila ang mga ito. Sa pag-aaral ng isang akademikong asignatura, maaari itong unti-unting mapagdalubhasaan ng isang tao sa pamamagitan lang ng paggugol ng oras at lakas, at paglalaan ng kaunting pag-iisip. Subalit para maunawaan ang katotohanan, hindi sapat na gamitin mo lang ang iyong utak—kailangan mong gamitin ang iyong puso. Kung hindi mo pag-iisipan ang mga salita ng Diyos gamit ang iyong puso o daranasin ang mga ito gamit ang iyong puso, hindi mo mauunawaan ang katotohanan. Ang mga tao lang na may espirituwal na pang-unawa, na tapat, at may kakayahang makaarok ang makaaabot sa katotohanan; ang mga walang espirituwal na pang-unawa, na may mahinang kakayahan, at na walang kakayahang makaarok ay hindi kailanman makaaabot dito. Kayo ba ay mga taong walang pakialam, o kayo ba ay metikuloso? (Kami ay mga taong walang pakialam.) Hindi ba’t mapanganib iyon? Kaya ba ninyong maging metikuloso? (Kaya namin.) Mabuting bagay iyan; gustung-gusto Ko iyang marinig. Huwag ninyo palaging sabihing hindi ninyo kaya—paano ninyo malalaman hangga’t hindi ninyo nasusubukan? Dapat ay kaya ninyo ito. Sa kasalukuyan ninyong determinasyon at saloobin sa inyong paghahangad, may pag-asa na mauunawaan ninyo ang mga pangunahing katotohanan. Makakamit ito. Hangga’t handa ang isang tao na gamitin ang puso nila at magbayad ng halaga, at nagsisikap siya tungo sa katotohanan sa kanyang puso, gagawa ang Banal na Espiritu at peperpektuhin siya. Kung hindi siya magsisikap tungo sa katotohanan sa kanyang puso, hindi gagawa ang Banal na Espiritu. Tandaan: Para maunawaan ng isang tao ang katotohanan, dapat maagap siyang magsikap at magbayad ng halaga, subalit makakamit lang nito ang kalahati ng mga ninanais na resulta, makakamit lang nito ang bahagi kung saan ang mga tao ay dapat na makipagtulungan. Ang isa pang kalahati ay ang mahalagang bahagi ng pag-unawa sa katotohanan, na bigong maabot ng mga tao, at dapat sumandig sa gawain at pagpeperpekto ng Banal na Espiritu para makamit. Hindi ninyo dapat kalimutan na, kahit na sapat na ang sumandig sa pagsisikap pagdating sa pagkakamit ng kaalaman at pagkatuto tungkol sa agham, hindi ganoon gumagana ang pag-unawa sa katotohanan. Walang silbi na sumandig sa isipan lang—dapat gamitin ng isang tao ang kanyang puso, at dapat siyang magbayad ng halaga. Ano ang nakakamit sa pagbabayad ng halaga? Ang gawain ng Banal na Espiritu. Subalit ano ang pundasyon para sa gawain ng Banal na Espiritu? Ang isipan ng isang tao ay dapat sapat na metikuloso; ang kanyang puso ay dapat sapat na tahimik at maayos, at sapat na bukas, bago gumawa ang Diyos. Banayad ang gawain ng Banal na Espiritu, at alam ito ng mga nakatikim na nito. Ang mga taong madalas na nagsisikap tungo sa katotohanan ay kadalasang nakadarama ng pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu, kaya maayos ang landas nila ng pagsasagawa sa pagganap nila ng kanilang tungkulin, at may higit na kalinawan sa kanilang puso. Hindi mararamdaman ng mga taong walang karanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi nila kailanman makikita ang tamang daan. Ang lahat ng bagay ay malabo at hindi tiyak sa kanila; hindi nila alam kung ano ang tamang landas. Ang totoo, hindi mahirap makamit ang pag-unawa sa katotohanan at makita nang malinaw ang landas ng pagsasagawa: Kung nasa puso ng isang tao ang mga kondisyong iyon, gagawa ang Banal na Espiritu. Subalit kung wala sa mga kondisyong iyon ang puso mo, hindi mo makikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ito abstrakto o malabo. Kapag ikaw ay nasa mga kalagayang iyon at ang iyong puso ay nasa mga kondisyong iyon, kung ikaw ay maghahanap, magsisikap, mag-iisip, at magdarasal, gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Subalit kung ikaw ay makakalimutin, palaging ninanais na maghangad ng katayuan at nakikipagtunggali para sa katanyagan at pakinabang, palaging ninanais na manggulo tungkol sa anyo at ilapat ang iyong pagsisikap para dito—kung ikaw ay palaging tumatakas, nagtatago, umiiwas, at tumatanggi sa Diyos, hindi bukas, at may pusong hindi lantad sa Kanya—hindi gagawa ang Banal na Espiritu, hindi ka Niya papansinin, hindi ka man lang Niya sasawayin. Gaano karaming katotohanan ang mauunawaan ng isang tao na hindi pa nakararanas ng pagsaway ng Banal na Espiritu? Minsan, sinasaway ka ng Banal na Espiritu para ipaalam sa iyo ang tamang paraan at maling paraan sa paggawa ng isang bagay. Kapag binigyan ka Niya ng ganoong pakiramdam, ano sa huli ang makakamit mo mula rito? Makakamit mo ang abilidad na makilatis ang tama sa mali, at magiging napakalinaw sa iyo ang bagay na iyon, sa isang sulyap: “Mali ang ganoong paraan—hindi ito naaayon sa mga prinsipyo. Hindi ko dapat gawin iyon.” Sa bagay na iyon, malalaman mo nang malinaw kung ano ang mga prinsipyo, at kung ano ang layunin ng Diyos, at kung ano talaga ang katotohanan, at sa gayon, malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin. Subalit kung hindi gagawa ang Banal na Espiritu, kung hindi ka Niya bibigyan ng gayong disiplina, magpakailanman kang mananatili sa isang kalagayan ng magulong pag-iisip, nang walang kalinawan, pagdating sa gayong mga bagay. Kapag nangyari sa iyo ang mga ito, matitigilan ka; kapag nangyari sa iyo ang mga ito, hindi mo malalaman kung ano ang nangyayari, at sa iyong puso, magiging sobra kang naguguluhan—hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Maaaring hindi mo na makontrol ang iyong pagkabalisa—subalit bakit hindi gagawa ang Banal na Espiritu? Marahil ay hindi tama ang ilang kalagayan sa iyong kalooban, at ikaw ay lumalaban. Ano ang iyong nilalabanan? Kung kumakapit ka sa kung anong maling pananaw o kuru-kuro, hindi gagawa ang Diyos, kundi maghihintay hanggang sa kung kailan mo mapapagtanto na mali ang kuru-kuro o pananaw na iyon. Gumagawa lang ang Banal na Espiritu mula sa pundasyong iyon. Kapag gagawa ang Banal na Espiritu, hindi Siya tumitigil sa pagpapaalam sa iyo, nang sinasadya, kung ano ang tama at mali. Sa halip, hinahayaan ka Niyang malinaw na makita kung ano ang landas, at ang direksiyon, at ang layunin, at kung gaano kalayo ang iyong pang-unawa mula sa katotohanan. Hinahayaan ka Niyang malaman ito nang malinaw. Nagkaroon na ba kayo ng gayong mga pagtatagpo? Kung sampu o dalawampung taon nang nananampalataya sa Diyos ang isang tao nang walang gayong mga partikular na pagtatagpo o karanasan, anong uri siya ng tao? Isang taong walang pakialam. Makapagbibigay lang siya ng ilang madalas-sabihin na doktrina at islogan, at makalulutas lang ng mga problema gamit ang ilan niyang estratehiya at simpleng teknik na iyon. Para dito, nakatakda siyang magkaroon lang ng kaunting pag-usad—hindi niya kailanman mauunawaan ang katotohanan, at ang Banal na Espiritu ay hindi gagawa sa kanya. Sa gayong mga walang pakialam na tao, na ganap na hindi maaabot ang katotohanan, hindi nila ito mauunawaan, kahit pa bigyang-liwanag sila ng Banal na Espiritu. At sa gayon, hindi gagawa sa kanila ang Banal na Espiritu. Bakit hindi? May paborito ba ang Diyos? Wala. Ano ang dahilan, kung gayon? Dahil napakababa ng kanilang kakayahan, at hindi nila ito maaabot. Hindi nila nauunawaan ang katotohanan, kahit pa gumawa ang Banal na Espiritu; kung sasabihin sa kanila na ang isang bagay ay isang prinsipyo, magkakaroon ba sila ng abilidad na maunawaan iyon? Hindi. Kaya, hindi iyon gagawin ng Diyos. Nakatagpo na ba kayo ng ganito? Ang katotohanan ay walang kinikilingan. Habang hinahangad mo ito, habang sinasaliksik mo ito, gagawa ang Banal na Espiritu, at makakamit mo ito. Subalit kung tamad ka at nag-iimbot ng kaginhawahan, at ayaw mong magsikap sa katotohanan, hindi gagawa ang Banal na Espiritu, at hindi mo makakamit ang katotohanan, kahit sino ka man. Nauunawaan mo na ba ngayon? Kasalukuyan mo bang hinahangad ang katotohanan? Ang sinumang naghahangad nito ay nagkakamit nito, at ang mga sa huli ay magkakamit ng katotohanan ay magiging mga kayamanan. Maaaring mainggit sa kanila ang mga hindi ito kayang makamit, nang walang silbi: Kung palalampasin nila ang pagkakataong ito, mawawala ito.
Kailan ang pinakamagandang yugto ng panahon para hangarin ang katotohanan? Sa panahong ito, kung kailan gumagawa ang Diyos sa katawang-tao nakikipag-usap at nakikipagbahaginan sa iyo nang harapan, pinapayuhan ka at tinutulungan ka. Bakit Ko nasabi na ito ang pinakamagandang panahon? Dahil ang gawain at pananalita ng Diyos na nagkatawang-tao ay ganap na nakapagbibigay-kakayahan sa iyo na maunawaan ang mga layunin ng Banal na Espiritu, at nagpapahintulot sa iyong malaman kung paano Siya gumagawa. Nauunawaan ng Diyos na nagkatawang-tao ang mga prinsipyo, huwaran, paraan, at pinagkukunan ng gawain ng Banal na Espiritu sa kabuuan nito, at sinasabi Niya ito sa iyo, para hindi mo na kailanganing ikaw mismo ang mag-apuhap para dito. Gamitin ang shortcut na ito, at makakarating ka rito, kaagad. Kapag humintong magsalita ang Diyos na nagkatawang-tao at natapos na ang Kanyang gawain, kakailanganin mong ikaw mismo ang mag-apuhap para dito. Walang sinuman ang maaaring humalili para sa nagkatawang-taong laman na ito, na maaaring tahasang magsabi sa iyo kung ano ang gagawin, at kung saan pupunta, at kung anong uri ng daan ang tatahakin. Walang sinumang makapagsasabi sa iyo ng mga bagay na iyon; gaano man ka-espirituwal ang isang tao, hindi niya ito magagawa. May mga halimbawa nito. Katulad lang ito sa mga mananampalataya ni Jesus, na nananampalataya na sa loob ng dalawang libong taon: May ilan sa kanila ngayon ang humahakbang paatras para basahin ang Lumang Tipan at sundin ang kautusan; at may ilang nagpapasan ng mga krus, gayon man ay isinasabit ang sampung utos sa kanilang mga silid, at sinusunod ang mga regulasyon at mga kautusan. Ano ang nakamit nila sa huli? Gumagawa ang Banal na Espiritu, pero kung wala ang mga tahasang salita ng Diyos, palaging nag-aapuhap lang ang mga tao. Ano ang ibig sabihin ng kawalan ng mga maliwanag na salita? Ibig sabihin nito na ang inaapuhap at natatamo ng mga tao ay hindi tiyak. Walang sinuman ang makapagbibigay sa iyo ng katiyakan, sinasabing tama para sa iyong gawin ito at mali na gawin iyon. Walang makapagsasabi sa iyo niyan. Kahit na bigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu, at naniniwala kang tama ito, sumasang-ayon ba ang Diyos? Hindi ka rin sigurado, hindi ba? (Hindi.) Ang mga salitang iyon ng Panginoong Jesus, na iniwan Niya dalawang libong taon na ang nakalilipas at naitala sa Bibliya—ngayon, pagkaraan ng dalawang libong taon, ang mga mananampalataya sa Panginoon ay nag-alok ng lahat ng uri ng paliwanag tungkol sa usapin ng Kanyang pagbabalik, at walang nakaaalam kung ano talaga ang tumpak na paliwanag. Kaya, isang malaking pagsubok para sa kanila na tanggapin ang yugtong ito ng gawain. Ano ang ipinapakita nito? Na sa mga hindi maliwanag na salitang ito na hindi maliwanag na ibinigay, ang sampung tao ay may sampung paliwanag, at isang daan, isang daan. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang pangangatwiran at argumento. Aling paliwanag ang tama? Hangga’t hindi nagsasalita o nag-aalok ng kongklusyon ang Diyos, walang sinasabi ng tao ang mahalaga. Gaano man kalaki ang iyong denominasyon, gaano man karami ang mga miyembro nito, may halaga ba ito sa Diyos? (Wala.) Hindi tinitingnan ng Diyos ang iyong puwersa. Kahit na walang isang tao sa mundo ang makatatanggap sa ginagawa ng Diyos, tama ito, at ito ang katotohanan. Ito ay isang walang hanggang, hindi nagbabagong katunayan! Ipinaliliwanag ito ng lahat ng relihiyon at denominasyon sa ganitong paraan at ganyan, at ano ang mangyayari sa huli? May silbi ba ang iyong paliwanag? (Wala.) Pinabubulaanan ito ng Diyos sa isang pangungusap. Gaano mo man ito patuloy na ipinaliliwanag, papansinin ka ba ng Diyos? (Hindi.) Bakit hindi ka papansinin ng Diyos? Nagsimulang gumawa ng bagong gawain ang Diyos, nagpapatuloy nang halos tatlumpung taon na ngayon. Pakikinggan Niya ba ang mga taong iyon, gaano man kayabang silang nagsisisigaw? (Hindi.) Hindi Niya sila papansinin. Sasabihin ng mga tao sa relihiyon: “Kung hindi Mo sila pinakikinggan, maliligtas ba ang mga taong iyon?” Ang katunayan ay na matagal nang nilinaw lahat ang mga salita ng Diyos, at nasusunod ang Kanyang sinasabi. Gaano man kalaki ang puwersa ng relihiyosong mundo, wala itong silbi; gaano man kalaki ang kanilang bilang, hindi iyon nagpapatunay na nasa kanila ang katotohanan. Ginagawa ng Diyos ang nararapat Niyang gawin; kung saan man Siya dapat magsimula, doon Siya nagsisimula; kung sino man ang dapat Niyang piliin, iyon ang pinipili Niya. Naiimpluwensiyahan at napipigilan ba Siya ng relihiyosong mundo? (Hindi.) Hindi kahit kaunti. Ito ay gawain ng Diyos. At gayumpaman, gusto ng tiwaling sangkatauhan na mangatwiran sa Diyos, at nag-aalok sa Kanya ng mga paliwanag buong araw—may anumang silbi ba ito? Kinukuha pa nga nila ang mga salita ng Bibliya para bigyang-kahulugan ayon sa gusto nila—malinaw na inaalis nila ang mga ito sa konteksto, at gusto pa nga nilang kumapit sa mga ito buong buhay nila, naghihintay na tuparin ng Diyos ang mga ito. Nananaginip sila! Kung hindi hahanapin ng isang tao ang katotohanan sa mga salita ng Diyos, at palaging nanaising hilingin sa Diyos na gawin ang bagay na ito at ang bagay na iyon, mayroon pa bang katwiran ang taong iyon? Ano ang sinusubukan niyang gawin? Gusto ba niyang mag-alsa? Gusto ba niyang makipaglaban sa Diyos? Kapag nangyari ang malaking sakuna, magugulat ang lahat; iiyak sila at sisigaw, nang walang silbi. Hindi ba’t ganito ang mangyayari? Ganito nga.
Ngayon ang pinakamagandang yugto ng panahon—ito ang panahon kung kailan inililigtas at ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao. Huwag hintayin na dumating ang araw na nalampasan mo na ang panahong ito, at pagkatapos ay pag-isipan: “Ano ang ibig sabihin ng sinabing iyon ng Diyos? Mas mainam na magtanong sa panahong iyon, ngayon ay hindi na ako makapagtanong. Magdarasal na lang ako kung gayon; gagawa ang Banal na Espiritu, parehong bagay iyon.” Magiging pareho ba ito? (Hindi.) Kung pareho iyon, ang mga taong nananampalataya sa Panginoon sa loob nitong dalawang libong taon ay hindi magiging kung ano sila. Tingnan na lang ang mga salitang isinulat ng mga tinatawag na santo sa unang kalahati ng ikalawang milenyo—gaano kababaw ang mga ito, gaano kaawa-awa! Mayroon na ngayong isang makapal na aklat ng mga himno na inaawit ng mga tao ng lahat ng relihiyon at denominasyon, at ang mga himnong iyon ay nagsasabi lang tungkol sa biyaya at pagpapala ng Diyos—ang dalawang bagay lang na iyon. Kaalaman sa Diyos ba iyon? Hindi, hindi iyon. May kaunting katotohanan ba rito? (Wala.) Alam lang nila na mahal ng Diyos ang mga tao sa mundo. May isang kasabihan na laging nariyan sa mundo, hindi nagbabago: “Ang Diyos ay pag-ibig.” Iyon lang ang pangungusap na alam nila. Buweno, paano minamahal ng Diyos ang mga tao? Inaabandona at itinitiwalag na sila ngayon ng Diyos—pag-ibig pa rin ba Siya? Sa tingin nila, hindi—hindi na. Kaya kinokondena nila Siya. Na hindi hinahangad ng tao ang katotohanan at hindi ito maunawaan ay ang pinakakaawa-awang bagay. May gayong napakagandang pagkakataon sa kasalukuyan. Nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at iligtas ang mga tao nang personal. Nakapanghihinayang, kung hindi mo hinangad ang katotohanan at hindi mo ito nakamit. Kung hinangad mo ito, at ginawa ito nang buong sigla, subalit nabigong maunawaan ito sa huli, magkakaroon ka ng malinis na konsensiya—kahit paano ay hindi mo mabibigo ang iyong sarili. Sinimulan na ba ninyo ang inyong paghahangad? Ang pagtupad ba ng isang tungkulin ay maibibilang na pagsunod sa katotohanan? Maibibilang ito na isang uri ng pakikipagtulungan, subalit pagdating sa pagkakamit ng paghahangad sa katotohanan, sa pagbilang na isang paghahangad sa katotohanan, wala pa ito roon. Ito ay isang anyo lang ng pag-uugali, isang uri ng pagkilos—ito ay pagtataglay ng isang saloobing naghahangad sa katotohanan. Kaya, paano maibibilang ang isang bagay na paghahangad sa katotohanan, kung gayon? Dapat magsimula ka sa pag-unawa sa katotohanan. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at hindi sineseryoso ang anumang bagay, at nagiging pabasta-basta sa iyong tungkulin, at ginagawa ang anumang naisin mo, nang hindi kailanman hinahanap ang katotohanan o binibigyang-pansin ang mga katotohanang prinsipyo, magagawa mo ba kung gayon na maunawaan ang katotohanan? Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan, paano mo ito hahangarin? Hindi ba’t tama iyon? (Ganoon nga.) Anong uri ng mga tao ang mga hindi naghahangad sa katotohanan? Mga hangal sila. Kaya, paano mo hahangarin ang katotohanan, kung gayon? Dapat simulan mo sa pamamagitan ng pag-unawa rito. Mahirap bang unawain ang katotohanan? Hindi, hindi ito mahirap. Magsimula sa mga kapaligiran na nakasasalamuha mo at sa tungkuling ginagampanan mo, at magsagawa at magsanay ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ipinapakita ng paggawa nito na ikaw ay nagsimulang tumahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Una, mula sa mga prinsipyong ito, magsimulang magsaliksik, mag-isip-isip, magdasal, at magkamit ng kaliwanagan nang paunti-unti—ang kaliwanagan na iyong makakamit ay ang katotohanang dapat mong maunawaan. Hanapin mo muna ang katotohanan mula sa pagganap mo sa iyong tungkulin, at hangarin ang pagkilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang lahat ng bagay na ito ay hindi maihihiwalay sa totoong buhay: ang mga tao, pangyayari, at bagay na nakatatagpo mo sa buhay, at ang mga isyu na nasa saklaw ng iyong tungkulin. Magsimula sa mga bagay na iyon, at abutin ang pag-unawa ng mga katotohanang prinsipyo—magkakaroon ka pagkatapos ng buhay pagpasok.
Oktubre 23, 2019
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.