Christian Dance | "Kahanga-hanga na Dumating Na ang Makapangyarihang Diyos" | Praise Song

Marso 1, 2024

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos!

Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa!

Nagpapahayag Siya ng katotohanan at naghahatol.

Upang iligtas ang tao, personal Siyang gumagawa.

Pangkaraniwan Siya, may lungkot at galak.

Praktikal Siya, tumatawa at nagsasalita.

Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao Niya ay napakalalim,

tinutulutan tayo nitong makita ang praktikal na Diyos.

Ikinararangal nating makita ang Makapangyarihang Diyos,

napapanatag at lumalaya ang espiritu sa pagpupuri sa Kanya.

Sumasaya ang ating puso sa pagsamba sa Makapangyarihang Diyos.

Sa pagkilala sa Kanya, hindi nagiging walang saysay ang ating buhay.

Sa mga huling araw, nagpapakita ang Diyos sa katawang-tao,

Siya mismo ang nagpeperpekto sa mga nagmamahal sa Kanya.

Ang Kanyang mga sinabi ang nagpapastol sa mga tao Niya,

nagkakaloob ng katotohanan at buhay sa tao.

Inihahayag man o hinihikayat ng mga salita ng Diyos ang tao,

iyon ay upang iligtas at dalisayin sila.

Dinaranas natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos

at nakikita ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid.

Nagdurusa ang Diyos para sa tao at inuunawa ang kanilang kahinaan.

Nagkakaloob ang mga salita Niya at naliliwanagan ang mga tao.

Nagbibigay Siya ng pananalig sa tao at nagdudulot ng liwanag sa kanila,

pinupunan Niya ang kakulangan ng tao,

at Siya ang nangunguna sa bawat hakbang sa daraanan.

Nararanasan ng Diyos ang pagdurusa ng tao

at naninindigan sa kanila 'pag sila'y nakastigo na.

Iniisip Niya ang buhay ng tao sa lahat ng oras.

Tanging ang Diyos ang pinakanagmamahal sa sangkatauhan.

Tahimik Niyang tinitiis ang pagtanggi sa Kanya.

Sa pagdaan sa pagsubok kasama Siya ng tao.

Pinagtatagumpayan Niya ang lahat ng hadlang upang manguna sa daan pasulong,

pinupukaw ako ng imahe ng Makapangyarihang Diyos.

Mula pa noong sinaunang panahon, bihira nang makita ang praktikal na Diyos.

Pahalagahan ang magagandang sandali na kasama natin ang Diyos.

Ngayon na ang ating pagkakataon upang malaman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos.

Sana'y makilala natin ang Makapangyarihang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger