Christian Dance | "Tayo ay Nagtitipon sa Galak Upang Purihin ang Diyos" | Praise Song

Abril 22, 2024

I

Tayo ay nagtitipon sa galak upang purihin ang Diyos, at tayo ay napakasaya.

Purihin ang Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao at pagsisimula ng isang bagong kapanahunan.

Ang Diyos Mismo ang gumagawa at nagsasalita sa gitna ng tao,

hinahatulan Niya ang pagiging hindi matuwid ng tao at isinisiwalat ang ating katiwalian.

Sinusundan natin ang mga yapak ng Diyos

at dumadalo tayo sa piging ng kaharian ng langit.

Harapan, nasasaksihan natin ang pagpapakita ng Diyos,

ang Kanyang disposisyon, maawain, maharlika at matuwid.

Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!

II

Kumakain at umiinom tayo ng mga salita ng Diyos, nananalangin sa Diyos,

at may lakas tayo sa ating mga puso.

Sa pag-unawa sa katotohanan, tayo ay naliliwanagan at nagkakaroon ng landas na susundan.

Napapayapa ang ating puso sa pagsasagawa sa katotohanan at pagpapalugod sa Diyos.

Tayo ay pinagpapala kapag tayo ay nagpapatotoo at nagpupuri sa Diyos.

Sumasailalim tayo sa paghatol ng Diyos at nililinis Niya ang ating katiwalian.

Napakakaibig-ibig ang Kanyang matuwid na disposisyon.

Natikman na natin ang tunay na pagmamahal ng Diyos

at nakamit ang Kanyang dakilang pagliligtas.

Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!

III

Natalo ng Diyos si Satanas at gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay.

Ang malaking pulang dragon ay lubusang ipinahiya at napagtagumpayan.

Ang mga kilos ng Diyos ay ganap na inihayag sa sangkatauhan.

Nakikita natin ang Diyos na napakadunong at makapangyarihan.

Ang biyaya ng pagliligtas ng Diyos ay napakalawak.

Ganap na nakumbinsi, tayo ay yumuyukod sa pagsamba.

Salamat sa paghatol ng Diyos, pagdadalisay para sa ating kaligtasan.

Magpuri at magalak! Matagumpay na nagbalik ang Diyos!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger