Christian Dance | "Sumayaw sa Paligid ng Trono" | Praise Song

Marso 1, 2024

Nagpakita na ngayon si Cristo ng mga huling araw,

dumating na ang kaharian ng langit sa lupa.

Ang Diyos na naging tao ay nagpahayag ng katotohanan

at binuksan na Niya ang balumbon,

ito ang Salita na nagpapakita sa katawang-tao.

May gayong awtoridad ang mga salita ng Diyos,

nilulupig ng mga ito ang lahat ng bayan, tao,

inihahayag ang Kanyang kamaharlikahan.

Purihin Siya, lahat ng papuri sa Kanya, lahat ay sumasayaw sa galak!

At sumasayaw tayo sa paligid ng Kanyang trono.

Narinig natin ang tinig ng Diyos at naitaas na tayo sa harap ng Kanyang trono,

upang dumalo sa piging ng Cordero.

At makatatamasa tayo ng Kanyang mga salita araw-araw,

ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos ay kagalakan mismo.

Nakatakas na tayo sa kadiliman at nakamit ang kalayaan,

kaya mas sumasayaw tayo, mas nagagalak tayo.

Tayo'y lumalapit sa harap ng Diyos at tinatanggap ang pagsasanay ng kaharian.

Sa pamamagitan ng paghatol at pagpipino ng mga salita ng Diyos,

ang ating mga disposisyon ay nagbabagong-anyo.

Nakakamit natin ang pagliligtas ng Diyos

at nasisiyahan tayo sa pag-ibig Niya, ito ang biyaya ng Diyos.

Purihin Siya, lahat ng papuri sa Kanya, lahat ay sumasayaw sa galak!

At sumasayaw tayo sa paligid ng Kanyang trono.

Magdiwang ang langit at lupa,

ngumingiti ang buwan, sumasayaw ang mga bituin,

at humuhuni ang lahat ng ibon sa mga puno.

Ipinapamuhay natin ang isang bagong buhay,

walang hanggan ang ating pasasalamat.

Ginagampanan natin nang tapat ang lahat ng ating tungkulin,

naghahangad ng katotohanan at nagpapatotoo sa Diyos.

Nagpakita na ang kaharian ng pagkamatuwid,

naghahari ang mga salita ng Diyos sa mundo.

Dumanas na tayo ng pang-aapi, ng mga kapighatian,

buong puso tayong namumuhi sa malaking pulang dragon.

Determinado tayong sumunod kay Cristo magpakailanman.

Nalupig na ng mga salita ng Diyos ang buong mundo,

ang lahat ng bansa ay sumasamba sa Makapangyarihang Diyos.

Inaawit natin ang mga papuri sa Kanya!

Purihin Siya, lahat ng papuri sa Kanya, lahat ay sumasayaw sa galak!

At sumasayaw tayo sa paligid ng Kanyang trono.

Nakagawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,

ang dakilang gawain ng Diyos ay ganap nang matagumpay.

Ganap na Niyang napahiya ang diyablong si Satanas!

Nagawa na ang kalooban ng Diyos dito sa lupa gaya ng sa langit.

Ang lahat ng tao ng Diyos ay nagpapatotoo sa Kanya.

Ngayon, ang Kanyang kaharian ay lubos nang naganap sa lupa!

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger