from Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

published on

Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang Himno ng Salita ng Diyos Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong I Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; bagamat di nagbabago ang layunin, paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago, at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya. Habang mas maraming gawain ang Diyos mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala, mas nababago ang disposisyon ng tao kasama na ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. II Di pananatilihin ng Diyos parehong gawain; lagi itong nagbabago, laging bago. Pareho ito sa mga bagong salita ng Diyos at laging paggawa ng bagong gawain sa'yo. Ito ang gawaing ginagawa ng Diyos; ang susi'y nasa "nakakamangha," "nakakamangha" at "bago." "Di nagbabago ang Diyos, Siya'y laging Diyos." Ito'y kasabihang tunay at totoo. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. III Ngunit habang nagbabago gawain ng Diyos, para sa di alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kakat'wang tao na katotohana'y di alam, hahantong silang kalaban ng Diyos. Kakanyahan ng Diyos kailanma'y di magbabago; Ang Diyos ay laging Diyos at kailanma'y di Satanas. Ngunit di nangangahulugang gawain Niya'y di nagbabago, at patuloy ito tulad ng Kanyang kakanyahan. Sinasabi mong Diyos kailanma'y di nagbabago, ngunit pa'no mo ipapaliwanag ang "kailanma'y di luma, laging bago, laging bago"? Gawain ng Diyos ay patuloy sa paglawak at pagbago, Ipinapakita Kanyang kalooban at ipinapaalam rin sa tao. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma'y gawain Niya'y di luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang tao

Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

  • Caricamento...
Ibahagi Facebook
Ibahagi Twitter
Ibahagi Google+
Ibahagi Pinterest
Ibahagi Reddit