Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 472

Oktubre 11, 2020

Pinararanas sa iyo ng Diyos ang lahat ng uri ng unos, pagdurusa, hirap, at maraming kabiguan at dagok, nang sa gayon, sa dakong huli, habang dinaranas mo ang mga bagay na ito, matutuklasan mo na tama ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at maling lahat ang iyong mga paniniwala, kuro-kuro, imahinasyon, karunungan, pilosopikang teorya, pilosopiya, kung ano ang natutuhan mo sa mundo at naituro ng iyong mga magulang. Hindi ka nila maaakay sa tamang landas sa buhay, hindi ka nila maaakay na maunawaan ang katotohanan at humarap sa Diyos, at ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Ito ang ipatatanto sa iyo ng Diyos sa huli. Para sa iyo, kinakailangan ang prosesong ito, at ang dapat mong matamo sa proseso ng pagdanas ng kaligtasan. Ngunit pinalulungkot din nito ang Diyos: Sapagkat suwail ang mga tao, at nagtataglay sila ng mga tiwaling disposisyon, kailangan silang sumailalim sa prosesong ito at magdanas ng mga dagok na ito. Ngunit kung totoong mahal ng isang tao ang katotohanan, kung totoong handa silang mailigtas ng Diyos, kung handa silang tanggapin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagliligtas ng Diyos—halimbawa’y mga pagsubok, pagdisiplina, paghatol at pagkastigo—kung matibay na ang kanilang pasyang magdusa nang gayon, kung handa silang bayaran ang halagang ito, sa katunayan ay hindi nais ng Diyos na magdanas sila ng napakaraming hirap, o hindi Niya nais na magdanas sila ng napakaraming dagok at kabiguan. Ngunit napakasuwail ng mga tao. Ibig nilang tahakin ang liko-likong landas, handa silang danasin ang mga hirap na ito. Sadyang ganyang uri ng bagay ang tao, at walang mapagpipilian ang Diyos kundi ipasa ang mga tao kay Satanas, at ilagay sila sa iba’t ibang kalagayan upang lagi silang mapahinahon, kaya’t nagtatamo sila ng lahat ng uri ng karanasan at natututo ng iba’t ibang aral mula sa mga kalagayang ito, at nakikilala ang diwa ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Pagkatapos, lumilingon sila at natutuklasan nila na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, kinikilala nila na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, na tanging ang Diyos ang realidad ng lahat ng positibong bagay, at Diyos lamang ang Isang totoong nagmamahal sa tao, at walang sinumang mas magaling, o mas mapagmalasakit, sa tao kaysa sa Diyos. Hanggang saan napahihinahon ang mga tao, sa dakong huli? Hanggang sa saklaw na sasabihin mong, “Naranasan ko na ang lahat ng uri ng kalagayan, at walang iisang kalagayan, iisang tao, bagay o layon na makapagpapaunawa sa akin sa katotohanan, na makapagpapatamasa sa akin sa katotohanan, makapaghihikayat sa akin na pumasok sa katotohanang realidad. Masunurin lamang akong magsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, masunuring mananatili sa lugar ng tao, tatalima ayon sa katayuan at tungkulin ng isang nilalang, masunuring tatanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at haharap sa Lumikha nang walang anumang reklamo o anumang pagpipilian, at nang walang sarili kong mga kahilingan o paghahangad.” Kapag narating na nila ang antas na ito, totoong yuyukod na ang mga tao sa harap ng Diyos, at hindi na kailangang lumikha ang Diyos ng iba pang mga kalagayan upang maiparanas sa kanila. Kaya aling landas ang nais ninyong tahakin? Sa kanilang mga pansariling paghahangad, wala isa mang may nais na magdanas ng mga dagok, kabiguan, kagipitan, pagkasiphayo, at mga unos. Ngunit walang ibang paraan. Ang mga bagay na nasa kalooban ng tao—ang kanyang kalikasang diwa, ang kanyang pagkasuwail, ang kanyang mga pag-iisip at pananaw—ay lubhang masalimuot; bawat araw, naghahalo-halo at pumupulupot ang mga ito sa iyong loob, at lumulublob ang mga ito sa loob mo. Bahagya kang pumapasok sa katotohanang realidad, kakaunti ang nauunawaan mong katotohanan, at kulang ka ng lakas upang madaig ang diwa ng iyong tiwaling disposisyon, mga kuro-kuro, at mga imahinasyon. Samakatuwid ay wala kang ibang mapagpipilian kundi tanggapin ang ikalawang pamamaraan: palagiang magdanas ng kabiguan at pagkasiphayo, at palagiang mabuwal, siklot-siklot ng hirap, nakalublob sa putik, hanggang sa sumapit ang araw na sasabihin mong, “Pagod na ako, sawa na ako, ayaw kong mabuhay nang ganito. Ayaw kong maranasan ang mga kabiguang ito, ibig kong humarap sa Lumikha nang may pagsunod. Pakikinggan ko ang mga salita ng Diyos, gagawin ko ang sinasabi Niya. Ito lamang ang tamang landas sa buhay.” Sa araw na ganap mong inaamin ang pagkatalo, saka ka lamang haharap sa Diyos. Nangyari bang nalaman mo ang isang bagay tungkol sa disposisyon ng Diyos mula rito? Ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Anuman ang gawin ng Diyos, ninanais Niya ang pinakamainam para sa tao. Anuman ang kapaligirang itinakda Niya o hinihingi Niyang gawin mo, lagi Niyang nais na makita ang pinakamagandang kalalabasan. Sabihin nang nagdaraan ka sa kung ano at nahaharap ka sa mga dagok at kabiguan. Hindi nais ng Diyos na makita kang nabibigo at pagkatapos ay iniisip mong tapos ka na, na naagaw ka na ni Satanas, kung kailan hindi ka na kailanman muling masasanay sa bagong kalagayan, at nasadlak ka sa kabiguan—hindi nais ng Diyos na makita ang kinalabasang ito. Ano ang nais makita ng Diyos? Maaaring nabigo ka na sa bagay na ito ngunit nagagawa mong hanapin ang katotohanan, makita ang dahilan ng iyong pagkabigo; tinatanggap mo ang katunayan ng kabiguang ito at may nakukuha ka mula rito, may natututuhan kang aral, natatanto mo na maling kumilos sa ganyang paraan, na nasa pagkilos lamang ayon sa mga salita ng Diyos ang tama. Natatanto mong, “Masama ako at may tiwali at napakasamang disposisyon. Suwail ako, may kalayuan ako sa matutuwid na tao na binabanggit ng Diyos, at wala akong pusong may takot sa Diyos.” Natatanto mo ang isang di-pangkaraniwang bagay, isang totoong katunayan ng bagay, at nauunawaan mo ang mga bagay at lumalago ka sa kabila ng dagok at kabiguang ito. Ito ang nais makita ng Diyos. Ano ang ibig sabihin ng “lumago”? Ibig sabihin ay natatamo ka ng Diyos, at nagagawa mong magkamit ng kaligtasan. Ibig sabihin ay nagagawa mong pumasok sa katotohanang realidad, na napalapit ka na nang isang hakbang sa pagtapak sa landas ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Ito ang nais makita ng Diyos. Kumikilos ang Diyos nang may mabuting layunin, at lahat ng kilos Niya ay naglalaman ng Kanyang nakatagong pagmamahal, na madalas na hindi mapahalagahan ng mga tao. Makitid ang isip at hamak ang tao, at kasingsikip ng butas ng karayom ang kanyang puso; kapag hindi siya kinikilala ng Diyos o hindi siya binibiyayaan o pinagpapala, sinisisi niya ang Diyos. Subalit hindi nakikipagtalo ang Diyos sa tao; inilalatag Niya ang mga kapaligirang nagbibigay ng kaalaman sa tao kung paano magtamo ng biyaya at pakinabang, kung ano ang kabuluhan ng biyaya sa tao, at kung ano ang matututuhan ng tao mula rito. Halimbawa ay ibig mong kumain ng isang mabuting bagay na sinasabi ng Diyos na masama sa iyong kalusugan kapag kinain nang labis. Hindi ka nakikinig, bagkus ay iginigiit mong kainin iyon, at hinahayaan ng Diyos na malaya kang pumili. Dahil dito, nagkasakit ka. Matapos maranasan ito nang ilang ulit, saka mo nauunawaan na ang mga salita ng Diyos ang tama, na ang lahat ng sinasabi Niya ay totoo, at dapat kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Ito ang tamang landas. Kaya nga ano ang kinahihinatnan ng mga dagok, kabiguan at kalungkutang ito na pinagdaraanan ng mga tao? Pinahahalagahan mo ang napakaingat na layon ng Diyos, at naniniwala at nakatitiyak ka rin na tama ang mga salita ng Diyos; lumalago ang iyong pananampalataya sa Diyos. May isa pa ring bagay: Sa pamamagitan ng pagdanas sa panahong ito ng kabiguan, natatanto mo ang pagkatotoo at katumpakan ng mga salita ng Diyos, nakikita mo na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at nauunawaan mo ang prinsipyo ng pagsasagawa ng katotohanan. Kaya nga, makabubuti para sa mga tao na magdanas ng kabiguan—bagama’t isang bagay rin ito na masakit, isang bagay na nagpapahinahon sa kanila. Ngunit kung ang gayong pagpapahinahon ay magpapabalik sa iyo sa harap ng Diyos sa dakong huli, tanggapin ang Kanyang mga salita, at tanggapin ang mga ito bilang katotohanan upang ang gayong pagpapahinahon, mga dagok at kabiguan ay hindi naranasan nang walang saysay. Ito ang nais makita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Matukoy ang Kalikasan at Diwa ni Pablo

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger