Christian Dance | "Pasasalamat at Papuri sa Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

Abril 24, 2024

I

Naririnig namin ang tinig ng Diyos at kami ay iniharap sa trono Niya.

Kinakain, iniinom at tinatamasa namin ang mga salita ng Diyos

at nauunawaan namin ang mga katotohanang nasa mga iyon.

Iwinawaksi namin ang mga gapos ng mga ritwal ng relihiyon,

hindi na kami napipigilan ng mga patakaran.

Kapag namumuhay kami sa mga salita ng Diyos,

ang aming mga puso ay napapalaya at kami ay walang kasingsaya.

Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,

na nagpapahayag ng katotohanan at nagliligtas sa sangkatauhan.

Nilinis ako ng paghatol at pagkastigo ng Diyos;

nakita ko ang pagiging kaibig-ibig Niya.

Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,

na ipinahahayag ang katotohanan at hinahatulan ang sangkatauhan.

Nagagawa nating makaharap ang Diyos

kaya mapapalad tayong makita ang maluwalhating mukha ng Diyos.

II

Mahigpit nating sinusundan ang mga yapak ng Diyos,

at tinatanggap natin ang aktuwal na pagsasanay ng kaharian.

Ang mga salita ng paghahatol ng Diyos

ay gaya ng isang matalas na tabak na may dalawang talim,

at inilalantad ng mga ito ang ating mga kaisipan at ideya.

Ang pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili at panlilinlang,

ang pagkukunwari at pandaraya ay pawang ibinubunyag.

Noon ko lamang nakikita ang katotohanan ukol sa aking katiwalian.

Dahil wala akong mapagkukublihan, ako ay yumuyukod sa harap ng Diyos.

Ako ay nagpapasalamat sa kaligtasan ng Diyos

at naghahandog ng papuri sa Kanyang matuwid na disposisyon.

Nais kong maghimagsik laban sa laman at isagawa ang katotohanan,

para maging isang bagong tao at aluin ang puso ng Diyos.

Pasasalamat at papuri sa Makapangyarihang Diyos,

napakamatuwid ng paghatol ng Diyos.

Nadalisay ang tiwaling disposisyon ko; pinakapinagpala ako.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger