Christian Dance | "Ang Kagalakan sa Lupain ng Canaan" | Praise Song

Marso 8, 2024

Sa pagbabalik sa sambahayan ng Diyos,

nadarama ko ang walang kapantay na kagalakan at kasabikan.

Napakapalad ko na makita ang praktikal na Diyos,

naisakatuparan na ang matagal ko nang pinapangarap.

Ginagabayan ng mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao

na pumasok sa Kapanahunan ng Kaharian.

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos,

mayroon akong landas na tatahakin

at nauunawaan ko ang landas na dapat kong tahakin bilang tao.

Ako ay diniligan ng buhay na tubig ng buhay,

ang makaharap ang Diyos ay isang kasiyahan na walang kapantay.

Hindi na ako naghahanap kung saan-saan,

ang aking pangarap tungkol sa kaharian ng langit ay natupad na.

Ang magandang lupain ng Canaan ay ang mundo ng mga salita ng Diyos,

ang mamuhay sa loob ng Kanyang pagmamahal ay isang kasiyahan na walang kapantay.

Ang magandang lupain ng Canaan ay ang mundo ng mga salita ng Diyos,

ang mabuhay sa loob ng Kanyang pagmamahal ay kasiyahan na walang kapantay.

Dumalo ako sa piging ng Kordero,

tinanggap ko ang praktikal na pagsasanay ng kaharian.

Bagamat dumaan ako sa lambak ng mga luha,

ang pagmamahal na natikman ko mula sa Diyos ay totoong-totoo.

Nilinis ng mga paghihirap at pagsubok ang puso ko,

ginagawang mas dalisay ang pagmamahal ko sa Kanya.

Ang pagmamahal ko sa Diyos ay lumalago araw-araw,

ang aking puso ay nagagalak dahil sa pagmamahal na ito.

Ang pagiging mapagkakatiwalaan at matuwid

ng Diyos ay umaakit at bumibighani sa akin.

Ang disposisyon ng Diyos ay labis na kaibig-ibig,

ito ay malalim na nakabaon sa puso ko.

Hindi ko maibig nang sapat ang kagandahan at kabanalan ng Diyos.

Ako ay puno ng mga awit na nagpupuri sa Kanya mula sa kaibuturan ng aking puso.

Hindi ko maibig nang sapat ang kagandahan at kabanalan ng Diyos.

Ako ay puno ng mga awit na nagpupuri sa Kanya mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ang mga bituin ay ngumingiti sa akin mula sa kalangitan,

ang araw ay tumatango sa akin.

Tinatanglawan ng araw ang lahat, binabasa ng hamog ang lahat,

kasama ko ang mga salita ng Diyos para tulungan akong matatag na lumago.

Ang mga salita ng Diyos ay masagana at walang kapantay,

ang ating kapistahan ay talagang napakatamis.

Ang masagana at lubos na pagtustos ng Diyos

ay naghahatid sa atin ng labis na kasaganahan.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay namumuhay sa tabi Niya,

ang buhay sa lupa ay tila langit.

Walang lungkot o mga luha, ito ang ating buhay tungo sa walang hanggan.

Sa lupain ng Canaan, naninirahan ang Diyos kasama ng mga tao,

namumuhay tayo sa harap Niya at hinding-hindi tayo mawawalay sa Kanya.

Sa lupain ng Canaan, naninirahan ang Diyos kasama ng mga tao,

namumuhay tayo sa harap Niya at hinding-hindi tayo mawawalay sa Kanya.

Ang puro at matingkad na liwanag ng buwan ay sumisikat,

ang aking buhay ay napakaganda.

Mahal ko, hindi sapat ang masasabi ko tungkol sa Iyong pagiging kaibig-ibig.

Ang mga salita Mo ay napakatamis,

nagpapasaya sa aking puso at pumupukaw sa aking pagmamahal.

Ang Iyong paghatol ay matuwid at banal,

dinadalisay at nililinis nito ang aking puso.

Ang pagmamahal ko sa Iyo ay matamis,

napapasayaw ako sa galak dahil sa pagmamahal na ito.

Nawa ay makasama Kita sa buhay na ito,

sapagkat minamahal Kita, ang puso ko ay nagagalak buong araw.

Ang lupain ng Canaan ay kaharian ni Cristo,

sasambahin ng mga tao ang Diyos tungo sa walang hanggan.

Ang lupain ng Canaan ay kaharian ni Cristo,

sasambahin ng mga tao ang Diyos tungo sa walang hanggan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger