Christian Dance | "Ang Aming Kagalakan Dahil sa Pagliligtas ng Diyos" | Praise Song

Abril 16, 2024

Kami'y umaawit at sumasayaw!

O, kaming mga nagagalak na tao na may marubdob na puso.

Natatamo ang Iyong pagliligtas, inihahandog namin ang aming puso.

Pinupuri Ka namin nang may malalakas na tinig, sumasayaw kami sa kagalakan para sa Iyo.

Inaayos namin ang aming sarili upang hangarin ang katotohanan.

Hindi na kami negatibo, at ang aming mga puso ay nakatatagpo ng kalayaan.

Binubuksan namin ang aming puso, sumasabay sa indayog.

Kami'y hawak-kamay at bigkis-puso.

Binubuksan namin ang aming puso, sumasabay sa indayog.

Nais naming madama Mo ang aming kagalakan.

Ayaw na naming masaktan pa ang Iyong puso.

Binubuksan namin ang aming puso, umiindak sa pagsayaw ang aming mga braso.

Sino ang pumupukaw sa aming puso? Para kanino kami lumuluha?

Ang Iyong paghatol ay lumilinis sa amin, kami ay napapaluha.

Bukas-bisig na tinatanggap namin ang pag-asa.

Isinasagawa namin ang katotohanan, hinahangad na mahalin ang Diyos,

at mamuhay para sa Diyos;

unti-unting napapawi ang paghihinagpis.

Ang Diyos ay mahabagin, itinatanim Niya ang mga binhi ng pagmamahal.

Kami, na mga alikabok, ay nagiging magandang bunga.

Ang Diyos ay mahabagin, itinatanim Niya ang mga binhi ng pagmamahal.

Ang tiwaling sangkatauhan ay labis na pinapaboran

at nagtatamasa ng napakadakilang pagliligtas.

O, Makapangyarihang Diyos! Lubos Mo kaming iniibig!

Sa buhay na ito, para sa Iyo lamang kami nabubuhay.

Bagama't nagdudulot sa amin ng pasakit ang mga pagsubok,

kapiling namin ang Iyong pagmamahal. Susundan Ka namin hanggang sa dulo.

Isinasagawa namin ang katotohanan, kami ay tapat at mapagpasakop;

ayaw naming mag-alala Ka sa amin.

Sa buhay na ito, para sa Iyo lamang kami nabubuhay.

Iaalay namin ang aming mga sarili sa Iyo hanggang sa aming huling hininga.

Sa buhay na ito, para sa Iyo lamang kami nabubuhay.

Kaygandang mga awitin, kaysayang mga sayaw,

para lamang sa Iyo, para lamang sa Iyo, para lamang sa Iyo, para lamang sa Iyo.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger