Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Awit ng Tagumpay - Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay? (3/7) | Tagalog Christian Movie Clips

Mga Seleksyon ng Tampok na Pelikula   760  

Panimula

Awit ng Tagumpay - Paano Nagiging Mananagumpay ang mga Mananagumpay? (3/7) | Tagalog Christian Movie Clips

Alam mo ba ang nasa likod ng paglikha ng 144,000 na mananagumpay na iprinopesiya sa Aklat ng Pahayag? Nauunawaan mo ba ang kahalagahan ng pagpapahintulot ng Diyos sa Komunistang Partido ng Tsina upang isagawa ang nagngangalit nitong pang-aapi, pagsugpo, at pag-uusig sa mga taong pinili ng Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pamamagitan ng nagngangalit na pang-aapi at malupit na pag-uusig ng Komunistang Partido ng Tsina na ginagawang kumpleto at perpekto ng Diyos ang mga mananagumpay na ito gamit ang Kanyang salita. Sila rin ang grupo ng mga taong nagdurusa kasama ni Cristo sa Kanyang kaharian.


Rekomendasyon:

Full Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay: Isang Oda sa Mananagumpay" (Tagalog Dubbed)


Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. alagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.


Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.