Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 458

Nobyembre 6, 2020

Gumagawa ang isang tao upang palugurin ang kalooban ng Diyos, upang dalhin ang lahat ng kaayon ng puso ng Diyos sa Kanyang harapan, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawain ng Banal na Espiritu at patnubay ng Diyos sa tao, at sa gayon ay napeperpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, mahalagang ganap ninyong malinawan ang diwa ng gawain. Bilang isang taong kinakasangkapan ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat na gumawa para sa Diyos, ibig sabihin, lahat ay may pagkakataong kasangkapanin ng Banal na Espiritu. Gayunman, may isang punto kayong kailangang matanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawaing itinagubilin ng Diyos, nabigyan na ng pagkakataon ang tao na kasangkapanin ng Diyos, ngunit ang sinasabi at alam ng tao ay hindi ang buong tayog ng tao. Ang tanging magagawa ninyo ay mas alamin ang inyong mga kakulangan habang ginagawa ninyo ang inyong gawain, at tanggapin ang higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, mas mahusay kayong makakapasok sa paggawa ng inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang patnubay na nagmumula sa Diyos bilang sarili nilang pagpasok at bilang isang bagay na likas sa kanilang kalooban, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Ang kaliwanagang ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao ay nagaganap kapag sila ay nasa normal na kalagayan; sa gayong mga pagkakataon, madalas mapagkamalan ng tao ang kaliwanagang natatanggap nila bilang sarili nilang aktwal na tayog, dahil ang paraan na nagbibigay ng liwanag ang Banal na Espiritu ay lubhang normal, at ginagamit Niya kung ano ang likas sa kalooban ng tao. Kapag gumagawa at nagsasalita ang tao, o kapag nagdarasal sila at gumagawa ng kanilang mga espirituwal na debosyon, biglang lumilinaw sa kanila ang isang katotohanan. Gayunman, ang totoo ay nakikita lamang ng tao ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu (natural, ang kaliwanagang ito ay konektado sa pakikipagtulungan ng tao) at hindi kumakatawan sa tunay na tayog ng tao. Pagkaraan ng isang panahon ng karanasan kung saan nakakaharap ng tao ang ilang paghihirap at pagsubok, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng gayong mga pangyayari. Noon lamang matutuklasan ng tao na ang kanyang tayog ay hindi gaanong mataas, at lumalabas lahat ang pagkamakasarili, personal na mga pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao. Pagkaraan lamang ng ilang ulit na mga karanasang katulad nito matatanto ng marami sa mga napukaw sa loob ng kanilang espiritu na ang kanilang naranasan noong araw ay hindi ang sarili nilang indibiduwal na realidad, kundi isang panandaliang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at na natanggap lamang ng tao ang liwanag na ito. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, kadalasa’y sa malinaw at kaibang paraan, nang hindi ipinaliliwanag kung paano nangyari ang mga bagay-bagay o kung saan patungo ang mga ito. Ibig sabihin, sa halip na isama ang mga paghihirap ng tao sa paghahayag na ito, tuwiran Niyang inihahayag ang katotohanan. Kapag naharap ang tao sa mga paghihirap sa proseso ng pagpasok, at pagkatapos ay isinasama niya ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu, nagiging aktwal na karanasan ito ng tao. … Samakatuwid, kasabay ng pagtanggap ninyo sa gawain ng Banal na Espiritu, dapat ninyong higit na pahalagahan ang inyong pagpasok, na nakikita kung ano talaga ang gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, gayundin ang pagsasama ng gawain ng Banal na Espiritu sa inyong pagpasok, upang magawa kayong perpekto ng Banal na Espiritu sa mas marami pang paraan at upang ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay magawa sa inyo. Habang nararanasan ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu, makikilala ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong sarili, at bukod pa riyan, sa gitna ng napakaraming ulit na matitinding pagdurusa, magkakaroon kayo ng normal na relasyon sa Diyos, at ang relasyon ninyo ng Diyos ay mas magkakalapit araw-araw. Pagkaraan ng napakaraming pagkakataon ng pagtatabas at pagpipino, magkakaroon kayo ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Kaya kailangan ninyong matanto na ang pagdurusa, pananakit, at mga kapighatian ay hindi dapat katakutan; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ngunit hindi ng inyong pagpasok. Pagdating ng araw na tapos na ang gawain ng Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagpapagal; bagama’t naranasan ninyo ang gawain ng Diyos, hindi ninyo makikilala ang Banal na Espiritu o hindi pa kayo nagkakaroon ng sarili ninyong pagpasok. Ang kaliwanagang ginagawa ng Banal na Espiritu sa tao ay hindi upang panatilihin ang hilig ng tao, kundi upang magbukas ng landas para sa pagpasok ng tao, gayundin upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula sa puntong ito ay magkaroon ng pagpipitagan at pagsamba sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger