Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 430

Oktubre 30, 2020

Hindi lamang kakayahang magsalita tungkol sa realidad ang kinakailangan ng Diyos sa mga tao; napakadali sana niyan, hindi ba? Kung gayon, bakit binabanggit ng Diyos ang pagpasok sa buhay? Bakit Siya nagsasalita tungkol sa pagbabago? Kung ang kaya lamang ng mga tao ay hungkag na pananalita tungkol sa realidad, magkakamit ba sila ng pagbabago sa kanilang disposisyon? Ang mabubuting kawal ng kaharian ay hindi sinanay na maging isang grupo ng mga tao na kaya lamang magsalita tungkol sa realidad o magyabang; sa halip, sinanay silang isabuhay ang mga salita ng Diyos sa lahat ng oras, manatiling hindi sumusuko anumang mga dagok ang kinakaharap nila, at patuloy na mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos at huwag bumalik sa mundo. Ito ang realidad na sinasabi ng Diyos; ito ang kinakailangan ng Diyos sa tao. Sa gayon, huwag isiping napakadali ng realidad na binabanggit ng Diyos. Ang kaliwanagan lamang mula sa Banal na Espiritu ay hindi kapantay ng pagtataglay ng realidad. Hindi gayon ang tayog ng tao—ito ang biyaya ng Diyos, kung saan walang iniaambag ang tao. Bawat tao ay kailangang tiisin ang mga pagdurusa ni Pedro, at, higit pa rito, taglayin ang kaluwalhatian ni Pedro, na kanilang isinasabuhay matapos nilang matamo ang gawain ng Diyos. Ito lamang ang matatawag na realidad. Huwag isipin na taglay mo ang realidad dahil lamang sa kaya mong magsalita tungkol dito; maling akala iyan. Ang gayong mga saloobin ay hindi naaayon sa kalooban ng Diyos at walang tunay na kabuluhan. Huwag mong sabihin ang gayong mga bagay sa hinaharap—pawiin ang gayong mga kasabihan! Lahat ng may maling pagkaunawa sa mga salita ng Diyos ay mga walang pananampalataya. Wala silang anumang tunay na kaalaman, lalo nang walang anumang totoong tayog; sila ay mga mangmang na walang realidad. Sa madaling salita, lahat ng nabubuhay sa labas ng diwa ng mga salita ng Diyos ay mga walang pananampalataya. Yaong mga itinuturing ng mga tao na walang pananampalataya ay mga hayop sa mga mata ng Diyos, at yaong mga itinuturing ng Diyos na mga walang pananampalataya ay mga taong walang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Kung gayon ay masasabi na yaong mga hindi nagtataglay ng realidad ng mga salita ng Diyos at bigong isabuhay ang Kanyang mga salita ay mga walang pananampalataya. Ang layunin ng Diyos ay ipasabuhay sa lahat ang realidad ng Kanyang mga salita—hindi lamang basta mapagsalita ang lahat tungkol sa realidad, kundi, higit pa riyan, bigyang kakayahan ang lahat na isabuhay ang realidad ng Kanyang mga salita. Ang realidad na nahihiwatigan ng tao ay napakababaw; wala itong halaga at ni hindi nito matutupad ang kalooban ng Diyos. Napakaaba nito at ni hindi nararapat banggitin. Kulang na kulang ito at napakalayo sa mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos. Bawat isa sa inyo ay isasailalim sa isang matinding pagsisiyasat upang makita kung sino sa inyo ang nakaaalam lamang kung paano magsalita tungkol sa inyong pagkaunawa nang hindi nagagawang ituro ang landas, gayundin upang matuklasan kung sino sa inyo ang mga walang-silbing basura. Tandaan ito mula ngayon! Huwag magsalita tungkol sa hungkag na kaalaman; magsalita lamang tungkol sa landas ng pagsasagawa at tungkol sa realidad. Ang paglipat mula sa tunay na kaalaman tungo sa tunay na pagsasagawa, at pagkatapos ay paglipat mula sa pagsasagawa tungo sa tunay na pagsasabuhay. Huwag pangaralan ang iba, at huwag magsalita tungkol sa tunay na kaalaman. Kung ang iyong pagkaunawa ay isang landas, malaya kayong magsalita tungkol doon; kung hindi, mangyaring itikom mo ang bibig mo at tumigil ka sa pagsasalita! Walang silbi ang sinasabi mo. Binabanggit mo ang pag-unawa upang linlangin ang Diyos at inggitin ang iba. Hindi ba iyon ang ambisyon mo? Hindi ba sadya mong pinaglalaruan ang iba? Mayroon bang anumang halaga ito? Kung nagsasalita ka tungkol sa pag-unawa pagkatapos mo iyong maranasan, hindi nila iisipin na nagyayabang ka. Kung hindi, isa kang taong nagbubuga ng mga salita ng pagyayabang. Maraming bagay sa iyong totoong karanasan na hindi mo madaig, at hindi ka maaaring maghimagsik laban sa sarili mong laman; palagi mong ginagawa ang gusto mo, hindi mo pinalulugod kailanman ang kalooban ng Diyos—subalit malakas pa rin ang loob mong magsalita tungkol sa teoretikal na pag-unawa. Wala kang kahihiyan! Ang tapang mo pa ring magsalita tungkol sa iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Wala kang pakundangan! Ang pagdidiskurso at pagyayabang ay naging likas na sa iyo, at nakasanayan mo nang gawin iyon. Tuwing nanaisin mong magsalita, ginagawa mo iyon nang madali, ngunit pagdating sa pagsasagawa, ang dami mong sinasabi. Hindi ba ito isang paraan ng panloloko sa iba? Maaari mong malinlang ang mga tao, ngunit hindi malilinlang ang Diyos. Ang mga tao ay walang kamalayan at walang pagkahiwatig, ngunit seryoso ang Diyos tungkol sa gayong mga bagay, at hindi ka Niya palalampasin. Maaaring mamagitan ang iyong mga kapatid para sa iyo, pupurihin nila ang iyong pagkaunawa at hahangaan ka, ngunit kung wala kang realidad, hindi ka palalampasin ng Banal na Espiritu. Marahil ay hindi ka hahanapan ng mali ng praktikal na Diyos, ngunit hindi ka papansinin ng Espiritu ng Diyos, at sapat ang hirap niyon para pasanin mo. Naniniwala ka ba rito? Magsalita ka pa tungkol sa realidad ng pagsasagawa; nalimutan mo na ba? Magsalita ka pa tungkol sa praktikal na mga landas; nalimutan mo na ba? “Huwag gaanong magsalita tungkol sa matatayog na teorya at walang-halaga at pinalaking usapan; ang pinakamabuting gawin ay magsimulang magsagawa mula ngayon.” Nalimutan mo na ba ang mga salitang ito? Ni hindi mo man lamang ba nauunawaan? Wala ka bang pag-unawa tungkol sa kalooban ng Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan ang Pagtataglay ng Realidad

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger